V A U G H N
It’s Tuesday. My first subject for this day is Ethics, and I’m going to tell Candary that I met my future self last night.
Sakto naman ang pagkalaho niya. Matapos no'n kumatok na agad ang roommates ko. Umakto na lang ako na normal. Gano'n naman talaga dapat.
But seriously me? I’m going to become a killer? No way.
8:30 AM pa ang simula ng klase. It’s 07:37 AM but I’m already prepared. As the usual, I’m wearing our school uniform. Bukas pa ang wash day. Mahaba-haba na rin ang buhok ko. I’m not the type of man that would spend time fixing my black hair with such products. Bagsak naman ang buhok ko kaya hinayahaan ko lang. I’m not used to styling it. Rai used to teased me 'k-popper'. The heck.
May kalayuan ang dorm sa university, pero dahil maaga pa lalakarin ko na lang. This will benefit me too. Tipid sa pamasahe at exercise na rin.
Sa shortcut ako dumaan doon sa may palengke. I’m a fond of such morning vibe. Pakiramdam ko payapa. Dagdag pa kapag naulan. Iba ang amoy ng alimuom. I’m too weird to love that.
May mga nakaparadang tricycle dito sa gilid ng palengke at dito ako dadaan. These dudes are really loud.
“Psst, pogi sakay ka?” A random tricycle driver asked.
Come on, if I want to take a ride, I already raised a hand. Sabagay, baka matindi ang pangangailangan? Okay, I’ll try to put my feet on his shoes. But this time, I will ignore the offer. Gusto ko ngang maglakad 'di ba?
“Ma, sakay po!”
Nakalagpas na ako ng ilang hakbang mula sa unang tricycle sa pila—sa driver na nag-alok sa akin.
I stopped walking when I heard a familiar voice.
“Saan po kayo ma’am?” Tanong ng tinig na nagtanong din sa akin kanina.
Gusto kong lingunin 'yon.
“West Burgos Street po.” A female's voice responded.
Without a doubt, I immediately faced that direction. I’m not mistaken. I’m really not.
It was her…
My mom…
If there’s a mirror in front of me, my face probably scream astonishment.
Fuck! Five years. And this day came! My mom is here!
“Mommy-“ I said saying in my mind that I won’t breakdown.
From long curly hair, mom’s hair length now is above her shoulders. Straight and looks so fine. She’s aging like a fine wine. Mom saw me! She looked into my eye. I gave her a beam, ignoring all the pain she brought to me. I want to talk to her...
“Kuya pakibilis po.” And those are her words that left another wound in my heart. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng trike matapos akong lingunin.
A familiar scene…
Naiwan na naman akong mag-isa.
I then again heard those words.
I will become a killer because of my mom.
C A N D A R Y
“Good morning set 7!”
Saktong pagbukas ko sa pinto ay nandito na si Sir Thomas. Na-late ako bahagya. Kagabi, tinulungan ko kasi si mama sa mga pa-order niyang cupcakes. May batang kinder na may pa-blowout daw mamaya. Buti nakahabol pa ako!
“Go-good morning po sir, sorry I’m late.” Nahihiya kong sambit. Pangalawang beses ko palang ma-late sa klase niya. Sa lahat ng minor subjects itong Ethics ang paborito ko. Ang galing-galing kaya ni Sir Thomas magturo!
“Forgiven.” Tugon ni sir at ngumiti. Kitang-kita ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin.
At dahil nga huli na ako, may nakaupo na sa pwesto ko sa unahan. Si Mia. Wala naman na akong magagawa. Sa college, walang sitting arrangement. Iginala ko ang paningin ko sa room. May isang monoblock chair sa likod pero wala nang lamesa. Isa na lang ang bakanteng pwesto. At 'yon ay sa tabi ni Vaughn.
Ayt! Naalala ko tuloy na iniwanan ko siya noong Sabado. Umupo ako nang tahimik sa tabi niya at inilapag ang bag ko sa long table.
“He-hello Vaughn. Paupo hah?” Ang awkward tuloy! Ni hindi ko nga nakamusta 'yong activity namin eh. Hanggang ngayon hindi pa ako nag-oonline. Umismid lang si Vaughn at 'di ako pinansin. Aba, aba galit ba siya sa ginawa ko? Mukha siyang badtrip ngayon. 'Yong masungit niyang aura ay dumoble. Naalala ko na naman tuloy 'yong thunder version ni Vil. Nakakakilabot na pangyayari.
“Class, nandito na ba lahat?” Binaling ko ang paningin kay sir. Hays, ang gwapo kahit medyo may edad na. Gupit teenager din kasi. Turn on rin ako sa mga matatangkad.
