Soleil’s POV
“CHIKABABES! SAAN ka pupunta? Matapos kitang ipagpaalam sa dean mo tatakasan mo lang ako? Grabi ka naman sa kagwapuhan ko!” hiyaw n’ya but I didn’t give him any attention and raised my middle finger.
“Get lost, moron!” I shouted back.
Agad akong sumakay sa sasakyan ko at nagpalit ng puting t-shirt at tight black jeans na paired with boots. Mas nakakagalaw kasi ako kapag ganito ang suot ko. When I was able to wear my bulletproof leather jacket and arrange my weapons, agad kong pinaharurut ang dala kong kotse.
Halos isang kilometro pa ang layo ko sa warehouse nang pinarada ko ang dala kong kotse at bumaba. Mabilis kong naakyat ang pader na konektado sa kaliwang bahagi ng lumang warehouse. My first plan was to meet my men on the left side of the location because makitid ang parte na ‘to, but it gives us an advantage dahil makikita namin ang mga pwedeng pagtaguan ng snipers. Good thing na dito ang location ng transaction nila; I am very familiar with the place.
Tahimik akong nakatalon and I immediately saw Maximus and my team on their assignments. Agad kaming nagkatingin ni Maximus na sa ilang minuto pa lang ay may hinihila ng katawan.
“Heiress, isang sniper na lang ang hinahanap namin. Maybe it’s him,” he said through the earphones. What I love about Maximus is that he really knows how to dig up people’s whereabouts or details. Kahit mailap sa tao ang Mr. Montague na ‘yon, he was able to find out that he has been keeping himself as the sniper of their group.
“All in their assignments?” I asked.
“In,” they replied in unison. I put a silencer on my pistol before signaling my men to take their positions.
“Target is in,” one of my men assigned inside reported. I nodded before quietly giving my hand signal to proceed.
Naririnig namin ang usapan nila sa loob pero my target is to catch Mr. Montague kaya hindi kami pumasok sa loob sa halip ay tahimik naming hinahanap sa paligid ang isa pang sniper na hindi pa nila nakikitil.
“1923 – 55S90N,” one of our men who replaced the dead sniper said. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis kong tinignan ang mapa sa relo ko. I typed the code given—55 degrees South and 90 degrees North—and it showed me another building near the road, kung saan malayo na siya sa mismong pinangyayarihan ng transaction. But if they have a high-caliber sniper, kayang-kaya pa rin nitong makapatay. It is already 7:28 in the evening, and 5 minutes have already passed since the last time my men saw him, but I still pursued.
Pasimple na akong humiwalay sa iba kong tauhan dahil mas alam ko ang lugar. I was able to reach the other abandoned building, and when I kicked the door open agad kong tinutok ang baril na hawak-hawak ko.
Walang tao.
Tahimik akong umakyat ngunit mabilis akong napabalik sa baba at nagtago sa likod ng hagdan nang makarinig ako ng putukan sa taas na sinundan ng mga yabag pababa.
“Target locked,” dinig kong sambit ng isa sa mga tauhan ko.
Shit. They saw him.
Maingat akong kumilos at agad kong pinaputukan ang lalaking may dalang sniper ngunit mabilis n’ya akong nakita kaya naiwasan n’ya ang tira ko. Mabilis din siyang nakatakbo palabas ng nagpakawala rin siya ng tirang nagpabalik sa kin sa pwesto ko kanina. He covered his face at idagdag mo pa ang madilim na paligid kaya wala talaga akong kahit na anong nakita.
Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano siya maalam na lumusot sa mga butas sa pader, he seemed familiar with the place pero hindi ko siya hinayaang makatakas ng ganoon-ganoon lang dahil nakakita rin ako ng malapit sa king pader na may butas. Lumusot ako roon at agad akong nakalabas sa kalsada, naaninag ko pa sana ang likod ng Mr. Montague na iyon ngunit may dalawang lalaki ang humarang at tinutukan agada ako ng baril.
“Hands up! Anong ginagawa ng mga Verona sa lugar na ‘to?” A man asked. He’s about 5'6" tall, has tanned skin, and is wearing black and white clothes habang ang kasama n’ya ay typical na tauhan ng isang mafia clan.
Hindi ako sumagot dahil nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang dalawang sniper na tauhan kong nakaambang paputukan sila kahit na ano mang oras. It was a matter of seconds noong mabilis na tumilapon ang dala nilang pistol sa kalsada at agad akong pumakawala ng bala. I hit them both on their thighs noong akma na sana akong tatakbo para humabol sa nakatakas na si Mr. Montague, nang bigla akong napalingon sa isang sports car na humaharurot papalapit sa kinatatayuan ko.
Noong una malabo pa sa mga mata ko ang kotse but when I realized that it was my car, agad ko sanang papaputukan kung sino mang gago ang nangahas na nag-drive noon, but to my surprise.
“Chikababes, sakay na!”
“What the f**k are you doing here?!” bulalas ko sakan’ya pero mabilis ko siyang tinulak papunta sa passenger seat at agad kong inakupa ang driver’s seat noong makita kong marami ng mga lalaki ang humahabol sa kin.
Pinaharurut ko paalis ang kotse ko at napansin kong nakahawak na nang mahigpit ang mokong na ‘to sa seatbelt n’ya.
Hindi nga siya ang hinahanap ko, baka nagkataon lang.
“Tsk! Takot ka rin naman pa lang mamatay. What are you doing there?” sagot ko sa kan’ya noong makalayo na kami.
“Akala ko kasi kung napano kana, chikababes. Kotse mo lang kasi ang nakita kong nakaparada. Buti na nga lang at nakita kitang nakatayo roon sa kalsada. Akala ko ba nasa matino ka pang isip? Hindi pa uso ang maging gostbuster, wala pang November.”
“Damn, you moron. It’s Ghostbusters, and you won’t understand if I tell you,” I replied.
“Handa naman akong intindihin ka,” he said while looking straight into my eyes. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero mabilis akong umiwas.
I smirked.
“You don’t know who I really am.”
“Eh, bakit ikaw? Kilala mo rin ba kung sino ako?”