C A N D A R Y
"Grandfather paradox." Mahinang basa ni Vaughn.
Nandito na kami ngayon sa isang fast food chain ngunit hindi pa rin tumitigil si Vaughn kaka-search. Siya pa ang nagsabi kanina na tumigil na kami. Palibhasa ay may free WiFi dito ngayon.
Parehas kaming chicken fillet at fries ang inorder. Halos wala pang bawas 'yung kanya kaka-scroll sa iba't-ibang search engine.
"A classical example of the grandfather paradox, in which a time traveler goes back and kills his parents or his grandfathe-" Natigil siya sa pagbabasa nang kinuha ko ang cellphone niya at inilagay sa loob ng bag ko. Ayaw na ayaw namin ni mama ang nagce-cellphone sa tuwing nasa harap ng hapag.
"Hey! That's my phone." Singhal niya na para bang bata.
"Kumain ka muna." Sinamaan ko siya ng tingin.
"You're not my girlfriend." Umismid na parang babae.
Aba.
"Bakit? Kailangan ba girlfriend mo ako para sawayin ka? Masamang paghintayin ang pagkain. Hindi ka ba natatawa? Kung papatayin niya ang magulang niya paano? Ang off no'n. Tapos buhay siya sa future." Pakiramdam ko ay nanay ako na nagsesermon dito.
Napailing na lang siya. Ganoon din ako.
Bilisan na lang namin ang pagkain, nakakahiyang paghintayin ang kagrupo.
Hindi pa naman nagte-text si Vil.
Dumiretso muna kami sa Pilar's para mamili ng gagamitin sa activities. Namili kami ng lobo, medida, ruler, marker. 'Wag na raw naming i-print ang activity sheets, text ni Vil kagabi. May printer naman daw sa kanila.
Hindi naman mabigat ang pinamili kaya nilagay ko na rin sa bag ko 'yon. Ibinalik ko na rin ang cellphone ni Vaughn.
Nang makalabas kami sa Pilar's, naramdaman kong may humigit sa braso ko mula sa likuran.
"Hija!"
Pareho kaming napatingin ni Vaughn sa matandang nakakapit sa braso ko.
"Po?" Tanong ko at nginitian ang matandang babae.
Kulubot na masyado ang mga balat niya. Nakasuot ng paldang mahaba, long sleeves na luma. May suot din itong turban. Noong una akala ko namamalimos. Napansin ko ang batang nasa likod niya. Nakangiti ito.
"Nagmamadali ka ba?" Nginitian ako ng matanda. Mukha naman siyang mabait. Sumulyap siya kay Vaughn.
"Ah eh hindi naman po la." Grabe buong buhay ko yata nakangiti ako.
"Kasama mo pala nobyo mo. Halika saglit hulaan kita. Kahit magkano lang . Pambaon lang ng apo ko." Hinigit niya ako sa gilid ng Pilar's at doon nakapwesto ang isang maliit na lamesa.
"Hindi ko ho siya nobya." Nagsalita naman bigla si Vaughn. Mukha siyang iritado ngayon.
Natawa ang matanda at naupo sa kinaroroonan ng lamisita.
"Alam ko hijo. Pero kayo rin naman sa huli." Nakita ko ang hiya sa mukha ni Vaughn kaya tumawa akong patago.
Tinanggal ng ale ang nakatakip na tela sa lamisita at bumungad ang tarot cards at katamtamang laki ng bolang kristal.
Uso pa pala 'to?
Nanatili lang akong nakatayo roon. At tinitigan ng matanda. Akala ko nga pauupuin niya ako at hihingin ang palad ko gaya sa mga napapanood ko pero hindi.
Matapos niya akong tignan sa mga mata, pumikit siya na parang may dinarama at sinasayaw sa hangin ang mga kamay sa ibabaw ng bolang kristal.
Wala namang emosyon ang kasama ko. 'Yong bata naman, nanonood lang sa ginagawa ng kanyang lola.
Ilang sandali ay minulat niya na ang mga mata niya.
"Hija, 'wag ka sanang mabibigla." Biglang namaos ang kanyang tinig.
"Ano po 'yon la?" Pinilit ko pa ring ngumiti.
"Iyang, 'yang lalaking 'yan ang magiging dahilan ng pagtangis mo!" Dinuro niya si Vaughn. May kung ano sa boses niya at ekspresyon ang nagdala sa aking ng kilabot. Kahit na hindi naman ako naniniwala sa hula. Hula nga eh.
"Dahil sa kagagawan ng lalaking 'yan, wawakasan mo ang sarili mong buhay! Ngunit may mga senyales bago ito maganap! Maraming malapit sa 'yo ang mamamatay!" Hirap na yata sita sa pagsasalita dahil buong lakas at may diin niyang sinasabi ang hula niya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. At nararamdaman ko na ang pagbagsak ng mga luha ko. Bakit? Eh hula lang naman? Rumehistro sa isipan ko si mama. Siya lang ang mayroon ako.
Naglapag ng pera si Vaughn sa lamisita ng ale at tsaka niya hinawakan ang kaliwang kamay ko. Hinigit palayo sa direksiyon ng manghuhula.
Nang makarating kami sa tawid daan, hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Vaughn at saka itinakip ito sa mukha ko.
"Hey. Are you alright?" Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Vaughn.
Iling lang ang naisagot ko.
"It's okay. Kaya nga hula eh. No basis. Just business. She said her grand daughter needs an allowance and so-"
"Paano kung totoo nga?" Hindi ko na siya pinatapos.Tinanggal ko na ang mga kamay sa basa kong mukha at hinarap siya.
"May nagpakilala sa ating mga kamukha natin. Ang sabi pa sa 'yo, magpapakamatay ako dahil sa kagagawan mo? Paano kung-."
"Too many what if's. Vil's probably waiting for us." At saka siya naglakad tungo sa paradahan ng jeep.
Hindi niya man lang ako inalo?
Sabagay, iba-iba ang mga tao.
Ganoon na nga siguro ako katakot mawalan ng mahal sa buhay. Agad tuloy akong naapektuhan sa sinabi ng matandang manghuhula kuno.
Candary ano ba. Pakalmahin mo ang sarili mo.
Wala akong dalang panyo kaya hinayaan ko na lang matuyo ang mga luha ko sa hangin habang nakasilip sa bintana ng jeep.
Lagpas ala una na.
Himala yata, hindi pa nagte-text si Vil. Parang ang alam ko hindi nawawalan ng load 'yon. May internet naman sila sa bahay.
Isang sakay lang naman ang bahay nila Vil. Pagkababa namin sa jeep, katabing daan nito ang Villa Guzman Subdivision. Pinag-log muna kami no'ng guard sa visitor's book tsaka kami pinapasok. Alam ko naman na kung saan ang bahay nila Vil. Nagpunta na ako rito no'ng birthday niya eh. Pero siyempre, magte-text muna ako para alam niyang nandito na kami.
To:Vil
[Uy baks dito na kami ni Vaughn sa subdivision ninyo.]
Itong si Vaughn, nakahalukipkip at nakasandal sa guard house. Hindi ba siya naiinitan sa suot niya?
Wala pa ring reply. Ang daldal kaya ni Vil nako. Kailan pa siya natutong hindi mag-reply?
"Maybe he fall asleep. Puntahan na kaya natin?" Suhestyon ng kasama kong mukhang mas mainipin pa sa babae.
To: Vil
[Punta na kami jan ah]
Mag-aalas dos palang at damang-dama ko 'yong init sa balat ko. Kukuhanin ko sana 'yong payong sa bag ko. Kaso, para naman nakakailang isukob do'n si Vaughn. Kaya 'wag na lang. Walang masyadong puno rito nakakalungkot. Iba pa naman ang sariwang hangin mula sa mga 'to.
Dulong bahagi ng subdivision ang bahay nila Vil. Bahagyang magarbo ang mga disenyo ng bahay dito. Palibhasa may mga kaya ang mga nakatira. Sa pagkakaal ko, pulis ang papa ni Vil. Karamihan ay may second floor, sasakyang nakaparada sa garahe, mga kakaibang uri ng halamang de-paso, at magagandang bato.
Nakakainis ang awkward!
Hindi man lang kami nagsasalita pareho ni Vaughn. Sabagay ayoko namang dumaldal at baka lalo akong pagpawisan.
Ginala ko na lang din ang mga mata ko. Hindi ko sure kung hindi ko lang ba napansin nang pumunta kami rito no'ng birthday ni Vil. Pero parang luma na ang mga pintura ng ibang bahay. Sa bandang kanan, mayroon pang gumuhong bahay. Parang wala naman 'yon last week. O baka mali 'yong dinadaanan namin? Sementado na rin 'yong mga parteng damuhan. Ang bilis naman!
Pakiramdam ko tuloy mas matanda pa kay mama ang mga bahay dito.
Wala ba talagang tao rito sa mga gan'tong oras? Kaya siguro patay oras ang tawag. Ilang bahay na ang nadaanan namin, pero kahit isang bata wala kaming nakitang naglalaro. 'Yong guard lang na nasa bungad na may katandaan na. Puting-puti na nga 'yong buhok niya eh.
"How far is it?" Sa wakas nagsalita rin siya! Nakapamulsa siya habang ako naman ay pilit nilalabanan ang sikat ng araw gamit ang dalawang kamay na nasa may noo ko.
"Ah lapit na." Tipid ko namang sagot dahil tagaktak na ang pawis ko. Buto naka-running shoes ako nakakangawit maglakad. Hindi naman ako ganito ah? Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila Vil.
"Oh, creepy." Bulong ni Vaughn habang sinisintas ang Converse niyang itim.
Kinusot-kusot ko pa ang mata ko.
Ba-bahay ba talaga 'to nila Vil?
Noong last week kulay cream at peach ito, pero ngayo gray na! 'Yong itsurang nabakbakan ng pintura!
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napansin ko rin na wala na ang ibang halaman na nasa harap ng bahay nila Vil. 'Yong kulay puting gate nila, nilalamon na ng kalawang. Bukas ito.
"Ano? We're not coming in?" Humakbang si Vaughn palapit sa gate. Palibhasa hindi siya naninibago dahil hindi naman siya ummattend noong birthday ni Vil.
"Vaughn saglit!" At saka nabuo ang pisi sa isipan ko.
'Yong matandang guard kanina! Siya rin 'yong nakaraan! Kamukhang-kamukha. Pero bakit naman tumanda agad?
Isa lang ang sigurado ko. Hindi na naman normal ang sitwasyon.
"Ano?" Ang cold ha?
"May mali!" Sigurado ako.
Ikinasalubong naman ng mga kilay niya ang sinambit ko.
"What's wrong?"
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit 'di sumasagot si Vil sa mga text ko? Hi-hindi kaya wala siya diyan? Tapos hindi ganito 'yong subdivision noon!" Sana O.A. lang talaga ako. Natatakot ako na yata ako. Na ano? Makita ang mga sarili namin?
"Let's check then." Hindi na nagpapigil si Vaughn at mas ibinukas pa ang kinakalawang na-gate. Pipindutin ko sana ang doorbell, pero wala na rin 'yon sa pwesto niya base sa pagkakaalala ko. Nauuna si Vaugh sa akin at bumuntot naman ako sa likuran niya. No choice, kinatok niya na lang ang pintong kupas na ang pintura.
"Tao po! Vil, we're here." Siya na rin ang nagsalita.
Walang anu-ano, narinig ko ang pagpihit ng doorknob.
Parang biglang nagkaroon ng daga ang puso ko.
Isa...
Dalawa...
Sa ikatlong bilang, bumukas ang pinto.
Walang Vil na nagbukas.
Sa halip, isang matanda ang bumungad sa amin! Parang nasa sitenta anyos na, magkahalong puti at itim ang buhok na maninipis. Nakasuot ng asul na striped na pantulog. 'Yong bang magka-partner. Mabalbon din ang pambahay nitong tsinelas.
Nagtinginan kami ni Vaughn, sinenyasan niya akong magtanong.
"He-hello po. Si Vil po?"
May lolo pala siyang nakatira dito bakit 'di ko alam?
"Sino sila?" Walang emosyong tugon nito, sa medyo paos na boses. nananatiling nakatayo.
"Candary po at Vaughn. Classmates po kami ni Vil may activity lang po-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang humagalpak siya sa tawa. Masamid-samid na ang matanda.
Bakit? Joker ba talaga ako?
Bahagya tuloy akong napalayo ganoon din si Vaughn na bumulong pa sa akin.
"What's wrong with him?" Maging ang kasama ko ay nagtaka na.
Umiling lang ako. Hindi ko rin naman alam.
"Pa-pasenya na. Nako mga bata ano ba ang sinasabi ninyo, matagal ng patay sina Candary at Vaughn-Vaughn."
Ang kaninang pagtawa niya ay napalitan ng lungkot sa tono ng pananalita.
Pero kami? Sasabihan niyang patay na?
"Mawalang galang na ho, sino nga ho ulit kayo?" Curious na curious na 'tong si Vaughn. Ganoon din ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong iisang tao lang ang kilala kong tumatawag kay Vaughn ng 'Vaughn-vaughn'!
Parang ayokong paniwalaan ang mga naiisip ko.
"Vil hijo. Villamor."