“Have you heard the news?” Pagkapasok ko pa lang sa classroom namin, ang kumpulan na ng mga kaklase ko ang bumungad sa akin. “Si Franco pala ‘yong isa sa dalawa na sinasabing transferee tapos si Trisha raw ‘yong isa. I don’t know what’s their connection pero magkakilala raw sila at sabay pa silang umuwi galing States.” Tahimik akong naglakad papunta sa upuan ko. Hindi nila napansin ang pagdaan ko sa gilid nila dahil abala pa rin sila sa pagkukuwentuhan. Hindi ko rin naman gusto na malaman nilang nakapasok na ako dahil malamang, sa akin na mapupunta ang atensiyon nilang lahat at wala na naman silang tigil sa pagtatanong. “Pero nakita ko ‘yong babae kahapon sa cafeteria kasama si Caleb. Pinag-uusapan nga sila kahapon dahil ang ganda talaga nu’ng Trisha! Ang puti at ang kinis-kinis pa

