Lumipas pa ang mga araw na walang balita mula kay Theo.
Walang tawag. Walang mensahe. Walang kahit isang email na tungkol sa negosyo. At sa nakakagulat na paraan, hindi ko rin hinintay.
Nagising ako isang umaga na walang kaba sa dibdib. Walang bigat sa balikat. Walang tanong kung anong oras siya uuwi o kung uuwi pa ba siya. Ang mansion ay nanatiling tahimik, ngunit hindi na ito parang kulungan. Isa na lamang itong espasyong tinutuluyan ko. Hindi na mundo na ikinakahon ako.
Mas madalas na akong nasa restaurant kaysa sa bahay.
Ang Still ay unti-unting nagiging kilala. Hindi sa ingay, kundi sa reputasyon. Mga reservation na kailangang i-book ng maaga. Mga review na hindi pilit, hindi bayad, kundi taos-puso.
“Parang may kaluluwa ang lugar,” sabi ng isang customer na nakasalubong ko minsan.
Hindi ko siya itinama. Dahil totoo.
Tuwing gabi, pagkatapos ng closing, umuupo ako sa isang sulok na mesa. Isang tasa ng tsaa. Isang sandaling katahimikan. Doon ko iniipon ang mga araw ko, pagod, tagumpay, pagkakamali, lahat ay akin.
Isang gabi, habang inaayos ko ang mga papeles sa opisina sa likod ng restaurant, tumunog ang cellphone ko.
Isang notification.
Hindi ko agad tiningnan.
Natuto na akong huwag magmadali.
Nang sa wakas ay kinuha ko ito, isang pangalan ang lumitaw sa screen.
Theo:
Hindi ko ginalaw agad. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pagtataka.
Anong kailangan niya?
Binuksan ko ang mensahe.
I heard the opening went well.
Congratulations.
Maikli. Direktang walang emosyon. Walang kahit anong personal.
Tinitigan ko ang screen ng ilang segundo.
Dati, sapat na ang ganitong mensahe para bumilis ang t***k ng puso ko. Para umasa. Para maghanap ng kahulugan sa pagitan ng mga salita.
Ngayon, wala.
Nag-type ako.
Thank you.
Everything’s running smoothly.
Nag-send ako bago pa ako makapag-isip ng dagdag.
Lumipas ang ilang minuto.
May reply ulit.
Good.
Make sure you don’t overwork yourself.
Napangiti ako nang bahagya.
Kung alam lang niya kung ilang gabi akong natutulog sa sofa ng opisina. Kung ilang umaga akong nauuna pa sa staff. Kung ilang beses kong piniling manatili rito kaysa umuwi sa mansion.
Pero hindi ko na ipinaliwanag.
"I can handle it," sagot ko.
I always have.
Matagal bago siya nag-reply.
At nang dumating iyon….
I know.
Isang simpleng pahayag.
Ngunit sa pagitan ng dalawang salitang iyon, may kung anong kumurot.
Alam niya.
Matagal na pala niyang alam.
At noon ko unang naisip.
Kung alam niya pala, bakit hinayaan niya?
Isinara ko ang phone at bumalik sa mga papeles. Hindi ko hinayaan ang tanong na iyon na manatili. Hindi na ito mahalaga. Hindi na ngayon.
Ngunit ang mga tanong, kahit pilit mong itaboy, marunong bumalik sa oras na hindi mo inaasahan.
Kinabukasan inabala ko ang sarili ko sa restaurant.
Hanggang sa lumapit sa akin ang isang staff ko na may dalang isang tasang kape.
"Ma'am, para po sa inyo," Nakangiting wika nito sa akin.
"Salamat Clare,"
"Wala po iyon, ma'am. Masyado na po kayo subsob sa trabaho, ma'am. Kailangan ninyo rin magpahinga."
"Nagpapahinga naman ako kaya wag kang mag-alala."
"Ahmmm… ma'am, gusto ko po sana kayo imbitahan sa kaarawan ko sa susunod na linggo."
"Ahhh… ganoon ba? Sige, pupunta ako."
"Naku, ma'am, salamat po."
"San ba iyan gaganapin?"
"Sa bahay lang po pero kaunti lang po ang handa ko iyong tipong may mapag salusaluhan lang po."
"Ganoon ba? Gusto mo ba na dito mo na lang ganapin ang kaarawan mo?"
"Naku ma'am, wag na po, nakakahiya po sa inyo."
"Bakit ka naman mahihiya? Isa ka sa mga loyal staff ko dito sa restaurant. Isipin mo na lang na isa ko itong regalo para sa iyo."
"Totoo po bang sinasabi niyo, ma'am?"
Maiyak-iyak na wika nito sa akin.
"Oo naman, bakit hindi mo na lang itabi ang ihahanda mong iyon para sa iyong mga anak? Ako na ang sasagot sa lahat ng gastos sa iyong kaarawan. Isipin mo na lang na pa-birthday ko na ito."
"Naku, ma'am, napakabait niyo po talaga."
"Walang ano man cheska basta Ikaw," nakangiting wika ko sa kanya.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ng aking kamay .
"Maraming salamat po talaga sa inyo."
Kaya agad ako napangiti sa kanya.
Maya-maya lang eh, nag-ring ang aking cellphone.
Nakita ko ang pangalan ni Theo na rumihistro doon.
"I need to take this call," Nakangiting wika ko sa kanya na agad naman nitong ikinatango.
Matapos naming mag-usap dalawa ay lumayo ako sa kanya upang sagutin ang tawag.
Narinig ko ang boses ni Theo na halos na mamaos-maos pa.
"Anong dahilan at napatawag ka?"
"Wala lang, gusto ko lang ipaalam sa iyo na darating na ako next week."
"Ganun ba? Gusto mo bang magpa-red carpet pa ako?"
Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.
"Malaki na talaga pinagbago mo kahit saglit pa lang tayo nagkakahiwalay."
"Syempre, san pa ba ako matututo kundi sayo lang din?"
Seryosong wika ko sa kanya; maya-maya narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
At agad na maalam ito na magpapahinga na.
Hinayaan ko na lang siya tsaka ko binaba ang tawag.
Muli kong binalingan ng tingin ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking table.
Wala na rin si Clare doon kaya muli akong bumalik sa table ko para gawin ang aking trabaho.
Matapos ang maghapon kong pagtatrabaho ay nagpasya na ako na umuwi.
Ngunit sa kalagitnaan ng aking biyahe ay hindi sinasadyang pumutok ang gulong ng aking sasakyan.
Muntikan pa ako maaksidente kung hindi lang umiwas sa akin ang isang truck.
Nang mai tabi ko ang sasakyan ko ay agad akong lumabas para silipin ang aking gulong.
"Shocks, anong gagawin ko ngayon? Madilim ang daan. Paano kaya ako uuwi nito?"
Maya-maya may humintong isa pang kotse. May isang lalaking bumaba doon at lumapit sa akin.
"Miss, are you okay? What's wrong?"
"Sumabog kasi ako ng gulong ng aking sasakyan."
"Ganoon ba? Sige mabuti pa'y tumawag tayo ng mag-aayos niyan," seryosong wika nito sa akin.
Agad nitong kinuha ang kanyang cellphone at tumawag sa isang talyer na malapit lang dito.
At matapos silang mag-usap ay tumingin ito sa akin.
"By the way, I'm Ethan."
"Mamaya lang ay darating na ang mag-aayos ng iyong sasakyan. Pagdating nila pwede na tayong umalis dito."
"Paano ang sasakyan ko?"
"Itatawag na lang sayo iyan pag naayos na nila. Ako na bahala maghatid sayo pauwi; masyadong delikado sa daan na ito."
"Sigurado ka ba? Hindi ba't nakakahiya sayo lalo na't hindi mo ako kilala?"
"Hindi nga pero makikilala kita kung magpapakilala ka," nakangiting wika nito sa akin, bagay na ikinangiti ko pabalik sa kanya.
"I'm Victoria Kensington"
"Kensington?" Takang tanong nito sa akin.
"Oo, bakit? May problema ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Nakita ko ang pagbabago ng itsura nito. Pero maya-maya lang nawala ito.
At ngumiti pabalik sa akin.
"Sige, ihahatid na kita sa bahay mo."
Seryosong wika nito sa akin.
Nagtatakaman ako sa biglaang pagbabago ng kanyang mukha.
Ngunit binalewala ko na lang iyon dahil pagod na rin ako't nais ko na ring umuwi sa aking bahay.