Isang malakas na kalabog ang naging dahilan para mapatingin kaming lahat sa pinto. Iniluwa nito si Picolo.
Si Picolo at Mia ang pinakamaingay sa klase na 'to. Tapos sila rin ang pinaka may walang kwentang sagot. Joke. Pero totoo.
“Good morning Mr. Mangahas, maaga ka pa para sa second subject.” Sambit ni sir na akala mo nang-aasar.
Nakangiti ulit siya. Nagsitawanan naman ang iba naming mga kaklase.
Pero parang may kakaiba kay Picolo ngayon. Hindi ba siya naligo? Nangangalumata at mukhang sabog. Parang kagagaling sa pag-iyak. Umismid lang siya kay sir dali-daling pumunta sa likurang bahagi ng room at umupo doon sa isang monoblock chair na muntik ko nang upuan. Ang bastos naman niya! Siya na nga ang late eh! Mabait talaga 'tong si sir kaya hindi niya na pinansin. Minsan nga tinatawag niya si Sir Thomas ng 'Sir malaking Ethics'. Kung ako si sir baka binagsak ko na 'yan. Char.
“Before we start our lesson proper, I have an special announcement. Class, listen. Mayroon akong limang klase na hawak sa subject na Ethics. Kayo na set 7, tapos set 2, 5, 10, at 13. I don’t want you class to fail my subject, so I must do something that will help you pass my subject.” Kumuha si sir ng marker at nagsulat sa whiteboard. 'D-E-B-A-T-E. Ginuhitan niya ito at nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Yes, magkakaroon tayo ng debate. At ang klase na mananalo ay exempted sa final exam. Next month na 'yon December.”
Nagbulung-bulungan na 'yong iba. Tuwang-tuwa nang makarinig ng 'exempted'.
“I need two representatives per class. Sinong gusto ng set ni'yo?”
At nagsimula na ngang mag-ingay ang karamihan. Pinag-uusapan at nagtuturo ng mga bets nila.
“Loko si Vaughn guys! Eenglish-in niya lang mga 'yon.” Pag-uumpisa ni Mikael.
“O kaya si Alex! O si Candary! Mamaniin lang nila 'yon!” Suhestiyon naman ni Donna at talagang dinamay pa ako ah.
Kung ako lang boto talaga ako kay Vaughn. Noong nakaraan napabilib ang buong klase sa case study niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Napaiwas din naman bigla dahil tinaasan niya ako ng kilay. Badtrip nga 'ata.
“Alright, silence class. Sino ba talaga? Make sure na they are worthy to represent your set.” Inayos na ni sir ang puting salamin niyang nalalaglag na sa tungki ng ilong niya.
“Picolo! Picolo!” Nagpasimuno ng chant si Ryann. Itong si Picolo ay tahimik pa rin tapos tinaasan ng middle finger si Ryann.
“Sir kayo na lang po pumili para walang angalan.” Natahimik lahat nang magsalita si Lee. Palibhasa beauty and brain.
“Alright. Since mukhang 'di kayo magkasundo. Sige, I’m choosing Luis and Ezplasa to represent your class. Sila ang partner.”
Te-teka? Ako at si Vaughn?
“Yown! Matic na 'yan may nanalo na!”
“Nice one. Gandang tandem.”
“Ayiiie bagay kayo!”
Ilan 'yan sa mga reaksyon nila. Ano ba 'yan why me? Mag-aabala pa tuloy akong balikan ang mga previous lessons. Paborito ko ang Ethics pero 'di ako confident sa speaking skills ko. Itong si Vaughn wala pa ring reaksyon at naghikab lang. Nabasag ang ingay ng cheer nila nang may kaklase kaming epal na ang pangalan ay Mia. Hindi sa hindi ko siya gusto, pero parang gano'n na nga.
“Sir mukha pong ayaw ni Candary. Bawal po bang mag-volunteer? I volunteer myself po sana.” Aniya.
O 'di ba? Wala naman akong sinabing ayaw ko. Si sir na nga namili para walang angalan. Nakakuha ng atensyon si Vaughn na tumayo at tinaas ang kanang kamay.
“Sir, I don’t want to represent our class without Ezplasa. I want her to be my partner.” Malumanay niyang sambit at saka bumalik sa pagkakaupo.
“Ayiiiiiiiiiie!”
Nag-umpisa tuloy nila akong asarin. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi. Nakakainis! Pumukpok si sir sa mesa gamit ang kamay dahil ang ingay na lalo. Natahimik naman agad ang lahat. Ngumiti si Sir Thomas. Ngayon ko lang napansin 'yong isng dimple niya.
“Okay then. Vaughn and Candary, the children of Science will be your debate delegates.”