Prince Kira's POV
"Your father came home yesterday but you were sleeping," my mom said as she sat on my bed, "I didn't wake you up kasi alam kong pagod ka," she added.
Inalis ko ang unan na nasa ibabaw ng mukha ko, "Ikinwento niyo na po ba sa kaniya ang nangyari sa amin?" tanong ko.
"Yes, son." She answered.
"How did he reacted on it?" me asking, baka hindi naniwala si daddy at isipin niyang nag-iisip bata na naman ako. Alam niyo naman ang mga matitigas na lalake, hindi basta-basta naniniwala sa mga mahika mahika na 'yan.
"Chill as usual," she answered and gave a deep exhale.
Chill for he never cared about me. I just rolled ny eyes on what she said. Mas mabuti na rin iyon kaysa may masabi siyang masama tungkol sa akin dahil doon. I don't care if he believed it or not.
"At gusto ka niyang makausap," dagdag ni mommy.
Tumango ako at bumangon. Nilisan na ni mommy ang aking silid matapos niya itong sabihin.
Everyone fears my father, kapag nakakausap nila si Daddy ay para bang nanginginig sila sa takot. Talagang nakakatakot ang aura ni daddy, manginig na sa takot ang magtatangkang galitin siya. Kapag ginalit mo siya, nako, magtago ka na sa lugar na hindi ka makikita. He is the most powerful person in this kingdom and for sure, your tomorrow isn't promised.
But for me, hindi siya nakakatakot. Ang nakakatakot lang ay ang mga sasabihin niya. His words are all serious, my father does not speak foolish things. Minsan nasobrahan na sa pagka-serious, nakakagulat na nga halos eh. He is always deciding things for me without my awareness at pabigla-bigla na lamang niya ito sinasabi. I always left no choice. Hindi ako pwedeng mag-no dahil wala naman akong karapatan eh. I'm just a prince, he is the king.
Nag-ayos na ako at nagpatimpla muna ng gatas (nasaan na ba kasi si Alexis? I miss her milk) sa tagapagsilbi bago hinarap ang aking daddy. His face is the same, no curve on his lips and no facial expression.
"Dad," bungad ko nang makapasok ako sa meeting room. Siya at ako lamang ang nandito.
He cleared his throat and poured a wine on a glass then he gave it to me, "Welcome home, son." he said as he handed the glass to me. See? No mark of worrying can be seen on his actions. As if I just went on a trip.
"Thanks, dad." Sagot ko na lang at tinunga ang wine. Tastes good.
"Princess Sheila will join us to our dinner," halos mailabas ko ulit ang ininom kong wine dahil sa sinabi niya.
Gosh. I forgot, I HAVE A FIANCÉE!
"O-Okay," nauutal kong sagot. What on earth am I doing? Nakakalimutan ko atang prinsipe ako, may mga responsibilidad ako at may mga pangako rin akong nabitawan.
Sa sandaling kasama ko Alexis tila nakalimutan ko na lahat.
Ito ang pinaghahandaan ko sa buong buhay ko tungo sa pagiging isang tunay na hari tapos kakalimutan ko lang na engaged na pala ako. Gosh self! Wake up!
"Her parents will join us as well," he added.
See? Sabi ko na eh. Mga nakakagulat talaga ang sinasabi ni daddy. "Okay, what should I do then?" tanong ko.
He gave me a sharp look, "Don't ask me that, I raised a perfect prince. Don't act like you're not." Wika niya kaya napalunok na lamang ako. I am serious, what should I do? He never ever taught me how to act or what to do when I am having a dinner with my future parents in law.
"You should act decently, you're destined to rule! Ilang beses ko pa ba kailangan ulit-ulitin?"
Oh. Ito na pala 'yun. I was speechless pero ang dami kong sinasabi sa isip ko. Tumango na lamang ako at pinaalis niya na ako sa meeting room. I should have time to fix myself before the dinner 'raw'. So I did.
Binili ko ang pinakamahal na tuxedo na makikita rito sa kaharian para lang sa dinner na iyon. While I was out (with my guards of course), lahat ng babae nagsititili. Kilig na kilig sa tuwing gumagawa ako ng isang hakbang eh, taga-galaw ko ay pinagmamasdan nila. Ang gwapo ko talaga, hays nakakapagod.
And yes, evening came. Inihanda ko na ang aking sarili at pumwesto sa harap ng kastilyo kung saan papasok ang prinsesa. Nasa gilid naman sila mommy at daddy. At nasa sulok ang mga kawal.
"She's here," bulong sa akin ni mommy.
Napapikit ako sa silaw ng kotse nila. Princess Sheila went out of the car having her father assisting her. On the left arm, he has his wife and on the right, he has his only daughter.
Napakaganda niya. Kumikinang ang kaniyang makintab na kutis, napakapula ng kaniyang labi, nakakaakit ang kaniyang kurbang katawan, ang ganda niya ngumiti. I must consider myself as lucky. What do you think?
Sinalubong ko sila ay yumuko, "Magandang gabi, kamahalan." Bungad ko sa kanila.
"Maganda gabi rin, ijo." Sagot ng reyna.
Umayos na ulit ako sa pagkakatayo at lumapit sa prinsesa "Maaari ba?" Tanong ko sabay abot ng aking braso sa kaniya.
Ngumiti lamang siya at hinawakan niya ang aking braso. Goodness, napakalambot ng kaniyang palad.
Then we have our dinner na. Magkatabi kami ng prinsesa, syempre.
"Are you sure about next week?" Tanong ng hari sa aking daddy.
Tumingin sa akin si daddy at sinabing, "Yes,"
Kumunot ang noo ko dahil wala akong kaalam-alam sa pinag-uusapan nila, nakikinig lang ako hanggang sa malaman ko ang pinag-uusapan nila. Anong meron next week?
"Just wanna ask, why so sudden?" tanong ng reyna.
"Mom, ayaw mo ba ako ikasal?" Biglang sabat ni Sheila.
What?
"Hindi naman sa gano'n, ang akin lang, bakit biglaan ang plano. You can make it next month para mas decent ang kalalabasan." Wika ng reyna.
"It is the same. Kasal pa rin naman po iyon and we can re-marry if you want a decent one." Sagot ni Sheila.
The queen gave a sigh, "Again, why so sudden?" She looked at my parents.
"My son gave his decision and I am glad because he can stand up on his own now and can make decision as well. Maging masaya na lang tayo para sa kanila." My dad replied without looking at me.
Napakunot ako ng noo at masamang tumingin sa kaniya ngunit hindi siya nakatingin sa akin kaya kay mommy ko na lang tinapon ang sama sa aking tingin.
Her eyes are like talking, saying, "Huwag ka na lang sumagot anak," her eyes are sad.
As usual na naman. I have no choice but to smile. Wala na talaga akong karapatang gumawa ng sariling desisyon ko. Hindi ko alam na ikakasal na pala ako next week, wala man lang pasabi.