“Ngumiti ka,” bulong ni Theo, hindi man lang tumitingin sa akin. Ginawa ko. Sanay na ako sa ganitong uri ng pag-arte. Ang uri ng ngiting hindi umaabot sa mata, pero sapat para hindi ka tanungin ng “Okay ka lang ba? ” May lumapit agad sa amin. Mga tiyahin, pinsan, mga mukhang minsan ko nang nakita pero hindi ko kailanman nakilala. Mga yakap na may distansya, mga halik sa pisngi na may kasamang pagsusuri. Ramdam ko ang mga matang sinusukat ang suot ko, ang tindig ko, ang katahimikan ko. “Siya na ba ‘yung asawa mo? ” tanong ng isang babaeng may alahas na mas makinang pa sa ilaw sa itaas. “Oo,” sagot ni Theo, diretso, walang pag-aalinlangan. “Si, Victoria.” Tumango ako, bahagyang yumuko ang ulo. Parang bata na tinuruan ng tamang asal. Habang lumalalim ang gabi, mas lalo kong naramdaman a

