CHAPTER 11

1048 Words
Alexis' POV Hindi ko kayang ikuwento sa aking mga magulang ang totoong nangyari sa akin, natatakot ako. Sa pagkakaalam nila ay naghanap ako ng mapapasukang trabaho ngunit kinabukasan no'n ay agad na may tanggap silang balita na ako nga at ang prinsipe ay nawawala. Nag-alala sila nang sobra at hinanap din ako. Ngayon ay hindi ko alam kung papaano sasabihin at ipapaliwanag sa kanila. Pagkatapos naming magpaliwanag kay reyna Kristel na ina ni prinsipe Kira, umuwi na ako kaagad sa amin. Kinakabahan ako nang sobra. Ano kaya ang aking ipapaliwanag? Sasabihin? Huminto ako sa harap ng pintuan namin at huminga nang malalim. Okay, magsisinungaling na naman ako sa aking ina. "Anak?" halos kilabutan ako sa boses na nanggaling sa aking likuran. Lumingon ako at si nanay ang aking nakita. Halos maluha siya nang makita ako. Niyakap niya ako bigla, "Anak, saan ka ba nagpunta?" tanong niya. Yumakap ako pabalik at saka kumalas, "Nag-ano lang naman po kami ng prinsipe eh, nag-ano..." errr, nasa dulo ng dila ko 'yung salita. "Ano?" Napakunot siya ng noo. "Ano... 'yung ano nay, 'yung sa labas kayo matutulog tapos doon din kakain. Bale doon titira pansamantala. Dalawang araw lang naman iyon nay eh." Wika ko. "Camping ba ka mo?" Tumango ako, "Opo! Camping. Tsaka gusto raw po kasi makalanghap ng sariwang hangin ang prinsipe eh," sabi ko. "Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa reyna? At ikaw, bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Akala ko ba pinaalis ka na doon?" Curious niyang tanong. Napakamot na lang ako sa aking batok, "Ano po, biglaan kasi eh. Siguro nagkaroon ng problema ang prinsipe kaya ganoon ang pasya niya at alam niyo naman na ako ang tagapagsilbi niya, hindi ba? Anong utos niya ay siyang aking gagawin." Ayan, naipit ko pa tuloy ang mahal na prinsipe. Ngayon lang ako nakakapagsinungaling, hindi naman ako mahilig magsinungaling sa aking mga magulang eh. Ewan ko ba kung anong nagyari sa akin, ba't ganito na ako ngayon. Parang ang dali na lang magsinungaling eh. Huminga siya nang malalim, "Osya, maayos na ba sila? Ayos na ba ang prinsipe?" tanong niya. "Opo, maayos na maayos po." "Hali ka. Pasok muna tayo. Nagagalak ako na maayos ka lang. Pinag-alala mo kami," wika niya sabay bukas ng pinto. Pumasok kami at umupo sa upuan, "Opo, maayos naman ako at ang prinsipe." wika ko. Natahimik siya saglit at tinitigan akong maigi, nailang tuloy ako, "B-Bakit, nay?" tanong ko. "Anak umamin ka nga sa akin, may tinatago ka ba sa amin ng tatay mo?" Hala ka. Lumalakas ang pintig ng puso ko, alam ata ni nanay na nagsisinungaling ako eh. Nako. Iba pala sa pakiramdam ang mahuli habang nagsisinungaling. Anong gagawin ko? "H-Ha? B-Bakit niyo naman naitanong iyan?" Wika ko sa malainosenteng tono. "Hindi mo kasi sinasabi kung bakit ka pinaalis no'ng isang araw tapos malalaman kong tagapagsilbi ka pa rin ng prinsipe. Tapos pansin ko marami ka nang hindi sinasabi sa akin, maraming bagay na ang inilalayo mo sa amin. Anak, papunta ka pa lang, pabalik na ako. Nanay mo ako, kilala kita. Kaya sabihin mo, ano ba ang mga tinatago mo?" Tanong niya. Hala ka si nanay. Kilalang-kilala ako ni nanay eh. Napayuko ako at inisip ang sasabihin ko. Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni nanay. "Okay lang naman na mag-nobyo ka, nagdadalaga ka na eh, may nobyo ka ba? Nagkikita ba kayo? Siya ba dahilan kaya hindi mo magawa nang maayos mga trabaho mo? Pwede mo naman sabihin sa akin." Jusmio. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni nanay. "Nanay naman, wala po akong nobyo." sagot ko at saka sumimangot. Humalakhak siya at tinapik ang aking kaliwang balikat, "Magpahinga ka na, basta ang mahalaga ay maayos ka. Sasabihin ko sa tatay mo na nakauwi ka na." Tumayo siya at dumiretso sa kusina. Lah, ang weird ni nanay. Akala ko mahuhuli na ako. Napakamot na lang ulit ako sa batok ang pumasok sa kwarto ko at humiga. Naiisip ko na naman ang reyalidad. Hindi pa rin ako makapaniwala na reyna ako ng paraisong iyon, akala ko hindi totoo ang mga reincarnation eh. Sobrang hindi nakapanipaniwala. Sana nga nananaginip lang ako. Ayaw ko naman maging reyna eh, wala sa pangarap ko iyan. Ang akin lang ay mabigyan ng maganda buhay ang mga magulang ko, ayos lang kahit hindi na ako yumaman. Pero ang pagiging reyna? Nako, hindi, ayaw ko. Maari bang atrasan ang itinakda para sa akin? Kasi tingnan mo ha, ako si Alexis na anak ng mga mortal na tao. Lahat ng mga mahal ko ay nasa mundong ito, tapos biglang sisingit ang mundong mahika? Tapos malalaman ko pa na ako ang reyna nila? Nakakapanindig balahibo talaga. No'ng nasa paraiso ako ng mahika, pakiramdam ko ay pag-aari ako ng paraisong iyon, ngunit sa mundong ito ay mas ramdam ko ang buong pagkatao ko. Kapag ako ang namuno sa paraisong iyon (kahit wala akong kaalam-alam sa pamumuno), paniguradong iiwan ko ang mundong ito at magpopokus na roon. Ayaw ko naman ng ganoon, nandito ang mga mahal ko eh. Tama. Siguro ay talikuran ko na lang ang sinasabi nilang itinakda para sa akin. Mas mahalaga ang pamilya ko, ang mundong ito. Bukas ay babalik ako sa kastilyo, babalik ako bilang tagapagsilbi. Ipagpapatuloy ko ang pamumuhay ko bilang isang normal na tao. At kapag nagkita kami ni Karma, saka ko na lang sasabihin o hindi kaya'y tatawagin ko na lang ang pangalan niya. Buo na ang aking desisyon, hindi ko maaaring iwan ang aking mga magulang. Sila lang ang meron ako. Umupo ako sa kama at tiningnan ang litrato naming tatlo na nasa ibabaw ng aking mesa. Ang saya namin sa litratong iyon, bata pa ako at hindi pa masyadong matanda sila nanay at tatay. Ngumiti ako sa tuwa, naaalala ko kasi ang mga kalokohan namin no'ng bata pa ako eh. Sinasamahan din ako ng mga magulang ko sa mga kalokohang pangbata, para raw may kalaro ako. Biglang sumagi sa akin ang isang alaala, 'yung punto na naging kalaro ko ang mahal na prinsipe noong kami ay mga paslit pa lamang. Masarap balikan ang mga bagay na hanggang alaala na lamang. Nagulat ako dahil biglang naging iba ang imahe ng nasa litrato, ang imahe naming tatlo ay biglang naging imahe namin ng prinsipe no'ng kami ay paslit pa lamang. Ano ito? Bakit nag-iba? Napatakip ako ng aking bibig, "Dahil hindi mo pa alam na makapangyarihan ka," bigla kong naalala ang sinabi ni Karma. Ako ba ang gumagawa nito? Maaari. Hindi ko alam na makapangyarihan ako. Teka, hanggang ngayon ba ay may kapangyarihan pa rin ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD