Sixth Glitch

1688 Words
C A N D A R Y Pakiramdam ko ay lalo akong napagod sa linggong 'to dahil sa dami ng quizzes. Dagdag pa 'tong sa amin ni Vaughn. Si Teffy nga nahimatay pa kaya nadala sa clinic no'n. Nanghinayang tuloy ako at 'di ko siya mababantayan parati. Hindi naman kami magkaklase sa dalawang subjects. Ubusan ng slots, kung saan ko kaklase sina Vil at Vaughn. Hindi ko na muna inabalang i-chat sa Vaughn dahil alam kong mas mainam pag-usapan o ikwento lahat ng sinabi ng mga sarili namin sa personal. Kaya't 'eto ako ngayon, mag-aalas nuebe palang ay nagpaalam na kay mama. Na-guilty tuloy ako bahagya dahil hindi ako nakatulong sa pagmamasa ng tinapay. Ayos lang naman kay mama dahil related daw ito sa eskwela. Kahit ang totoo niyan, may aalamin muna kami ni Vaughn bago pumunta kila Vil. Ako na rin ang nag-prisintang mamili ng materials para sa activity. Siyempre, sasamahan naman ako ni Vaughn. Una, magkagrupo kami. Pangalawa at pangatlo, doon naman ang punta namin sa bahay nila Vil. Hindi nga lang alam ni Vil na magkasama na kami agad ni Vaughn. Sumakay na ako sa jeep at nag-DM kay Vaughn na papunta na ako roon sa City libary. Bakit nga ba hindi ko pa kinuha ang number niya? O hiningi kay Vil. Kung sabagay, minsan ang hirap niyang timplahin. Tahimik ba siya, o mabait na masungit? Mabuti at mabilis akong nakarating doon dahil 'di naman masyadong traffic. Maiinit din kaya simpleng plain na gray shirt at pantalon lang ang suot ko. Dala ko rin ang school bag ko. Para mas maniwala si mama. Kahit 'di naman ako nagsisinungaling. Ang paalam ko kasi maghapon. Bumungad sa akin ang naglalakihang bookshelves. Halatang may kalumaan na ang mga 'yon pero malinis dahil sa pagkakabarnis nito. Bilang lang sa mga daliri ko ang pagkakataong napadpad ako rito. Noong minsang samahan at tulungan namin ang kuya ni Teffy para maghanap ng local RRL para sa thesis nito. Akala ko nga walang interesadong estudyante dito. Marami-rami rin pala. Sabagay, sa dami ba naman ng mga libro rito. Mas marami pa nga kaysa sa university namin eh. Kaya siguro dito napili ni Vaughn. Pagka-log in ko sa visitor's book, napansin ko agad si Vaughn na nakaupo sa dulong bahagi ng library, katabi ng bintana. Nakasuot ng pulang long sleeves at pantalon na itim. Kumaway ako pero hindi niya pinansin. Ang hirap niya talagang basahin no? Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya, at umupo sa katapat na upuan. "You're seven minutes late." Masungit niyang bungad. Wow. Ang gandang pambungad. Pati 'yon kwentado niya. "Sorry. Ayaw mo talagang naghihintay no?" Tumawa akong bahagya para pagaanin ang paligid. "I hate waiting. Kumusta? 'Di ba nagpakita sa 'yo?" Pinapaputok niya ngayon ang mga buto sa daliri niya. Lumilikha ng nakakaadik na tunog. Agad ko namang nakuha ang tanong niya. "Ah, hindi. Pero kahapon may nangyaring kakaiba." Bigla kong naalala 'yong kahapon. Ang creepy! "Ano?" Mas inilapit niya ang sarili gamit ang upuan. Inaabangan ang pagkukwento ko. "Umaga kahapon, noong naliligo ako." Pagsasaysay ko. Tumaas ang kilay niya. Bigla tuloy akong nailang sa iku-kwento ko. Pero dapat niyang malaman. "Bali, nakaugalian ko na kasing maligo ng nagpapatugtog. At iisang kanta lang ang ginagamit ko. Eight minutes ang haba ng kanta. Kung alam mo 'yong kanta ni Geiko? Sol at Luna." Umiling-iling siya. "Kada maliligo ako, hindi naka-shuffle ang playlist ko, kaya ayong kantang Sol at Luna lang ang tutugtog." "Then?" Nag-stretching siya ny braso. Boring ba ako kausap? Nakakainis bakit ba 'di ako marunong mag-short cut ng kwento! "Um, kapag tatlong beses na tumugtog 'yon, hihinto na ako sa paliligo." Nagpatuloy ako kahit mukha siyang inaantok. O bagsakang talaga ang mga mata niya? Nakatitig na pala ako sa matangks niyang ilong maninipis na labi. "And so?" Ayan tuloy tumuktok siya sa lamesa para bumalik ako sa wisyo ko. " Ah, eh Naligo ako ng 6:33 AM. Pagkatapos kong magtapis, nang tignan ko ang cellphone ko, 6:38 AM palang. Creepy." Hindi ko alam kung na-gets niya ba ang mga sinasabi ko. "Tapos?" Mukhang hindi nga. "Kung ika-calculate mo, sige sabihin na nating eight minutes pataas 'yong song. Tapos tatlong beses nag-play, ibig sabihin 24 minutes ako o mahigit naligo! Pero pagtingin ko sa cellphone ko, three minutes lang ang nadagdag!" Aminado akong hindi ako kagalingan sa Math. Kaya nga Food and Beverages kinuha kong strand noong Senior High. Pero basic Math 'to kaya alam kong tama ako. Hinimas niya ang baba niya. "Oy 'di sira 'yong cellphone ko ah." Pinaningkitan niya pa ako ng mata at tumango-tango. "Right, I got it. It's the dateline paradox." Taimtim niyang sambit na para bang may inaalala. "De-dateline paradox?" Kuryosong tanong ko naman. Halata tuloy na hindi ako nagbasa tungkol sa nangyayari. Busy lang talaga ako Vaughn. "Yup. I'm not sure but I think it's somehow similar. Halimbawa, sumakay ka sa eroplano, at ang byahe sa destinasyon mo ay sampung oras. Umalis ka sa Pilipinas ng 9:00 AM, tapos nakarating ka roon ng 11:00 AM." A-ano raw? "Nabasa ko lang. Have you familiar with Albert Einstein's Theory of Relativity?" Grabe tunog matalino talaga siya. May accent pang hawig sa British. Ayon mana pa medyo familiar ako. "Time is just an illusion." Bulong ko at tumango-tango. Dahil baka mamaya mali ang sagot ko. "Ugh. Pero it's still impossible. Even scientist said that it's fatal to time travel. Tapos ano? Ganito ang sitwasyon ng misteryong 'to? How come that the two idiots became me and you?" Mukhang pigang-piga na siya sa kaiisip. "Nga pala, ano bang sinabi sa 'yo nung future na ako? Anong itsura ko? Nag-glow up ba?" Sinamaan niya akong tingin. Dapat ba hindi ko tanungin 'yong glow up? "She said, she's two years advanced than us." Kung two years, nag-O-OJT na kami no'n! 4th year college. Idinetalye niya 'yong encounter niya sa isang Candary. Gano'n din naman ang ginawa ko. Para naman magkaroon pa kami ng ideya kung ano ang dapat baguhin sa hinaharap. Pero malabo pa rin. Walang kasiguraduhan. Ang una naming dapat gawin ay kung papaano makikita ang dalawang ungas na 'yon. Kailangan naming gumawa ng paraan. Sana posible 'yon sa mga librong babasahin namin. Nandito na kami ngayon sa pagitan ng Science textbooks bookshelves. Nabahing pa nga ako sa kapal ng alikabok. Uunpisahan na namin ang pagbabasa. Agad naming inilapag ang mga nakuhang libro. 'Yong iba manipis, may sakto rin naman ang kapal. 'Trough the Wormhole' , 'Cosmic Theories', 'Beyond Vortex', 'All About Tesseracts'. Ilan lamang 'yan sa mga librong may wirdong title ang kinuha namin. Kumuha rin si Vaughn sa hanay ng mga Science Fiction novels sa pagbabakasakali. Kahit 'di naman namin mababasa ang lahat sa maikling oras na mayroon kami. "Approaching the speed of light, a person inside a spaceship, would age much slower than his twin at home." Mahinang bigkas ko sa binabasa. Ayon ito kay Einstein at ang sabi pa, gravity can bend time. Ano ba 'yan! Parang mas gusto ko na ulit maniwala sa Diyos kaysa rito. Ang hirap intindihin! "Ito lang ang alam kong sa lahat ng imposible ay pwede pa ring maging posible." Bulong naman ni Vaughn habang nakasabunot sa sarili. "General relativity provides scenarios that could allow travelers to go back in time. Ang sabi ng NASA. 'Yon nga lang, there's an equation but backbreaking to physically achieve." Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. Kumuha naman ako ng iba pang libro. Nagkanya-kanya kaming sa pagbabasa. Hindi na namamalayan ang oras. Magsasalita lang kung may interesanteng article ang mahahagip ng mga mata namin, para i-share ito sa isa't-isa May nabasa ako roon na tungkol kay Gil Perez. Miyembro ng dating guardiya sibil noong panahon ng mga kastila. Sa pagod daw sa pagbabantay, nang sumandal siya sa pader, nagising na lang siya na nasa ibang lugar na. "When he asked the bystander-" "Oh? Si Gil Perez? I doubt makakakuha ka ng information diyan. It's parapsychology. Extra Sensory Perception. Teleportation. What we need is Physics." Mabilis na sabi ni Vaughn kaya naputol ako sa pagbabasa. Sige na. Mali ko na binasa ko pa ang librong 'to. So sobrang uhaw ko, kinuha ko muna 'yong tumbler sa bag ko. Lagi naman akong pinagbabaunan ni mama ng tubig. Habang umuinom, may naalala ako kaya napatigil ako. Agad ko namang tinakpan ang tumbler at iginala sa bag ko. "Ba-blackhole! Tama! Vaughn, sabi mo, I mean ng future ikaw kung alam ko raw ba ang blackhole!" Parang lumiwanag ang mga mata niya at dali-daling nagbuklat ng panibagong libro. "From Stephen Hawking, around and around, they'd go experiencing just half the time of everyone far away from the blackhole. The ship and its crew will be travelling through time." Bakit ang lambing niya magbasa kapag English? Hinila ko ang isang upuan sa katabing table at tinabihan si Vaughn para basahin din iyon. Baka ito na nag hinahanap namin! Ako na ang nagpatuloy magbasa. "Imagine they circled the black hole, for five of their years. Ten years would past elsewhere. When they got home, everyone on Earth, would have aged five years more than they had." Pero ang sabi rito, kailangang pang mag-travel ng space crew sa speed of light para raw gumana ito. Kainis! Akala ko itong black hole na ang sagot! Ang imposible din! Hindi naman kami papansinin ng NASA! Baka nga pagtawanan pa kami ng karamihan. Nanggu-good time nga 'ata si future Vaughn. "Oh crap." Isinara ni Vaughn ang libro nang mariin. "Bakit?" Napasapo ako sa ulo. "Let's stop this." Walang emosyon niyang suhestyon. Seryoso siya? Siya pa nag-aya rito. "We will never find the answer here. These are works of greatest physicist but there's something off. Wala ka namang nabasang kagaya sa sitwasiyon natin right? Maliban sa dateline paradox na nabasa ko." Kaya nga. Sobrang nakapagtataka. Ah! Mababaliw na yata ako. Kung galing nga sila sa hinaharap? Papaanong? Eh nandito kami ni Vaughn? Kahit yata magbasa kami magdamag ay wala kaming makukuhang sagot. "It's almost 12:00 PM. Ang sabi natin kay Vil after lunch tayo pupunta." Gusto ko nang kumain kaya ko nasabi 'yan. Nakakapagod mag-isip. "Right. Let's eat first. Tutal I can see that we can only get the answers by meeting them." Iniligpit na namin ang mga kinuha naming libro, maingat at maayos itong ibinalik sa dating mga lalagyan. Pero paano ulit namin sila makikita? Hindi kami pwedeng tumigil lalo na at may dapat baguhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD