"Grabe, ibang level rin pala si Sir Healer, kung main love. Ang akala ng lahat hindi ito marunong magmahal pero tingnan mo ngayon? Mapasagot ka lang besh, halos ibuwis ang buhay. Kung ayawko sa kanya dati ngayon super bet ko na siya para sa'yo kaya mag yes ka na," wika ng kaibigan na halos itulak siya nito palapit sa binata. Napalunok siya bago nakapagsalita at sabay na lumapit rito. "Yes, I do." "Sweetheart, talaga? Yes! Girlfriend ko na si Suhana Marie Valley," Sigaw na wika nito na kinabig siya palapit paharap sa sariling mukha nito at siniil siya ng isang malalim na halik. "Pinsan, success! Congrats." sabay na tinapik siya nito sa balikat. Halos tuwang tuwa ang lahat ng tao dun ng mag yes siya rito. Habang si Robert naman ay tila hindi makapaniwalang natalo ang kaibigan. "Axel, ano

