Chapter 2: Meeting Von Kyro Vandrite

1085 Words
Ashter's POV Nagising ako sa isang king sized bed na may black na bed sheet at red na comforter, dahil sa malakas na tunog ng ulan na tumatama sa yero, at dagundong ng kulog at kidlat. Agad akong bumangon ng mapansin kong hindi ko kama to at lalong hindi ko to kwarto, dahil masyado tong nakakatakot para maging kwarto ko. Meron kasi tong kulay itim na ding-ding at white na kisame. Masasabing elegante tong tingnan pero hindi naman ako sanay sa ganitong kwarto. "Hoy-" "AY!!!" PLAAAK PLAAAK Sa takot ko ay agad kong pinagsasampal ang kung sino mang nanggulat sakin. "Dimunyuh, dimuyuh!!" pang-gagaya ko pa kay Mommy Dionisya habang patuloy ko pa rin tong sinasampal. "Arghhh. Will you please stop it." naasar na sabi nung sinasampal ko. Agad ko namang itinigil yung pang-gagaya ko kay Mommy D pero patuloy ko pa rin syang pinagsasampal. "Hey. I said stop it." panguulit nya. Huh diba itinigil ko na. Naramdaman ko na lang na may mga kamay na humawak sa mga kamay  ko para matigil na yung pagsampal ko sa kanya. Unti-unti ko namang binuksan yung mata ko para makita yung sinasaktan ko. "You! Bampira ka diba! Aaaah alis! Stay away from me! Alam kong good looking ako at masarap pero ayokong magpakagat sayo. Ahhhhh" sigaw ko dun sa lalaking may pulang mata habang pinag cross ko naman yung dalawa index finger ko. Narinig ko na tumawa sya ng mahina. Bakit ba to natatawa. "AHA! I KNEW IT! Reality show to noh. Ok naloko nyo ko. Ilabas nyo na yung mga camera. Hoy yooooohooo bistado ko na kayo." mukhang tanga na sabi ko habang hinahalughog yung kwarto nya para makita yung mga hidden cameras pero wala akong mahanap. Lalo namang lumakas yung tawa nya na umabot pa sa puntong pang heart attack na. Dun ko napansin yung dalawang pearly white na matutulis na bagay sa loob ng bibig nya. Yung pangil nya. "Ahhhh!" sigaw ko habang dali-daling pumunta doon sa pinto at pilit itong binubuksan. WHOOOOOSH Narinig kong parang pagtunog ng hangin kasabay ng dalawang matipunong mga braso na yumakap sa katawan ko. "Saan ka pupunta?" bulong nya sa tenga ko ng sobrang lapit dahil nararamdaman ko na yung malalambot nyang labi sa tenga ko. "AAAHH alis! Ayoko na dito ibalik mo na ko samin." sabi ko habang nagpupumiglas na makawala sa kanya. "Sa inyo? Nandito ka na. Dahil simula ngayon dito ka na titira, kasama ko." mapang-akit nyang bulong habang unti-unting bumababa yung ulo nya sa may leeg. Naramdaman ko naman yung mainit nyang hininga sa may leeg ko na sinundan naman ng dila nya. Umungol sya ng dumampi na yung dila nya sa leeg ko. "Hh-hoy. Wag mo nga akong lagyan ng chikinini. Uwaaah help mehhh." pagmamakaawa ko habang patuloy pa ring nagpupumiglas. "Hmmmm. You smell so good. Lalo na yung dugo mo." ungol nya na nagpatigil sa pagpupumiglas ko. Hindi ko na napigilang humikbi at mapaluha sa takot. Ayoko na talaga dito. Bigla na lang akong pinihit ng bampirang ito paharap sa kanya. "Hey stop crying. Hindi kita sasaktan." malumanay na sabi nya habang hawak-hawak ang mukha ko at pinupunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki nya. Bakas naman sa mukha nya ang pagkakonsensya. "Sus! E-echos mo lang yun. Halos kag-gatin mo na nga a-ako kanina eh." maktol ko habang kinukusot ko yung mata ko gamit yung likod ng kamay ko habang panaka-nakang humihikbi. "I was just teasing you. I would never hurt you. You're my mate." sincere na pagkakasabi nya habang pilit inaalis yung kamay ko sa mata ko. Para matitigan ako sa mata. "Huh? Anong mate na pinagsasasabi mo ba?" nagtatakang tanong ko. Ano to chess? May checkmate. "Basta. Saka mo na malalaman pag oras na para malaman mo. Kumain na muna tayo dahil alam kong gutom ka na rin." sabi nya sabay yaya sakin para kumain. GROOOWWL Reaction ng tyan ko ng makarinig ng pagkain. Namula naman ako ng makita ko syang nag-smirk. "Ta-tara na nga. Ku-kumain na tayo.Mu-mukhang gutom ka na eh." nahihiyang sabi ko sa kanya. Tinawanan nya lang ako at binuksan ang pinto ng kwarto. Nang nasa hapag kainan na kami ay hindi ko mapigilang maglaway dahil sa mga nakita kong nakahain. Halos lahat kasi ng pabirito kong pagkain ay nakahain ngayon sa mesang to. "Wo-wow. Halos lahat ng paborito ko. *Q* " naglalaway na bulong ko sabay upo sa pinaka malapit na bangkuang nakita ko na nakapaligid sa lamesa. Bahala na kung masabihan akong patay gutom. Wala na kong pake. Kasi lafang na lafang na ako. Ahhhhh chibugan na. Nakaka-ilang subo na ako, actually nakaka-ilang plato na pala, ng maalala ko na hindi ko pa pala naitatanong yung pangalan nya. "Uhmmnn. Kuwan-" "Von. Von Kyro Vandrite ang pangalan ko." pagputol nya sa tanong ko sana, pero sakto naman dahil yun din yung itatanong ko. So Von pala yung pangalan nya. "Uhm Von. Bampira ka ba talaga? Tsaka bakit ayaw mong kumain?" tanong ko habang nginangab-ngab yung hita ng manok sa adobo. Napansin ko din kasi na hindi nya ginagalaw yung pagkain nya. Akin na lang sana kung ayaw nya. Haha ;P "Oo. I'm a vampire. Ayaw kong kumain kasi dugo talaga yung source of energy ko tsaka ayaw ng panlasa ko yung mga pagkain ng tao. At tsaka para talaga sayo yang lahat." casual na sabi nya habang pinapaikot yung wine glass nya. Natahimik naman ako sa sinabi nya. Baka kasi pinapakain nya lang ako ng madami para madami din syang makuhang dugo sa akin. "At kung iniisip mo na binubusog kita para ako nama'y chumibog mamaya, don't worry, I won't hurt you. Diba nga sabi ko kanina na mate kita kaya hindi kita sasaktan." pampalubag loob na sabi nya. Medyo napangisi ko sa pagkakasabi nya ng 'chumibog', slang kasi. "Kung talagang bampira ka, patingin nga ng pangil mo?" curious na tanong ko. I know  that I'm touching something sensitive and dangerous but I can't help it, I'm curious and curiousity killed the cat. "Oh sige." sagot nya. Unti-unti naman akong lumapit sa kanya at medyo nag lean forward pa para mas makita ko to ng malinaw. Hindi ko nga maintindihan kung saan nanggagaling 'tong tapang ko. And also there's something within me that's saying to trust what he'd said before, to trust him. Binuksan naman nya yung bibig nya ng makapwesto na ako sa harapan nya. Hindi ko mapigilang mapanga-nga dahil sa pagkamangha. Which is a very wrong move. Dahil nung nabuksan ko na yung bibig ko ay he immediately lean forward and capture me... Into a kiss. --- A/N: Done editing na this. Hope you'll like the new version, which is not that major at baka nga hindi nyo mapansin. Pero still I'm hoping that you guys still continue being a fan of this story, kahit na I'm a very lousy author at laging wala. chan.chan Vote Comment And be a fan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD