Pagkatapos ng tawanan at usapan sa video call, napatingin ako sa clock. Alas, nuebe na ng umaga pala. Ang bilis ng oras! Hindi ko man lang namalayan. “Parang mabilis ang oras kapag masaya ka, ‘no? ” sabi ni Declan, na nakatayo sa tabi ng bintana, nakatingin sa labas. “Yeah… I guess,” sagot ko, sinusubukan pigilan ang kilig na parang bumabalik sa dibdib ko sa bawat tingin niya sa akin. May tahimik na sandali na para bang huminto ang mundo sa paligid namin. Wala na yung tawanan ni Chloe at Laira sa video call, wala na yung ingay ng labas, kahit yung tunog ng hangin sa bintana. Siya at ako na lang. “Nikkie,” mahina niyang boses, “ang saya ko… na kasama kita ulit.” Napangiti ako, hindi ko mapigilang huminga nang malalim. “Ako rin, Declan. Ang tagal ko nang gusto ‘to…” Para bang may tumu

