Hindi ako agad natulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong pinakinggan ang recording hanggang sa kabisado ko na ang bawat paghinga niya, ang bahagyang pagdiin sa salitang sinabi niya. At ang mas nakakatakot, alam kong totoo ang sinasabi niya. Ibinaba ko ang recorder sa kama at tumingin sa kisame. Sa labas ng bintana, tahimik ang buong mansion. Para bang walang bahid ng tensyon ang hangin. Para bang walang nagaganap na digmaan sa pagitan ng dalawang taong iisang bubong ang tinitirhan. Pero meron. At hindi na ako ang babaeng tahimik lang na susunod. Kinabukasan, hindi ako bumaba agad para mag-almusal. Sa halip, tinawagan ko si Mona. “Ma’am, okay lang po ba kayo? ” bungad niya agad. “Okay ako,” sagot ko. “May kailangan lang akong itanong.” “Tungkol po kay sir? ” “Hindi,” mabilis kon

