Alexis' POV
Kinabukasan ay nagtungo ako sa kastilyo upang magbalik trabaho. Nagpaalam muna ako sa aking mga magulang upang alam nila ang aking mga desisyon at galaw, baka mag-alala na naman sila sa akin.
Pagkarating ko sa kastilyo ay agad kong sinuot ang aking uniporme, "Nakita mo ba ang mahal na reyna?" tanong ko sa kasama kong tagapagsilbi rin.
"Nasa kusina, masyadong busy siya ngayong araw, hindi namin alam kung anong meron ngayon eh," sagot niya.
"Ah, ganoon ba? Sige, tutungo muna ako roon." Wika ko. Nakakaisang hakbang pa lamang ako nang bigla siyang nagsalita.
"Akala ko ay pinaalis ka sa trabaho," ang kaniyang sinabi.
Humarap ako muli sa kaniya, "Hindi ah, nawala lang kami ng prinsipe ng ilang araw, pero hindi naman ako pinaalis sa trabaho." sabi ko.
Tumango siya saka nagsalita, "Iyan ang tsismis ngayon, tsaka alam mo ba?" lumingon-lingon siya sa paligid at saka bumulong sa akin nang makumpirma niyang walang ibang tao sa paligid, "Tsismis din ngayon na sinasalamangka o gayuma mo raw ang mahal na prinsipe." Dagdag niya.
Napalunok at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "H-Ha? Bakit ko naman gagawin iyon? Tsaka h'wag ka magpapaniwala sa mga ganiyan." ngayon ay nagsisinungaling na naman ako. Siguro parte na ng aking pagkatao ang pagsisinungaling at masakit tanggapin iyon. Hindi ko naman ginayuma ang mahal na prinsipe ah, at aksidente lang iyong pagkakasalamangka ko sa kaniya. Tsaka paano naman nila nalaman iyon? Eh kaming dalawa lamang ng prinsipe ang naroroon no'ng mga oras na iyon.
Tumawa siya nang mahina at tinapik ang aking balikat, "Alam ko, hindi naman totoo iyang mga salamangka-salamangka eh, lalo na ang gayuma. Nilamon lang talaga ng pantasya ang isip ng mga tao. Sinabi ko lang ito sayo para maging aware ka." wika niya saka tinali ang kaniyang buhok.
"Sige, salamat sa tsismis— ay este balita pala, mauna na ako." Huling sinabi ko bago ako lumisan sa dako na iyon.
Habang naglalakad ako patungong kusina, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao na aking nadadaanan. 'Yung iba ay nagbubulungan. Kaya yumuyuko na lamang ako kapag may madadaanang tao, siguro nga ay sobrang kalat na ang tsismis na iyon.
"Hoy, Alexis!" Nahinto ako sa paglalakad nang bigla akong tawagin ni Thea na anak ng punong kawal.
"B-Bakit?" tanong ko. Magkasalubong ang kaniyang kilay habang naglalakad ito palapit sa akin.
"Tagapagsilbi ka lang," aniya.
"Alam ko po,"sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang punto
"Kaya h'wag ka lalampas sa limitasyon mo! Tigilan mo na ang paglalandi kay Kira!" nanggigigil niyang sinabi sa akin. Aba.
Napataas na lamang ako ng kilay, "Hindi ko naman siya nilalandi, po. Kaya huwag mo akong husgahan, po!" sagot ko sa diin na tono. Nasaktan ako sa sinabi niyang nilalandi ko ang prinsipe.
"Aba! Bastos ka ah!"
"Opo, bastos siguro, pero mas bastos ka po." nilagpasan ko siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa kusina.
"B*tch!" Nahinto na naman ako nang bigla niya akong sabunutan.
Hindi na ako nakapalag dahil sobrang bilis ng kaniyang galaw. Sinampal niya ako nang dalawang beses matapos niya akong sabunutan.
"Thea, what are you doing?!" isang tinig ang nabuo mula sa aking likuran. Alam ko na ang tinig na ito ay pagmamay-ari ng mahal na reyna.
Agad akong binitawan ni Thea at siya ay napatayo at yumuko, "P-Pasensya mahal na reyna, s-si Alexis po kasi—" hindi niya natapos ang kaniyang sinasabi nang biglang magsalita muli ang reyna.
"Baka gusto mong matulad sa ama mong nasa kulungan ngayon?" Isang nakakagulat na tanong.
Napalunok siya at tumakbo na lamang palayo sa amin. Argh! Ang sakit ng mga sampal at sabunot niya. Dahan-dahan akong tumayo, at inalalayan naman ako ng mahal na reyna.
"Bastos talaga ang batang iyon, gusto mo ba na ipadakip ko rin siya?" tanong ng reyna.
"N-Nako, hindi na po. Hindi na niya uulitin iyon." sagot ko habang dahan-dahang inaayos ang aking buhok na nagulo dahil sa sabunot ng babaeng iyon.
Huminga nang malalim ang reyna at sinabing, "Hindi bale, kapag naulit ito, hindi na siya makakapasok sa kastilyo."
Tumahimik na lamang ako dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Nga pala, magdu-duty ka ba, Alexis?"
"O-Opo,"
"Sige, tamang-tama kailangan ka sa kusina." wika ng reyna.
Matapos ang aming pag-uusap ay nagtungo na ako sa kusina. Lahat ng mga tagapagsilbi ay busy kakaluto ng mga pangmayamang luto. Mukhang may selebrasyon ngayon sa kastilyo ah.
Habang ako'y nagtatrabaho, ang mga titig ng ibang tagapagsilbi ay talagang nakakailang. Hindi ako sanay na sa akin lang ang kanilang atensyon, sanay akong binabalewala nila eh, ng lahat. Sino ba kasi ang gumawa at nagkalat ng issue na iyon?
At sumapit na nga ang gabi at saktong natapos na kami sa trabaho. Halaka, hindi pa pala alam ng prinsipe na ako'y baliktrabaho na, baka hindi pa siya uminom ng gatas, adik pa naman iyon sa gatas. Pero baka kaya na niyang mabuhay ng walang gatas, ilang araw din siyang hindi nakatikim ng gatas.
Ako ay nagtungo sa labas ng kastilyo upang kunin ang cutter at aayusin ko na rin ang mga gamit sa hardin. Malapit na ako sa aking pakay ngunit isang nakakaagaw atensyon ang aking nahagip.
Ang mahal na prinsipe ay may akay na isang magandang dilag, sobrang ganda niya. Naroon din ang mahal na Hari't reyna at may dalawang tao pa sa likuran na mukhang mag-asawa.
Ang ngiti ng prinsipe ay hindi maipinta pagka't sobrang lapad nito, mahahalata at mararamdaman mo ang kaniyang saya habang akay ang maganda dilag na iyon.
Kumaripas ako nang takbo patungo sa terasa ng kastilyo, napahawak ako sa aking dibdib dahil sa aking paghihingal. Medyo malayo-layo rin ang aking itinakbo. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang buwan na sobrang ganda.
Sobrang lakas ng pintig ng aking puso. Hinihingal pa rin ako.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili, ba't ba ako tumakbo? Ba't ganito ang aking reaksyon?
"Lalalalala...lala," idinaan ko na lamang sa kanta ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko.
Hindi ako makahinga nang maayos, marahil ay dahil sa aking pagtakbo, "Lalalalala," ngunit patuloy pa rin ako sa pag-aaliw sa aking sarili.
Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng likido sa aking magkabilang pisnge, nani?
Pinunasan ko kaagad ito, ano ba? Ano ba ang nangyayari sa akin? Ba't naluluha ang pangit mukhang ito?
"Pigilan mo ang sarili mo, Alexis. Hindi kita maintindihan!" wika ko sa sarili ko.
Nanggigigil akong pinunasan ang mga likido, patuloy pa rin ito sa pag-agos. Urgh!
"Alexis?"
Nagulat ako at biglang napalingon sa nagsalita, "K-Kira..."