Humupa ang ingay ng shower at napalitan ng tunog ng pagbukas ng pinto ng banyo. Hindi ko inalis ang paningin ko sa sahig habang papalapit siya. Ramdam ko ang presensya niya, ang init ng kanyang balat, at ang pabango niyang matapang at dominante. “Anong iniisip mo? ” tanong niya, tila kaswal pero may nakatagong pagdududa. “Wala,” sagot ko, maingat ang tono. Sandali siyang natahimik, saka ako hinawakan sa baba at itinaas ang mukha ko upang mapilitang tumingin sa kanya. “Huwag mo akong titingnan ng ganyan sa harap ng mga tao. Naiintindihan mo? ” “Oo.” Bumitaw siya at tumalikod, tila kontento na sa aking sagot. Ngunit hindi niya alam—sa ilalim ng tissue box sa side table, tahimik na nakikinig ang recorder. Nang gabing iyon, natapos ang lahat nang hindi ako nasasaktan nang pisikal. Marahi

