CHARACTERS
Cast of characters:
.
Zeon Nakajima: Half-Japanese, Half-Canadian, pangalawang anak sa tatlong magkakapatid. Smart but known as a shameless perv*rt at mayabang na playboy.
Orion Miguel “Omi” Zaragoza: Friend and rival ni Zeon since College. Para sa mga girls, he's a gentleman with a scary evil genius mind.
Kaoru Montenegro: Effeminate male with pink long hair na anak ng Multi-Millionaire, spoiled brat at masungit na pinapahalagahan ang personal space, and one who hated idiots.
Mark: Over protective pinsan ni Kaoru.
Vaughn Aragon: Kaoru's P.A and shy best friend na may crush sa third member ng Bachelor.
Kouji Montecillo: Third member ng Bachelor and the most level headed upon all of them with a soft spot for a suicidal person.
Aki Bienvenido: Athlete and a happy-go-lucky guy who loves collecting a car and who calls himself a gift from god to both male and female population.
Danielle Bienvenido: Aki's twin who’s totally an opposite of him hindi lang sa facial features pati na sa attitude.
Lowell Nakajima: Zeon's younger brother
Francoi(franswa): Omi's younger brother who claims himself as Zeon's student and next perv in town.
Other extras
Reiko Nakajima: Zeon's older sister na over supportive na tinatawag ni Zeon na evil witch.
Mom and Dad: (Kaoru's) mom who still believe na babae ang anak niya, dad who doesn't care basta magka apo sya.
Papa/Mama: (Zeon's) based in japan.
Momsie/Popsie: (Omi's) who wishes’ for their son na mainlove sa boy as a karma sa pagiging playboy 'kuno' nya.
With few other extra's
~~
"Kaoru, look at this news!” sigaw ni Vaughn pagpasok nito sa kwarto ni Kaoru. “Si Zeon Nakajima may ka-date daw ulit na bago."
"Vaughn,” sagot naman ni Kaoru, “there's nothing new with that! Ano’ng aasahan mo sa isang shameless p*****t na dinaig pa ang aso sa kalye with its b*tch?" sagot naman ni Kaoru sa kaibigan.
"Kaoru, you really hate the Bachelors that much?" tanong ni Vaughn na may diin pa sa pangalan n’ya.
Nagsalin si Kaoru ng tubig sa baso na nasa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama saka muling hinarap si Vaughn. Gusto niyang ibahin ang usapan dahil ayaw na ayaw niyang mapag-usapan ang taong labis na kinaiinisan sa pamamagitan ng pagtatanong dito na, "tell me again V, bakit muntik nang maging pangbabae ang pangalan ko?"
"Dahil ang doctor na nagpaanak sa mama mo ay malabo ang mata,” sagot ni Vaughn, “and he forgot to wear his glasses at napagkamalan ka niyang babae, and later on, pinanindigan mo naman by wearing your hair long... and pink... and-"
Agad naman na pinutol ni Kaoru ang sasabihin pa nito sana at inis na lumapit sa kaibigan. “Stop it right there! F.Y.I, si Mom ang may gusto nito."
"Na hindi tinutulan ng Dad mo as long as bigyan mo s’ya ng apo, either magbuntis ka in anyway or... mambuntis ka," sagot naman ni Vaughn. Tumatawa ito habang pinapasaringan ang kaibigan.
"Are you implying that I'm gay?" tanong ni Kaoru kay Vaughn. Tawa nang tawa naman si Vaughn sa nakikitang reaksyon ng kaibigan na si Kaoru. Alam nito ni Vaughn na hindi pa nadidiskubre ni Kaoru ang tunay na kasarian kaya naman inuunti-unti na niya ito. Basing-basa niya dito na hindi ito straight kahit pa ipagpilitan nito sa Ina nito. Alam niyang kahit ang Daddy nito ay alam iyon kung kaya naman mabilis nitong natanggap ang tunay na kasarian ng anak na wala pa rin alam.
"Nope!” sagot naman agad ni Vaughn na natatawa. “I'm implying you're too girly to belong to the male population."
Natahimik si Kaoru habang nakataas ang kilay. Nakaupo at ngingisi-ngisi naman si Mark na nakaupo sa gilid ng malaking kama at nakikinig lang sa ever popular morning routine ng mag bestfriend, ang battle of wit and sarcasm.
Tumayo si Kaoru upang kunin ang kape n’ya na inihanda ng bestfriend na isa sa early morning wake up routine niya. Dahan-dahang inilapit sa labi at...
"What the hell Vaughn!” sigaw ni Kaoru, “Why is there a creamy frosty thing in my coffee!? Alam mong coffee and cream ang gusto ko!"
"No Kao, I put that in there because you liked that," answered Vaughn wearing his sweetest smile ever.
"Why would I like something like this?" nakasimangot na sagot ni Kaoru; halatang inis na. Sabay namang sumagot sina Mark at Vaughn.
"Because you're a pretty! Pretty! Princess!" sabay na sigaw nina Vaughn at Mark.
"Oh my god! I'm gonna take my bath!" At nagmamadaling tumalikod ang binatang may pink long hair.
Sabay na tumawa sina Mark at Vaughn habang iiling-iling nman si Kao na nakasandal sa likod ng pinto ng cr. Really, he should have known na hahanap at hahanap ng paraan ang dalawa na iyon na masabi ang early morning wake up sentence nila sa kaniya.
"I'm not a Princess, call me a Prince for once!" sigaw ni Kaoru.
"Okay! Kapag may short black hair ka na." sagot naman mula sa labas ng banyo.
Successful, Kaoru shut up.
There is a reason his Mom does not want him to have short black hair! They both know that!