"I still don't get it," saad ko kay Claudette. Nilagay ko ang TeleVerse sa ibabaw ng table ko at pumwesto ako sa harap ng monitor para makausap siya nang maayos.
"Ang alin?" she softly asked.
"Ito, itong lahat nang 'to. How did you get the gadget ba?" tanong ko. Napaisip naman siya at mukhang tinitingnan ang gadget na kaharap niya.
"Kasi ako, nakita ko 'to sa attic. I think these things were from our ancestors. Nacurious lang talaga ako kung anong klaseng bagay 'to, kaya I decided to check it out," paliwanag ko naman sa kanya habang siya ay tahimik na nakikinig.
Napatango siya nang malaman ang dahilan kung ba't ko 'to nakuha.
"Eh ikaw ba?" tanong ko pa ulit. She smiled before saying anything.
"Habang nasa may pinto ako at nakatambay, may nakita akong matandang babae na sa tingin ko'y hapong-hapo na. Tamang-tama naman na may natitira pa akong pagkain kaya binigay ko na lang iyon sakanya. Pinainom ko rin siya ng tubig at inimbitahan na sa bahay ko na lang muna siya tumuloy," nakangiti niyang kwento. Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa kwento niya. It's intetesting to watch her like I'm watching myself talking. Ganito ba ang pakiramdam ng mayroong kambal?
"Pero hindi siya pumayag, bagkus ay may binigay siya sa akin. Bilang gantimpala daw sa kabutihan na pinamalas ko para sa kanya. Binigyan niya ako ng kakaibang kagamitan. Para itong Telebisyon, tinanggap ko na lang ito at nagpasalamat ako," tuloy niya.
So parehas lang din pala 'yung gadget na meron kami?
"Tinanong ko naman siya kung anong pwedeng magawa sa kagamitan na ito. Pero ang sabi lang naman niya ay kapag binuksan ko 'to, makikita ko raw ang aking sarili sa ibang realidad. N'ong una pa nga'y inakala ko na nagbibiro siya, marahil isang palabas o Telenobela. O 'di kaya'y may sayad na ang utak niya, haha. Pero kahit gan'on ay masaya ko pa rin itong tinanggap. Dahil labis akong nasisiyahan sa tuwing nakakatanggap ako ng mga regalo mula sa ibang tao," she cheerfully shared. Dahil d'on ay napangiti na rin ako.
"Hmm, ibang realidad. Ibig sabihin, ibang universe or something?" mahina kong saad. Napaisip ako nang malalim.
Totoo pala talaga iyon? 'Yung mga parallel universe? That's interesting.
"Oh, ba't tila yata natulala ka na riyan?" mahinahong tanong ni Claudette. Natawa naman ako.
"I still can't believe I'm talking to you. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako, this could be a dream or just a hallucination. I d-don't know what to believe, haha. I feel overwhelmed," utal kong saad sa kanya. Ngumiti siya.
"Napakabihasa mo naman sa Ingles. Buti ka pa," saad niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit, hindi mo ba naiintindihan? Sorry," saad ko. Napailing naman siya kaagad.
"Naiintindihan ko naman, 'wag kang mag-alala. Sadyang hindi lang talaga ako sing-galing mo," saad niya. Natahimik naman ako.
"Ah, pero wala naman akong kaso tungkol d'on. Baka kasi mahihiya ka sa'kin," ngiti niyang saad sa'kin. Ngumiti na lang din.
"Gusto kita maging kaibigan, alam mo ba 'yun," saad ko naman. She giggled, napatakip pa siya sa kanyang bibig.
"I feel like hindi lang tayo basta magkamukha eh," sabi ko pa sa kanya.
"Ano pa?" magiliw niyang tanong.
"Para tayong iisa. We're like connected to each other," paliwanag ko. Napatango naman siya.
"Oo, para bang kambal!" pagsang-ayon niya. Napasinghap ako't tumango.
"Yeah, you're right!" saad ko.
"I want us to be like twins, kahit na sobrang layo natin sa isa't-isa which is totoo naman," saad ko.
"Tayo? Kambal?" ulit niya. Halata sa reaksyon niya na tila nasisiyahan at namamangha siya sa topic namin.
"Yeah, I want to consider you as my sister. Feel ko kahit 'di pa kita gan'on kakilala, parang alam mo 'yun, sobra na kitang kilala. Siguro, totoo nga talaga 'yung sinabi ng matanda at 'yung note na nabasa ko. Baka nga talaga other version kita sa reality mo, same lang din sa'yo," pahayag ko. Ngumiti siya.
"Gusto ko 'yan," tangi niyang tugon.
"Hindi ko pa nararanasan magkaroon ng kapatid," share niya.
"Why, only child ka?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot.
"Oo," saad niya. Tumango naman ako.
"Ako naman, maraming kapatid. Lima kami, at ako ang nasa gitna," pahayag ko.
"Talaga? Anong pakiramdam?" tanong niya. Natawa ako.
Ano nga bang feeling na may kapatid? Parang normal naman sa'kin 'yun since pinanganak na akong may nakagisnan na mga kapatid.
"Uh, okay naman. May advantages at disadvantages. Pero kahit gan'on, sila ang mga taong 'matik na magtatanggol sa'yo kapag may nang-aaway sa'yo," kwento ko. Tumango siya.
"Masaya ka naman ba na may mga kapatid ka?" tanong niya. Sumingkit ang mga mata ko nang marinig ko ang kanyang sinabi. Natatawa ako sa tanong niya.
"Uh, oo naman. Masaya naman ako, kasi hindi ako lonely?" Hindi pa 'ko sure niyan, haha.
"Mabuti naman," komento niya. Napansin ko naman na parang nalungkot siya.
"That's okay. Pwede mo naman akong ituring na kapatid eh," I said. Para maranasan naman niya na may kapatid siya kahit papaano. Bumalik ang kanyang ngiti.
"Or kambal," dagdag ko.
"Dahil we look like twins."
"Pakiramdam ko nga na para tayong iisa, iisang tao sa ibang lugar at panahon," saad niya. Tumingin siya sa akin nang diretso.
"Hindi ba, Iris?" saad niya. Ngumiti ako.
"Oo nga," I replied.
"Uh, sige magpapahinga na ako," saad ko sa kanya nang mapatingin sa orasan ko. Naramdaman ko na rin ang antok.
"Sige, matulog ka na. Paalam, Iris," saad sa'kin ni Claudette. Ngumiti ako.
"Bye," paalam ko sa kanya. Tinurn-off ko na ang TeleVerse saka ito linagay sa drawer ko. Baka may makakita pa nito at tanungin kung ano ito.
Tinago ko rin ang chest box sa may walk-in closet ko.
Pagkatapos n'on, natulog na rin ako.
Ilang araw ang lumipas at nagpatuloy ang communication ko kay Claudette. Halos buong maghapon ko siyang kausap sa mga natitirang araw ng bakasyon ko.
Ngayon naman ay hindi ko siya kausap dahil nandito ako sa Mall kasama ang family ko dahil Sunday ngayon at kakagaling lang namin sa pagsisimba.
Sabi ni Mama mamimili na rin kami ng gamit para sa school and some groceries kaya kasama namin si Manang Lora, Ate Sally, at Kuya Tomas na driver ng sasakyan namin.
Usually, ganito kami palagi kahit pa n'ong nasa Manila pa kami. Every Sunday ay lumalabas kami para magsimba at mamasyal sa iba't-ibang lugar na mapagpaplanuhan, but usually sa Mall din kami namamasyal.
Simple lang ang bonding namin pero ito 'yung palagi kong nilolook forward lalo na kapag ang weekdays ko ay puro academic works, pagdating ng Linggo ay nakakapagrelax ako at ang buong family ko.
Kakain kami sa isang restaurant, after n'on ay pupunta sa iba't-ibang stores para mamili, or pupunta sa events na meron para sa araw na 'yun, and manonood ng sine kapag may time pa.
"May kailangan ka pa ba, Iris?" tanong ni Mama habang nandito kami sa National Bookstore para sa school supplies ko.
Chineck ko ang list na hawak ko, kapag may mga kailangan kasi kami ay pinapalista niya kami ng mga gamit na bibilhin namin para wala nang nakakalimutan.
"Wala naman na, Ma. Nandito na lahat sa cart ko ang mga gamit na kailangan ko," saad ko. Tumango siya at inasikaso naman ang kay Kalli. Habang si Manang Lora ay nasa counter na, dala ang mga gamit ni Jason, sunod naman sakanya si Ate Hera, at ako naman sa likod ni Ate.
Ilang minuto na pamimili ay napagdesisyunan na naming umuwi. Actually, first time namin na mamasyal sa City ng Merionnes.
Hindi kagaya ng ibang province, ang Merionnes ay maunlad katulad ng Manila-maraming buildings, businesses, Malls, at mga pasyalan. Pero ang main tourist spots dito ay ang mountains at beaches, pati ang historical places dito. Napapanatili pa rin nila ang green environment ng province, which is good.
Pagdating sa bahay, kumain na lang kami ng dinner na tinake out namin. Medyo pagod na rin kasi ang lahat para maghanda pa ng hapunan.
Then dumiretso na ako sa kwarto ko, dala-dala ang mga gamit na pinamili ko. Ilang paper bags din ang nandito, at kahit naeexcite pa akong buksan ang mga ito, nagtimpi muna ako. Bukas ko na bubuksan ang mga ito para mas ma-organized ko.
Pumunta ako sa table ko at binuksan ang drawer, kinuha ko ang TeleVerse at binuksan iyon.
Tumambad agad ang mukha ni Claudette sa monitor.
"Oh, kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ko. Umiling siya.
"Kanina pa naman 'to nakabukas, napansin lang kita kaya pumwesto na ako," paliwanag niya. Tumango na lang ako.
"Kumusta ang pamamasyal?" tanong niya. I smiled and still talked about the things me and my family did kanina.
"Ayun, nag-enjoy naman ako. First time rin kasi namin makapasyal d'on," pahayag ko. Tumango-tango siya habang kumakain ng popcorn.
"Masaya ba mamasyal kasama ang pamilya mo?" tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, pero natawa na lang din ako.
"Uh, oo naman. Kasi 'yun 'yung bonding namin eh," sagot ko. Tumango naman siya.
"Uh bakit? Ikaw ba namamasyal ka with your family or friends?" maingat kong tanong. Narealize ko lang kasi na palagi na lang ako ang nagkukwento tungkol sa mga araw-araw kong ginagawa, pero siya parang hindi ko naman naririnig na nagkukwento about sa family niya.
"Hmm, hindi. Nasa ibang lugar ang magulang ko," sagot niya. Parang bigla siyang nawalan ng gana kapag nagtatanong ako about sa family, kaya medyo naiilang na lang din akong pag-usapan iyon.
"Mag-isa lang ako rito sa bahay," tuloy niya.
"Mag-isa? Independent ka na pala," saad ko.
"Oo," tipid niyang sagot.
"Buti nakakayanan mo? Eh 'di ba, may injury ka sa may binti mo kaya hindi ka nakakalakad?" saad ko sa kanya.
Naalala ko kasi na shinare niya sa'kin 'yun n'ong minsan na nakita ko siyang nakawheel chair habang kausap ako. Sinabi niya sa akin na naaksidente raw siya n'ong bata siya sa may hagdanan ng bahay nila.
"Kaya ko naman. Halos buong buhay ko na ganito ang lagay ko, sanay na ako. At saka hindi naman ako pinapabayaan ng magulang ko. Binibigyan nila ako ng pera kada buwan, pati mga pagkain at mga gamit dito sa bahay," pahayag niya. Ngayon ko lang nalaman sa kanya ang mga ito, natutuwa ako dahil may nalaman na naman ako tungkol sa kanya.
"Nasaan ba ang magulang mo? Nasa ibang bansa ba sila't nagtatrabaho?" tanong ko. Nacucurious ako sa family niya. Kung magkamukha lang din kaya ang mga magulang namin? Dela Costa rin kaya ang surname nila? At tanging naiiba lang ay ang name namin, pati ang mga kapatid ko na wala siya.
"Hindi ko na inaalam. Busy sila, at naiintindihan ko naman 'yun," ngiti niyang saad.
Medyo nalungkot ako nang marinig ang sagot mula sakanya. Nagtataka tuloy ako kung madalas kaya sila nag-uusap o dahil sa sobrang busy nila ay hindi na nila nakakamusta ang sarili nilang anak.
"Humahanga ako sa pagiging matatag at independent mo Claudette," saad ko. She giggled, namula pa ang pisngi niya dahil sa compliment na sinabi ko.
Kasi the way na sinabi niyang naiintindihan niya ang ginagawa ng magulang niya, hindi naman lahat ay same ng mindset niya.
Naaawa lang ako dahil mag-isa siya, kahit sana samahan siya ng isang nakatatanda like yaya na pwedeng mag-alaga sa kanya. Lalo na't disabled siya, baka mamaya ay may manloob sa bahay nila.
"Kung nag-aalala ka sa kalagayan ko, huwag na. Kaya ko ang sarili ko, saka isa pa, kilala ako ng halos lahat dito sa lugar namin kaya walang gagalaw sa akin. Maswerte pa rin naman ako at palagi akong ligtas," paliwanag niya. Bumuntong-hininga ako.
"Kung kaharap lang kita in person, kung iisa lang tayo ng mundo, yinakap na kita at sinamahan d'yan, haha!" sabi ko. Tumawa siya at parang na-touch dahil sa sinabi ko.
"Pero hindi, kasi nga magkaiba tayo ng realidad. Buti na lang at may TeleVerse. Sa ganitong paraan ay nakakausap kita," nakangiti niyang pahayag.
"Buti na nga lang dahil may ganito, swerte na natin na nakakausap natin ang isa't-isa dahil hindi lahat ay nakakausap ang other versions nila," saad ko. Tumango siya.
"Oo, maswerte nga ako dahil meron pa rin akong ikaw," malambing niyang saad. Ngumiti ako, ilang sandali pa ay nagpaalam na ako para makapagpahinga na kami pareho.