Eleventh Glitch

1328 Words
C A N D A R Y "Bilisan mo kayang kumain!" Reklamo ko sa kasama ko. Kani-kanina pa ako tapos kumain, pero dahil favorite ni Teffy ang Siomai rice, heto pangalawang order niya na. May naabutan pa kaming pwesto rito sa canteen buti na lang. 'Yon nga lang super init. Lalo na at ang laki-laki ng ribbon ng uniform namin. Palatandaan na, HRM, Tourism, o Hospitality Management ang course mo gaya ko. "Eh ba't ba nagmamadali ka? May date ka ba?" Pasaring niya at kulang na lang ay ilagay sa tumbler ang sauce ng Siomai at higupin ito. "Date agad? May kakausapin lang." Pagkatapos ng klase sa Ethics kanina ay pinaderetso kami ni Sir Thomas sa faculty. Diniscuss niya sa amin ni Vaughn ang mechanics ng debate. May klase pa kami pareho kaya napag-desisyonan namin na after na lang namin mag-lunch mag-usap. Nagpakita raw sa kanya kagabi 'yong Vaughn na nakausap ko. Isang linggo na pala ang nakalipas! Ang bilis talaga ng araw. Curious na curious na ako kung anong sinabi nito sa kanya hmmp! Doon sa car park daw kami magkita para tahimik. Ayaw talaga ni Vaughn sa matataong lugar ano? "Sino naman?" Kahit puno ang bibig madaldal pa rin. "Secret." Kunwari inaayos ko na lang 'yong laman ng bag ko. Panigurado tutuksuhin niya na naman ako 'pag nalamang si Vaughn ang ime-meet ko. "Ay ang daya ah!" Sumibi pa. Parang tanga. Nag-earphones na lang ako para hindi ko na tuluyang marinig si Teffy. Hindi niya pa kaya ubos ang kinakain niya tapos ang daldal! Naramdaman kong may kumalabit mula sa likuran ko kaya tinanggal ko 'yong earphone na nasa kanang tenga ko. "Mas maganda pa ako sa araw Ary!" Si Vil. Naka-uniform panglalaki, pero pambabae ang ayos ng mukha. Putok na putok pa sa highlights ang mukha. Wala akong masyadong alam sa make-up. Ang sabi ko bakit para siyang kumikinang noon, bago raw kasi highlighter niya. Ewan bakit bigla akong kinabahan. "Yow! Hallu!" Pinilit kong 'wag maging awkward. Ano kayang magiging reaksyon niya 'pag sinabi kong nakita ko na 'yong matandang version niya? "Ikaw Ary ah! What's the problem ghorl? Ba't 'di ka nagparamdam sa GC? Ano umamin na ba sa 'yo si Vaughn-Vaughn?" Humagikgik pa siya at pinaghahampas ang balikat ko. Aray hah. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Teffy. Baka isumbong ako kay mama sabihin pagbo-boyfriend inaatupag ko. "Vaughn pala ah!" At nag-umpisa na nga po si Teffy. "Yas ghorl! Magkaka-love life na bessywaps mo! Sayang 'di tayo classmates para sana mas ma-educate si Ary paano lumandi! Hihihi! Lumapit pa kay Teffy at nakipag-apir. Patay na. Magkaklase sina Vil at Teffy noong senior high kaya mas nauna silang naging magkakilala. Pero, hindi naman sila ganoon ka-close. "Hoy Candiarrhea! Baka naman ipagpalit mo 'ko kay Vaughn!" Umakto pa si Teffy na nasasaktan at inilagay ang mga kamay sa dibdib. Mabuti na lang at tinawag na si Vil ng mga kaklase niya 'ata ang mga 'yon, kaya naman nabawasan ang manunukso sa akin. "Ikaw ah! Sabi sa 'yo may gusto ang Vaughn Voyage na 'yon sa 'yo eh! Haba ng hair sis. Naol." Alam kong hindi titigil 'tong si Teffy. Nagdahilan na lang ako na kakausapin ko 'yong umo-order ng cake sa amin ni mama. Tumango naman siya at nagpatuloy kumain. Hihintayin niya na lang daw ako sa room. Dumiretso ako sa CR para magmumog ng mouth wash. Nagsuklay din, at naglinis ng mukha. Kahit na karamihan sa mga ka-course ko naka make-up, lipstick lang ang alam kong ilagay. Paano ba kasi mag-drawing ng kilay?! Kahit ano yatang panood ko da YouTube olats ako! 12:34 PM, at nandito na ako sa Car Park, sa ilalim ng Nursing building. Walang tao, puro sasakyan lang. Napakatahimik. Parang mage-echo kapag gagawa ka ng ingay. Umupo ako sa ikatlong baitang ng hagdan na nasa gilid pa-short cut sa second floor ng building. Nakarinig naman ako ng mga yabag at hindi nagkamaling si Vaughn nga ito. Maangas na nakasukbit ang itim na backpack sa kanang balikat. Nakapamulsa ang kaliwang kamay. Lumapit siya sa akin at isinandal ang sarili sa malamig na pader. Inilapag ang bag sa baitang na inuupuan ko at saka humalukipkip. "Your mom will die because of me." Minsan nakakagulat at bigla-bigla siyang nagsasalita. Te-teka ano? Bakit ba hilig sa English ng lalaking 'to. "Huh?" Tinignan ko siya ng taimtim. "Mamamatay ang mama mo dahil sa akin. That's what he said." Kilala ko na agad ang tinutukoy niya-ang future Vaughn. Magsasalita sana ako pero hangin lang ang naunang lumabas sa bibig ko. Si mama na tanging kasama ko sa buhay, mamamatay dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Totoo ba 'to? Huminga ako nang malalim. Pinilit na hindi maluha. Kalma Candary, matuto kang makinig. "Ba-bakit daw?" Ginalaw niya ang dalawa niyang balikat. "I don't know. He told me that he just received a letter from the Beta dimension. The people and happenings there are much advanced." Beta? Advanced? Naguguluhan ako. Pinadalhan ng sulat? Naramdaman siguro ni Vaughn ang pagkalito ko. Siguro lukot na lukot ang noo ko ngayon. Tinuloy niya ang pagpapaliwanag. Nananatiling kalmado. "Ganito, aside from Earth, there are other three dimensions, the future me mentioned. The Alpha-ten years late. The Beta-which I don't know how many specific years advanced. The Foxtrot-where the future Candary and me came. I think, two years advanced." So ang ibig sabihin, ang sulat ay nagmula sa Beta dimension at natanggap naman ng taga-Foxtrot? Wow. Parang sa mga fantasy na anime na pinanood namin ni Teffy. Posible pala 'yon? Nako, nakita nga ni Vaughn 'yong glow up Candary eh. Hehe. "Ano raw sabi sa sulat? Anong magiging dahilan bakit ikaw ang magiging dahilan ng ikapapahamak ni mama?" Maski ako naguluhan sa sinabi ko. Ang bilis ko magsalita. Ganyan ako kapag tinatanggal ang kaba sa dibdib ko. Kaya pala sabi noong Vaughn na nakausap ko sa plaza hindi niya gustong saktan ako. At sorry siya nang sorry noong una akong makita. Sana hindi totoong mamamatay si mama. Hindi ko kakayanin. At hindi ko hahayaang mangyari 'yon. "I guess, that guy from Beta, didn't specify it. Sabi ko kailangan ng pruweba para malaman na mangyayari nga 'yon. He said there's a hint written on the letter. But when he's about to mention it, naglaho na lang bigla. I'm so pissed." Parang naramdaman ko kung gaano kalalim ang iniisip niya. Bumuntong hininga siya at saka naman pumamulsa. "Sige sabihin mo ano pang mga sinabi niya?" Kailangan kong kahit anong clue. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon! "He said that I'll become a killer. Magiging mamamatay tao ako kapag hinanap ko ang mommy ko." Dismayado ang kanyang boses at nayuko. Teka ano?! Si Vaughn? Parang ang kontrabida naman ng dating niya?! Napahaplos tuloy ako sa buhok ko pataas. Inalala na nabanggit niya sa library na magpapakamatay daw ako sabi noong future na ako dahil sa kanya. So lahat kasalanan ni Vaughn? Mali bang naging magkakilala kami? Mali bang nagtagpo ang mga landas namin? "Pa-paano?" Punong-puno ako ng mga katanungan. Ang sakit din siguro sa part ni Vaughn na ang paghahanap sa mismong ina niya ang magiging dahilan para gumawa siya ng krimen. "I don't know too. I guess, the only way to decode this is by meeting them." "Pero hindi natin alam kung paano. Ikaw nagkita na kayo pareho. Kami kaya?" Bigla tuloy akong napaisip, na sa dinami-rami ng tao sa Earth, kami lang ba ni Vaughn ang nakararanas ng gan'to? "Brad! Andiyan ka lang pala!" May malaking boses ang nag-echo na nagpahinto sa usapan namin. Kumaway ang lalaking matangkad, moreno, may nakatayong buhok, na mukhang kaedad lang din namin ni Vaughn. Umayos si Vaughn mula sa pagkakasandal. "Bakit Rai?" Ah kakilala niya pala. "Tara review. Nag-chat si Ma'am sa GC may quiz daw mamaya!" Pag-aaya nito habang binubutones ang nakabukas na unipormeng nagpapakita sa sandong puti na suot niya panloob. Magkaklase pala sila. Dali-dlai namang pinulot ni Vaughn ang ang bag niya sa baitang ng hagdang inuupuan ko. "I have to go. See you when I see you." Mabilis siyang lumakad at tumakbo nang magka-helera na sila ng direksyon nung Rai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD