CHAPTER 3

3062 Words
OMI'S P.O.V Okay na sana! Medyo ayos na ang score ni Zeon kay Kaoru ngunit kaninang umaga na tawagan ito ng kaibigan para yayaing sumama sa gimmick ay hindi pumayag ang young Montenegro at galit na binabaan si Zeon. Natatawa naman na naiiling silang lahat sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin. "Wait... what? Akala ko ba, okay na kami?" tanong ni Zeon sa cellphone nito at inis na umalis nang Bachelor patungo sa who knows where. Ang lakas talaga nang topak nito. Naisip niya. Kahit kasi siya ay di alam ang nasa isip ng young Montenegro Heir. At ngayon nga ay nasa mall siya para bumili ng pabango ng kapatid nang hindi niya inaasahang mabangga ang taong kanina ay iniisip lamang. Muntik itong matumba at buti na lamang ay agad itong nasalo ng body guards nito. Wait, body guards? "Kaoru! I'm sorry, are you hurt?" tanong niya habang nag-aalala. Baka kasi bugbugin siya ng body guards nito at umuwi siyang kulang-kulang kapag nagalusan ito. Napansin naman niya ang iba pang body guards nito sa di kalayuan na nagmamasid at parang mga agila ang mata na palinga-linga. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya dito. "Wala, namamasyal lang, nakakainip sa bahay at wala namang trabaho." mahinahong sagot nito. Ibang-iba sa istilo nang pagsasalita nito noong unang makausap nila ito sa bar na puno ng pagyayabang. "Ahh! Wait... kilala mo na ba ako? I'm Omi." pakilala niya sa sarili. Ngumiti naman ito, flashing his white teeth, sabay tango. "Oo, narinig ko kay... Nakajima kahapon." sagot naman nito. Parang ayaw pang banggitin ang pangalan ni Zeon kaya may naalala siyang itanong. "Akala ko okay na kayo? Bakit parang hindi nanaman?" tanong niya na may halong pagtataka. Kung ganito ng ganito lang din ang mangyayari, hindi na kailangan magpakahirap nila Dan at Aki para ikuha sila ng appointment kay Kaoru! "Yun? Sus! Mayabang sya, nakita ko kahapon na tinaboy n’ya yung batang namamalimos sa kanya. He do not deserve my attention." sagot ni Kaoru. So... negative attitude pala ang dahilan, madami si Zeon noon. Pero mas marami naman ang kaharap niya diba? Kaya nga nila ito gagantihan. Hindi ito aware sa kayabangan nito. "Have you eaten already? Halika kain tayo?" paanyaya niya dito. Tumango ito at naglakad ng patalikod upang tawagin ang mga body guards nito. "Come on guys! Lets eat, gutom na ko kakalakad, kanina pa tayo ikot nang ikot... what do you guys want?" sigaw nito sa mga kasunod nilang bodyguards. Nagulat siya dahil hindi niya akalain na si Kaoru Montenegro ay kakain kasama ang mga alalay nito. Hindi niya naisip kilanman na ito pa ang mag-aaya na kumain sa mga bodyguards nito. Balak sana niyang yayain din ang mga bantay nito at kung tumutol ito ay ipamumukha niya na tao at may pakiramdam ang mga taong nagbubuwis ng buhay para dito. Parang napahiya siya sa sarili dahil iba ang ginawa nito at iba sa akala niya ang tunay na ugali nito... or tunay nga ba o rumor lang? Sa Shakey’s nila naisipang kumain dahil iyon ang napili ng mga bodyguards nito, isa rin sa bagay na di niya naisip na kakainan ng isang Kaoru Montenegro. Iniisip niya na sa mga five star restaurant ito kumakain o sa mga luxury place. Pagpasok pa lang ay nagmamadaling naghanda ng lamesa ang mga empleyado nang makita kung sino ang pumasok sa loob ng building. Awestruck naman ang iba pang kumakain nang mapagsino ang nasa gitna ng malalaking body guards habang ang iba ay palihim na kumukuha ng litrato. Hinding-hindi kasi makikita si Kaoru sa mga public places. O hindi nga ba? "Table for two sir?" tanong ng manager kay Kaoru na nginitian naman nito sabay iling. "No, for twelve, please isang table nalang kami." sagot ni Kaoru sa nagtanong. Hindi makapaniwala si Omi sa nadinig. Isang table sila lahat? Nag-excuse sandali si Kaoru matapos tumango ang manager at umalis para ayusin ang hiling nito saka ito lumabas ng kainan. Ang dahilan nito ay may titingnan ito sa katabing shop at siya naman ay sinabihan na maghintay na lamang sa upuan nila. Ang isinama lang nitong bodyguards ay dalawa at iniwan ang walo pa na mukha ng totoong tao na noong umalis ang amo dahil nag-galawan na ito ng normal at malayo sa mga alerto at walang kangiti-ngiting bodyguards. "Dito lang ba kayo sa labas isinasabay niya kumain?" tanong niya sa mga ito na agad namang tinutulan ng mga ito. "Naku hindi po, kahit po sa bahay nila sabay-sabay kami kumakain. Nahihiya nga po kami pero s’ya ang may gusto at pagtagal, nasanay narin kami." sagot ng isa na medyo maitim. Kung titignan mo ang mga ito ay parang body builder o bouncer sa laki nang katawan ang mga ito at bawat kilos ay alerto pati ang mga mata. Bukod doon ay wala na itong sinabi na anuman na makatutulong sa kaniya para mapalapit sa Young Heir. Magtatanong pa sana siya ngunit nakabalik na si Kaoru dala ang isang malaking paper bag na may lamang mga box sa loob. Alam din niyang hindi magsasalita ng kung ano ang mga bodyguards nito ng kahit anong bagay na maaring magamit laban sa amo ng mga ito bilang proteksyon at pag-ganap sa sinumpaang tungkulin. "May surprise ako sa inyo guys, iyan, kumuha na kayo... look, pare-pareho tayo!" excited na wika nito pagbaba ng bag sa table. Nahihiya naman ang mga ito kaya si Kaoru na ang isa-isang nag pamigay ng mga box sa mga bodyguards. Sa paningin ni Omi ay isa itong nakatatandang kapatid na excited sa mga nakababatang kapatid. Ilang sandali pa ay binubuksan na ng mga bodyguards nito ang paper bag at tumambad sa kaniya ang laman ng lahat ng mga iyon. GOLD PLATED SIGNATURE WATCH! Really!? Para sa mga bodyguards nito ang mga iyon!? "Pasasalamat ko yan sa inyo dahil hindi nyo ko pinabayaan kahapon." nakangiting wika ni Kaoru. Mukhang nahihiya naman ang mga bodyguards dahil doon at ang ilan ay namumula pa ang mga mukha. "Si Boss talaga, ini-ispoiled mo kami, baka kapag nag-iba na kami ng amo manibago po kami, pero salamat po dito." pasasalamat ng isa sa mga ito. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lamang ang tindi ng pagbabantay ng mga ito sa amo kahapon. Handang mamatay ang mga ito wag lang mahawakan ng mga Police na mukhang pera ang amo ng mga ito. Walang natinag, walang natakot, walang nag alinlangan na ibigay ang buhay para dito. Iyon ang nabasa niya sa mga ito kahit alam ng mga ito na papatayin sila ng mga Police kapag hindi sila umalis sa pagkaka harang. At yung dalawang malaking lalaki na nagharang ng katawan nila ay talagang hindi hinayaang may lumabas na kahit anong parte sa katawan ng amo nila na pwedeng tamaan ng bala. Lahat sila ay loyal at hindi lang para sa sahod ang pagbabantay ng mga ito kay Kaoru. Dito ay kitang-kita na niya kung gaano kamahal ng mga ito ang binabantayan. Kumbaga, mamamatay muna sila bago ito makuha. Because Kaoru Montenegro was never a brat, Kaoru Montenegro never treated them as slaves, Kaoru Montenegro treated them as equals. As a family. Ang swerte pala ng babaeng papakasalan nito. Wait? Babae? "At sinong may sabi sa inyo na mag-iiba pa kayo ng amo? Kayo lang ang pinagkakatiwalaan ko tsaka mamaya nyan makuha nyo mga abusado o spoiled brat na amo. How about out of town ulit tayo?" sagot ni kaoru at biglang yaya na rin nito. Dumating ang order nila at napuno ng masayang kwentuhan ng mga ito ang lamesa. Nakikisali rin siya paminsan minsan ngunit masaya siya na nakikinig lang sa magandang usapan ng mga ito katulad ng... "Next week ayos na ang passport nyo. Kayo ang kasama ko sa Greece, hindi ko gusto yung mga binibigay nilang bodyguards sa ibang bansa. Walang buhay, parang robot!" kwento ni Kaoru habang tumatawa.. "Boss gusto ko pong makita si Venus De Milo." wika ng isa "May one week tayong free para mamasyal." sagot naman ni Kaoru "Boss sabi nila totoo daw mga dyosa doon?" isang mahina at masarap pakinggan na tawa naman ang nadinig niya mula kay Kaoru. "Hindi, mythology sila, ibig sabihin walang kasiguraduhan kung totoo or hindi sila." sagot nito na nakangiti at walang halong inis. "Boss totoo bang kapag nagdasal ka kay Athena ay bibigyan ka niya ng kapartner sa buhay?" tanong ng isa pa.  "Si Aphrodite yon, pero sabi nila totoo daw, puntahan din natin para magka lovelife na ko." sagot niya na naging dahilan para mag tawanan ang mga ito. "Boss ano ngang goddess si Aphrodite?" tanong ng isa na gaya ng iba ay hindi rin niya alam ang pangalan. "Goddess of love and beauty." At kung ano ano pa na mapag-usapan nila. Pero kahit o, hindi nawawala ang alerto nila at mala agilang mga mata sa paligid. Kung saan-saan pa sila nagpunta matapos kumain. Nakapunta din sila sa under water world at parang mga bata ang kasama niya habang nagkokomento at nagtatanungan ang mga ito. Mukhang ang araw na ito ay araw ng pag-rerelax ni Kaoru kasama ang mga bantay nito. And Kaoru answered all of their questions without hesitation or fake smiles, mukhang masaya pa nga ito. Parang isa itong guro na nakikipag-usap sa mga estudyante nito. Maybe being a only son sa isang napaka yamang pamilya ay talagang napakalungkot. Nakaramdam siya ng awa para dito. At tuwa na rin na kahit na araw ng mga ito para mag-relax ay niyayaya parin siya ni Kaoru para sumama sa kahit na saan. Kahit pa nakakapagod. Nagpaalam ito na mag-cr lang ngunit sumama pa rin ang mga bodyguards nito. Lahat ay nakabantay sa labas ng pinto ng makaisip siya ng kapilyuhan. Pumasok siya dala ang paper bag na may lamang binili niyang t-shirt, hinubad niya ang t-shirt na suot niya pagpasok sa banyo at isinabit iyon sa balikat. Let's see kung straight ka talaga? Hinanap ng mga mata niya si Kaoru. Nasa dulo ito ng c.r at mabuti na lamang na walang salamin sa harap nito. Naghuhugas ito ng kamay nang tumayo siya sa likuran nito, ilang pulgada ang layo mula dito. Noong humarap ito ay nagulat pa ito sa kaniya habang intense na tinitigan niya ito sa mata. "Wh-what are y-you doing?" tanong ni Kaoru na nauutal. Lumapit pa siya ng kaunti habang umatras naman ito at napasandal sa lababo na nasa likuran nito. "I wanna find something out." sagot niya na pabulong gamit ang seductive na tono. Come on, some reaction! Lumunok ito, napangiti naman siya ng bahagya at lumapit pa dito. Lalo itong umatras hanggang sa nakaliyad na ito at halos umabot ang likuran sa dingding. KAORU MONTENEGRO WOULD NEVER TOUCH A PUBLIC TOILET! Naisip niya. Lumapit pa siya dito lalo. Hindi naman nito malaman kung saan hahawak upang hindi matumba. Hindi malaman kung hahawak sa lababo, sa likuran nito o sa dibdib niya o sa ibang parte ng katawan niya. "Get away from me! what are you doing!?" galit na utos nito. Dahil sa hirap ng posisyon nito ay napahawak na ito sa dibdib niya nang muntik matumba dahil sa pagsigaw nito at agad na nabawi na parang napaso. Wide eyed at bukas sara ang labi na parang may gustong sabihin ngunit hindi masabi. A kiss would do. D*mn, what a kissable lips! "I wanna taste you." bulong niya bago dahan-dahang inilapit ang labi dito. Matagal na niyang nakikita si Kaoru ngunit dahil untouchable nga ito ay hindi siya makalapit man lang. ang araw na ito ay very rare opportunity at nais niyang sulitin ang araw na ito. Dahil alam niya na gaya ni Zeon, mahihirapan na rin siyang kausapin itong muli. "Wait, don't-" dadaan sana ito sa gilid ngunit agad niya itong hinawakan sa bewang at ang kanang kamay ay nasa pisngi nito. Tinititigan niya ito sa mata nang isang pulgada na lamang ang layo ng mga labi nila. Gulat na-gulat talaga ito at napahawak na ito ng tuluyan sa dibdib niya para itulak siya ngunit mas malakas siya dito. Doon niya nadiskubre na, Kaoru Montenegro has a very weak body! Hindi man lang nito magawang ilayo siya kahit na kaunti! He wanna taste that mouth, that kissable lips, that tongue inside. Iyan ang mga nasa isip niya sa mga oras na ito. "Imagine me tonight when you go to bed." isang centimimetro na lamang ang layo ng labi niya sa labi nito ng may kamay na humawak sa balikat niya at malakas siyang hinatak palayo kay Kaoru. Para naman siyang papel na inihagis nito ng malakas sa pader. "And imagine this fist tonight habang kumikirot yang mukha mo." sabi ng boses ng kung sino. Isang malakas na suntok sa panga ang inabot niya mula sa malaking kamao nito. Nasa isang tabi lamang pala ang bodyguard at naghihintay ng senyas mula sa amo nito. Hindi ito agad gumalaw dahil hindi niya alam na may usapan na pala ang dalawa pag-pasok pa lamang sa banyo. Nahalata ng bodyguard nito na may ibang purpose ang paglapit ng binata sa amo nito, bagay na sinang-ayunan naman ni Kaoru. Ngunit kailangan nila ng sapat na ebidensya. Ouch! s**t! Nakalimutan ko ang bodyguards n’ya! "I don't know kung ano ang nangyayari sayo!” panimula ni Kaoru. “Pinakitunguhan kita ng maganda, the least you could do is to give me some respect!" wika ni Kaoru na may halong galit sabay alis nito. Sumigaw naman ang bodyguard nito na head guard pala. "DOUBLE TIME TAYO SIMULA NGAYON MEN! DUMADAMI ANG MANYAK SA PALIGID!" pasaring pa nito. Means... aw s**t,mas mahigpit na pagbabantay! Pero may nadiskubre siya sa nangyari na ikinatuwa nya. Kaoru Montenegro is still confused sa gender niya. Isang waging ngiti ang pinakawalan nya. First base, tie na sila ni Zeon. Ang hindi niya alam ay hinuhuli lamang ni Kaoru kung bakit siya lalapit dito at napakabait pa, gayung sa bar ay nasabi na niya ang lahat yata ng negatibong pintas tungkol sa tagapagmana ng mga Montenegro. At nang gabing iyon, wala siyang ibang iniisip kundi ang mga ngiti at mahihinang tawa ng Montenegro Heir. Walang nakaka-alam kahit isa ng sekreto niya, kahit si Zeon, Na isa siyang BISEXUAL! Kaya hindi siya mahihirapang ligawan si Kaoru na noon pa man ay crush na niya. But for the sake of Zeon, his best friend at parang kapatid na niya, Handa siyang saktan ito. Para i-prove sa mga kaibigan na kaya niya ring gawin ang lahat para sa mga ito, hindi lang sila. Besides... It might be fun breaking him. And Omi is a sadist inside. Tingnan ko lang kung paano ka ililigtas ng mga bodyguards mo from a broken heart. ~~ At nang gabi din na iyon, hindi nga makatulog si Kaoru Montenegro sa kakaisip sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Si Zeon at si Omi, hindi niya maintindihan ngunit parang may kakaiba siyang nararamdaman ngayon habang naiisip ang dalawa. Pero pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng mga ito. Pero parang hindi? Muntik na siyang halikan ni Omi, at hindi niya malaman kung bakit pero parang naexcite siya. At si Zeon, nang naaroused ito sa kaniya, parang ang sarap kagatin muli ng collar bone nito, at ang mga lips na- "NOOOOOOOOOOOO!" ang napakalakas na sigaw niya. Maya-maya pa ay agad na nagpasukan sa kwarto niya ang Mommy niya na naka pantulog, ang Daddy niya na naka bathrobe at tumutulo pa, si Mark na may salamin at halatang may inaasikaso, si Vaughn na naka swimming trunks at tumutulo din sa carpet, ang sampung body guards niya na lahat ay nakalabas ang baril at nakatutok sa lahat ng parte ng napakalaking kwarto niya, ang mga katulong at ang aso niyang si Majestic na kumakawag pa ang buntot habang tahol ng tahol sa bintana. Napapangiting napatitig naman siya sa mga ito. Ang sarap talaga ng maraming nagmamahal sayo! "Uhh... goodnight?" sabay-sabay na napabuntong hininga ang lahat at nagbalikan sa kani-kaniyang ginagawa ang mga ito, maliban kay Vaughn. "You're dripping... don't wet my carpet please." taas kilay ang isinagot nito sa kaniya. "You're confused now I see." biglang wika nito. Ah! ang galing talaga ng bestfriend niya. Napabuntong hininga siya dahil sa sinabi nito.. "Vaughn... I- I need a girlfriend." sagot naman niya dito na nagpabigla pati sa kaniya habang napangiti naman ito. "Okay, bukas na ang party ng mga Nakajima... dun tayo mag hanap." napangiwi naman siya, at nanlaki ang mga mata. "Oh my god! Nakalimutan ko mag thank you sa kaniya!" ~~ SIDEFIC: Nasa opisina siya ngayon ng asawa nang maalala niya noong araw na ipinanganak si Kaoru. Malabo ang mata ng doctor na nagpaanak sa kaniya at sa pagmamadali ay hindi nito nadala ang salamin. Dahil Montenegro ang paaanakin nito kaya! Naroon na rin ang mga gagawa ng birth certificate ng bata at ayaw din nila ng matagalang proseso. Hindi siya nagpa-ultra sound dahil gusto nilang maging sorpresa ang kasarian ng anak kaya ganun nalang ang tuwa niya ng sabihing babae ang anak niya. Nilalagnat ang asawa niya noong araw na iyon dahil sa kaba at siya naman ay nanghihina kaya hindi pinayagan ng doktor na mahawakan nila ang anak na mahina ang katawan noong araw na ipanganak. At dahil ipinanganak na mahina ang immunity ng anak ay naka incubator lamang ito na isa ding dahilan kaya di nila ito nahawakan nang araw na ipanganak ito. Pinangalanan niya itong Kaoru at noong araw din na iyon ay inayos ang birth certificate ng bata. Ganoon na lamang ang tuwa niya nang malamang babae ang kanilang anak, bagay na talagang pangarap niya. Isang beses lamang kasi siya pwedeng magkaanak dahil sa isang sakit. At sumunod na araw, nang mahawakan niya ang anak... Malaking gulo ang nangyari nang makitang may kasariang panglalaki ang anak niya! Inakala nila noong una na ipinagpalit ang anak. Naalala pa niya kung paano ipina-blood test, D.N.A test at kung ano ano pa ang lahat ng sanggol na nasa ospital noon na hindi bababa sa sampu. Pinaimbestigahan at inistorbo ang lahat mahanap lamang ang anak na babae. At bandang huli, napatunayan ngang lalaki ang anak niya at hindi babae. Na malabo lang ang mata ng doctor at walang salamin noong araw na iyon. Kaya gender lang ang napalitan sa birth certificate ng anak at hindi ang pangalan. "Anong iniisip mo hon?" tanong ng asawa niya na nagpabalik sa kaniya sa kasalukyan. "Ah, yung nangyaring gulo nang ipanganak si Kaoru." sagot naman ni Mrs. Montenegro. Nagtawanan na lamang ang dalawa ng maalala ang nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD