V A U G H N
"Lamunin ka sana ng blackhole!" Sigaw ni Vil sa kaklase namin ngayon na inagawan siya ng arm chair. Vil is a gay. Kwela. Siya madalas ang kausap ng prof namin dito. Classmate ko rin siya sa P.E. Nilapag niya 'yong bag niya sa katabing upuan ko.
"Hi Vaughn! Can I sit here? OMG thank you! You're so bait!" Vil asked enthusiastically. I just gave him a nod.
It's 2:30 PM. I can't feel the heat inside this room. Todong-todo yata 'yong aircon. Nagsisipasukan na ang mga kaklase ko ngayon sa subject na 'to. Big History ang klase ngayon. Maya-maya ay dumating na rin si sir. He's on his early 40's, fat and bald. May pagka-tamad.
"Good afternoon Set 15!" Masiglang bati nito.
"Good afternoon Sir!" We responded in unison.
"Nabasa niyo naman sa Google classroom na may group activity tayo today 'di ba?" Ibinaba niya ang mga bitbit niya—laptop, at pencil case.
'Yong iba 'opo' raw. 'Yong iba nagpanggap na walang alam..
"Huh? Meron ba? Kala ko next week pa 'yon?" Someone uttered. Mukhang pinanganak kahapon.
Our professor raised his right hand signaling declaring silence.
"Na-print niyo na ba mga handouts? Andoon 'yong activity sheet?" Sa laki ng katawan niya, napagod na siguro katatayo. Naupo siya sa monoblock chair.
"Sir si Candary po inassign ni'yo." Vil answered him. Pinalobo pa nito ang chewing gum niya. Hindi naman siya sinita.
"Okay. 'Asan si Candary?" Our prof roamed his eyes.
Shit. Kaklase ko nga pala 'yong Candary na 'yon dito. Naalala ko tuloy 'yong nangyari noong isang araw. She's asking me if I like her. May dumaang tricycle sa harap namin at nagmadali kong pinara 'yon at sumakay agad. I left her there. Sana hindi siya pumasok ngayon.
Biglang namang bumukas 'yong pinto. Iniluwa nito ang babaeng hinihiling kong 'wag makita ngayon. Lady Luck didn't favored me today.
"Good afternoon po sir, sorry I'm late." May dala siyang makapal na bond paper at mukhang hingal na hingal na inakyat 'tong building. Umiwas agad ako ng tingin.
"Kindly distribute those handouts and activity sheets Ezplasa. Paluwado ka pa pala." He chuckled. Nagsimula nang magsulat si Sir sa whiteboard.
"Okay po sir." She smiled ignoring her sweats. Baka nabigatan sa dala. 50 kami sa klase at ang kapal ng handouts na dala niya.
"Sis, Ary tulungan na kita!" Vil stood up to help her.
"Oh 'yong mga wala pang bayad diyan! May pang-date sa mga jowa pero piso, limang pisong print 'di mabayaran!" Inilahad ni Vil ang kamay niya para maningil habang inaabot naman ni Candary ang mga naka-compile ng handouts.
"Barya-barya lang po!" Ang sigla ni Vil palagi. Papunta na sila ngayon sa direksyon ko. I noticed Candary's hair length. Ah so nagpagupit siya? Or so she disposed her hair extensions? Her facial aura also changed.
"Vaughn 'eto sa 'yo oh." Iniabot niya sa akin ang handouts. Ah what's happening on me? Wala lang sa kanya 'yong ginawa niya sa akin noong isang araw? She needs to apologize for creeping me out. Pero 'eto, mukhang limot niya na 'yon.
"Bayad mo Vaughn-Vaughn."
I sighed. Pagkabukas ko sa wallet ko, buong isang libo lang ang nandoon. Hay nako.
"Rich kid si Vaughn guys! Pabayad kayo sa kanya!" Pagmamayabang ni Vil.
"Ay wala kang barya?" Candary asked.
"Wala eh. Mamaya na lang 'pag dismissed na papapalit ako sa canteen." I said casually.
"Sige 'wag mo na bayaran ako na. " She then smiled again.
I don't know how to react. I'm a bit pissed off. Ang hilig niya palang mang-trip. So siya ang babaeng madaling makalimot? Tsk.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa classroom, agad akong dumeretso sa canteen. Kung malapit lang ang dorm ko kumuha na lang sana ako ng barya roon. I don't want to be indebted to Candary.
Sa kamalas-malasan nga naman. Hindi ako naniniwang wala silang barya. Pero siyempre, may pagka-terror ang ibang helper ng canteen. Required ba talaga na manipis ang matataas nilang kilay tapos unblended? Good thing I have 30 minutes vacant. Pero hanggang 7:00 PM ng gabi ang klase ko.
Nag-tap ako ng I.D. para makalabas at pumunta sa pinakamalapit na convenience store. Sa tawid-daan lang naman ito, katapat ng campus.
Nahagip pa ng mata ko sa labas ng convenience store ang mga pamilyar na mukha. Dito pala dumiretso ang iba kong classmates sa Big History. Nakaupo sila doon ngayon. Nagtatawanan. They looked so happy.
I headed towards the large fridge and decided to buy a chocolate drink. Pagkasarang-pagkasara ko no'n bumungad sa akin ang pagmumukha ni Vil.
"Vaughn! Wow ha 'di ka pa sumabay sa 'min dito rin pala punta mo." Yakap-yakap niya ang apat na naglalakihang tsitsirya.
"Ah. Unexpected din pagpunta ko." Dumiretso na ako sa counter at pumila habang nasa likod ko naman si Vil.
I roamed my eyes to see the outside of the glass wall. Oh! Candary's here! Seriously? Bakit hindi ko napansin.
Hinintay kong makapagbayad si Vil . Inilagay ko muna sa bag ang pinamili ko para wala akong bitbit. Pakikisuyo ko na lang sa kanya 'yong bayad ko sa handouts. Baka mamaya kantsawan kami ng mga kaklase namin. I never liked getting the wrong idea.
"Vil, wait." Lumapit sa akin si Vil na pakendeng-kendeng pa.
"Um, can I ask you a favor?" At saka ko kinuha sa bulsa ang 20 peso bill.
"OMG! Direk 'di pa po ako pwede sa matured roles!" He's really loud.
"Pasuyo. Pabigay sana kay Candary." I gestured my right hand offering him the paper bill. Naningkit ang mga mata niya at may mapang-asar na ngiti.
"Hmm. Crush mo talaga si Ary no! Kaya 'di mo siya malapitan!" Siniko-siko niya pa ako.
Oh crap. Crush agad?
"Please." I begged.
"Okay. Pasalamat ka Fafa Vaughn-vaughn igop ka!" Tinalikuran niya na ako at kinindatan pa.
"Thanks!" I said trying to sound energetic and thankful.
Madali akong lumabas. Narinig ko pang nagbubulungan ang grupo nila Vil na dumaan daw ako.
Patawid na sana ako sa daan. But, someone grabbed my wrist from behind. Nilingon ko ito.
It was Candary!
"Wait Vaughn!" May hingal ang boses niya.
Agad ko namang binawi ang braso ko. "Why?"
She's offering me now the paper bill.
"Hala ka! Sabi ko 'wag mo nang bayaran eh." Pilit niyang inaabot sa akin 'yon.
"Paluwal mo 'yon." Naiinitan na ako.
"No! 'Di na ahahahaha! Nakakahiya. Para ka namang others!" She brushed the top of her hair with her hand.
Masyadong mapilit ang Ezplasa s**t na 'to. Sinabing ayaw ko ngang nagkakaroon ng utang na loob eh.
Nagmadali ako sa pagtawid ng daan. Mabilis na nag-tap ng I.D. I know she's still following me. Bakit ba ang kulit niya? Papansin. Hindi ko pa nga nalilimutan pangti-trip niya sa akin.
Walking now at the corridor, I can hear her heavy breath. Sinasabayan niya pilit ang mabilis kong paglalakad. Naubusan na siguro siyang pasensya kaya tumakbo na. Now, she's standing in front of me.
"Ang bilis mo namang maglakad Vaughn! Kunin mo na kase!" Singhal niya.
I rolled my eyes without caring if I look like a girl.
"You're so annoying." I fumed. Her eyes widened.
"Me? Nakakairita? Hala bakit?" It looks like she can't believe it herself.
"You stalked me last time, asking if I like you. And now, you're following me. What are you up to?" I'm so straightforward.
"Wait? Ako? Inistalk ka?" Her natural brows furrowed.
Why is she like this? Have she forgotten? Episodic amnesia?
"Yes. Oh so limot mo na? Sa Pilar's. Inabangan mo pa nga ako sa labas to ask me a rubbish question." Fine. I will remind you.
"Vaughn hindi ko alam ang sinasabi mo. Maaga ako umuwi no'n." Sinuklay niya na naman gamit ang kamay ang kanyang buhok. Nananatiling nagtataka.
See?
"Liar." I said bluntly.
I f*****g hate liars.
"Grabe ka ah! Baka naman kamukha ko lang!" Ang akala ko magagalit na siya. She remained calm but bewildered at the same time. Kamukha? Does it make sense?
"Have you cut your hair?" Bakit ngayon ko lang napansin na hindi na naman mahaba ang buhok niya?
"Um, last, last month pa. Bakit?" Weird. Inamoy niya ang buhok niya.
Nevermind. Sige paniniwalain ko na lang ang sarili ko na kamukha niya lang.
"Vaughn." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Surveying my eyes. I immediately darted my glance somewhere "Nagda-drugs ka ba?"
What? Ako?!
I hate EJK's. I hate drugs. I hate drug Lords.
I'm really irritated now. I walked in haste to disappear from her view. Time is prescious. I'm not going to waste it on the things that will not pique any of my interests.