Pag kabalik namin sa hapag-kainan ay tahimik na naupo lang ako sa tabi ni Theo. Maya-maya lang ay narinig na namin ang boses ng Lolo ni Theo. “Kailangan ninyong magkaanak.” Diretso ang boses niya. Walang paligoy. Walang emosyon. Isang utos na sanay sundin ng mga taong nasa loob ng bahay na iyon. Nakahawak pa rin ako sa baso ng tubig. At madiin na napakapit ako doon na tila doon ko binubuhos ang lahat ng bigat ng aking dibdib. Hindi ko alam kung kailan ako tumigil sa pag-inom. Si Theo, sa tabi ko, ay bahagyang tumuwid ang upo. isang kilos na matagal ko nang kabisado. Ang kilos ng isang taong alam na may paparating na responsibilidad at wala siyang balak tanggihan iyon. “Lolo,” simula ni Theo. “Hindi ito pakiusap,” putol ng matanda. “Utos ito.” Ramdam ko ang bigat ng mga matang naka

