Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Kanina pa ako palingon-lingon sa lamesa nilang dalawa. Ang saya nila habang kumakain ng lunch samantalang ako, hindi ko pa nagagalaw ang pagkaing nasa harapan ko. Nawalan na ako ng gana dahil sa nakikita ko ngayon. Panay ang ngiti ni Caleb habang kausap ang babaeng ngayon ko lang nakita. “Bri, hindi mga mata ang binubusog. Tiyan ang dapat binubusog ngayong lunch break. Kumain ka na nga kaysa ubusin mo ang oras kakatingin kay Caleb at sa babaeng kausap niya ngayon,” ani ni Reign sa kalagitnaan ng pag-kain niya. Matapos kong malaman ang pangalan ng babaeng kasama ni Caleb, hindi ko na maiwasang makaramdam ng insecurity. Idagdag pa ang physical appearance nito na almost perfect, kakainin na talaga ako ng insecurity ko. Isa pang iniisip ko ngayo

