“Sure ka talaga na sasama ka sa CEA ball at magiging partner pa ni Franco?” walang tigil sa pangungulit si Kez habang abala ako sa pamimili ng mga dresses. Inisa-isa ko ang mga dress na natitipuhan ko na nasa wooden clothing rack. Nasa likod ko naman sina Kez at Reign at nagbibigay ng opinion nila sa bawat dress na ipinapakita ko sa kanila. Maaga ang uwian namin dahil sa preparation ng College of Engineering and Archictecture department ball mamayang gabi. Gagamitin kasi ang espasiyo na nasa quadrangle at ang buong gym kaya lahat ng department ay inagahan ang dismissal dahil mas madaling makakapaghanda ang mga officers ng CEA kapag wala nang estudiyante ang pagala-gala sa buong University. Nagsisidatingan na rin kasi kanina ang mga organizer na hinire ng CEA department na kasamang mag-

