Third Glitch

1376 Words
V A U G H N Weekend is here. Something keeps on bothering me. Nang mga sumunod na araw, matapos akalain ni Candary na nagda-drugs ako, hindi ko siya kaklase sa ibang subject. I don't know why I am stalking her social media accounts. Kagabi ko pa 'to ginagawa. Hinahanap ko sana kung may kakambal ba siya o ateng kamukhang-kamukha. Pero wala naman akong makita sa f*******: account niya. Tatlong profile pictures tapos puro anime na cover photos. Hindi siya active. I even checked the tagged photos. Puro mga events lang like graduation, seminar na na-attend-an niya. Wala rin. Wala akong napala. I tried to check if she have an i********: account. May lumitaw na account nang i-type ko ang 'candaryezplasa'. Luckily it was her account. But there's only one posted photo. Nakaakbay siya sa babae probably in her early 40's. At ang caption, 'Happiest birthday mamu! Wala na akong mahihiling pa. Thank you for everything!'. It was her mother. I tried to search her name on Twitter. May lumitaw ding account. Mas maraming pictures dito! May uploaded pictures noong isang araw lang picture nila Vil at ng mga kagrupo nila sa Big History. Doon pa sa may convenience store ang groupie. The caption says, 'not Big Bang, but fantastic LOL'. Nag-scroll pa ako, puro pictures lang naman ng mga sceneries. May mga tinapay din. Natawa pa ako sa caption, 'bakers gonna bake, haters gonna hate #BakeItOff'. Another photo caught my attention. I think it was taken from the bar. May hawak siyang gitara at kumakanta. Wow. She do gigs huh? Kaya pala hindi mahiyain. Nakaabot na ako sa dulo dahil wala naman sa 400 ang tweets niya pero wala pa rin akong nakitang kakambal o kamukhang kamag-anak. Mukha ngang wala siyang kapatid dahil pictures lang ng mama nila na panay nagbe-bake ang nandoon. I snapped myself from what I am doing. Cringe. Ngayon ko lang 'to ginawa. Kukuhanin ko na sana 'yong mga pinlastik kong damit para magpa-laundry. Naiwan akong mag-isa rito sa dorm. Every weekend kasi kung umuwi 'yong tatlo kong roommates. Pagkababa ko sa phone ko, I heard its notification sound. '@candaryezplasa09 followed you back' Fuck! Napindot ko pala 'yong follow button kanina? s**t! Iisipin niya ako 'yong stalker. Napasabunot na lang ako. Bumaba na ano sa first floor. Wala naman na akong magagawa. Nag-trike papuntang laundry shop. Bukas ko pa 'yon makukuha sa dami ng mga estudyanteng nagdo-dorm din na nagpapalaba roon. I decided to go to the grocery store. I'll cook tonight. Pinupurga na ako ng fast food at tinda sa canteen. Masyadong matao kaya naman hapon na ako nang makauwi. Pagkabukas na pagkabukas ko sa room namin, I saw Candary sitting pretty on my bed wearing her College of Business and Accountancy uniform. A pencil cut maroon skirt, cream blouse with an artsy printed maroon ribbon.  Wait si Ezplasa s**t? How come? I locked this room before leaving. I repeated my blinks, baka mamaya hallucinations lang. But it was really her! Holy s**t! Paano siya nakapasok dito?! "Hi Vaughn hehe." He waved her right hand. Nagkukuyakoy pa siya ng paa sa kama. Binalik niya ang pagkakatukod ng kamay sa kama. "What the hell are you doing here? 'Di mo ba alam trespassing 'yang ginagawa mo? Paano ka nakapasok dito?" Sunod-sunod kong sambit at binaba ang mga dala kong groceries. "Sorry na!" Tumayo siya at pinantayan ako. Mahaba na naman ang buhok niya ngayon. Hajr extensions again huh? "You're getting into my nerves! Ano na naman bang kailangan mo?" I caressed my chin while facing her. "Umm, ikaw." Lumungkot ang mukha niya. "Please Vaughn, 'wag ka munang pangunahan ng galit magpapaliwanag muna ako." I can feel the sincerity of her voice. Kukuhanin niya sana ang kamay ko pero agad kong iniwas 'yon. My God, I'm really confused about her personalities! May dissociative identity disorder ba siya? I calmed myself. "Say sorry first." I sighed. "Sorry first." Umismid siya bahagya at deretso lang na nakatayo. "Puta ano ba?!" I cursed in Tagalog this time. Why is she here in the first place?! This our place! "Vaughn nandito ako para hingin ang tulong mo!" She sincerely looked into my eyes. Lumapit siya ng isang hakbang sa akin. "What help?" She trespassed, and now asking for a help huh? "Help me change the future." Aniya. "Fu-future?" Takang tanong ko. I think she's high. "Vaughn hi-hindi ako si Candary na classmate mo ngayon. Ako si Candary na hmm paano ba. Two years advanced sa taon ngayon." Pagpapaliwanag niya at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko. "Pinagsasabi mo?" I pulled the monoblock chair near me and sat down too. "Alam kong 'di ka maniniwala pero ang totoo, galing ako sa future." My jaw almost dropped. How would I react? Matatawa? Maiinis? Dahil puro siya imbento? "Alam mo willing akong samahan ka sa psychologist." Kasabay no'n ang pag-ring ng phone ko sa bulsa. An unknown number is calling. "Hello? Who is this?" "Vaughn-Vaughn! Ghorl punta ka sa birthday ko bukas ah?" Sabi ng tinig na hindi ko sigurado kung familiar ba sa akin. "Sino 'to?" "Hay, nalimutan mo na ako agad? E 'di 'yong pinakamaganda mong classmate. b***h it's Vil!" It's him. "Saan mo nakuha number ko?" Hindi ko alam ah, kalat pala number ko. "Not important. Ngayon pwede ka nang pumunta if you want. Nandito na sila Candary, Nicki, at James. Kararating overnight sila." He projected his voice in a soothing way. Napatingin akong muli kay Candary na nasa harap ko ngayon. Did Vil just mentioned Candary was with him? "Sino ulet? Si-si Candary?" Baka mali lang ako ng dinig. "O ba't gulat na gulat? Oo si Ary 'yong crush mo! Hihihi." He teased. "Ka-kasama ko siya ngayon. Paanong nandiyan?" Are they pranking me? "Huh? Wai-ait, choppy ka!" His voice sounded distorted. At saka nag-end ang call. "Ano? Vaughn naniniwala ka na ba? Hindi ako 'yang Candary na 'yan. I mean I'm her pero future pa. Tignan mo ang haba ng buhok ko. Two years from now, ito itsura niya, itsura ko." Narinig niya pala. Napindot ko pala 'yong loud speaker. Sinenyasan ko siyang manahimik. I messaged Vil to send me photos of the people who will sleep in his house tonight. Para kunwari pupunta ako roon ngayon. Sinend niya naman ito sa akin ngayon. May kasama pang video. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang mga kasama niya at si Candary na nagpi-peace sign pa. Naputol agad 'yong video kaya inulit ko. Imposible. It sent chills to my spine. Kasama ko ngayon si Candary! "Hindi naman kita titigilan hangga't 'di ka naniniwala. Kahit kaunti na lang ang oras ko." Humalukipkip siya. She let out a heavy sough. "You said that you came from future? How? Breakdown ng electrons, neutrons? Ano time machine?" Sunod-sunod kong tanong. I reclined my back in the chair waiting for her answer. "Kalma. Mahirap ipaliwanag sa ngayon. Para isahang paliwanag maganda kasama si Candary. 'Yong mas batang ako oo." Sinuklay niya ang mahaba niyang itim na buhok gamit ang mga kamay. "Pa-papaano?" My head is full of questions. I hate this feeling! "'Yong future Vaughn din alam ko nakarating na siya rito para kausapin ka." And now she stood up. Inaayos ang kobre kama ko. Iniipit ang tela sa gilis ng foam. "Future me?" I'm confused. I think Ihave wrinkles now. "Oo. Kailangan nating magkitang apat. Hindi kami pwedeng magtagal dito. Hindi pa namin oras. " 'Yong punda kon naman ng unan ang pinagdiskitahan niya. "Naguguluhan ako." I admitted. "Alam ko. Sino bang hindi 'di ba? Nilabag namin ang rule ni Astra. Sinira namin ang oras." Bumalik na rin siya sa kanina niyang pwesto. Umupo, nagkukuyakoy. "Who is Astra?" Sounds celestial. "The ruler above heavens." She smiled. "So sa future may sarili rin kayong Diyos?" I'm freakin' out. Umupo muna ako sa kama at hinilot ang ulo ko. Parang sasabog na. "Hahaha. Hindi ano ka ba!" Aniya. "Eh ano pala?" "Gatekeeper between the present and future. Para walang makasira sa fate at sa present. Naniniwala ka ba sa tadhana?" Tanong niya. "Teka anong tulong ang sinasabi mo muna?" Hirap na hirap na akong isaksak sa utak ko lahat. Ngayon lang nangyari 'to. "Dahil sa 'yo masisira ang future ko." Nawala ang ngiti sa maamo niyang mukha. "Da-dahil sa akin?" "Oo. Magpapakamatay ako dahil kasalanan mo-" Hindi na natuloy ang pagsasalita niya nang biglang may nakasisilaw na liwanag at nakabibinging tunog. Napatakip ako sa tainga ko at mariing napapikit. Maya-maya ay bumalik sa normal ang lahat. Pagdilat ko, wala na siya sa kaninang kinauupuan. Shit! What was that? Tell me that I'm f*****g dreaming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD