Ashter's POV
Kringggg...kringgg...
What the f*ck. Sino ba tong bwisit na tumawag na to at sumira sa beauty sleep ko.
"HELLOO!!!" Padabog kong sagot sa phone ko.
"HOY...BAT SUMISIGAW KA!!!"
Sh*t. Si boss pala. Patay bat kasi sumigaw pako eh.
"Ay hehe sorry boss kaw po pala," Pa-demure kong sagot sa kanya. "bwisit lang po kasi ako boss kasi ang layo layo naman nung lugar na yun eh kanina pa kami byahe ng byahe. >wTooot tooot
Matapos patayin ni boss yung call, balak ko na naman sanang matulog pero bigla na lang kumalabog yung sasakyan at medyo umusok yung harapan nito.
"Manong ano pong nangyayari?" Tanong ko sa driver.
"Ma'a- ay sir po pala. Parang nasiraan po ata tayo."
"Eh manong bat kasi nag drayb ka pa eh may sira ka pala tsaka talagang nandamay ka pa ah."
"Ay sir hindi po ako, yung sasakyan po."
"Ay ganun po ba mano-"
BLAAAAAG
Hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko ay bigla na lang kumalabog ang sasakyan at tuluyan ng tumirik sa isang gubat na hindi ko malaman kung saang parte na ng Batangas.
Tumirik yung sasakyan namin sa isang mapunong lugar na medyo mataas na parang bangin, pero kahit na ganon hindi ko pa rin mapigilang mapahanga, kasi sa baba ng bangin ay mayroong dagat na mababaw siguro kasi natatanaw ko dito sa taas ng bangin yung mga corals at isda sa ilalim ng dagat.
"Naku ayan na nga sir, tumirik na." sabi ni manong.
"Haiiist oo nga manong eh. Tatawagan ko lang po si boss ah, para ipaalam na medyo matatagalan po tayo." sagot ko kay manong.
Tatawagan ko na sana si boss pero pag tanaw ko sa cellphone ko ay 'no service' ang nakalagay. Kaya naisipan kong magpaalam kay manong para maghanap ng signal.
"Manong baba po muna ko at maghahanap lang po ako ng signal para matawagan ko si boss." Pagpapaalam ko kay manong.
"Sige po sir, text ko na lang po kayo kapag nagawa ko na yung sasakyan." Sabi ni manong.
"Eh manong wala ngang signal diba. Pa'no moko itetext? Ipapadala mo sa ibon?" Pang-aalaska ko kay manong. I'm not being rude ha, I'm just trying to lighten the mood.
"Haha oo nga pala sir." Sabi ni manong habang kakamot-kamot sa ulo.
Nag umpisa na kong maglakad-lakad at habang naglalakad ay hindi ko na naman mapigilang mapahanga sa ganda ng lugar na to, bukod kasi sa magandang dagat ay mayroon din ditong magandang gubat at iba't ibang bulaklak na nagkalat sa paligid. Parang ang sarap tuloy mag unwind dito.
"Wow bat ang ganda dito. Bakit ngayon ko lang to nalaman." Mahina kong nasabi sa sarili ko.
Habang naglalakad-lakad bigla na lang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok at parang merong nakatingin sakin.
Agad akong lumingon sa likod ko kasabay ng pagkaluskos na narinig ko sa likod ng mga malalagong halaman.
Sinundan ko to ng sinundan hanggang sa makarating sa dulo ng mga halaman pero itim na pusa lang pala yun. Tatalikod na sana ko ng maalala ko na tatawagan ko nga pala si boss.
Kukunin ko na sana yung phone ko ng-
Tooonoonnoon toon toon
"Oh come on. Noooo! Bakit ngayon ka pa nag shut down. Ahhhh!!! azar." pagrereklamo ko.
Balak ko na sanang bumalik sa lugar kung nasaan yung sasakyan namin ng mapansin kong parang hindi ko na ata alam kung nasaan ako.
"Halaaah. Wag sabihing naliligaw ako."
Nag-tatakbo ako papunta sana sa dinaanan ko kanina pero pabalik-balik lang ako sa lugar na yun.
Halaahhh. Ano na'y gagawin ko ngayon nyan? May photoshoot pa 'kong a-attend-an.
"Ahhhh. Wala na ba kong ima-malas pa ngayon." Rekamo habang nagdadabog sa paglalakad.
BLAAAAAAG BOOOOM
Sabi ko nga eh meron pa. Dapat pala hindi na lang ako nagreklamo.
Wala na kong nagawa kundi umupo at yakapin ang tuhod ko habang humahagul-gol kasabay ng ulan sa gitna ng kagubatan. Hindi ko na napigilan yung pag-agos ng luha ko kasabay ng emosyon ko. Bakit ba naman kasi ang malas malas ko ngayon? Parang ang ganda ganda ng mood ko kaninang pag gising ah.
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala dahil sa pagiyak at nagising na lang ako sa ingay ng mga insektong nasa kapaligiran ko. Meron ding mga kaluskos at huni ng kwago.
Pagmulat ko ay sobrang dilim as in sobrang dilim na talaga ng kapaligiran. Halos wala na akong makita at naguumpisa na rin akong mataranta. Medyo claustrophobic kasi ko dagdagan pa ng masyadong active na imahinasyon sa dilim.
Naisipan ko nang tumayo dahil natatakot na ako sa lugar na yun. Kung kanina ay gandang-ganda ako sa lugar na ito ngayon naman ay takot na takot na ko. Hindi ko rin kasi mapigilang maalala yung nakakatakot na bampira dun sa pinanood kong movie kagabi, yung mayroong friday sa title- nakalimutan ko na kasi eh sa sobrang nakakatakot na mga scenes dun sa movie.
Medyo naginhawahan ako dahil sa unting liwanag na binigay ng buwan kaya sinimulan ko ng maglakad lakad.
"MANOOOONG!!! MANOOOONG!! ANDYAN PO BA KAYO MANONG!" Pagtatawag ko kay manong, baka sakali kasing marinig ako ni manong.
Pero kahit anong tawag ang gawin ko ay wala pa ring response. Sinubukan ko na ngang mag korean, nihonggo, at espanyol pero wala pa rin talaga.
Muli ko na namang akong nakarinig ang kaluskos kaya naman mas binilisan ko na ang paglalakad ko ngunit parang sinusundan ako nang kaluskos, kaya naman mas minabuti ko na lang tumakbo.
Nang pagod na talaga ako at medyo nahihilo pa ay naisipan ko ng huminto. Pero sa paghinto na ginawa ko ay mayroong bagay na bumangga sa akin, dahilan para matumba rin ako.
"A-aray, ano ba yun!?" pagtatanong ko.
Naaninag ko yung bagay na bumangga sakin dahil sa liwanag na bigay nung buwan at base sa aninag ko, tao yung naka bangga sakin.
"Ah sorry." Tao nga. Pero bakit sya nandito sa gubat?
"Naliligaw ka rin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi nandito talaga ko para sayo."Huh para sakin daw? Andito sya para sakin? Hindi kaya taga rescue team to?
"Sa wakass!! Kuya bakit ang tagal nyong dumating? Kanina pa'ko hintay ng hintay sa inyo eh." Yes!! Mukhang ligtas nako. Siguro tumawag na si manong ng rescue team dahil kanina pa ko nawawala.
Pero hindi na uli sumagot si koya at nanatili na itong nakaupo dun habang nakatalikod sakin.
"huyy..huyy kuya ano na? Bakit hindi ka na kumibo? Huy huy. Hindi pa ba tayo aalis? Eag mong sabihing pati ikaw na taga rescue team naligaw rin?" pangungulit ko kay kuya habang kinakalabit kalabit pa ito.
Biglang itong humarap sakin at 0_o nagulat ako dahil bukod sa sobrang gwapo nito dahil sa maputing kutis, makapal na kilay, mala-adonis na pagmumukha, samahan pa ng katakam-takam na labi ay meron lang isang bagay na nakapanindig sa balahibo ko, hindi kasi normal yung kulay ng mata nya, kakaiba, kulay pula.
Pero kahit kakaiba ang kulay ng mata nya, bakit parang pamilyar sa'kin to? Parang nakita ko na kasi to eh.
Biglang pumasok sa isip ko ang isang malabong imahe at sa imaheng to ay dalawala lanf ang nakikita kong malinaw, dalawang bilog na nagliliwanag, kulay pulang nagliliwanag. Pero kahit anong pilit kong aninagin ang sa paligid nito ay hindi ko magawa. Nahihilo lang ako at sumasakit ang ulo.
Meron pa'kong isang bagay na naalala habang tinititigan ko sya. Meron rin yung pulang mata eh. Yung nandoon sa Friday the 13th.
"Ba-ba bampira!!" pagsigaw ko sabay tayo at karipas ng takbo palayo sa kanya.
Dala na rin siguro ng takot at adrenaline rush ko kaya nagawa ko paring tumakbo kahit na hapong hapo na'ko sa pagod.
Pero habang tumatagal, unti-unti nang nandidilim ang paningin ko at nilalamon nako ng sobrang pagkahilo. Namalayan ko na lang ang sarili ko na mabilis bumubulusok patumba sa lupa. Pero imbis na tumama sa lupa ay mayroong mga kamay na humak sa bewang ko kaya hindi ako tuluyang tumama sa lupa at yun yung tao o bampirang nakabangga sakin kanina.
Bago ako mawalan ng malay ay may sinabi pa syang mga kataga.
"Your mine now."
----
A/N: Ok tapos ko na rin tong iedit. Konti lang naman yung binago ko at hindi naman din yun nakapabago sa kwento.
Thanks for reading.
chan.chan
Pleeeeeeaaaaase
Vote
Comment
And be a fan.