Prince Kira's POV
"I think... uhm... this is the right time that we merge the two powerful kingdoms," I explained, ngunit labag ito sa aking kalooban.
Ayaw ko pang magpakasal! I'm still young, I wanna enjoy my life at magsawa sa mga bagay-bagay bago ako magpakasal. When will I be happy? Kailan kaya darating 'yung panahon na masusunod ko na rin ang mga gusto ko para sa buhay ko? Kailan kaya hihinto si dad sa pagdedesisyon para sa akin? Tanggap ko na may fiancée na ako ngunit hindi ko tanggap na ikakasal na ako kaagad next week.
Tumango ang reyna at hari, "Are you really sure you are matured enough to rule? Hmm, prince Kira?" Asked the queen.
Napunta ang aking tingin kay dad, ngayon ay nakatitig na siya sa akin at inaabangan ang aking magiging sagot, "Yes, your highness." sagot ko.
Napangiti ang lahat, "So, next week is set then." Wika ng hari.
Kinakabahan ako. Magiging hari na ako ngunit hindi pa ako handa.
Hindi ako makakain nang maayos kakaisip sa sitwasyon ko ngayon, paano ko kaya ito matatakasan? As in, hindi pa ako handa! Marami pa akong dapat matutunan, I haven't explored everything yet. Bakit naman nagdesisyon kaagad si daddy? Wala na ba siyang pakealam sa magiging kalabasan ng desisyon na ito? Nag-iisip ba siya?
"Are you okay?"
I blinked twice at napatingin sa prinsesa, "Y-Yes," I answered and then I cleared my throat, "excuse me for a minute," wika ko sa lahat, tumayo ako at lumisan.
Dumiretso ako sa comfort room, naghilamos at tiningnan ang aking repleksyon sa salamin, "I'm just a boy," wika ko sa sarili. Boy because I am not man enough to take responsibility, not yet.
How can I be a responsible king if my knowledge about it is just as few as you know, how?!
I don't care about who I marry, if I love her or not, ang akin lang ay hindi pa ako handa magpakasal at maging hari. I am certain, this is not the right time but what can I do? Anong magagawa ko para hindi ito matuloy?
"Lalala...lala.."
Napataas ako ng kilay sa aking narinig, nota ni Alexis iyon ah? Is she here? Patuloy pa rin siya sa pagkanta kaya sinundan ko ang kaniyang tinig.
Habang palapit ako nang palapit, mas nagiging buo at klaro ang kaniyang tinig, pati na rin ang kaniyang pagsinghot na para bang umiiyak. Umiiyak ba siya?
Dinala ako sa terasa ng kaniyang tinig, siya ay nakatalikod at nakaharap sa bilog na buwan, "Alexis?" Pagtawag ko sa pangalan niya upang masiguro na siya nga iyon.
"K-Kira..." sagot niya sa mahinang tono. I can't see her face clearly because she is against the moonlight.
"Are you crying?" Tanong saka lumapit sa kaniya ngunit dalawang hakbang lamang ang aking nagawa pagka't sinigawan niya ako.
"Huwag kang lalapit!" Sigaw niya kaya medyo nagulat din ako. Mahahalata mo sa kaniyang tono na siya nga ay umiiyak. Pero bakit?
"Sino ang nagpaiyak sa iyo?" Tanong ko saka binuo ang aking kamao. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng galit knowing na pinaiyak siya ng kung sino.
Humarap siya muli sa buwan saka sumagot, "Ang tadhana,"
Nakunot ang aking noo, nagagawa na pa lang magpaiyak ng tadhana? Too bad dahil hindi ko kayang bugbugin ang tadhana.
Lumapit ako at pumwesto sa left side niya, pinagmasdan ko rin ang buwan, "Alam mo, sinasaktan din ako ng tadhana." Wika ko.
Pinunasan niya ang kaniyang pisngi saka tumingin sa akin ngunit ang aking titig ay nasa buwan pa rin, "Sa anong paraan naman?" tanong niya.
"'Yung pakiramdam na gusto mong takasan ang sitwasyon mo dahil hindi ka masaya roon, pero hindi pwede dahil iyon ang dinidikta ng tadhana."
"Kung ano man iyon, alam ko na ang tadhanang para sa iyo ay puro maliliwanag at makakabuti sa iyo, kamahalan. Mapalad ka,"
Humalakhak ako nang mahina, "Sa tingin ng lahat ay magaan ang buhay ng isang maharlika, ngunit ito na ang pinakamabigat na responsibilidad sa lahat dahil isang pagkakamali lang ay maaari nang maapektuhan ang mga tao na sakop ng kaharian. Kaya kailangan maging perpekto," sabi ko.
"Ayos lang naman iyon eh, magaan naman ang buhay mo. Ang dami mong tagapagsilbi, hindi ka napapagod at nakukuha mo ang lahat ng gusto mo," Mukha ngang sobrang bigat ng kaniyang dinadala.
"Gusto mo bang mamuno, Alexis?" Tanong ko na nakapagtahimik sa kaniya nang saglit.
"H-Hindi, kamahalan. P-Patawad, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili," wika niya saka humagulgol. Halaka. Anong gagawin ko?
Hindi ko alam kung paano mag-comfort. Mas napapahagulgol pa siya taga-segundo kaya mas lalo akong hindi mapakali. Nako! Anong gagawin ko? Bibigyan ko ba ng candy? Gatas? Chocolate? Or any other treats?
Help! Hindi ko alam kung paano mag-comfort!
Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko kung tama ba ang gagawin ko, I left no choice. Niyakap ko na lang siya. OMG!
This is the first time that I ever hugged a girl, in my whole life! Her face is on my chest, what's the next thing to do?
Napalunok na lamang ako, "H-H'wag ka na umiyak," pagpapakalma ko. Will this work? Hay nako, wala akong kaalam-alam.
Parang huminto ang lahat nang bigla niya ako yakapin pabalik. Huminto rin ata sa pagtibok ang aking puso, nanlaki ang mga mata ko, napalunok ulit.
THIS IS SO AWKWARD!
"S-Salamat, mahal na prinsipe," wika niya saka kumalas sa pagkakayakap. Ngumiti siya kahit luhaan ang kaniyang mga mata, "Sige na po, bumalik ka na sa loob. Malamang kailangan ka nila doon." Dagdag niya.
I was speechless.
What just happened?
She hugged me!
No, I hugged her first.
But, what the effin' just happened?!
Hindi ko maikalma ang kaloob-looban ko, bakit ganito ang aking nararamdaman. Ngayon ay nararamdaman ko na ang pintig ng aking puso, napakalakas. Umiinit rin ang aking pisngi, what the hell?!
"Kamahalan?" She called me out of doubt while distracting me using her palm.
Nako! Kanina pa pala ako speechless at tulala!
Ano ba kasi ito?! Bakit ba kasi siya umiyak?! Hayst!
"Sa susunod, h'wag ka na iiyak. Ayaw ko na mabasa ang aking suot," suplado kong sabi saka lumisan at bumalik muli sa loob.
Habang ako ay naglalakad, kinapakapa ko ang aking dibdib, ang lakas ng pintig. Ganito pala kapag nakakayakap ah noh? Lumalakas ang pintig ng puso, wala akong kaalam-alam eh, first time ko. Jusmio marimar sa tagapagsilbi ko pa.
Well anyway, mabuti naman at baliktrabaho na siya. Sa wakas ay matitikman ko ulit ang kaniyang tinimplahang gatas. Ano kaya ang kaniyang desisyon tungo roon sa paraiso at sa mundong ito? Ano ang pipiliin niya?