Hanggang sa hindi niya namalayan na nasa harapan na pala nila ito. "Anong ginagawa mo dito? Naka short ka pa talaga? Huh," pabulong na wika nito na hindi man lang yon ngumingiti. "Hi, sir, ako yung nagsama kay Suhana papunta dito. By the way, boyfriend ko po si Robert at siya naman ang best friend ni Robert si Att. Axel. Babe, Axel, si Sir Healer, boss namin ni Suhana." Ngumiti ang mga ito at iniabot ang kamay rito ngunit hindi iyon nagsalita tiningnan lang nito ang mga kamay ng dalawa. "Boss pala ninyo ito?" Sabay turo nito kay Healer. "I know him! The Unico hijo of Mr. Morgan. Mabuti na lang pala at boss mo lang siya'. akala ko boyfriend liligawan ko pa naman si Suhana," nakangising wika nito na kumindat pa yon sa dalaga. Sa mga sinabi nito ay mas dumilim pa ang mukha nito at napansin ri

