Soleil’s POV "YOU AND your corny banat, moron. Tigil-tigilan mo ang pagiging asal-kanto mo, hindi bagay sa 'yo. Nagiging mukhang aso ka sa paningin ko," I teased him. "Chikababes! Grabe ka naman! Nakaka-hurt ka naman ng damdamin!" he opposed na parang batang nagtatampo sa magulang dahil hindi na sunod ang gusto. Hindi ko alam kung bakit kusa na lang gumalaw ang kamay ko para guluhin ang buhok n'yang nakaayos, at hinayaan kong ngumiti ang mga labi ko. "You look like an idiot," I added. "At least napangiti kita!" aniya, sabay talon-talon pa sa harapan ko na parang nanalo sa lotto. Agad kung nagawang baguhin ang expression ng mukha ko noong marinig ko ‘yon mula sa kan’ya. Masyado yatang obvious ang ngiti ko, suwerte naman n’ya masyado. "Shut up, moron. Hindi ako ngumiti. Guni-guni mo

