C A N D A R Y
"Doppelgänger! Hala sis moomoo 'yon!" Ang O.A naman nitong si Teffy. Kaya minsan ayokong nagkukwento sa kanya kahit best friend ko pa siya. Nandito kami ngayon sa bench sa football area. Dito na lang naming pinili mag-lunch dahil matao sa canteen. Mahangin, malawak. May mga estudyanteng nasa field mismo at mistulang nagpi-picnic
"Doppelgänger?" Kuryosong tanong ko.
"Oo 'yong multong nanggagaya!" Aniya.
"Hindi ako naniniwala sa multo sorry ka." Imposibleng multo yon noh!
"Sus! Pero sa aliens naniniwala ka!" Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Pero seryoso kasi, bakit naman ako lalapitan ni Vaughn ng gano'n" Nagpatuloy kami sa pagkain. Hinigop niya 'pa 'yong sauce ng siomai.
"Baka naman type ka?" Lumaki ang ngiti sa mukha ni Teffy.
Muntik ko tuloy mabuga sa kanya 'yong kinakain ko.
Inalala ko ulit tuloy 'yong nangyari kahapon. Pagkalabas ko ng school, bago tawid-daan bumungad siya sa akin. Sorry siya nang sorry. Tinatanong ko siya kung bakit pero may tumawag sa akin mula sa likod. Nilingon ko 'yon saglit at kumaway sa kakilala ko. Pagkaharap ko kay Vaughn sana, nawala na siya. Weird.
"Hindi ah! Alam mo ba last week tinawag niya akong stalker." Para akong batang nagsusumbong dito.
"Oh?" Patuloy siyang ngumunguya.
"Tapos finallow niya ako sa twitter. O sinong stalker sa 'min ngayon!" Iniabot sa akin ni Teffy 'yong bottled water niya dahil kanina niya pa 'di mabukas.
"Sabi ko sa 'yo bet ka no'n eh!" Tinusok-tusok niya ako sa tagiliran gamit ang hintuturo.
"Hindi nga!" Hindi naman kasi talaga. Ang issue.
"Bakit pogi naman siya ah? O sige may itsura yiiiiie!" At ngayon hinahampas niya ang balikat ko.
"Isa! Itatapon ko sa 'yo 'tong tubig mo!" Pananakot ko kaya nanahimik na lang siya.
Hindi pumasok si Vaughn sa Ethics namin kanina. Gusto ko sana siyang i-message kagabi pa sa Twitter at tanungin kung bakit siya nagso-sorry kaso binura ko 'yong tinype ko. Kung tutuusin ako dapat ang mag-sorry dahil sabi ko nagda-drugs siya. Ang insensitive ko pala sa part na 'yon.
Pagkatapos naming turuan sa food carving sa major subject, nagpaalam na ako kay Teffy. Maaga ang uwian namin tuwing Martes. Alas tres palang. Tinutulungan ko rin si mama sa maliit naming bakery kaya agad akong umuuwi kapag ganito. 20 minutes ang byahe mula sa school pauwi sa bahay. Dahil maaga pa namam, naisip kong lakarin na lang 'yong terminal. Sanay ako sa mahabang lakaran, noong bata pa ako, mano-mano ako kung maghatid ng mga pa-order naming tinapay ni mama.
Nakarating na ako sa may plaza nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko mula sa likod.
"Va-Vaughn?" Nginitian ko siya ng tipid.
Bagong gupit yata. Nakasuot siya ng itim na damit at pantalon.
"Can I walk you home?" Anong niya at saka nangamot ng ulo gamit ang kanang kamay.
"Huh? Malayo bahay ko." Sayang ang romantic sana no'n. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad.
"Gano'n ba? Sige pala. Umm, Can we talk?" Aniya habang sinasabayan ako sa paglalakad.
"Sorry pala sabi ko nagda-drugs ka. Na-offend yata kita." Okay, malaking ngiti na ang binigay ko sa kanya.
Umupo kami ngayon sa bench na nakalagay dito sa plaza. Tanaw na tanaw ang mini mall sa harap. May mga batang naglalaro. May mga magkakaibigang nagkukwentuhan, kumakain. Napukaw pa ng paningin ko 'yong mama na nagtitinda ng lobo.
"Ako dapat mag-sorry. Basta ihanda mo lang ang sarili mo sa mga pwedeng mangyari." Sumeryoso ang tinkgi niya.
Wow. 'Di ko alam na soft boy pala siya.
"Bakit ano bang mangyayari?" Big deal naman yata sa kanya noon.
"Nothing. I'm just guilty. I mean I didn't mean to hurt you or what." Isinandal niya ang sarili at saka dumekwatro. Humalukipkip din siya.
"Huy OA ah! Wala naman nga sa akin 'yon kung tawagin mo akong stalker ahahaha!" Seryoso, bakit bahagya akong natawa?
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" Singhal niya.
"Eh ano pala?"
"Do you believe in, ugh! I don't know how to bring this topic. Astra help me." Tumingala siya na para bang nagdarasal.
"Hindi ako naniniwalasa UGH! Hahaha! Sino si Astra? Aso ninyo?" Hindi ko alam na funny pala siya. Mukha kasi siyang masungit lang tapos puro Math inaatupag!
"Naniniwala ka ba na hindi ako si Vaughn na kakilala mo ngayon? I mean I am Vaughn, but not the current one." At ngayon, mukha naman siyang nag-aalala.
Ano raw?!
"Ano?!" Nabigla naman ako sa kanya.
"I came from the future, Candary." Hinimas niya ang baba niya.
"Fu-future?!" Tanong ko at napabalikwas mula sa pagkakasandal.
"Ah yeah, some sort of distorted time frame. We're connected." Tinignan niya ako ng mariin.
Napa 'Diyos ko po" na lang ako sa mga sinasabi niya kahit wala akong Diyos sa ngayon.
"Ginu-good time mo 'ko no? Ginagantihan mo ba ako?" Umusog akong bahagya sa tabi niya.
"No. Alam mo 'yong blackhole shits sa Big History ninyo? I mean natin? Kung akala ninyo lalamunin kayo no'n gaya ng sabi ng Science it's a no!"
"Ano gusto mo iparating?" Napakagat-labi na lang ako.
Humalukipkip ako at tinitigan siya. Nag-iwas pa siya ng tingin na para bang naiilang pero ibinalik din ito kaagad.
"I just want to apologize. Sorry if I will hurt you." May pagka-artista pala siya. Madrama.
"Huh? Ano ka ba? Wala naman sa akin 'yong tawagin mo 'kong stalker."
Bahagyang umangat ang balikat ko sa gulat nang hawakan niya ito gamit ang magkabilang kamay.
"No. I came here to help you with your future. Wait, not totally help. It's my fault. I mean to weave some parts of it. To fix some moments." Pakiramdam ko tatagos na ang mga titig niya sa akin! Ang lamig nito.
Parang gusto ko na talagang maniwala na nagda-drugs siya. Kung tutuusin mukha siyang matalino. Parang 'yong mga fictional characters na nerd, tapos englishero. May sakit kaya siya sa pag-iisip?
"Uuwi na ako." Hindi ko na yata siya matatagalan.
"Ma-ma ko!"
Sa 'di kalayuan, sa tapat na pwesto namin ay may batang babaeng nadapa. Agad akong tumayo kaya nawala ang pagkakahawak ni Vaughn sa akin.
"Bata, okay ka lang?" Tanong ko nang alalayan siya para makatayo.
Natapon pa 'yung cup ng ice cream na hawak niya. Buti 'di 'yon tumalsik sa kanya.
"Mama!"
Lumapit ang ginang sa direksyon namin at binihyan ako ng ngiti. Kinarga niya ang bata.
"Tahan na anak ko. Sorry may kinuha lang si mama. Salamat!" Baling niya sa presensya ko. Tumango naman ako at ngumiti. Sadyang mahilig lang ako sa mga bata.
Babalik na sana ako sa bench para kuhanin ang gamit ko nang biglang kumulog at kumidlat. Pagkalakas-lakas nakabiningi. Hindi naman malulam? Kasunod nito ay ang isa pang liwanag na halos makabulag na. 'Di alam kung saan ito nagmumula. Ang tanging alam ko lang ay impossible itong maging kidlat. Kasabay ng mariing pagpikit ng mga tao rito ay ang pagtakip sa kanya-kanyang tainga.
Nakabiningi. Ano 'yon?!
Isang mahabang tunog na animo'y makina sa ospital. Na tutunog nang mahaba kapag patay na ang pasyente. Isang malakas na gano'n!
Ilang saglit pa ay huminto na ito. Parang naging normal ang lahat.
"Ano 'yon?"
"May bagyo ba?"
Narinig kong bulung-bulungan ng mga tao rito ngayon.
Sinong 'di mawiwindang? Hi-hindi normal 'yon!
Pagkabalik ng tingin ko sa bench, wala na ang nakaupong Vaughn. Bag ko na lang ang natira.
Pilit ko pa ring iniisip kung ano 'yong bagay na 'yon. Sa sobrang pagka-lutang ko ay hindi ko na yata namamalayan kung sobra-sobrang cheesy pandesal ang nalalagay ko sa brown bag. Alas singko palang. Kahit ganito, marami pa ring namimili sa maliit naming bakery. Kahit gabi, dinadagsa ito. Madalas pandesal na lang ang natitirang tinapay sa gabi. Ito naman ang bestseller at dito kami kilala.
"Nak okay ka lang?" Napalingon ako kay mama habang nilalagay ko mga tray dito sa salaming lalagyan ang mga iniabot niyang cheese bread sa akin.
"Okay lang naman po ma." Tinaas-taas ko pa ang kilay ko at binigyan siya ng makulit na ngiti.
"Sige na. Ako na dine. Akyat ka na ru'n sa taas. Atupagin mo pag-aaral mo." Malambing na sambit ni mama.
Alam kong ipipilit lang ni mama na magpahinga na muna ako. May dalawa naman kaming helper, tapos apat na panadero, pang-lima si mama at ako ang pang-anim. Pero dahil sa acads, minsan 'di ako makatulong.
"Ma, kumidlat tas kumulog ba rito na super lakas? Tas nakakabingi 'yong sounds?"
Alam ko namang kapag umuulan sa ibang lugar, sa iba hindi. Kagaya ng sa kulog at kidlat. Pero wala, curious ako kung ano ba 'yon.
"Hindi man 'nak." Kaswal na tugon niya.
"Sige po ma akyat na ko."
Pumanhik na ako sa taas, nagtanggal ng sapatos, nagbaba ng bag. Hinubad ang blouse; nakasando naman akong puti. Gusto ko munang magpahinga bago maligo.
Makakatulog ba ako ngayon? Sobrang pagod ko naman yata.
Kinuha ko ang phone ko at nagbukas ng Twitter.
Walang hiya ka Vaughn bakit mo 'ko iniwan?!
@candaryezplasa09: Huy boi bat mo ko iniwan? Narinig mo ba yun?
Na-seen agad!
@vaughnsvault: The heck are you saying?
Ako pa ang na-the-heck dito?
@candaryezplasa09: Sa plaza kanina ah. Sabe mo pa nga galing ka sa future ahahaha. Ebarg ka!
@vaughnsvault: hm
@candaryezplasa09: how much
Dapat pala PM sent!
Medyo tumagal ang pagre-reply niya. Hala sana 'di siya pikon.
@vaughnsvault: I think I know what's going on. I need to confirm it.
@candaryezplasa09: wag mong sabihen na di ikaw yung kanina?
@vaughnsvault: hindi ngaaaa
@candaryezplasa09: The heck are you saying?
Ginaya ko na lang 'yong reply niya kanina. Ginagantihan niya yata ako. Pinagbintangan na nga akong stalker. Sino ba kasi 'yong kamukha kong 'yon? Ang epal ha ako pa napasama. Kung crush niya si Vaughn sana nag-wave naang siya sa messenger.
@vaughnsvault: u mocking me?
@candaryezplasa09: no english sir
@vaughnsvault: I think this thing is getting serious. Pag-usapan natin bukas.
Usap?
@candaryezplasa09: di ko gets boi
@vaughnsvault: kaya nga pag-uusapan. I think we met different persons. Apologies for pointing a finger.
@candaryezplasa09: okay lang di naman middle finger. Sige bukas!
Magkaibang tao? At kung sino man ang mga 'yon, humanda sila? Bakit sila nanggagaya?
@vaughnsvault: see u
@candaryezplasa09: sa future
@vaughnsvault: grosssssss
Parang ang bilis dumaan ng nakalipas na mga araw.
Oo nga pala may Big History kami bukas!