Prince Kira's POV
He will be charge for what he did. Hindi niya maaaring ipadakip si Alexis nang hindi man lang sinasabi ng aking mga magulang. Wala siyang karapatang gumawa ng desisyon niya dahil hindi siya ang hari.
Inutusan nang ipadakip ang punong kawal, siya ay makukulong ng isang linggo at nang matuto siya.
After our talk, Alexis went home para ipaalam sa magulang niya na maayos ang kaniyang kalagayan. Kumalat na rin kasi ang balitang nawawala kami. I don't know how she will explain it to her parents, I don't know how she will cover her words to her mother, o kung paano niya ipapaliwanag 'yung kasinungalingan niyang pinaalis siya sa kastilyo. I know she can handle that, and her parents love her so much, sana nga palalampasin nila ito.
About my mother, hindi niya ginawang big deal ang pagkakaroon ng kakayahan ni Alexis, she is more worried about me. About what I saw, discovered and more. Tanong nang tanong si mommy at halos hindi na mapakali.
If somebody is with us, she is calm as paradise pero kapag kaming dalawa na lamang, nako, hindi niya maikalma ang kaniyang bibig. She is so curious.
Amazing lang dahil matagal na pa lang alam ni mommy na bukod sa mundong ito ay mayroon ding mundo ng mahika. Unlike me, I thought it was a joke, gawa lang ng pantasya, gawa-gawa lang ng mga tao until I saw those smokes on Alexis' palm. It woke me.
I told my mom that Alexis lost her magic after we left that paradise. This is just to cover up Alexis' true identity as a queen. Yes, I can lie.
"'Yung Karma ba na sinasabi mo ay may mas ini-reveal pa kaysa sa mga sinabi mo?" Mom asked.
Napaikot na lamang ako ng mga mata at huminga nang malalim, "Mom, wala na po. You can calm yourself now. Ang mahalaga ay okay ako, okay kami." Sagot ko.
She sat beside me, "I am just curious at nag-aalala lang ako baka may mahikang inilagay sa'yo ang Karma na iyon o kung sino ba o kung may sinabi ba siyang mahalaga sa'yo na dapat ko ring malaman." paranoidly said.
"Wala, mom. They are good at sa tingin ko ay nasagot ko na lahat ng mga katanungan mo diyan sa utak mo because you kept on asking the same questions."
Napahinga na lamang siya ng malalim at sinabing, "Okay, rest now son. Hihintayin ko na lang ang daddy mo." At saka nilisan ang aking silid.
Humiga ako sa kama at nag-isip.
How can Alexis handle her situation now? She is a queen and a daughter. Saan nga ba niya ilalagay ang sarili niya? Sa mundong ito? O sa mundong iyon?
Kung ako ang tatanungin, she better stay here. Kaya naman ni Karma ingatan ang paraiso, nagawa nga niyang buhayin ito nang siya lang mag-isa eh. But Alexis, she is not ready for a new world and a very big responsibility at bata pa siya para sa trono.
At saka, nandito ang mga mahal niya sa buhay. Kaya niya ba itong iwan? Sa tingin ko ay hindi. Kaya mas mabuti nang mag-stay siya rito.
"HINDI NIYO AKO MAAARING DAKPIN!" Napukaw ako sa isang malakas at matigas na boses na nagmumula sa labas ng kastilyo.
Binuksan ko ang aking bintana at tumingin sa ibaba, ang punong kawal pala. Tigdadalawang kawal ang nakahawak sa magkabila niyang braso. Nagpupumilit na makawala. Hays.
Agad akong bumaba at nagtungo sa direksyon niya, halos lahat ng mga mata'y sa akin nakatutok. "Stop it, Fernandez." Nahinto silang lahat sa pagbuka ko ng aking bibig.
"Ano ang ibig sabihin nito?" Naguguluhan niyang tinanong.
"Queen's order, wala kang karapatang ipadakip ang isang tao kapag hindi sinasabi ng aking mga magulang, mas lalong wala kang karapatang ipadakip ang inosenteng tao."
Napakunot siya ng noo at napahalakhak, ako'y nagulat sa inasta niya. "You're growing older, but not smart enough." Walang punto niyang sinabi.
Ayaw kong ma-stress kakaisip sa point niya kaya tiningnan ko ang kanang kamay ng punong kawal at sinabing, "Dalhin niyo na siya."
Sinunod naman nila ako at hindi na pumalag ang punong kawal. Very good.
I went inside of my room again at nagpatimpla ng gatas sa isang tagapagsilbi. She made one right away, but it doesn't taste the same as Alexis'. Mas masarap pa rin ang gatas ni Alexis, ang gatas na gawa ni Alexis.
Na-miss ko tuloy siya utos-utusan.
Hays. Sana nga ay dito na lang siya sa mundong ito, sana pagsilbihan niya na lang ulit ako. Hindi na ako makakahanap ng ibang tagapagsilbi na kasing husay niya magtimpla ng gatas.
Ewan ko ba, sa tingin ko ay complete package na si Alexis. Maganda siya, oo inaamin ko. Makinis din kahit na todo trabaho. Mabait, witness naman kayo hindi ba? May respeto, sa akin pa nga lang mataas na ang respeto niya, what more pa sa mga parents niya? Nakaka-turn on talaga 'yung mga ganiyan. Mabango ang kaniyang buhok, totoong mabango ang kaniyang buhok at ewan ko ba kung bakit sobrang nakaka-attract ang scent ng buhok niya. Maganda ang mga mata niya na para bang nagsasalita. Ang mga pilik mata niyang natural na nakakurba. Ang labi niyang mapupula. Medyo may kapanguan nga lang siya pero nagbagay naman sa kaniya, cute nga tingnan eh. At higit sa lahat, masarap magtimpla ng gatas.
Ay basta! Maganda siya, complete package na.
Pero ayaw ko sa kaniya, ayaw ko magkagusto sa kaniya. Dati lang iyon kasi nga bata pa ako at wala pa sa tamang pag-iisip. Pero ngayon, konti na lang hahaha. Sa tingin ko nga ay wala na.
Ayaw ko magkagusto sa kaniya dahil hindi maaari. Naiintindihan niyo ba?
Hindi lang dahil sa inasta niya na parang nakalimutan niya ang nakaraan namin, kundi pati rin sa sitwasyon namin. Hindi kami pwede, hindi maaari.
Kaya sa mga umaasa diyan na magiging kami sa huli, hanggang asa na lang kayo dahil hinding-hindi magiging kami.
Dugong maharlika ako at dugong maharlika rin ang dapat na makatuluyan ko. Ito 'yung pinupunto ko.
Kapag sinabi ko kay daddy na nagka-crush ako kay Alexis dati paniguradong mabubugbog niya ako. Sasabihin na naman niyang, "You should act decently, you're destined to rule!" as usual. Paniguradong iisipin niyang undecent 'yung pagkakaroon ko ng pagtingin kay Alexis noon.
Sometimes I thought of escaping the role of being a prince because they're making me somebody I'm not. But a reality woke me up, this is who I am. I am the somebody I thought I'm not.