Binilang ko ang mga sakong nakakarga sa truck bago isinulat sa dala kong notebook ang eksaktong numero ng mga kaing na ang laman ay mangga. Ang iba nito ay dadalhin sa ibang bayan. “Okay na po kuya,” sabi ko sa driver. Kinatok ko ang gilid ng truck, senyales na pwede na siyang bumyahe. “Hindi po ba sasama si sir Louie, ma’am?” “Ay hindi po. Kailangan po kasi siya ngayon sa koprahan kaya ang bilin niya ay si mang Rodel na lang muna daw ang sasama sa byahe. Sandali lang po at tatawagin ko,” paalam ko sa kanya. “Mang Rodel!” tinuro ko ang truck at agad naman itong lumapit sa amin. Katiwala ni papa si mang Rodel. Tuwing kailangan i-byahe ng mga produkto ay siya ang sumasama kung hindi pwede si papa. Bukod kasi kay papa ay saulo na niya ang mga dapat gawin at kung saan ibinabagsak ang mga

