“Kez, bumangon ka na riyan!” Halos ibato na ni Reign ang lahat ng unan sa nakahiga pang kaibigan namin sa kama. “Ano ba, Reign? Inaantok pa ako,” hirit naman nito. Alas-sais pa lang ng umaga pero kaming dalawa ni Reign ay gising na. Paano ba naman, halos sakupin na ni Keziah ang buong kama. Kulang na lang ay sa sahig kami matulog at sosolohin ni Kez ang queen size bed na ito. Wala na kaming magawa kung ‘di bumangon na kaysa naman mahulog pa kami sa sahig. Narinig na rin namin ang pag-uusap ng mga kaibigan ni Franco sa labas, gising na rin sila. Mukhang excited yata sa mga activities na p’wedeng gawin. “Gaga ka, kapag ikaw hindi pa bumangon within 5 minutes, hindi ka na namin isasama mag-banana boat mamaya,” matapang na ani ni Reign. Wala pang isang minuto, bumangon

