Palabas na ng subdivision nila si Zeon upang pumunta sa club ng Bachelor. Naroon ang lahat ng member ng Club para mag relax at mga club activity na linggo-linggo nilang ginagawa. Sila ang pinaka miyembro dahil sila ang nagtayo niyon. Matapos ang ilang hirap at dahil narin sa pangalan na dala nila ay marami na rin miyembro ngayon ang kanilang grupo. Halos lahat ng members ng Bachelor ay madalas magtipon-tipon doon lalo na kapag weekends kung kalian free ang lahat para magawa ang weekly fitness routine. Nasa passengers seat ang kaniyang gamit at sa likod naman ng kotse niya ang pinakamamahal na aso na si Chi-Chi, isang Shih-tzu na gray at white ang kulay. May tatlo pa siya sa bahay ngunit si Chi-Chi ang favorite niyang isama sa club.
Paalis na lamang si Zeon nang maalala na naiwanan niya ang cellphone sa loob ng bahay kaya itinigil n’ya sa harap ng gate ang kaniyang sasakyan. Hindi pa siya nakakalayo noon at nasa harapan parin siya ng gate ng mansyon nang mapansin na wala ang aparato sa kaniyang bulsa. Agad siyang lumabas ng sasakyan upang balikan ang naiwan at naisip na huwag na lamang isara ang pintuan ng sasakyan. Tanaw naman ng mga guwardiya sa gate ang sasakyan at kampante siya na ligtas iyon doon habang kinukuha ang nakalimutan. Habang nasa loob ng bahay ay walang isa man sa mga guwardiya ang nakapansin sa pagpasok ng isang puting Shih-tzu sa kotse ni Zeon at pagtabi sa pinakamamahal na aso ng may-ari niyon na si Chi-chi.
Paglabas ng mansyon ay dumeretso sakay na ang may-ari ng sasakyan at agad na pinaharurot iyon paalis ng lugar. Hindi napapansin ang bagong aso na nakasilip sa bintana ng sasakyan at lawit ang dila na nakatingin sa paligid.
~~
Biglang napabalikwas si Kaoru sa higaan nang matanggap ang isang masamang balita mula sa pinsan na si Mark. Puyat siya noong nagdaang gabi dahil sa dami ng trabaho at ilang mga meetings na kailangan puntahan na mga maiiwan ng Daddy niya. Aalis ito muli at maiiwan sa kaniyang muli ang mga trabaho sa kanilang kumpanya kaya naman wala siya sa mood nang sagutin ang tawag at hindi magandang balita ang agad na sa kaniya ay sumalubong.
"I'm sorry Kao, nawawala si Majestic." balita ni Mark. Puno ng hiya at takot sa sasabihin ng pinsan. Dahil doon ay nagising ang diwa ni Kaoru at biglang nawala ang antok. Alam ng lahat sa kanila kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang alaga.
His beloved Majestic? gone? What?
Sesermonan sana niya ang pinsan ngunit naisip na saka na lamang. Mas mahalagang unang mahanap ang kaniyang alagang aso na parang anak na rin niya kesa sermunan ang pinsan na pabaya. Suot lamang ay underwear ay agad na tumayo sa higaan si Kaoru at hinigit ang isang bathrobe na nakasabit sa upuan malapit sa banyo at dali-daling lumabas ng kwarto saka deretso sumakay sa sports car palabas ng malaking bahay. Muntik pa niyang mabangga si Vaughn palabas ng main door dahil papasok naman ang kaibigan at hindi pinansin ang mga pagtawag nito.
Agad na sumakay sa sariling sasakyan nito si Vaughn upang sundan si Kaoru na may halong kaba at pangamba dahil una, KAORU MONTENEGRO, will never, ever, in his life na lalabas ng bahay with a bed hair, wearing a bathrobe and in a house sleepers! Walang nagawa si Vaughn kundi sundan ang nagmamadaling kaibigan kasunod din ang sampung bodyguards nito na dinaig pa ang bodyguards ng Presidente dahil sa taglay na dami ng mga ito. Agad na nag sunuran ang mga bodyguards nang madinig ng mga ito ang pagtawag niya kay Kaoru na palabas naman ng bahay. Hindi gusto ni Kaoru ang may mga bodyguards noong una ngunit dahil sa mga taong nais gamitin siya upang makakuha ng malaking pera sa kanila ay napilitan na rin siyang tanggapin ang mga ito. Kung noong una ay exaggeration ang tingin niya sa dami ng bodyguards, ngayon naman ay naiintindihan na ni Kaoru na necessary ang mga iyon. More money more enemy!
Isa pa na dahilan ng pagkataranta nilang lahat ay ang paglabas ni Kaoru ng Mansyon in his current state of undress.
KAORU MONTENEGRO is a very vain person. Hinding hindi ito magpapakita sa mga tao na gaoon ang itsura gayong inaalagaan nito ang reputasyon ng mga magulang nito pati na rin ng sarili at mga sikretong bumabalot dito.
Sinabi ni Mark na wala sa buong subdivision si Majestic, his one and only beloved dog. Nag-iisa ito at regalo sa kaniya ng Daddy niya two years ago noong magtrip ang mga ito sa ibang bansa for a month to keep him company. Madalas isama ng pinsan na si Mark si Majestic sa bahay nito kapag umuuwi ito dahil cute at matalino na aso si Majestic, parang amo lang. Imposibleng biglang makalabas ng bahay ni Mark si Majestic at biglang mawala dahil hindi pa nangyari iyon kailanman. Isa lamang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nawala ang alaga sa unang pagkakataon. May kumuha kay Majestic na mga dognapper!
They will pay!
Nasa kalagitnaan na ng Edsa si Kaoru nang mapansin ang isang puting sasakyan sa kabilang lane ng kalsada na pabalik naman sa kaniyang pinanggalingan at makita sa bintana nito ang isang puting Shih-tzu na nakadungaw. Pamilyar sa kaniya ang aso na iyon at hindi siya magkakamali! Kilala pati tayo ng balahibo ng asong nakadungaw sa kabilang sasakyan! Even his tongue! Si MAJESTIC iyon! Hindi pa siya makapaniwala noong una na agad na makikita sa Edsa ang alagang aso, ngunit kilalang-kilala niya ang sariling alaga. Lalo na at kita niya ang collar nitong gold plated at may real diamond sa paligid na kinasusulatan ng pangalan nito.
Mabilis magpatakbo ang may-ari ng sasakyan kaya pinaharurot din ni Kaoru ang sariling sasakyan para mabilis na masundan ang tumangay kay Majestic. Nag-U-turn siyang bigla sa gitna ng Edsa na naging dahilan upang magkabanggaan ang ilang sasakyan na kasunod niya at nasa kabilang lane at mag resulta ng matinding Traffic. Kasalukuyang may National Event ang bansa kaya maluwag ang Edsa dahil maraming VIP ang darating at pinigilan muna ang paglabas ng mga public vehicles. Dahil doon ay mabilis din na nakakapag patakbo ng sasakyan ang dumukot sa kaniyang alaga at hindi man lang naapektuhan sa ilang maliit na aksidente. Lalong nabuo ang hinala niya na si Majestic nga talaga ang pakay nito at marahil ay napansin nito ang collar ni Majestic kung kaya tinangay nito iyon.
Medyo mabilis magpatakbo ang sasakyan at halatang nagmamadali kaya tuluyang nabuo ang hinala niyang dognapper nga ang may-ari niyon. Maya-maya pa ay pumasok na ang sasakyan sa isang two story building na may malaki at malawak na bakuran. Sumasara na muli ang gate pagpasok nito kaya naisip ni Kaoru na mga sindikato ang nasa loob ng malaking property. Hindi niya alam ang gagawin sa totoo lang kung sakali man na magkagulo dahil iniwan niya ang mga bodyguards ngunit hindi rin naman niya hahayaan na mapahamak ang alagang si Majestic. Dahil sa pagkalito ay hindi na niya napansin ang itaas ng building at hindi nabasa ang nakasulat sa malaking karatulang.
BACHELORS
Pasara na ang gate ngunit tuloy parin siya sa pagmamaneho. Walang pakialam kung masira ang gate na sumasara at mawasak iyon. Gumasgas ang magkabilang gilid ng sasakyan niya sa magkabilang gate na pasara at tuloy-tuloy niya iyong ibinangga sa naunang sasakyan. Balewala sa kaniya ang damage ng mamahaling sports car dahil sisiguraduhin niya na hindi makakatakas ang taong dumukot sa pinakamamahal niyang si Majestic!
Sa di kalayuan naman, mga wang-wang ng sasakyan ang mga mabibilis na humahabol sa red sports car na mabilis nagpatakbo sa gitna ng Edsa, kasabay ang itim na sasakyan ni Vaughn, tatlong van ng mga bodyguards at unluckily... mga reporters.
~~
BAM!
Ang malakas na tunog na nilikha ng isang sasakyan sa likuran ng sasakyan niy Zeon. Halos mahilo naman siya dahil malakas na umuntog ang ulo niya sa hindi inaasahang pagbangga sa likod ng kaniyang sasakyan. Nag angat siya ng ulo at napansin na naglabasan ng building ang miyembro ng Bachelors at nakatingin na lahat at nakiki usyoso, hindi sa kaniya, kundi sa taong bumababa sa red sports car na sigurado siyang wasak ang harapan dahil sa lakas ng pagbangga nito sa kotse niya. ‘That car is sure worth more than my whole house!’ nanghihinayang na sabi niya sa isip ng makilala ang isa sa pinakamahal na sasakyan sa mundo. At mukhang galit na galit ang may-ari nito dahil isang malakas na sipa ang ginawa nito sa pintuan ng sasakyan niya. Napapailing naman na bumaba si Zeon nang maalala na nasa likuran ang alaga niyang si Chi-Chi.
"Get down here this instant!" Galit na utos ng kung sino man iyon na nanggaling sa pulang sasakyan. Balak sana niyang pag hintayin ang bastos na kung sino man iyon na makaasta sa teritoryo niya ngunit pagtingin naman niya sa paligid ay mga nakabukang bibig ng mga Bachelors dahil sa pagkagulat ang nakita niya. Labis na nagtaka si Zeon sa nangyayari kaya bumubuntong hininga na bumaba na lamang siya ng kaniyang sasakyan upang harapin ang anumang inirereklamo ng taong bumangga sa kaniya.
At pagbaba ng sasakyan ay ngangang napatitig na lamang siya sa taong masama at nag-aapoy sa galit ang tingin sa kaniya.
KAORU MONTENEGRO IN HIS ALMOST NAKED GLORY.
Almost!
Ang suot nito ay hindi mo masasabing simple dahil sa istilo niyon. Fluffy house slippers, bathrobe na maluwag na ang pagkakatali at halos malaglag na sa balikat nito, an obvious bed hair at mukhang hindi pa ito nakakatulog ng maayos? may muta pa sa gilid ng mata at halatang bagong gising lamang. ‘Is he naked while sleeping?’ Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pale body, long neck, pale white chest na parang ang sarap tadtarin ng kiss mark na galing sa kaniya, pink n*****s na naghe-hello sa kaniya kanina pa, and oh my what a sexy hips, with a sexy girly stomach. Natatakpan ang bandang crotch nito, white, sexy, long legs, parang ang sarap himasin. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa mga naiisip at ipinilig ang ulo upang mabago ang takbo niyon. Hindi man niya aminin ay nagri-react ang kaniyang katawan dahil sa itsura nito. And d*mn kung hindi niya aaminin, this person in front of him is a really beautiful man. Yung tipong you don’t care na lalake siya, he can really make your thing stand up straight than a straight man!
Oh my god I’m not thinking of that!
But I did!
"Where's my dog!? You kidn*pped my dog!" Galit na sigaw nito. Walang pakialam sa nakakaakit na itsura... wait, no! Walang pakialam sa indecent look nito. Yan, more better. Luminga siya sa paligid at hindi niya gusto ang tingin ng karamihan sa mga Bachelors kay Kaoru at sa mga parte g katawan nito na konti na lamang ay maghehello na sa lahat.
"What dog? I don't know what you’re talking about and I don't have your dog." sagot naman niya sa kalmadong tono. Tumuro ito sa loob ng sasakyan niya at iyon nga, nasa loob ng sasakyan niya! White, beautiful dog, parang amo nito, beautifu- no he's not. White, fluffy Shih-Tzu.
Binuksan niya agad ang pinto ng sasakyan at...
"Oh my god! Chi-Chi no…" Halos maiyak siya sa nakikita. Agad na humarap siya sa may-ari ng asong may masamang ginawa sa pinakamamahal na alaga at galit na binalik ang akusa dito.
"Your dog r*ped my Chi-Chi!" galit na sigaw niya. Napansin naman niya na nagulat ito at napakagat sa pink, kissable lips- este sa labi nito. Agad itong sumilip sa sasayan at napaungol nalang sa pagkadismaya sa nakita.
"Oh no! Majestic what have you done?" tanong nito sa aso. Nakalapit na noon ang mga main members ng Bachelors upang malaman ang nangyayaring gulo habang lumapit naman kay Kaoru si Omi at dahan-dahang iniharap ito dito. Napatitig naman siya sa ginagawa ng kaibigan lalo na noong dahan-dahang lumapit ang kamay ng kaibigan sa katawan ng lalaki at....
Isinara ang nakabukas na bathrobe nito. Napansin naman niya ang pamumula ng muka ni Kaoru dahil sa ginawa ni Omi. Tinabig nito bigla ang kamay ng kaibigan at tumalikod dito saka isinara ang suot na bathrobe. Pagharap naman nito ay napa buntong hininga na lamang dahil hindi pala nito namalayan na sa kaniya ito humarap.
Cute!
"I didn't-" naputol ang sasabihin pa sana nito nang dumating ang limang sasakyan ng police at tumigil sa harap ng gate ng Bachelors at mabilis na nagbabaan ang mga sakay niyon. Naglabas ng baril ang mga ito ta itinutok iyon sa kanila. No, hindi sa kanila kundi kay Kaoru mismo! Tatlo pang black van ang tumigil sa gitna ng mga ito parang ninja sa bilis na nagbabaan din agad ang mga sakay nito na naka black suit at may mga microphone sa tenga. Nagpasukan ang mga iyon sa loob ng gate at hindi ininda ang pagpigil ng mga Police sa mga ito at deretso tumakbo lahat sila sa kanila ni Kaoru.
Mabilis ang pangyayari. Dahil halos magkatabi lamang sila ni Kaoru ay walang nagawa si Zeon nang agad na pinalibutan sila ng sampung big men in black suit at malakas na itinulak si Omi palayo. Nagka Tutukan ng baril ang mga ito at ang mga police. Hindi siya agad nakapag-react dahil sa labis na pagkagulat at pagkalito sa napakabilis na pangyayari. Sa ibang parte naman ay mga reporters na kinukunan ang dramatic event na iyon habang naipit naman siya sa tabi ni Kaoru na ngayon ay pinoprotektahan ng dalawa sa malalaking body guard nito. Natanggal ng tuluyan ang tali ng bathrobe nito na hindi pa pala nito naitatali kung kaya naman lumabas ang kalahati ng katawan nito dahil nahigit iyon nang isandal ito sa sasakyan ng mga bodyguards upang protektahan. Ilang sandal pa ay ramdam niya na may malakas na humigit sa kaniyang braso at paharap na itinulak sa harapan ni Kaoru sa hindi malaman na dahilan.
Matapos ang higitan at tulakan ay ang posisyon na nila ay nakasandal sa kotse niya si Kaoru habang itinulak naman siya ng isa sa mga bodyguards paharap dito bilang pananggalang. Sumunod ay may dalawang malaking bodyguards na ang ngayon ay nakayakap sa kanila mula sa likuran niya at itinatago ang katawan ng nag-iisang anak ng mga Montenegro. Itinuon niya ang kamay upang wag itong maipit ngunit sumandal pa lalo sa katawan niya ang dalawa sa kaniyang likuran kaya napasubsob siya lalo sa kaharap at tuluyan na nga na nagdikit ang kanilang katawan. Napahawak siya sa balakang nito nang umaray ito bigla dahil sa bigat nila.
Muli pang idiniin ng dalawang body guards ang bigat ng mga ito at tuluyan na siyang napasubsob dito. Nakahawak naman ito sa dalawang braso niya dahil naiipit nila itong lahat at naaawa siya dahil mas maliit ito sa kaniya. Pigil niya ang paghinga dahil nangangamba siya na baka nasasaktan na ang Prinsipe? Prinsesa? ng mga Montenegro sa pagkaipit sa kanilang tatlo.
"Awkward!" nasambit niya habang pinipigilan na masubsob ang muka sa mabangong leeg nito. Ang mga guards nito ay naramdaman n’yang lalong isinubsob pa ang kaniyang ulo payuko, diretso sa iniiwasan na mabangong leeg ni Kaoru Montenegro. The well known Corporate Beautiful Prince. Narandamam niyang may nagsubsob din dito patungo sa leeg niya at nakayakap na siya dito dahil sa hirap ng sitwasyon at posisyon nila. Isang kamay niya sa likuran ang aksidenteng pumasok sa loob ng robe nito nang inayos niya iyon upang masalo ang likuran nito na nakaipit sa pagitan nila at nang matigas na sasakyan sa likuran ni Kaoru. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa posisyon na iyon, pero tingin niya ay mahigit labing limang minuto na rin. Nagsisigawan pa rin sa paligid at gusto man niyang makita ang nangyayari ay hindi naman niya magawang sumilip dahil sa kaniyang posisyon. Ilang sandali pa muli ang dumaan ay naramdaman niyang patumba naman sila ni Kaoru sa sahig sa gilid ng sasakyan at unang babagsak nang pahiga ang kaniyang kayakap. Noong marinig niya na lalo pang nagkakagulo sa paligid ay nahuhulaan na niyang mangyari ito. Agad niyang sinalo ang ulo ni Kaoru nang tuluyang bumagsak sa lapag ang kanilang mga katawan habang hindi pa rin nawawala ang bigat ng dalawang bodyguards sa kaniyang likuran. Nang tuluyang makalapag sa sahig ay naramdaman niyang may isa pang mabigat ang dumagan sa kanila at tuluyan na siyang nag-alala para sa taong nadadaganan nila ngayon.
Nagkagulo at nagkasigawan muli sa paligid. Noong subukang kuhanin ng mga police si Kaoru at hindi pumayag ang mga bodyguards. Nalaman niya iyon base sa nagaganap na malalakas na pag sigaw ng mga tao sa paligid at mga salitang nadidinig niya na galing sa badang gate. Dinaganan pa silang lalo at tuluyan nang dumikit ang ibabang bahagi ng katawan niya kay Kaoru na kanina pa niya pinipigilang dumikit dahil may buhay na kung ano doon.
Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa leeg niya at alam niyang nahihirapan na rin ito sa kanilang posisyon dahil sa pagbilis ng hinga nito. Alam niyang nahihirapan na itong huminga dahil sa apat na mabibigat na nakadagan dito.
"I-I’m sorry! Are you okay?" mabilis na paumanhin niya dito.
"It’s okay! And I’m okay! Sanay na ko na naiipit ng ganito, madalas kaming harangin ng mga kidnappers. This is necessary." bulong ni Kaoru sa tenga niya. May nagsubsob muli sa ulo niya pababa nang subukin niyang mag-angat ng ulo para silipin ang mukha ni Kaoru kung okay pa ito. Lalo naman dumikit ang labi niya sa leeg ni Kaoru habang salo niya ang likuran ng ulo nito.
Kidnappers? Ganon talaga kadelikado ang buhay nito dahil sa sobrang yaman ng mga ito. He felt a slight pity para dito dahil hindi ito makakalabas, makakagimmick, makakapagrelax na walang sumusunod dito. Hindi makakaranas ng normal na buhay na walang nagbabanta sa buhay nito. At kapag mag-isa naman ay pwedeng manganib ang buhay nito. Gumana ang protective side niya na parang gusto niyang protektahan ito.
Pero wait, magkaaway sila diba? Besides, he deserve this dahil mayabang ito tama? O deserve ba nito ang mapatay dahil lamang sa yaman nito? Kung tutuusin may karapatan naman talaga itong magyabang dahil pinaghalo-halo itong beauty, brain and money. All in one pack! Except sa attitude. Spoiled brat ito, sigurado sila doon. Sigurado ang buong bansa!
"I didn't kidnap your dog." bulong ni Zeon.
"I know” sagot naman ni Kaoru “nag-react lang talaga ako ng hindi maganda dahil madalas mapabayaan ng incompetent cousin ko si Majestic."
"Still... your dog r*ped my Chi-Chi." sabi naman niya dito.
"I'm sorry." hingi nito ng paumanhin.
"This is awkward." naibulalas niya paglaon.
"Yeah!"
Naipit silang muli at medyo malakas na napasigaw si Kaoru at hindi niya malaman kung bakit. Naramdaman naman niya ang biglaang pagdiin ng mga ngipin sa kaniyang leeg matapos ng sigaw na iyon. Marahil sa sakit o sa sitwasyon na nakakatakot at nakakakaba kaya nakagat nito ang leeg niya, sa bandang collar bone, sa weakness niya kung saan mabilis siyang ma tun-on. Ramdam din niya ang pagdiin ng kapit ng kanang kamay nito sa tagiliran niya habang hindi niya malaman kung nasaan ang kaliwang kamay nito.
"Oh god!" nasambit niya.
"Sorry, naipit yung braso ko. Hindi ko sinasadya. Promise!" paliwanag nito.
"It's okay, you- you bit me on my weak spot." pagot naman niya na nakangisi habang nagkakagulo naman sa paligid.
"Huh?" ang nagtatakang tanong nito.
"Pleasure spot, and you can feel that made me react." paliwanag naman niya. Nakadikit ang ibabang bahagi ng katawan niya sa binti nito at nahihiya man ay hindi naman niya mailayo ang katawan dahil sa bigat ng mga bodyguards nito na nakadagan sa kanila.
"Oh, I-im sorry." hingi nito ng tawad habang hindi malaman kung itutulak ba siya o ilalayo ang binti na imposible naman.
"And please let's not get near each other again like this." ipit ang boses na sambit ni Zeon. Dahil aminin man o hindi, kahit noong yakapin pa lamang niya ito sa bar ay matindi na ang reaksyon ng katawan niya dito.
"Hey! Is that hard thing-?" tanong ni Kaoru na hindi nito magawang ituloy.
"Yeah." simpleng sagot naman ni Zeon. Sumubok itong pumalag ngunit inipit silang lalo ng mga body guards nito upang di ito umalis ngunit lalong dumikit ang alaga niya dito dahil doon. Kaoru heard him gasped and that's the most embarrassing moment of his life!
"I'm sorry!” hingi niya muli ng tawad. “Malakas talaga ang dugo ko kapag ganitong umaga at di pa ko nakaka exercise and don’t move too much! You’re rubbing him, and I'm not gay don't worry." pilit na paliwanag niya upang isalba ang sarili.
"O-okay lang." sagot naman ni Kaoru na nauutal. Lalo pang humigpit ang hawak nito sa tagiliran niya nang muling dumiin ang ibaba niya sa binti nito at napapangiwi na siya dahil doon.
“That’s… too big- Oh I’m sorry I didn’t mean to-”
“Shhh. Just don’t make it worse unless-“
Hindi na talaga sila komportable sa sitwasyon at posisyon nila kaya naisipan ni Zeon na ibahin na lamang ang usapan matapos ang mga huling mga nasabi nila. Sa loob-loob naman niya ay proud na proud siya dahil sa kaniyang panlaban pero di makapagyabang. Ayaw niyang isipin nito na talagang may pagnanasa siya dito, bagay na walang katotohanan, sa palagay niya?
"Bakit pinakaladkad mo ‘ko nung last time? Sa bar?" pag-iiba niya sa usapan. Naramdaman naman niya ang mahigpit na paghawak nito sa braso niya.
"Nagulat ako, I had a bad experience as a child… and no one touches me that way no one was allowed to." sagot naman ni Kaoru.
"Ahh..." sabi naman niya. Ngayon alam na niya kung bakit ganoon ang galit nito last time, na-harrassed ito nung bata pa at probably-
"Hey! Walang nangyari! Dumating si Dad at the right time kaya erase mo yan." agad na putol naman nito sa iniisip niya. Bahagya naman siyang natawa dahil sa reaksyon nito at mabilis na pagsasalita.
"But still, the damage has been done." bulong niya dito na nagpatahimik sa kanilang dalawa.
~~
VAUGHNS P.O.V:
Nagulat nalang siya nang biglang tutukan ng mga si Kaoru Montenegro. Sinubukang higitin ng mga pulis ang bestfriend niya ngunit mabilis ang kilos ng mga magagaling at well trained na bodyguards nito at agad na nailayo si Kaoru sa mga Pulis. Nakita niya nang isandal sa sasakyan si Kaoru at higitin si Zeon bilang kalang para sa kaniyang kaibigan. Noong subukin ng mga police na kunin ang best friend at muntik magkabarilan ay tuluyan na ngang inihiga sa lapag si Kaoru kasama si Zeon na nasa ibabaw nito at nakadapa naman sa likuran ng dalawa ang dalawa pang body guards at nadagdagan ng isa pa. iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Zeon tapos nito. Laging siya ang kasama ni Kaoru kaya naman siya ang laging kasamang pang kalang sa katawan ng nag-iisang anak ng mga Montenegro. Unang beses ito na ibang tao ang naipit sa ganitong sitwasyon at unang beses din na mga Police ang dahilan.
Great! Magagalit si Daddy mo sa nangyayari Kaoru!
Muntik magpaputok ng baril ang mga police nang hindi ibigay si Kaoru at naglayuan naman ang mga nasa paligid dahil sa takot. Ilang beses na sinubukang kunahin ng mga pulis si Kaoru, ngunit hindi tumitinag ang mga bodyguards nito at hindi ito ibinibigay. Kahit siya ay hindi malaman ang gagawin sa sitwasyon na ito dahil sa dami ng press at mga police.
Habang nagkakagulo ang lahat ay isang anghel ang nakita niya. Dark hair, sexy body, beautiful eyes... wait, si Kaoru nasa panganib! Mamaya na ang lalaking pumukaw ng kaniyang pansin!
Thirty Five minutes din na nasa ganoong posisyon ang lahat, magsusubukan ng tibay at nagpapaligsahan kung sino ang kukuha sa ngayon ay nagmumukhang kriminal na si Kaoru.
Nainis na ang mga pulis kaya naisip na ng mga ito na kumilos at kunin by force si Kaoru nang isang malakas na boses ang nagpatigil sa mga ito.
"What the hell are you doing!?" wika ng isang galit na galit na boses. Nang hanapin niya ang boses ay nakita niya ang Daddy ni Kaoru kasama ang isang lalaki na halatang mataas ang posisyon sa pulis dahil sa suot nito.
Agad na nagbabaan ng baril ang mga pulis at sumaludo sa bagong dating.
"Aaresto kayo ng isang tao sa ganyang paraan!? Parang mapanganib na drug syndicate ang kalaban n’yo gayung harmless naman ang inaaresto n’yo!?" sigaw ng Heneral. Para namang napahiya ang mga police dahil sa sinabi ng lalaki at nagkatinginan ang iba sa mga ito.
"Sir naglabas ng baril yung mga-" pagdadahilan sana ng halatang leader ng grupo.
"Dahil naglabas kayo agad ng baril!” sigaw ng lalaki na may mataas ang posisyon. “I saw everything on the television! Wala pa ang mga bodyguards noong bumaba kayo at nakatutok lahat ng baril ninyo na parang mga drug lords ang inaaresto n’yo! Hindi n’yo ba nakikitang puno ng mga kabataan ang lugar na ito!? This is a private property!" sigaw pa nito. Parang hiyang-hiya na nagyukuan ang mga pulis ng mapansin ang paligid.
"Sir nagbanggaan po sa Edsa dahil sa over speeding sya, at nag-cause ng traffic." matapang na sagot ng isa sa mga pulis.
"That's because may humahabol sa kaniya, can't you see!?” sigaw ni Zeon. “Do you think na lalabas in public si Kaoru Montenegro na ganyan ang ayos? Hindi n’yo naisip na baka may gustong pumatay or dumukot sa kaniya!? Basta nyo nga kami tinutukan ng baril, wala pa kayong dalang warrant of arrest! Anong gagawin n’yo kung nagkabarilan at nadamay kami dito!? Hindi n’yo ba alam na anak ng mga mayayamang negosyante ang lahat ng nandito!?" sigaw na pagtatanggol ni Zeon Nakajima. Lalo namang namutla ang mga pulis nang maalala na ang lugar ay ang kilalang Bachelor’s Club kung saan tumatambay ang mga sikat at mga anak ng mayayamang negosyante sa bansa. Kung nagkataon na nagkabarilan nga ay siguradong maisasako sila lahat, o hindi na sisikatan ng araw!
"See that? Muntik nang manganib yung tao, sya pa ang inaaresto n’yo!? Dinagdagan nyo pa ng problema kapag nagreklamo ang mga magulang ng mga iyan! Go back to the head quarters, NOW!" galit na sigaw ng hepe. Agad na nagtakbuhan pabalik ang mga pulis. Pansin naman niya ang kakaibang tingin ng pulis na sumagot sa hepe kanina sa matalik na kaibigan.
Maya-maya pa ay kalmado na ang lahat at nakababa na ang mga baril ng mga body guards ni Kaoru. Naroon na rin ang Ate Reiko ni Zeon at si Mark. Agad na naglapitan ang mga reporters upang hingan ng pahayag si Kaoru tungkol sa buong pangyayari. Sinagot naman iyon lahat ni Kaoru na napasok siya sa kwarto ng dalawang lalaking nakatakip ang mukha. Sakto namang pasok ng isa sa mga bodyguards niya na nagra-rounds noong oras na iyon. Nasa break ang ibang bodyguards dahil nasa mansyon sila ng mga Montenegro. Hindi akalain na kukuha na ng mga professional kidnappers ang kung sino man iyon na nag-utos sa mga ito para kidnapin siya. Idinagdag pa ni Vaughn na dahil malaki ang mansyon kaya natagalan ang ibang bodyguards at ang isa sa guards ay nakikipag pambuno sa isa sa mga kriminal. Hindi rin nila alam kung paanong nalusutan ng mga ito ang napakahigpit na security ng buong mansyon. Sinabi pa ni Vaughn na talagang professional ang mga kidnappers dahil nagawa nitong pasukin si Kaoru sa mansyon.
Ipinaliwanag ni Kaoru on front of the camera kung paano siya agad na tumakas gamit ang sports car niya at napunta sa Bachelor dahil inaakala niya na mga kidnappers ang mga humahabol. Idinagdag pa niya na puyat siya noong nagdaang gabi at sobrang pagod kaya di na niya naisip na mga police pala ang kasunod at nawala rin sa isip na humingi ng tulong sa mga ito, which is all a lie. Kung pinaniwalaan man siya ng media o hindi ay wala na silang pakialam.
Wala naman sa isa sa nakaka alam ng buong pangyayari ang nagsalita at nangako din ang ama ni Kaoru na sasagutin lahat ng damage sa mga sasakyang nagbangaan at pagpapaospital sa mga sugatan. Maswerte na rin na walang namatay.
Nanlaki ang mga mata ni Vaughn ng mapansin na inayos ni Zeon ang robe na suot ni Kaoru at kalmado na nag-usap ang dalawa. Bahagya siyang lumapit upang madinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Are you alright? Are you hurt?" nag-aalala na tanong ni Zeon.
"I-i'm fine, naipit lang yung braso ko." sagot naman ni Kaoru.
"Gods, Namamaga ang braso mo! Aki get me an ice pack!" Utos ni Zeon sa kaibigan.
Nagmamadali namang sumunod ang tinawag na Aki na parang nataranta pa. Hawak ni Zeon ang kamay ni Kaoru and Kaoru was letting him! Nang dumating ang tinawag na Aki ay agad na nilagyan ng ice pack ni Zeon ang namamagang braso ni Kaoru. Ilang saglit pa ay…
Isang malakas na sampal sa mukha ang ibinigay ni Kaoru kay Zeon at bumulong dito. Ngisi naman ang iginanti ni Zeon sabay tawa ng dalawa.
They’ve gone mad! Naisip nya.
~~
Nagulat na lamang si Zeon nang isang malakas na sampal ang binigay ni Kaoru sa kaniya pagkatapos niyang lagyan ng icepack ang braso nito sabay bulong na
"That's for getting aroused." bulong nito at ngumisi naman siya at bumulong na,
"Is that my fault? You bit me on my pleasure spot baby." sabay silang nagtawanan, si Kaoru dahil sa biro niya at siya? Dahil may first score na siya against Omi na ito dapat ang i-score.
At nang tingnan niya ang bestfriend, napansin niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Hindi niya maipaliwanag kung ano.
Parang may galit doon na hindi niya mapagtanto kung saan nanggagaling.
But he and Omi are bestfriends at walang makakasira noon.
Or so he thought.