VI - Senior

1971 Words
Sinuot ko ang school uniform ko, early in the morning. Pumunta ako sa table para ayusin ang buhok ko at maglagay ng kakaunting pampakulay sa mukha ko, para hindi naman masyadong maputla ang mukha ko. Pagkatapos, hinanda ko na ang mga gamit ko at bumaba na papunta sa dining area. Ang dining area ay napuno ng ingay at galaw kahit umaga pa lang naman. Pare-pareho kami ng first day of school nina Kalli at Jason, except kay Ate Hera na sa susunod na dalawang buwan ang simula ng pasok. Kakatapos lang din kasi ng school year niya. After naming kumain, pumunta na kami sa sasakyan para maihatid na sa school. Mauunang ihatid si Kalli na kasama ni Mama, dahil mas malapit ang campus ng Elementary mula sa amin. Then, kami naman ni Jason ang next na ihahatid. "Mag-iingat kayo ah. Iris, bantayan mo si Jason, ah? Sige na," paalam ni Mama sa amin. Tumango na lang ako, habang si Jason naman ay nag-iinarte at nagrereklamo dahil hindi naman na raw siya bata. Pumasok na kami sa main building at naglakad papunta sa Auditorium dahil may orientation daw for transferees. "Transferees kayo?" tanong ng isang teacher, I think, based sa suot niya. "Opo," sagot ni Jason. Pinapasok niya kami sa loob at sinamahan. Tinanong din niya kung anong mga grades namin. Una niyang sinamahan si Jason na nasa Grade 8, kakaunti lang din naman ang transferees d'on, mga lima lang yata. At ako naman ay sa Senior High area, mas marami ang mga students dito kasi Senior High naman 'to. Nang makaupo ako, may bumati sa akin. "Hi," saad ng katabi ko. Lumingon naman ako at ngumiti. "Hello," bati ko. "ST-1 ka rin?" tanong niya. Nilapag ko ang bag ko sa tabi. "Yeah, how about you?" tanong ko. "Same," saad ng lalaki. Tumingin ako sa may stage, mukhang hindi pa nagsisimula ang programme. "Cyrus nga pala. But you can call me Cy," pakilala niya. Tumingin naman ako sa kanya, nakangiti siya habang naka-abang ang kamay niya sa akin. "Iris," pakilala ko at nakipagshake hands sa kanya. "Wow, ang unique ng name mo," puri niya. Natawa naman ako. "Thanks, I guess," tawa kong saad. Tumingin kami sa harap nang may magsalita roon. "Welcome new students, to Merionnes International School!" Nagpalakpakan naman ang lahat. At nagstart na nga ang programme for transferees. Halos 30 minutes ang tinagal nito, inexplain pa kasi ang Vision at Mission nila. Pati mga facilities ng buong campus, mga achievements ng school, at 'yung mismong system nila. After n'on, may mga teachers na nag-assist sa mga students. I think, advisers ang mga 'yun. "ST-1, please line up!" rinig kong saad ng isang babaeng teacher. Tumingin kami sa kanya at tumayo na kami nang mga katabi ko. Nakita ko ang teacher na 'yun, she look young pa naman. I think mga nasa late 20's na siya. Katamtaman din ang height niya, morena at maganda ang hitsura. Parang beauty queen ang datingan niya. Pumila na ang lahat, at gan'on din ako. "Okay, pupunta na tayo sa classroom for Homeroom. Please follow me," saad ng teacher. Naglakad na kami papunta sa kanya-kanyang klase. Lumabas kami sa main building at pumasok sa loob ng Senior High building. Dumiretso sa third floor, sa unang room. May nakalagay doon na ST-1 sa taas ng pinto. Binuksan niya iyon at nanatili ang karamihan sa amin sa may pinto lang. Siguro nahihiya pa sila. Pinagmasdan ko ang classroom. May pagka-modern look ito, puro glass ang windows, at may glass din sa pinto. Smartboard naman ang gamit na board, at may mga sariling drawer at compartment ang mga desks and chair nila. Sa likod ng room, may makikitang shelves at mga cabinet. Pati ang desk ng teacher. Sa harapan, isang malaking platform ang mayroon dito. Naka-air conditioned ang classroom kaya hindi mainit. "Good morning, class," saad ng teacher. Nakita kong nagtransform ang mga students, ang lahat ay nagkanya-kanyang ayos ng upo. "Okay, so guys we have new students na magiging kaklase niyo for Senior High, for 2 years," saad niya. Bumaling ang tingin niya sa amin at inaya kaming pumasok at magpakilala. Ang mga transferees ay mga nasa 8 students, kasama na ako roon. Isa-isa kaming nagpakilala sa harap ng mga estudyanteng nandito sa loob ng room. "Hello, I'm Iris Llana Dela Costa. Nice to meet you all," ngiti kong pakilala nang ako na ang nagsalita sa harap. At nang matapos na ay tumungo na ang lahat sa kanya-kanyang desk na in-assign ng teacher. Alphabetical order at hiwalay ang girls at boys. Dahil napunta ako sa gitna at pangalawang row, sa kaliwa ko ay si Cyrus at sa kanan ko naman ay isang kaklase naming babae. "So before I forgot, let me introduce myself," saad ng teacher. "I'm Ms. Jessica Valer. You can call me Ms. Jessi or Ms. Val," saad niya habang isinusulat ang kanyang pangalan. "And I will be your Adviser for 2 school years," saad niya. Nakita ko sa karamihan ang paghanga at masayang reaksyon dahil mukha namang hindi strikto si Ms. Val, at hindi pa ito malayo sa kanilang edad. Sa natitirang 30 minutes ng Homeroom, pagpapakilala lang sa isa't-isa at pag-aassign ng desks ang ginawa namin. Diniscuss din saglit ni Ms. Val ang sistema sa Senior High, ang mga subjects namin at kung sino ang instructor pati ang schedule. Hindi naman gan'on ka-hectic ang schedule namin dahil hanggang 2 p.m. na ang pinaka-late naming klase. It's fine to me since buong elementary at high school life ko ay whole day ang time ng mga klase ko. Sumunod ang ilang mga subjects at thankfully, wala namang nagdiscuss ng lessons agad sa first day. Puro discussion about the subject-kung ano ang mga pag-aaralan doon, grading system, rules sa klaseng 'yun, attendance, and some requirements for the subject. Nakakausap ko rin pala ang nasa kanan ko, si Ciana Delgado. Mas maliit siya kumpara sa'kin, she has a fair skin, her hair is wavy and short and it looks really pretty on her, may salamin but she doesn't look nerdy at all, mukha siyang kalog dahil kaagad niya akong kinausap at dinaldal tungkol sa school. She even invited me to have lunch with her and our other classmates na sa tingin ko ay mga kaibigan din niya. Pero tumanggi ako dahil tinawagan ako ni Jason, gusto niya na maglunch kami. After ng klase, sinundo kami ni Mama. We went to the Mall to have some merienda, at para na rin bumili ng mga requirements for the said subjects. Pag-uwi namin sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko para magkwento ng mga nangyari sa'kin kay Claudette. I bet she's interested to know, sabi niya kasi ay magkwento raw ako tungkol sa first day of school ko after kong umuwi. "Yeah, it's really nice nga eh. Kung pwede ko lang dalhin 'tong TeleVerse sa labas para ipakita sa'yo kung gaano kalaki 'yung campus namin, haha," kwento ko. Tuwang-tuwa naman siyang nakikinig sa mga kwento ko. "May bago ka na bang mga kaibigan d'yan?" tanong niya. "As of now, actually wala pa. But may mga nakilala at nakausap naman na ako," saad ko. "Anong mga pangalan nila? Saka anong hitsura?" tanong niya. "Uh, si Cyrus. Parehas kaming transferee, nagkakilala kami sa orientation at classmates din kami. Ta's sa kanan ko naman si Ciana," kwento ko. Tumango naman siya. "Magaganda't gwapo ba sila?" tanong niya. Sumingkit naman ang mga mata ko at natawa. "Uh, yeah? Oo, karamihan sa mga kaklase ko actually ay may hitsura," pag-amin ko. "Nagsimula na kayong mag-aral?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi pa, siguro sa mga susunod pang araw ang mga iyon," sagot ko naman sa kanya. "Eh ikaw ba, w-wala ka bang balak na pumasok? Ay, pasukan na ba sa inyo?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mapatanong tungkol sa nangyayari sa paligid niya. Dahil nacucurious ako kung anong pagkakaiba ng realidad namin at ng kanila. Nagbago naman ang expression niya. "Hindi ako nag-aaral," sagot niya. Nagulat ako dahil hindi ko 'yun in-eexpect. "Why?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti naman siya. "Kasi tapos na akong pinag-aral," sagot niya. "You mean, graduate ka na?" tanong ko. Maligalig siyang tumango. "As in graduate sa college? K-kolehiyo?" tanong ko pa. "Kolehiyo? Hmm, hindi ako sigurado sa salitang iyon," saad niya. So, they might not have college pala? "Ang tinuturo sa'min simula pagkabata ay ang pagbabasa at pagsusulat gamit ang sariling wika. Pagkatapos n'on, saka ka na pwedeng mag-aral ng iba't-ibang bagay tungkol sa iba't-ibang wika, kaya medyo maalam ako sa Ingles. Kaya lang, naguguluhan pa rin ako sa pag-aayos ng gramatiko n'on kaya hindi ko na tinuon ang pansin ko r'on. Pinag-aaralan din ang sipnayan at agham. Hanggang sa pagtungtong ng ika-13 na taong gulang, ituturo ang mga pangunahing kasanayan sa pang-araw-araw na buhay. At pagtungtong mo ng ika-18 ay maaari kang tumungo sa isang mataas at dalubhasang paaralan kung nais mong maglingkod sa lipunan," paliwanag niya. Medyo na-nosebleed pa nga ako dahil ang galing niyang mag-Filipino. "Hindi na ako tumungtong sa dalubhasang paaralan dahil ayaw ng aking mga magulang na mahiwalay sa kanila. Lalo pa't may kapansanan ako, hindi ako nakakalakad. Mas gusto nilang manatili na lang ako rito at para na rin sa kaligtasan ko," nakangiti niyang saad. Pero sa likod ng matatamis niyang ngiti, sigurado akong nanghihinayang siya sa mga opportunities na sana dapat ay nakuha na niya. "Pero interested ka bang pumunta sa paaralan na 'yun?" tanong ko naman. Napatigil siya nang ilang sandali bago sumagot. "Sa totoo lang, nasasabik akong makakilala ng bagong mga kaibigan at mga tao. Kaya sigurado naman akong masisiyahan ako kung sakaling pumasok ako sa paaralan. Pero naiintindihan ko naman ang aking sitwasyon. Mabuti na lang at nakilala kita, marami akong natututunan mula sa'yo," she said like she's very appreciative for everything. I like that she's positive and understanding, sa lahat ng bagay sa paligid niya. "Pero sa totoo lang, nais ko rin malaman kung ano ang pinag-aaralan mo sa paaralan niyo. Sigurado akong mahihirap ang pinag-aaralan niyo dahil sa pagkukwento mo pa lang tungkol sa mundong ginagalawan niyo, kahit lamang ang inyong pananalita. Masasabi kong isang napaka-unlad ng mundo niyo kumpara sa amin," pag-amin ni Claudette sa akin. Tumango-tango at nag-isip nang malalim. Magkaiba man kami ng realidad na ginagalawan kaya hindi ko masasabi kung ano ang mas maunlad. Sa paglipas ng panahon, this world may be more innovative and futuristic, but there are still issues na hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan like there's no hope. And I hope na sa kanila, d'yan, ay nararanasan ni Claudette ang buhay nang walang panghuhusga at matinong sistema. "Uh, gusto mo ba sabay tayong mag-aral?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pag-kain ng kinakain niyang pagkain. Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" saad niya. "Like kapag study time ko na, pwede mo akong sabayan. Sure naman akong may matututunan ka kahit papaano. Kasi pakiramdam ko, gustong-gusto mo talagang matuto ng mga bagong bagay. Lalo na tungkol sa ibang realidad. Malay mo, madala at maibahagi mo ang mga 'to sa mundo niyo," paliwanag ko. Sinubukan kong magsalitang ng purong Filipino para mas ma-gets niya ang sinasabi ko. Lumaki ang mga mata niya. At ang mga ngiti niya ngayon ay umaabot na sa kanyang mga mata dahil sa sobrang saya. "Gusto ko ang ideya mong iyan, haha!" pagsang-ayon niya. Pumalakpak pa siya dahil sa labis na tuwa. Ngumiti ako nang makita siyang nasisiyahan din. "Matagal-tagal na rin simula nang huli akong mag-aral eh," saad niya sabay stretching ng kanyang mga braso. "Matagal-tagal?" tanong ko. "Oo," sagot niya. 16 years old pa lang ako ngayon, pero sabi niya pagtungtong ng 18 ay papasok sa specialized school or whatever. "Uh, ilang taon ka na ba?" tanong ko kahit ang alam kong dapat na isasagot niya ay 16 din. "Ako ay Dalawampung taong gulang," sagot niya. Napasinghap ako. Mas matanda pala siya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD