Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko nang gabing iyon. Pagpasok ko sa silid, agad kong isinara ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Mabigat ang dibdib ko, pero hindi na dahil sa takot. Iba na ang nararamdaman ko ngayon. Galit. Tahimik akong naglakad papunta sa side table. Inangat ko ang tissue box at kinuha ang maliit na recorder. Ilang segundo ko itong tinitigan bago pinindot ang play. Narinig ko ang sarili kong boses mahina pero malinaw. “Hindi ako habang buhay susunod.” Kasunod ang malamig niyang tugon. “Tingnan natin.” Napapikit ako sandali. Hindi sapat ang mga salitang iyon para tuluyang sirain siya. Kailangan ko pa ng mas mabigat. Mas malinaw. Mas delikado. Pero simula na ito. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng silid nang walang katok

