CHAPTER 6

1061 Words
Soleil’s POV NAPALINGON AKO sa kan’ya habang malapad ang ngiti at kumakaway pa sa kin. Hindi naman n’ya tipong may alam sa underground. He doesn’t even give off that aura na kayang pumatay ng tao. Parang puro lang naman kabalastugan ang alam n’ya sa buhay. I don’t think that he’s part of the Montague Clan or Mr. Montague himself. I started to shrug off the thought na pwede siyang maging parte ng Montague clan or siya mismo ang hinahanap kong si Mr. Montague and focused on getting to my first class. We’ll see later. “Ingat ka, chikababes!” See? No Mafia boss would do something that corny. Hindi ko na siya pinagtuonan pa ng pansin dahil ayaw ko pang bumagsak sa pag-aaral ko. I want to fulfill my dream. Pinaglaban ko kay Dad ang pagdo-doctor ko, and I won’t lose this chance to prove to him that I can do both—being a medical student and a Mafia heiress. Naging tahimik ang kalahating araw ko, walang asungot na nakabuntot o kung ano pa. Nagagamit ko ang pagiging anak ng mafia sa lalaking ‘yon para lang matago ko ang presensiya ko sa kan’ya. My lunch break was about to end when I received a call from Maximus. “What’s the matter?” I answered. “Heiress, everything is ready. I ordered one of our men to bring your car to your university’s parking lot. Doon na lang ba tayo magkikita sa location?” sagot ni Maximus sa kabilang linya. “Yes. Go to my office and open the black laptop on my table. I have prepared plans and strategies there. Study it and inform our men about our arrangement later. I don’t have any free time today, so I won’t be able to meet you. I am looking forward to a clean transaction later, Maximus,” I instructed. “Makakaasa ka, heiress,” he replied before ending the call. I even texted Kade na huwag na akong hintayin pa at alas syete pa ang out ko habang siya hanggang alas tres lang ang klase. Good thing naman na mabilis mag-reply ng kapatid ko. Pagpasok ko sa classroom ay nandoon na rin ang professor namin. “MR. MONTAGUE will be coming with us later. Kaya ayusin ninyo ang trabaho ninyo at huwag n’yo akong ipahiya sa kanya,” a guy who is about 5’6" tall, tan-skinned, and wearing a black tuxedo over his white shirt paired with black pants and shoes announced. “Pagpasok natin sa loob, I will be discussing our plans. Huwag kayong magugulat kung nandoon siya sa loob. He will be listening to all of us kaya kailangan ko ng kooperasyon ninyo,” he warned them once again. Nakarinig ang lalaki ng iba’t ibang bulungan kaya agad n’yang kinumpas ang kanang kamay na siyang nagpatahimik sa kanila. “I know this will be your first time seeing his face pero sooner or later makikilala n’yo rin siya. Lagi naman siyang kasama natin sa bawat transaksiyon pero hindi n’yo lang nakikita. Let’s go inside,” anito. Tahimik siyang sinunod ng mga tauhan at pagbukas ng isang malawak na conference room ay may isa pang lalaking nakapuwesto na sa pinakaharap at nakatalikod sa kanilang lahat. “Good afternoon, Mr. Montague,” sabay-sabay na bati ng kan’yang mga tauhan. “I saw your plans, Aiden, forgive me if I need to revise some parts of it. Alam n’yo na rin naman sigurong kalat na sa underground na nandito na ako and I am looking for a worthy clan to invest my wealth, right?” tanong nito ngunit walang kahit na sino ang naglakas loob na sumagot. “I don’t mind, Mr. Montague,” lakas loob na sagot ni Aiden, ang kanang kamay ni Mr. Montague. Si Aiden na ang laging humaharap sa mga tauhan nila mula noon pa o kung hindi naman ay si Don Salvatore na siyang tumatayong ama ni Mr. Montague. Si Aiden na rin ang laging nakatuka sa paggawa ng mga plano nila sa tuwing sila ay may gagawing transaksiyon at mangilan-ngilan lamang sa mga planong iyon ang binabago o hindi nakakapasa kay Mr. Montague. “Hindi malabong may ibang grupo ang pumunta mamaya sa transaksiyon. Dinig ko rin ay naghahanda ang mga Verona. Maybe they’ll be there later, curious kung sino nga ba talaga ako.” “Hindi malabong gugustuhin ni Don Alessandro na makasosyo ka sa negosiyo, Mr. Montague. Lalo na ngayon na may mangilan-ngilang parokyano nila na sa atin na kumukuha ng mga produkto,” sagot naman ni Aiden. “I don’t mind. May the best mafia clan win.” Soleil’s POV HINDI NA ako mapakali dahil ilang minuto na lang alas syete na ng gabi pero wala pa sa kalahati ang professor namin sa discussion n’ya. I am not the only one who is obviously looking at their wristwatch. I need to go now if I want to make this plan work. “Queen ng overtime talaga ‘tong si prof. kaya ayaw na ayaw kong siya ang last subject natin,” dinig kong bulungan ng kaklase ko sa likod. I even lost interest in his subject. I kept on checking my phone kasi baka nag-update na si Maximus sa akin, at hindi nga ako nagkamali dahil he informed me that they are about to leave the mansion. Hindi na lang ako nag-reply; sa halip, nag-isip na lang ako ng excuse to ditch this class. I was about to raise my hand to ask for permission para pumunta sa comfort room ng biglang tumunog ang intercom ng university. “Time chek: Alas syete na ng gabi. Nanawagan po ako sa professor ni Savannah Soleil Verona na sabi ng dean tapusin n’yo na raw ang likture ninyo dahil kakain pa kami n’yan sa labas. Nagmamahal, ang gwapong-gwapong si Caliber.” Napatampal ako sa noo matapos kong narinig ‘yon. Shit. Kahihiyan na naman. “Oh, siya, sige. Mukhang na-blackmail na ng manliligaw mong sanggano ang dean, Verona. “We’ll continue this topic on Tuesday. Class dismissed. Goodbye, class,” the professor declared. Hindi ko na lang pinansin ang mga panunukso ng mga kaklase ko at ang kahihiyan ko dahil sa mokong na ‘yon, because I had something important to do right now. I ran as fast as I could to reach the parking lot when I heard the voice of that moron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD