CHAPTER 1

3151 Words
"Siguraduhin mo na magagawa mo nang maayos ang pinagagawa ko sayo Zeon, kung hindi ay malilintikan ka sakin!" nakakatakot na banta ng nakatatandang kapatid ni Zeon na si Reiko. Hindi man niya aminin ay talagang takot si Zeon sa nakatatandang kapatid. Sobrang terror kasi nito at siguradong magsusumbong sa kanilang mga magulang kapag nagkamali siya sa gagawin. "Sis, kailan ba naman kita ipinahiya?” kalmado at todo ang ngiti na sagot ni Zeon, “Lalo na kina Mama at Papa? Don't worry, everything is going to be fine," nakangiwing sagot ng binata ng mga Nakajima habang inaayos ang dark blue hair niyang dating blonde. Tall, sexy, and every bit a woman, with a fist of a man, ‘yan ang description ng nakatatandang kapatid niya. At kung siya naman ang maglalarawan? "Evil Witch," mahinang sambit niya sa paalis na sanang kapatid. Tumigil naman bigla sa akmang pag-labas ng kwarto ang Ate niya na kaniyang pinasaringan at taas kilay na humarap sa kaniya. "What was that baby brother?" nagbabantang tanong ni Reiko. "Huh? Oh nothing Sis, don't worry I'll handle everything just fine," sagot naman niya. Iginiya na ni Zeon ang kapatid palabas ng kanyang kwarto dahil ayaw niyang masagot pa ito kapag siya nainis dahil alam naman niyang siya rin ang malilintikan. "Make sure or talagang malilintikan ka sakin... shameless pervert." Pagkasabi niyon ay tatawa-tawang lumabas na ng kwarto niya si Reiko. Muli siyang bumalik sa loob at dinampot ang diyaryong nasa lamesa at malakas na ibinato iyon sa pintuan. Inis na isinalampak na lamang niya ang katawan sa kama kung saan masarap ang tulog niya bago walang pasabing pumasok ang kapatid na walang ginawa kundi ang pag-initin ang kaniyang ulo. "The ever famous shameless pervert." sabi ng boses na nanggaling sa gawi ng computer niya. Wait? Sa computer niya? Wala namang... "What the hell are you doing here!?” gulat na bulalas ni Zeon nang mapagsino ang nasa loob ng kwarto. “How did you get in!?" inis na tanong ng binata sa lalaking nakaupo sa harap ng computer niya at nagkakalikot doon. Humarap ito ng dahan-dahan habang nakaupo sa swivel chair, cross legged at ang dalawang braso ay nakapatong sa handle ng upuan. Tinaas pa nito ang noo para magbigay ng effect sa dramatic entrance kunyari nito na madalas nitong gawin kaya naman wala nang epekto sa kaniya. "Hacking your computer, stealing your data for future reference... at binibisita na rin ang shameless p*****t na best friend and mortal enemy ko." sagot naman nito. Hinawi nito ang buhok na kulay halos silver na bumagay naman dito. "What's with the silver hair? Well, bumagay naman sa’yo, at please lang... Remove that oh so popular title of mine." nakangiwing hiling ng binatang Nakajima. Tumayo siya sa kama at nagtungo sa pintuan saka dinampot ang dyaryong ibinato doon at tinanggal iyon sa pagkakarolyo. HEADLINES: MONTENEGRO CORP. SEAL THE DEAL. YOUNG MONTENEGRO RELEASE THE INFOORMATION ABOUT THE HOUSING PROJECT FOR TRAGEDY VICTIMS. Inis na nilamukos ni Zeon ang dyaryo na binabasa at inihagis muli sa pintuan. "And may I know why you're trying to hack my computer? Orion Miguel! Genius ka lang, hindi ka computer expert… no, you are! Bwisit na dyaryong to, ang agang mambwisit," wika ni Zeon na may pagkairita. Tumawa naman ang friend s***h rival niya at tumayo upang kunin ang coffee mug na inihanda ng katulong para sana sa kaniya na ngayon ay iniinom na nito. "For future reference, bakit ba badtrip ka nanaman? Ang aga-aga eh, masyado mong binibigyan ng pansin yang Montenegro with pink hair na yan!” wika ni Omi with a matching smirk. Ayaw na ayaw nitong binabanggit ang buong pangalan nito kaya naman iyon ang ginagamit ni Zeon laban sa computer genius na kaibigan. Naalala naman niyang muli ang dahilan ng galit niya sa nag-iisang anak ng multi-millionaire Montenegro. Well... kasalanan naman talaga niya at oo inaamin n’ya. Nung makita niya kasi si Kaoru Montenegro, nakatalikod ito noon at may kausap sa cellphone nito. Lean and sexy with pink long hair. Doon palang sa pink long hair na ‘yon ay dapat naalala na niya, Montenegro's only SON have pink long hair. And everyone knows na iyon lang ang kaisa-isang hiling ng ina nitong hindi niya malaman kung ang akala ba sa anak nitong lalake ay babae. Nasa isang sikat na bar siya noon at medyo nakainom na rin. Kilala niya at ka-batch-mate sa highschool ang may-ari ng bar na napiling lokasyon ng congratulatory party ng isang anak din ng mayamang negosyante at marami silang invited. Nag-iikot at naghahanap siya ng babae na in nang maispatan ng mga mata ang nakatalikod na may pink long hair. Dahan-dahan siyang lumapit dito upang sorpresahin sana. Alam naman ng lahat kung gaano siya kahabulin at walang babae ang makatanggi sa kaniya. Nang makalapit ng tuluyan ay niyakap niya ito mula sa likuran at inilapat ang mukha niya sa leeg nito. Doon pa lamang ay naramdaman na niya ang paninikip ng pantalon nang maamoy ang mabangong leeg nito at mayakap ang maliit na bewang. Binulungan pa niya ito sa tenga ngunit naramdaman niya na parang nanigas ang buong katawan nito. "Wanna come with me babe?" tanong ni Zeon dito at agad namang humarap ito na parang gulat at isang di kalakasang suntok sa mata at isang tuhod sa pundyo niya ang isinagot nito. Namilipit siya sa sakit at hawak ang kaniyang kayamanan habang hindi naman nakuntento ito dahil sinigawan pa siya nito na, "YOU SHAMELESS p*****t!" at sa alalay nito na, "Vaughn, get my guards! Ipakaladkad mo ‘tong hayop na ‘to palabas!" Tututol pa sana ang kasama nito ngunit mariin na nitong pinutol ang mga sasabihin pa sana at pag tangkang pagpigil. Hindi naman siya makapaniwala nang mapagsino ang kaniyang niyakap kanina lamang. Noong makilala ito ay alam niyang may kalalagyan siya. "NOW!" sigaw nito sa kasama. Namalayan na lamang niya na kinakaladkad na nga siya palabas ng bar at inihagis sa tabi ng trashcan na nasa gilid ng Bar. Agad namang sumunod ang ibang Bachelors upang mapigilan kung ano pa man ang magaganap. Sa isip naman niya noong mga oras na iyon ay hindi na siya bubuhayin ng mga ito. Kung iyon lamang, hindi na sana niya papansinin dahil kasalanan naman talaga niya ang nangyari. Ngunit noong sumunod na araw ay nalaman na lamang niyang BANNED na siya sa paborito niyang bar. Kinausap niya ang may-ari ng establishimiyento ngunit parang nanginginig pa ito sa takot habang sinasabing, "I'm sorry, hindi na talaga kita mapapapasok dito... M- Montenegro yung lalaking nakabangga mo," sagot ng may-ari ng Bar. Nanlaki ang mata niya nang maalala kung sino ang nabastos kagabi. Ahh, sh*t! "Are you sure na Montenegro s’ya?" tanong ni Zeon na naniniguro. "Oo naman! Magtataka ka pa ba?” sagot naman ng bar owner na may halong takot. “Eh sampung bodyguards yung kumaladkad sayo!" sagot nito na nakapag pahiya talaga sa kaniya. Hindi niya akalain na aabot sa ganoon ang nangyari. Hindi lang iyon. Habang nasa club ng Bachelors ay bigla na lamang siyang tinawagan ng ate niya at galit na galit sa kaniya dahil nakarating na dito ang nangyari. Hindi naman niya malaman kung paano ipapaliwanag dito ang lahat. "I said change the channel on the news!" galit na utos ng Ate niya. At iyon nga, bumulaga sa screen ang small clip ng video ng pagyakap nya dito, pagsuntok nito sa kan’ya at pag tuhod sa junior niya, pamimilipit sa sahig pati na rin ang pagsigaw nito ng, "You shameless perv*rt!" At pagkaladkad sa kaniya palabas ng bar. Ilang araw rin na pinagpiyestahan ng mga balita at dyaryo ang nangyari. Siya naman ay nanatili lamang sa club at hindi nagpakita kanino man. Sinamahan siya ng main members ng Bachelors hanggang humupa ang balita at ang galit ng Ate niya sa kaniya. Tinawagan siya ng Mama niya at isang malakas na tawa ang sinalubong sa kaniya mula sa Ina na akala niya ay kakampi niya noon pa man! Really, his Mom knows her priorities huh? Simula noon, napuno na ng galit para sa young Montenegro ang puso niya at hindi niya ito mapapatawad. Sinubukan nilang lima na gantihan ito sa kahit anong paraan at lahat ay palpak. Paano mo naman kasi gagantihan ang isang taong untouchable at napalilbutan ng bodyguards? Yes! Those Montenegro's are untouchables. And damn kung magpapatalo na lamang siya! "I have an idea... kung paano magagantihan si Kaoru Montenegro." biglang wika ni Omi na nagpatigil sa pagmumuni-muni niya. "How?" tanong niya sa bestfriend na may halong interes. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at naupo sa kama at humarap dito. This is Omi he is talking with. Kapag ang isip ni Omi ang gumana, lahat ng katalinuhan nito ay gagamitin, lalo na sa evil deeds nito. "Call the others at dun ko sasabihin sa club." sagot ni Omi na may seryosong ngiti. At wala pa nga ang isang oras ay nasa resting area na sila ng Bachelor’s Club. "Ano namang naisip mo?" tanong ni Aki na katatapos lang mag tennis. Morning routine nito iyon at isa sa mga sports nito. Aki’s a playful person at pinakaloyal na member ng Bachelor. Tahimik naman na nakikinig si Kouji, member din nila at kababata katulad ni Aki at Omi. Allen ang una nitong pangalan bago pinapalitan ng Ina nito for safety purpose. "Ano naman ang plano?" tanong ni Daniel, kakambal ni Aki. Very different dito si Aki dahil kung si Aki ay athletic, si Daniel naman ay workaholic na walang hilig sa sports. Pero kahit ganoon ay magkasundo ang dalawa at kapag nagplano ang barkada ay sasama at sasama sila. "Simple lang naman.” paliwanag ni Omi na may halong misteryosong ngiti. “Kung hindi natin magagantihan sa santong paspasan si Kaoru Montenegro, dahil Montenegro nga s’ya and we are not allowed to harm him, why not sa santong dasalan?"  sagot nito na may halong nakakalokong ngiti. Nagkatinginan naman silang lahat na may halong pagtataka na mababasa sa mga mukha. "What do you mean?" tanong ni Zeon. Halata dito na interesado ito. Sa kanilang lahat kasi ay siya ang talagang may pinakagustong makaganti sa Young Montenegro. "May rumor na kaya hindi nagkaka girlfriend si Kaoru ay dahil gay siya,” panimula ni Omi, “so eto ngayon ang plano. Zeon, liligawan nating dalawa si Kaoru, make him fall in love and then kung sino man satin ang sagutin n’ya ang mananalo. Pustahan na din, at sa time na sagutin n’ya na ang isa sa atin, doon natin ipamumukha sa kaniya na revenge lang ang ginawa natin dahil sa ginawa niya kay Zeon and we will break his sorry useless heart," mahabang paliwanag nito. May kani-kaniya namang ngiti ang bawat isa maliban kay Kouji. Sa kanilang lahat ay si Kouji or Allen ang may pinaka malambot ang puso at maawain. Ayaw nito ang nakaka perwisyo ng tao o nakasasakit lalo na kung siya ang may kasalanan. Kung tutuusin ay si Zeon ang may kasalanan sa nangyari. "Deal! Magkano ang pustahan?" nakangising sang ayon ni Zeon. "Half million with our car." may sarili naman na pustahan ang kambal na ang magiging part ay gumawa ng paraan para mapalapit sila kay Kaoru. Si Daniel kay Zeon at si Aki kay Omi na bigla namang tinutulan ni Kouji. "Hindi ako sang-ayon!” pagtutol ni Kouji. “Other things but this! Wag n’yong paglaruan ang damdamin ng ibang tao. This isn’t right!" mariing tutol ng binata. Sabay naman na napabuntong hininga si Zeon at Aki na dalawang pinakagustong matuloy ang plano. "Aww! Come on man!” sabi ni Aki, “Kasayahan lang to, besides, he deserves it. Oras na para malaman n’ya na hindi lahat ay takot sa kanilang mga Montenegro." nakangisi pa ito na akala mo ay talagang napakasimple lamang ang kanilang gagawin. "What did he deserve!?” galit na balik naman ni  Kouji. “Deserve din naman ni Zeon ang nangyari diba? Bahala kayo, basta I warned you, lalo ka na Zeon, this might be your downfall!" natahimik naman ang lahat ng biglang tumalikod si Kouji at lumabas sa terrace. Nakangisi naman ang iba na ipinagpatuloy ang pag-uusap. Balewala sa mga ito ang galit ni Kouji dahil alam nilang mawawala din ang galit nito at maiintindihan sila. Walang kaalam-alam si Zeon na ang pustahang iyon ang babago sa kaniya at sa friendly rival sa bestfriend na si Omi. If only they would listen, Kouji thought. ~~ "Achoo!" Mahinang bahing ni Kaoru na kakaupo pa lamang sa upuan sa lamesang hapag kainan. "Goodmorning my baby!" masiglang bati ng Ina ni Kaoru sa kaniya. Eye Roll naman ang isinagot niya dito dahil alam na niya ang mga susunod na usapan base sa sigla ng pagbati nito sa kaniya. "Goodmorning Mom, Dad." Bibihirang magkasama-sama sa hapag ang mga Montenegro kaya kapag nangyayari iyon ay talagang sinusulit na nila at pinag-uusapan ang lahat na dapat pag-usapan pati na rin… "Kailan ka magkaka boyfriend Anak?" nakangiting tanong ni Mrs Montenegro. "Mom please... I prefere girlfriends," sagot ni Kaoru na may halong inis. Narinig niya ang mahinang tawanan ng Daddy niya pati nina Mark at Vaughn. "Eh, bakit hanggang ngayon wala ka paring girlfriend?" tanong ng Ina na pasarkastiko. "Mom, kasalanan ko ba? Hindi ko naman ginusto na tuwing nasa labas na kami ng mga sinusubukan kong ligawan eh ako ang binabastos or sinusubukang bastusin ng mga... bwisit na mga kapwa ko lalake," sagot ni Kaoru. Sumubo siya matapos sabihin iyon at hindi na muling tumingin pa sa mukha ng Ina. "Na nauuwi lagi sa pambabasted sayo ng mga girls,” singit ni Mark sa usapan. “dahil nga sa iisang reason na sinasabi ng mga nililigawan mo, mas maganda ka pa sa kanila." Inis na tinusok ni Kaoru ng tinidor ang hotdog sa pinggan niya habang nakatingin ng masama sa nagsalita na si Mark. "Just find a boyfriend my baby girl." malambing na hiling ng kanyang Ina. Inis na nakasimangot naman si Kaoru nang sumagot. "Mom, kailan mo ba matatanggap na lalake ang anak mo?" tanong niya na pasarkastiko. "Kapag may girlfriend ka na I guess, pero hangga’t wala... baby girl kita." sagot ng Ina. "Daaad, iyan nanaman si Mom o!" hingi niya ng tulong sa ama. Binaba naman nito ang dyaryo na binabasa at saka bumuntong hininga. Ayaw na sana nitong madamay pa sa usapan pero wala itong choice. "Pagbigyan mo na ang Mommy mo anak,” sagot ng kaniyang Ama, “alam mo naman na certified yaoi fangirl yan. Isa pa, bahala ka kung magka-boyfriend ka, as long as magkaka-apo ako." dagdag pa nito. Inirapan na lamang ni Kaoru ang kaniyang Daddy at nakangiti naman na parang nanalo sa lotto ang Ina habang si Vaughn at Mark ay lihim na tumatawa. "Some father you are." pasaring niya sa Ama na binayaran nito ng isang matamis na ngiti. "Oo nga pala, nagpadala ng invitation ang  mga Nakajima. I'm out of the country that day at may mahalagang meeting ang mommy mo sa araw na yon." wika nito. Nawala naman ang ngiti niya at bahagyang naningkit ang mata. Alam na niya ang gusto ng Ama ngunit hindi siya maderetso dahil alam nito ang nangyaring away sa pagitan niya at ng binatang Nakajima. "I knew it! Do I have another option?" tanong niya kahit alam na niya ang sagot. "None my dearest son. Thank you... I know you love me, and I love you too kahit na magka-boyfriend ka pa, basta wag mong kalimutan ang apo ko okay?" God, why do I have to have a weird family? Diba dapat nagwawala na sa galit ang mga Daddy kapag nalamang may boyfriend ang mga SON? Bakit masaya pa s’ya? "Okay! Fine!” biglang bulalas ni Kaoru. “I'm going to that party and find a girlfriend… but please Dad, kahit minsan tumutol ka naman na magka-boyfriend ako!" Really? S’ya pa ang nagmamakaawa sa Ama na wag s’yang hayaang magkaboyfriend at iligtas sa Ina. "Okay! Wag kang magboyfriend anak... until after the party." "Aaarrrggghhh! I'm going to prepare for work." At nang tumayo siya, napansin niyang nagtataka pa ang itsura ng Ama niya kung ano ang nagawa nito para mainis ang anak. Nakangiti naman ang kaniyang Ina at nagtatawanan sina Mark at Vaughn. Magpaampon nalang kaya ako? ~~ SIDESTORY: Hindi mapakali habang naglalakad pabalik-balik si Reiko Nakajima, nakatatandang kapatid ni Zeon Nakajima. Nasa main office siya ngayon ng mga Montenegro at naghihintay sa mag-asawa. Kakagising niya lamang kahapon ng umaga nang mapanood ang balita na may kasama pang video clip kung paano binastos ng kapatid niya ang only Son ng mga Montenegro. God, hindi pwedeng makaaway namin ang mga Montenegro!  Only God knows kung gaano pinaghirapan ng kan’yang Ama para makuha ang approval ng mga Montenegro para sa project na lalong nagpaangat sa kanila. Mga bata pa sila noon ni Zeon pero alam na niya ang mga nangyayari sa kanilang negosyo. At kapag nasira iyon at nagalit ang mga ito, isang pitik lang ay babagsak sila. Alam ng lahat kung gaano kalaki ang Montenegro Empire sa business world. They are the Gods of the Corporate world and very! very! very! untouchables! Kaya noong gabi din na iyon ay nagpahanda siya ng flight papunta sa bansa kung nasaan ang mga ito upang personal na makahingi ng tawad para sa kapatid. Kahit na lumuhod pa siya! Nagulat siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang mag-asawa. Humingi siya ng appointment kagabi lang na agad pinaunlakan ng dalawa. "Sit down dear," wika ng Ginang. Umupo naman siya at nagpahanda ang mga ito ng coffee at umupo sa harap niya. Hindi naman na siya nag paligoy-ligoy pa at agad na sinabi sa mga ito ang kaniyang pakay. "Sir, Ma’am please,” panimula ni Reiko. “Alam ko na mali ang ginawa ng kapatid ko at hindi tama, pero Sir... ako na po ang humihingi ng paumanhin! Magpapublic apology din po ang kapatid ko kung kinakailangan dahil alam ko na hindi maganda ang ginawa n’ya at-" "That's not necessary my dear, I think that's sweet really," putol ng Ginang sa sinasabi niya. Sweet? Hindi siya nakapagsalita. Is she hearing it right? "Masyado talagang pihikan ang baby girl ko, kahit pa ilang beses n’yang sabihin sa’kin na baby boy s’ya. I think they have chemistry." dugtong pa nito. Pakiramdam ni Reiko ay nalunok niya and dila n’ya dahil sa mga tinuran ng kausap. Ano daw? Baby... girl? "Pagpasensyahan mo na itong Misis ko ha,” sabat naman ni Geronimo sa usapan. “Talagang gusto niyang maging babae ang anak namin. Well, about sa nangyari, okay lang ‘yon, tingin ko kinilig pa nga siya sa nangyari kaya wag mo na lang intindihin ‘yon Iha." sabi naman ni Mr. Montenegro tapos ay umiling. Hindi na talaga siya nakapag salita pa. Weird, iyon ang tumatak sa isip niya pero napangiti din lalo na noong hilingin ng Ina nito sa kan’ya ang approval para sa dalawang mukhang magiging mortal na magkaaway. I think my brother’s in for a very big surprise! Poor Kaoru though!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD