CHAPTER 4

3440 Words
Alas-ocho ang simula ng party ngunit alas nueve na ay wala pa rin ang guest of honor nila; ang mga Montenegro. Late na nilang nabalitaan na nag out of the country ang mag-asawa kaya hindi na nagawang maurong pa ang celebration kung saan magiging available ang dalawa. Marami na rin ang mga bisita na naghihintay at ang karamihan sa mga ito ay um-attend upang magkaroon ng pagkakataon na makausap ang mga Montenegro at magkaroon ng pagkakataon na maiugnay ang mga negosyo sa negosyo ng mga taong pinakamayaman hindi lang sa bansa kundi sa ibang bansa. Isa na rin kasi itong tsansa para makapag palipad-hangin at mapalapit sa napaka-ilap na pamilya ang mga ito o maipareha ang mga babaeng anak sa nag-iisang lalaking anak ng mga Montenegro. Walang nakakaalam kung may mga kaibigan ba ang mga ito o wala at kahit hinahabol ng mga media ay wala miski isa na lumabas na balita tungkol sa mga kaibigan ng mga ito na magagamit ng ibang negosyante para mapalapit sa mailap na pamilya, o magamit laban dito. May usap-usapan na may mga secret friends ang pamilya at hinala na mga lider ng malalaking gang ang mga iyon kaya untouchables ang pamilya gaya ng Mafia, Yakuza o anumang grupo ang maari nilang maiugnay. Ngunit walang isa man ang makapag patunay. Ang ilan naman ay sinasabing nakikitang lumalabas at nagkakape ang Young Montenegro at Aren Aurelio, ang isa pa sa kilalang mayaman at makapangyarihan sa bansa na mailap din at mahirap hagilapin. Kilala ang mga Aurelio bilang may-ari ng isa sa mga pinakamalaki at pinakamagaling na security agency sa mundo at humahawak sa ilang security group ng bansa pati na rin sa ibang bansa. May usap-usapan pa na ang mga bodyguards ng Young Montenegro ay mga grupo ng pinagsamang Mafia at Yakuza kaya walang makalapit dito dahil sa galing ng mga ito. Ang iba naman ay nag-sasabing bigay ang mga iyon ni Aurelio para sa anak ng mga Montenegro. May mga media rin kanina pa na naghihintay at nakapalibot sa gate dahil alam ng mga ito na ang Young Heir ang dadalo sa okasyon na iyon. Pero ang lahat ay kinakabahan kung dadalo ba ito o hindi dahil sa namagitang away sa pagitan ng mga anak ng mayayamang negosyante sa bansa. Akala ng lahat na magsisimula iyon ng gulo sa pagitan ng dalawang pamilya ngunit wala isa man sa mga ito ang nakielam sa nangyari. Tanging makahulugang ngiti lamang ang pinakakawalan ng mga Maddame ng dalawang pamilya. Daig pa ang presidente! Wika ni Zeon sa isip. Hindi man aminin ay inip na siya sa paghihintay at inis na dahil hindi pa sabihin ni Kaoru na hindi ito dadalo para naman hindi sila mapahiya ng husto. Alam na kasi niya ang mga susunod na balita kapag hindi ito dumalo. KAORU MONTENEGRO DID NOT ATTENED THE OCCATION! MONTENEGRO HATED NAKAJIMA! Maya-maya pa ay may isang napakagandang sasakyan na ang tumigil sa harap ng gate ng kanilang mansyon na napagigitnaan ng anim na itim na van. Tatlo sa unahan at tatlo sa likuran. Sa malaking garden ng mga Nakajima ginanap ang celebration at siya ang nag-asikaso ng lahat gaya ng inutos ng ate niya. Nakapagbigay na rin ito ng speech niya kanina pa at ayaw man niya ay wala siyang magawa. Ngunit pag tapos niyon ay hindi na umusad pa muli ang kaganapan dahil wala pa ang special guest na magbibigay ng speech sa lahat. Evil witch! Tanging nasasambit na lamang niya sa isip para sa kapatid na nag-utos sa kaniya na maghandle ng buong okasyon. Alam naman nito ang galit ni Kaoru sa kaniya kaya siguradong mapapahiya sila dito. Ngunit ganoon na lamang ang tuwa niya nang sa wakas ay dumating ang sasakyan nito. Nagsisimula na kasi ang usapan na binalewala ni Kaoru ang kasiyahan dahil sa kaniya at dahil siya ang nagpadala ng paanyaya at hindi ang mga magulang niya. Bumaba ang sampung lalaki na mga nakasuot ng black suit at may microphone sa tenga, mga naka white gloves at wala isa man ang ngumingiti. Sino ba naman ang hindi maghihinalang mafia ang mga ito? Sa porma at akto ay akala mo talagang mga professional hired killers ang mga ito at leader ng napakalaking gang ang binabantayan. Agad siyang pumwesto sa gate kung saan papasok si Kaoru. Maya-maya pa ay tumabi sa kaniya si Reiko at sa kabila si Lowell. Naroon din ang mga Bachelors na inimbitahan niya dahil anak din naman ang mga ito ng mayayaman na pamilya at si Francoi na walang ginawa kundi ang tanungin siya kung paano pasasagutin ang nililigawan nito. Napangiti siya ng lumabas ang sakay ng magarang sasakyan dahil si Kaoru ang naroon at hindi ang bestfriend nitong si Vaughn na laging uma-attend sa mga invitation para sa pamilya as representative. Naka suot ito ng hapit na pantalon, hapit sa long legs nito, beige na sweater at brownish green na coat. Pagpasok nito ay nag beso ito sa ate niya at inabot naman niya ang kamay para makipag kamay dito ngunit nag-alinlangan ito. Nakatitig lamang ito sa kamay niya na parang takot at titingin sa mukha niya. Kumunot ang noo niya ngunit nawala rin dahil naalala niyang… I’m such a d*mn idiot! Kaoru never shakes hands!  Alam ng lahat iyon pati mga taga media. Walang nakaka-alam kung bakit, at idagdag pa na alam ng lahat na magkaaway sila. Kahit pa dini-discriminate ito ng maraming tao na matapobre dahil doon ay hindi pa rin nagbago iyon. Sa totoo lang ay kahit siya ay naku-curious sa dahilan niyon. Napapahiyang babawiin na sana niya ang sariling kamay ng isang mainit at malambot na kamay ang umabot doon. Hindi siya makapaniwala! Kinamayan siya ni Kaoru! Ang kauna-unahang nakapagkamay sa mailap na anak ng mga Montenegro ay siya! Kahit ang lahat ng tao sa paligid ay tulalang hindi makapaniwala sa nangyari. Mabilis na tumibok ang puso niya at parang tumigil ang buong mundo. Ang musika ay napalitan ng romantikong tugtog na hindi niya alam kung saan nanggagaling at ang natira lamang ay siya at ang may ari ng kamay na kahawak niya. Nakangiti ito sa kaniya na parang isang anghel na bumaba upang pasayahin siya kahit pa nararamdaman niyang nanginginig ang kamay nito na parang natatakot. Nang mga oras na iyon, Ito lamang ang nakita niya, ang mga ngiti nito. Ang hinaharap kasama ito. Sabi ng Papa niya ay kapag ang soulmate mo na ang nakaharap mo ay makikita mo rito ang hinaharap ninyo o madaling sabihin, malalaman mo na ito na nga ang para sa’yo. Lumakas muli ang t***k ng puso niya at bumilis na parang maraming liwanag ang nagkalat sa paligid. Noong mga oras ding iyon ay sakto na nagsabugan sa langit ang mga fireworks na nagpatingkad pang lalo sa ganda ng paligid, sa ganda ng mukha nito. Parang mga tala na kumikislap at nagbibigay ng magagandang kulay sa mundong sila lamang ang nakatira. Na parang lahat ng sakit na dinanas niya sa unang pag-ibig ay napawi na lahat. Na sa oras din na iyon, sinasabi ng mga ngiting iyon na okay na ang lahat, na ang sakit ay pinapawi na nito, na titigil na ang oras para sa kanila. Na ang hapdi ng sugat sa puso niya ay pinapawi na nitong lahat... Na mananatili ito sa tabi niya, Na hindi siya nito iiwan, Na mamahalin siya nito ng wagas at tapat... Na handa itong tanggapin kung ano siya, ang nakaraan niya... Mga pagkakamali niya... Na siya ang magiging lahat dito, At ang pagibig ay muling mararamdaman niya, at sa pagkakataong ito... wagas at walang inaasahang kapalit kung hindi ang tapat na pagmamahal na nararapat lamang para sa kaniya. At nang mga oras na iyon, alam niyang handa niyang ibigay ang lahat para makamit ang pag-ibig na nangangako ng panghabang buhay... Nagbalik siya sa kasalukuyan ng maramdaman ang mahinang tapik sa braso niya mula sa nakatatandang kapatid. Hindi niya alam kung bakit parang nanlumo siya nang bumalik sa reyalidad, na lahat ay imahinasyon niya, na ang mundo kanina ay bahagi ng pekeng mundo na nilikha ng isip niya. Na ang lahat ng ginagawa niya at gagawin pa ay para sa pustahan... para sa mga kaibigan niya, para gumanti dito, para sa mga taong naapakan at nasaktan nito.... kung meron man. Isa pa, hindi pwedeng maging sila dahil malayong malayo sila. Galit siya dito at ganun din ito sa kaniya. Makapangyarihan ito at ginagamit nito ang kapangyarihang iyon para gawin ang gusto nito. Iyan ang dapat na itatak niya sa isip at puso upang magawa ang bagay na nararapat at maipataw ang parusang nararapat para dito. Na ang nararamdaman niya ay atraksyon lang sa kapangyarihang hawak nito ngayon. Kapangyarihan na hinahangad niya matagal na. Nahirapan ang mga magulang niya noon dahil sa mga magulang nito. Iyon lang... wala nang iba. May mahal siyang iba, at hihintayin niya ito... kahit gaano katagal. Nagkikislapang ilaw ng camera ang muling nakapag pabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Nakatitig lamang ang kapatid niya na si Lowell at wala na si Kaoru sa harap niya dahil kausap na ang kapatid niyang si Reiko. "Okay ka lang kuya?” tanong ni Lowell. “Parang galit na galit ka sa kaniya kanina ah, nasaktan s’ya sa higpit ng hawak mo sa kan’ya nung bandang huli." nagtaka siya. Hindi niya alam na humigpit na pala ang hawak niya sa kamay nito ng maalala ang nakaraan. Walang isa man sa mga kapatid o sino man ang nakaka-alam ng mga narinig niya noon. "Ah, kinabahan kasi ako." pagsisinungaling niya at tumawa naman ito. "Sino bang hindi? Eh sayo lang nakipag kamay ‘yon! Natahimik nga lahat ng tao eh at natulala, nakanganga pa sa inyo." pagyayabang ng kapatid. Huh? Oo nga ano? Hindi nakikipag shake hands si Kaoru Montenegro. Bakit kaya? Naalala niya na parang nanginginig ang kamay nito kanina? D*mmit, dapat kumilos na 'ko tonight! Hahanapin sana niya si Kaoru ngunit naipit siya sa mga taong gustong makausap siya. Hindi naman niya basta matalikuran ang mga ito dahil una, sila ang nag-imbita sa mga ito. Pangalawa, business partner ng Papa n’ya ang ilan sa mga ito at tatlo, kailangan nilang makipag deal sa mga ito. Pagkatapos ng isang oras ay nakawala rin siya sa mga ito at nakasalubong niya ang nakatatandang kapatid at tinanong kung nakaalis na si Kaoru. "Hindi pa, nasa pool side sa likod.” sagot ng kapatid. “Hindi pala sanay sa party ‘yon kaya puntahan mo muna at i-entertain mo." utos nito sa kaniya, tumango naman siya saka tumalikod dito habang nagsasalita. "Okay ate, pupunta na ko doon." sagot niya sa kapatid. "Zeon! Pagtawag nito nang paalis na sana siya, “i-entertain! Means kausapin para hindi mainip okay? Hindi manyakin." pahabol pa nito. "Ate naman! Lalaki yun eh." pag-angal naman niya. "Hindi nga naging dahilan ‘yon para imanyak mo siya...TWICE eh." may diin na akusa ni Reiko. "Evil witch, that was an accident!" sigaw niya sa kapatid. Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan nito na ikinairita niya lalo. Nang malapit na siya sa pool side ay nakarinig siya ng mahihinang tawa kasabay ng sa kapatid niya. So nakuha na rin pala niya ang loob ni Lowell! "Pwede kang dumalaw sa bahay kung gusto mo, madami akong game collection doon at malungkot kasi sa bahay." Narinig niyang wika ni Kaoru. "Sige ba! Tsaka bakit ka malulungkot? Nasayo na nga lahat eh." sagot naman ni Lowell. "Alam mo, hindi porke nasa akin na lahat ay masaya na ako,” panimula ng Montenegro Heir, “Nasa akin nga ang mga magagandang bagay... lagi naman akong mag isa." sabi ni Kaoru na may halong lungkot. Kumunot ang noo niya dahil sa nadinig. Tinititigan niya ito mula sa malayo habang nakangiti ito sa kapatid niya. Napansin naman niyang lumapit dahan-dahan ang isa sa mga body guards nito at naging alerto siya dahil baka saktan nito ang kapatid niya. Huminto ito sa likuran ni Kaoru na nakaupo sa isa sa mga silya. "Ehem! Eh... Boss." tawag pansin ng guwardiya. Tumingin naman si Kaoru at nag-alala siya na baka bulyawan nito ang bodyguard pero hindi iyon nangyari. Sa halip ay kalmado at nakangiti itong sumagot. "Bakit Alex? Anything wrong? Bakit ka umiiyak!? May masama bang nangyari!?" napatayo agad ito at lumapit sa tinawag na Alex habang natataranta at hinawakan ito sa magkabilang pisngi sa kabila ng taas nito. Nagulat siya nang paupuin nito sa inuupuan niya kanina habang tinatapik-tapik ito sa likuran. "Tell me what's wrong?" tanong ni Kaoru sa guwardiya nito. Parang mangha na nakanganga naman ang kapatid na si Lowell sa nakikita. Kahit siya ay hindi alam ang ganitong side ni Kaoru na hindi nakikita ng iba. "Boss yung kapatid ko po kasi, nasa ospital ngayon at nasagasaan daw po... kapag hindi naagapan at naoperahan ay baka..." paliwanag ni Alex. Hindi na nito nagawang ituloy ang sasabihin pa dahil napaiyak itong muli. Alam na nila ang kasunod nito. "Ako ang bahala, Mike, call the hospital, call Vaughn first, kakausapin ko siya." sabi ni Kaoru sa isa pang bodyguard nito na mukhang head bodyguard. Maya-maya pa ay kausap na nito ang sinabing Vaughn. Nakikinig lamang siya sa mga usapan at hindi nagpapakita. "No, go to the hospital, ipalipat n’yo agad. Hindi naman yan aasikasuhin diyan… kapag nandoon na kayo tell them Kaoru Montenegro wants the child to be taken care off right now." utos nito sa kausap sa cellphone. Nagugulat siya sa mga inasal nito. Hindi siya makapaniwala na matataranta ang dakilang spoiled brat para sa alalay lang nito. Hindi pa niya nakita na nag-aalala si Kaoru at sa totoo lang ay hindi siya sanay. "Bo-boss, naku, manghihiram lang po sana ako, hindi ko po mababayaran-" wika ni Alex na natataranta. "Hindi ko rin mababayaran kung ilang beses n’yo na iniligtas ang buhay ko.” sagot naman ni Kaoru. “Kulang pa iyan kung ikukumpara sa ilang beses na muntikan kayong mamatay para sa akin. Don't worry, ako na ang bahala sa lahat. Sapat na nailigtas nyo ng maraming beses ang buhay ko bilang bayad, kulang pa itong ginagawa ko dahil buhay niyo ang nakasalalay doon." Narinig niyang putol nito sa iba pang sasabihin ng body guards. Siguro dahil sa tuwa ay nayakap ng guard si Kaoru at paulit-ulit na nagpasalamat dito. Nakangiti naman ang binata na tinanggap ang yakap na hindi nandidiri o ano man. Hindi naman niya makita ang mukha nito kaya di niya alam kung totoong hindi ito nadidiri pero tinatapik nito ang ulo ng isa. ‘Parang masaya pa s’ya na yakap s’ya, tapos noong ako halos ipatapon na ko sa dump truck! mas malaki lang katawan n’yan, mas gwapo naman ako... malaki din katawan ko! And I’m sure mas Malaki ang…’ Nanlaki ang mga mata niya sa mga naiisip. Nagseselos ba ko? Ofcourse not! Nang hindi parin umaalis ang guard sa pagkakayakap ay lumapit na siya at tumikhim. "Ehem!" Agad na napatayo ang guard at paulit-ulit na humingi ng sorry. Inis na tiningnan naman niya ito ng masama pati si Kaoru na ngayon ay takang nakatitig sa kaniya. "Nagtataka ka pa? Niyakap ka lang nagustuhan mo naman. Diba untouchable ka? So sila pwede at-" bulalas niya agad. Nakagat niya ang labi para pigilan ang mga nais pang lumabas sa kaniyang bibig. Nagulat siya sa mga sinabi dito at para hindi mapahiya ay galit kunwari siyang tumalikod dito. Narinig na lamang niya ang tanong ni Lowell na, "Kuya... nagseselos ka ba?" ‘Nagseselos ba ako? s**t! Bakit ako magseselos, galit ako sa kaniya! Naiirita! Hindi ko lang matanggap na tutulungan niya yung guard, yun lang yon!’ Bwisit na umalis siya sa poolside at bumalik sa pasilio na dinaan pabalik ng party. Nagulat siya noong may humawak sa braso niya at higitin siya paharap dito. Si Kaoru Montenegro. "Galit ka ba? I-" sabi nito agad nang harapin niya ito. Hindi nito nagawang ituloy ang sasabihin dahil sa kanyang sumunod na ginawa. Hindi niya malaman kung bakit sa tuwing malapit ito ay kakaiba ang nararamdaman niya. Bakit parang nais niya itong yakapin at... ‘Isa lang, isa lang Zeon, para malaman mo kung ano ba talaga ang preference mo.’ Inis na isinandal niya ito sa ding-ding habang hawak sa dalawang balikat. Tinitigan niya ito saka madiing inilapat ang mga labi sa labi nito. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito at nagpumilit itong pumiglas ngunit hinawakan niya ito sa batok upang hindi maka-kawala habang ang kabila ay sa bewang nito. Inipit niya ito sa ding-ding gamit ang buong bigat. Gumalaw ang labi niya pati ang dila na humihingi ng permiso na makapasok sa loob ng bibig nito. Nagpumilit itong pumiglas ngunit ginamit niya ang lakas upang hindi ito makawala. Maya-maya pa ay parang nadala na rin ito sa ginagawa niya at natigil ang pagpiglas nito. Naramdaman niyang unti-unting bumuka ang bibig nito na sinamantala niya. Inexplore niya ng husto ang loob ng bibig ng tinaguriang corporate goddess. Ramdam niya ang paghigpit ng hawak nito sa magkabilang tagiliran niya nang lalo pa niyang palalimin ang halik. ‘Gods he's so sweet, I can stay like this forever!’ Naramdaman niyang dahan-dahang pumulupot ang kamay nito sa leeg niya at kahit hindi marunong, lumalaban na rin ito ng halik, at nadiskubre niyang... He is Kaoru's first kiss. Lalo pang uminit ang pakiramdam niya ng umungol ito. Napangiti siya at agad namang tinumbasan ang effort nito nang hagurin ng dila niya ang dila nito na nakapag paungol muli dito. Ang isang kamay niya na nasa bewang nito ay gumapang at ipinasok niya sa loob ng coat nito at sa loob ng damit, Soft skin, Iyon ang naramdaman niya. Gumapang na rin pababa ang kamay nito ng dahan-dahan pababa sa collar bone niya habang patuloy pa rin sila sa mainit na halik na iyon habang ang kanilang kamay ay gumagapang sa isa't isa. Lalo itong umungol ng kagatin niya ng bahagya ang dila nito. D*mn cute moans, I want more of that. Gumanti din ito ng kagat sa dila niya na nakapag paungol sa kaniya. Malapit na ang daliri niya sa n*****s nito ng... "EHEM!" ang malakas na tunog na ginawa ng kunsino man iyon na umiistorbo sa magandang gabi niya. Wait... ehem? "EHEM!!" mas malakas naman ulit. Saka niya naaalala kung nasaan siya at ang ehem na iyon ay galing sa body guards nito. Bodyguards? Naramdaman niyang itinutulak na siya nito ngunit patuloy lang siya sa paghalik dito, french kissing him, devouring him, marking him as his, bahala na si body guards. Body guards?  Sh*t! Agad siyang tumigil sa ginagawa nang maalala ang sitwasyon nila. Dahan-dahan siyang lumingon sa likod at iyon nga. Naroon lahat ng body guards nito. Naka cross arms at lahat ay masama ang tingin sa kaniya na parang sinasabing. You devoured our precious master! and oh god! He really did! "I-I need a- a bathroom." nauutal na nasambit nito. Nang tumingala siya ay napansin niyang pinto ng bathroom ang pinagsandalan niya dito. Ah s**t, bakit hindi ko siya pinasok sa loob? "At... your back." sagot naman niya, Binuksan niya ang pinto ng banyo ng dahan-dahan habang nakatalikod dito si Kaoru at nakatungo sa harap niya. Narinig niya ang halo-halong curses na sinambit nito bago sumara ang pinto. Tumayo siya ng tuwid at inayos ang sarili bago dahan-dahang humarap sa mga nanlilisik na mata ng body guards nito. "Kapag sinaktan mo ang amo namin kami mismo ang papatay sayo." banta ng head bodyguard na si Mike. Napalunok siya. Oh sh*t, lagot ako! Hindi niya napansin ang mga matang masasama at galit na galit na nakatingin ng lihim sa kaniya. ~~ I kissed him…  I kissed him.. Oh my god I kissed him, HIM! And I liked the kiss!! Does this makes me gay? I need a girl friend now! Right now! Why did I kissed back? Why did I liked it? My first kiss is a he... and to my hated person! At sa hallway pa, sa harap ng mga body guards... Damn you Zeon Nakajima! Why are you so bent on ruining my life!? Tahimik lang siya sa sasakyan habang nag-iisip. At sa itsura ni Zeon ay parang nagulat din ito sa nagawa. Hindi niya matanggap na nagustuhan niya ang mga halik nito, na nadala siya dito, na kung nasa loob sila ng bathroom at hindi dumating ang mga bodyguards niya ay baka... Why did I liked it? I hated him dahil masama ang ugali niya. Then why did I liked the kiss? Hindi nanaman ako nakapag thank you! Naalala niya ang invitation ni Omi sa club ng mga ito. Hindi naman siya nakatanggi dahil sinabi nito na paghingi nito iyon ng sorry dahil sa nagawa nito. Pumayag na lamang siya na sumama dito bukas ng umaga. Bumuntong hininga siya. What a long night. Nakangiting napahawak na lamang siya sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD