CHAPTER 5

2681 Words
Magdamag na hindi nakatulog si Kaoru sa kaiisip sa nangyari sa celebration ng mga Nakajima. Nagsisimula na siyang maguluhan sa sarili at sa kung ano ba talaga ang preference n’ya. Alam niya sa sarili niya na straight siya at mas prefere niya ang mga girls kesa sa boys... pero si Zeon. He liked the kiss, nadala pa nga siya ng husto at kung hindi dumating ang mga body guards niya ay baka kung saan pa umabot ang mainit na halik na iyon. Pero ano ba ang pumasok sa isip ni Zeon at bigla na lamang siyang hinalikan? At bakit naman siya gumanti ng halik dito? At sumabit pa nga sa leeg nito. He even liked the kiss! No, he didn't like the kiss! He didn't like those sweet lips and tongue that devoured him. Those wandering hands that caressed him... No, definitely not! Lalaki siya, lalaki si Zeon, bakit niya magugustuhan ang magaling na halik nito!? Hindi nga siya nadala nito... he didn't even moan... Okay! Once! Fine! Twice! Grandpa in heaven please help me. I moaned many times! Hindi niya gusto ang ginawa nito! Hindi! Hindi talaga... May replay kaya? NOOOOOO! Agad siyang bumangon upang maputol na ang mga nakababaliw na bagay na tumatakbo sa isip niya. Zeon was and is and will always be a playboy. A straight man who loves playing games at na-cu-curious lamang ito dahil sa kumakalat na rumors about sa gender niya. Iyon lang yon at wala nang iba! Hindi dapat sya mag expect- Ano nga bang iniexpect niya? At bakit parang gusto niyang mag-expect ng something? Bakit iba ito kesa sa naramdaman niya noong si Omi ang sumubok gumawa niyon sa kaniya? "VAUGHN!" sigaw ni Kaoru. Agad na dumating ang tinawag na humahangos at hinihingal pa. "Yes Kaoru?" sagot naman ng bestfriend niya na laging nariyan kapag kailangan niya. "You wanna come with me? Sa bachelor?" tanong niya. Taas kilay naman na tinignan siya nito. "Para makita si Zeon?" sarkastikong tanong nito. "Hinde! In-invite ako ni Omi... nandoon yung cutie mo sigurado." nakita niyang nagliwanag ang mukha nito at agad na pumayag. Wala pang isang oras ay bumabyahe na sila patungo sa club ng Bachelors. Habang umaandar ang sasakyan ay napansin niya ang isang binatilyo na naka-upo sa sidewalk di kalayuan sa private school na dinaanan nila. Suot nito ang uniform ng school at mukhang marumi ito. Pinahinto niya ang sasakyan ng mapansin na humihikbi ito at agad naman siyang bumaba at nag sunuran naman ang kanyang mga bodyguards. Pinaiwan naman niya si Vaughn sa sasakyan at nilapitan ang binatilyo. "Are you okay?" tanong niya dito. Nakapalibot naman ang mga bodyguards niya at alerto na palinga-linga sa paligid. Tumingala ang binatilyo at nanlaki ang mata ng makita siya at mga bodyguards niya na nakapalibot sa kanila. Pamilyar sa kaniya ang binatilyo kaya tinigilan niya ito ngunit di niya maalala kung saan niya ito nakita. Umupo siya sa tabi nito at hindi ininda kahit pa semento iyon. Hindi naman siya maarte na gaya ng iniisip ng iba. "You're Kaoru Montenegro right? What are you doing here?" tanong ng binatilyo na may halong pagkamangha sa kanya. "I saw you crying and you seem familiar. Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa mahinahong tono dito. Tumungo naman ito saka muling humikbi. "Bi-Binubully k-kasi ako ng mga classmates k-ko. Ayoko nang bumalik doon. Ayoko nang pumasok!" sagot nito. Naawa naman siya dito kaya binigyan niya ito ng ngiti. "Alam mo, panimula ni Kaoru, “noong kaedad mo ko, madalas din akong binubully. Kasi nga muka daw akong babae habang yung iba naman na classmate ko ay gusto akong ligawan. Pero naisip ko, kung magpapatalo ako sa kanila, lagi lang nila akong aawayin so lumaban ako." kwento niya dito. Totoo naman iyon. Kaedad niya ito marahil noong mga panahon na madalas siyang ibully hanggang sa muntik na siyang makidnapped ng mga taong gustong magkapera. Pero likas na matapang siya at palaban. Naroon noon ang mga classmate niya na bumubully sa kaniya nang mangyari ang pagtatangka. Lumaban siya at nakakuha ng bato na ipinukpok niya sa ulo ng may hawak sa kaniya kaya nakatakbo siya palayo at nagawang iligtas ang sarili. Simula noon ay hindi na siya binully ng mga classmate niya at simula din noon ay nagkaroon na siya ng mga bodyguards. Nakailang palit din siya ng body guards bago niya nahanap ang mga permanenteng nagbabantay sa kaniya ngayon. Pero si Mike na head bodyguards ang una niyang body guard at nagbantay sa kaniya simula pa noon. Kinuwento niya iyon lahat sa binatilyo at kita naman niya ang pagkamangha sa mga mata nito. Marahil ay di nito akalain na ganoon talaga siya katapang. "Wait, ano nga’ng name mo?" tanong niya dito. "Francoi, Francoi Zaragoza." sagot nito, ngumiti siya. "Gusto mong matuto ng self defense? Magagaling diyan ang mga body guards ko." Alok niya dito. Nagliwanag naman ang muka nito sa narinig at agad na tumango-tango bilang pag-payag. Lihim naman na nagkatinginan ang mga body guards dahil nakilala ng mga ito ang bata sa pamamagitan ng apelyido nito. Kapatid ito ng lalaking muntik molestiyahin ang amo nila sa public C.R. "Oo ba! Free ako every weekends... kaso yung mga assignments ko." nanlulumo na sagot nito. "Walang problema ‘yan, tutulungan kitang gumawa. Tapos noon saka ka magsanay." suhestiyon naman niya na lalong nagpalapad ng ngiti nito. Napapabuntong hininga naman ang mga bodyguards. Likas na maawain at matulungin ang amo at ilang beses na itong muntik na madukot at mapahamak dahil doon kaya minabuti nilang huwag na itong hayaan na tumulong ng personal sa mga taong bigla na lamang lalapit dito lalo na sa mga tao sa kalsada. Ngunit may mga pagkakataon na gaya nito na hindi nito mapigilan ang sarili. "Sige, pwede ako friday night at uuwi ng sunday night!” natawa siya ng bahagya. Pero okay lang sa kanya dahil every weekends ay nasa bahay lang siya at walang ginagawa. Malungkot sa kanila kaya okay na rin na may makakasama siya. "Bumalik ka na sa school n’yo... sunday ngayon diba? Bakit nasa school ka?" tanong niya na may halong pagtataka. "Ah! Nagreview lang, exam na namin next week. Sige babalik na ko, paano pala sa friday?" tanong nito. "Ipapasundo nalang kita sa driver ko sa school n’yo. Doon nalang kayo magkita." tumango-tango ito saka tumakbo pabalik ng paaralan. Nakangiti naman na tumayo na siya upang bumalik sa sariling sasakyan ngunit bago pa siya makabalik ay nagbigay nang kumento ang head bodyguards na kanina pa niya hinihintay. Alam kasi niyang tutol ito sa mga desisyon niya kanina. “Ehh, Boss! Hindi ba delikado ‘yon? Kahit bata iyon ay maaaring asset ang bata ng kung sino.” pagbibigay babala ni Alex. Kilala ng bodyguard kung sino ang bata ngunit mabuti na ang ligtas ang amo nito. “Don’t worry, hindi gagawa ng masama yung bata saka pamilyar s’ya sa’kin.” Tanging sagot niya. Napa buntong hininga na lamang ang bodyguard saka kumibit ng balikat. Pagkatapos doon ay dumeretso na sila sa Bachelors. Thirty minutes din siyang late sa usapan nila at nang dumating doon ay naghihintay na si Omi at isa pa na crush ng bestfriend niya. Halata ang pag-aalala sa mukha nito at marahil ay iniisip nito na hindi siya dadating. Bago makababa ay hinigit niya ang braso ng kaibigan. "Bakit? May problema ba?" tanong nito. "Don't act cheerful, act like you're aloof, loner... parang ganun." sagot naman niya. "Hah? Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Dahil sabi nung kapatid ni Zeon, may soft spot sa puso ni Kouji ang mga suicidal." sagot niya muli. "Ibig sabihin kailangan mag suicide ako?" sarkastikong tanong nito. "Idiot! Itaas mo yang polo mo hanggang braso, yung kita yung scar mo sa wrist mo." nanlaki ang mga mata nito at napangiti siya. Pagbaba nila ay parang mahiyaing ewan na takot sa tao na ang akto ng kaibigang maingay pa sa tsismosa kapag nagsermon sa kaniya. Niyaya siya ni Omi sa shooting range dahil sinabi niya na gusto niya iyong subukan. Bago pumunta doon, napansin niya na lihim na napapatingin si Kouji sa nag-iisang nakaupo na si Vaughn. At bago sila tuluyang makaliko sa hallway ay nakita niyang palapit dito si Kouji. Success! Naisip niya. Sa loob ng shooting range ay tinuturuan siya ni Omi kung paano ang tamang paghawak ng baril. Mayroon din doong lugar para sa bow and arrow at sa likuran pa ay talaga namang namangha siya sa kanyang nakikita. May napakalawak na golf course pala sa likuran ng malaking building naiyon! Pinakinggan niyang mabuti si Omi at lahat ng tinuturo nito kahit na lihim na umiikot ang paningin niya sa paligid. Gentleman na ito at maingat na maingat sa kaniya hindi tulad noong unang magkita sila. Marahil na namalayan na nito na mahina ang katawan niya noong subukan niya itong itulak sa banyo. Nang magpapaputok na siya ng baril ay tumayo ito sa likod niya upang saluhin siya kung sakali man na itumba siya niyon. Malakas ang pressure ng baril kaya natangay siya noong unang magpaputok siya. Ilang sandali pa ay naroon na rin ang iba pang bachelors, maliban sa isa na lihim niyang hinahanap. Sampung sunod-sunod na putok ang pinakawalan niya, at lahat ay sakto sa bulls eye! Walang palya o daplis. Nakangiti naman na hinipan niya sa mukha ni Omi ang usok sa dulo ng baril habang lahat ng naroon ay ngangang nakatitig sa kanya. Tatawa-tawa naman na umiling-iling siya dahil sa itsura nito. "You- you're an expert?" tanong nito na gulat na gulat. Nagtatawanan naman ang mga bodyguards na nasa likod nila di kalayuan. "Yes! Madalas kaming mag firing range ng mga bodyguards ko, weekly practice." sagot niya. Naka ngiting umiiling ito saka kinuha ang baril sa kamay niya. Napatawa na rin siya dahil sa ginawi nito. Matapos doon ay sumubok sila ng ibat-ibang sports at namangha sila sa galing niya maliban sa isa, tennis. Hindi ganoon kalakas ang stamina niya. Mabilis siyang mapagod dahil noong bata pa man siya ay talaga namang sakitin na siya. Si Zeon kaya? Malakas kaya stamina n’ya? Nasamid siya sa iniinom dahil sa mga bagay na pumapasok sa kaniyang isip. Agad namang lumapit si Omi at tinapik-tapik ang kaniyang likuran.  "Are you alright?" tanong nito na nag-aalala. "Ye-yes, nasamid lang." sagot niya. Hinawakan siya nito sa pisngi saka ngumiti. "I'm glad... ayokong mapahamak ka." naramdaman na lamang niyang namula ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Nakatitig parin ito sa kaniya at nasa balcony sila ng club sa second floor at sila lamang dalawa ang naroon. Pinaiwan na kasi niya sa labas ang mga bodyguards dahil ligtas naman ang paligid at upang makapag-relax din ang mga ito at masubukan ang mga facility sa ```` "Ahm, I- uhh." hindi niya malaman ang sasabihin. Hindi rin niya malaman kung tititigan ba ito sa mata o lalayo dito. Hanggang dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kaniya. Malapit nang mag lapat ang mga labi nila nang... "NOOOO! GET AWAY FROM MEEEE! LEAVE ME ALONE!!" Gulat na napahiwalay sila sa isa’t-isa dahil sa narinig na sigaw. Nang bumungad sa kanila kung sino ang sumisigaw ay nagulat siya ng biglang nagtago sa likod niya ito at habol-habol ng aso niyang si... "Majestic stop!" saway niya. Tumigil naman ito at narinig niya ang malakas na tawa ng pinsang si Mark. "Mark? What are you doing here?" tanong niya kay Mark na bagong dating kasama si Majestic. "Making sure na walang bangaw ang didikit sa bibig mo." nanlalaki ang mga mata at natahimik na lamang siya. Nais na yata niyang himatayin ng mga oras na iyon dahil sa kahihiyan! He forgot about Mark's over protective nature! ~~ Pagkagising nang umagang iyon ay agad na bumaba para mag-almusal si Zeon. Nalaman niya kay Dan na inimbitahan ni Omi si Kaoru sa club at excited na bumaba para kumain ang binata. Pagkababa sa kusina ay nakatatakang naroon din ang dalawang kapatid niya at nakaupo lamang at hindi pa kumakain. Mukhang may hinihintay ang mga ito at hindi niya alam kung ano. Pagkasubo niya ay kumanta ang dalawa ng sabay. “I kiss a boy I liked it!” Iyon lang ang naintindihan niya at nanlaki ang mga mata sa mga narinig kasabay ng pagkainis at hindi maintindihan na emosyon. Parang natutuwa siya na kinikilig. "You're going to stop or I'm going to kill you both?" natahimik sandali ang dalawa sabay... “I kiss a boy I liked it...” Inis na iniwan niya ang hapag at dali-daling naligo at nagbihis. Hindi pwedeng maka-score si Omi! Traffic noon kaya badtrip na hinampas niya ang manibela. Matapos ang mahigit isang oras na byahe niya ay nakarating din siya sa club. Pagparada niya ay may isa pang sasakyan na pumarada sa tabi ng sasakyan niya, bagay na binalewala na lamang ni Zeon. Diretso na sana siya sa loob ng club nang bumaba ang sakay ng kabilang sasakyan. Hindi niya agad nakilala ang bagong dating. Dala nito ang aso na naalala niyang nanggahasa sa pinakamamahal niyang si Chi-chi. Babalewalain na sana niya ang mga ito kundi lamang... Galit na inangilan siya ng aso! Dahan-dahang ibinaba ng lalaking may hawak dito ang nagpupumiglas na aso... At galit na galit na susunggaban siya kaya mabilis siyang nag tatakbo papasok ng building at diretso paakyat. Kung saan-saan na siya umikot ngunit nakahabol parin ito hanggang mapapunta siya sa balkonahe ng club at makita doon si Kaoru at napakalapit dito ni Omi. At parang... parang hahalikan ito! Alam niyang hindi siya aabot kaya naman naisipan na lamang niya sumigaw. "NOOOO! GET AWAY FROM ME! LEAVE ME ALONEEE!!" sigaw niya na pagkalakas upang madistract ang dalawa. Nagtagumpay naman siya sa ginawa at lihim na pinasasalamatan ang asong may galit sa pagkatao niya. Paglapit dito ay hinigit niya si Kaoru sa balikat nito at iniharang sa pagitan niya at asong may matindi yatang sama ng loob sa kaniya. "Majestic stop!" suway nito sa aso. Nakarinig sila ng malalakas na tawa galing sa pinanggalingan niya at naalala niya ang lalaking may dala kay Majestic kanina. "Mark? What are you doing here?" tanong ni Kaoru sa bagong dating. So, Mark pala ang pangalan ng mayabang na ito? "Making sure na walang bangaw na lalapit sa bibig mo." sagot nito. Gigil at inis na parang gusto niyang durugin ang mukha nito. Sino ba ito sa tingin nito? Boyfriend ba siya ni Kaoru? Kung maka asta parang pag-aari niya si Kaoru at... Tinigil niya ang nasa isip dahil kung makapag isip siya, parang pag-aari niya si Kaoru. Nagtaka siya ng mapansing parang kay Omi tumingin ang lalaki ngunit inisip niyang baka nagkataon lang. Halata naman ang inis sa muka ng kaibigan nang humarap ito sa kanila. Hindi niya maintindihan pero parang galit ito sa kaniya. Siya naman ay parang gusto niya itong batuhin ng mabigat na bagay ng makitang palapit ang mukha nito kay Kaoru. Si Kaoru na nahalikan na niya. Si Kaoru na parang natutuwa siya kapag nakikita. Shit! What am I thinking? ~~ SIDEFIC: Nagtataka siya nang mapansing nakaupo at nag-iisa ang lalaking kasama ni Kaoru Montenegro. Mukha itong malungkot at ang bigat ng dinadala. Kanina pa niya ito tinititigan ngunit nakatungo lamang ito. May napansin siya sa pulso nito ngunit hindi niya maaninag kaya dahan dahan siyang lumapit upang makita ng husto ang naroon. Tama nga siya, may scar ito sa pulso nito... Naawa siya dito. Parang ang bigat ng dinadala nito, parang napaka laki ng problema nito. Kumuha siya ng softdrinks sa ref at lumapit dito. Nagulat siya dahil isang pares ng malulungkot na mata ang nakita niya pag-angat ng mukha nito. Ngumiti siya ng abutin nito ang inumin na inalok niya saka ito muling tumingin sa labas. Bumuntong hininga siya... But Kouji Montecillo never gives up, lalo na sa mga taong kailangan ng proteksyon niya. And this one really needs his protection, badly. At sa isip naman ng lalaking kaharap niya... What a clever idea you have Kaoru! Oh yeah Kouji noticed me! Oh god Koru!!! He’s here beside me. What should I do!? Stay calm! Stay sad and lonely and suicidal! Kung maririnig lamang ni Kouji ang naghuhumiyaw na puso ng nasa harap niya ay siguradong tatakbo ito palayo dahil napakasigla niyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD