CHAPTER 6

3064 Words
MONDAY! WORK DAY! Interview, signing some papers, meetings, checking their other companies, meeting other business tycoon, at ikonsulta kay Aurelio ang request ng mga Nakajima na ma-meet nila ito and so on... bumuntong hininga si Vaughn. Hanggang ngayon ay tulala parin si Kaoru Montenegro. Napakalayo sa Kaoru na hindi mo maiistorbo sa trabaho niya. Ngayon? Dalawang oras na ang dumadaan pero wala paring nangyayari sa mga trabaho ni Kaoru. Naka ilang sigaw at bulyaw na si Vaughn ngunit wala parin. Hindi parin nito magawang tutukan ang mga trabaho nito at hindi rin napansin na dumating ang Daddy nito at kinuha ang kalahati ng trabaho na naiwan. Nakatitig lamang ito kay Kaoru at nagtataka kung naeengkanto ba ang anak o kinuha na ba ng demonyo ang kaluluwa nito. Dumating na rin ang mommy ni Kaoru dahil na rin sa pagmamakaawa ni Vaughn sa dalawa ngunit ganun din ang reaksyon nito. Kinuha din nito ang kalahati pa sa trabaho ni Kaoru at wala nang natira sa lamesa maliban sa mga ballpen at kung ano-anong abubot. Lahat ng bodyguards nito ay nagtataka at nag-aalala na rin sa sitwasyon ng kaniyang kaibigan ngayon. Nagawa na ring um-attend ni Mister Montenegro sa meetings na dapat ay ito ang mag aasikaso habang nakatayo naman ang mommy ni Kaoru sa gilid nito at nakangiting hinahagod ang ulo ng anak. "Hayaan nyo lang sya, nag-iisip yan." wika ng kaniyang ina. "Nag-iisip?” bulalas ng Ama ni Kaoru. “Eh maghapon nang tulala yan! Walang makapagpagalaw! Patay na ba yang anak mo?" nagtataka at natatakot na tanong ng Padre De Pamilya. Maya-maya pa ay bigla na lamang umiyak ang anak na si Kaoru. "Mo-mommy... help me!" umiiyak na yumakap bigla si Kaoru sa tiyan ng ina. "What is it my baby girl?" malumanay na tanong ni Mrs Montenegro. Napapangiwi naman ang Ama nito habang napapabuntong hininga si Vaughn. "I-I think I- I'm falling..." sagot ni Kaoru. Humikbi ito muli pagkasabi niyon at parang takot naman na naghihintay ng sagot si Mr Montenegro. Sa loob-loob nito ay nagdadasal ito na... Pls let it be a woman... God let it be a woman... "That's good! Diba matagal mo na rin namang gustong magka girlfriend?" tanong ng Ina ni Kaoru na nakangiti habang umiling naman si Kaoru. "No Mom.... it’s a He." sagot ni Kaoru. Noong oras na iyon, gustong lumuha ng Ama ni Kaoru ngunit hindi nito mailabas dahil sa mala demonyitang tingin ng asawa nito dito. Ang pangarap ng asawa niya na magka-boyfriend ang anak ay mukhang matutupad na, habang ang sa kaniya ay tuluyan nang nawasak! Apo lang anak! Apo nalang! Iyon lang ang ibigay mo sa’kin, tatlong matitikas na lalaki... Pakiusap! Yan ang dasal ng ama sa loob nito, dahil isang malaking kalbaryo ang pagtutol sa asawa niyang demonyita! Bakit ko ba pinakilala sayo si Brittany noong mga dalaga't binata palang tayo? ~~ Matamlay na nakahiga lamang si Kaoru sa kama niya. Hindi siya kumain maghapon at wala rin siyang ganang kumilos o bumangon manlang. Hindi niya matanggap na parang nahuhulog na ang loob niya sa lalaking iyon. Pero parang naguguluhan siya dahil nagsisimula ng magpakita ng motibo ang isa pa. Si Zeon at Si Omi... Pareho na ngayong gumagawa ng lugar sa puso niya ang mga ito ng dahan-dahan ngunit sa napakabilis na panahon. Tama ba ang mommy niya? Na talagang mas prefer niya ang lalake kesa sa babae kahit noon pa? Pero bakit hindi niya ito naramdaman sa ibang lalaki noon? Bakit ngayon lang? Bakit hindi sa bodyguards niya? Napangiwi siya dahil sa huling naisip. Mga kapatid at mga kuya nga pala ang turing niya sa mga ito at ganun din sila sa kaniya, kapatid na bunso. Sweet si Omi, nagiging marahas ito minsan pero gentleman ito at hindi siya sinasaktan on purpose. Gwapo ito at maganda ang katawan, matalino at wise. Si Zeon naman ay may pagka bastos, basta ka nalang nitong hahalikan anytime he wants at kapag medyo naexcite pa ay mas malala. Pero masaya itong kasama at may kaunting mabuting ugali, mas lamang nga lang ang masama. Pero exciting itong kasama, laging may thrill, prank at happy go lucky, Ang pagiging happy go lucky nito ang ayaw niya, ang pagiging immature at walang pakialam sa mundo. Teka? Bakit ba sya nag-iisip ng ganito eh hindi naman nanliligaw sa kaniya yung dalawa? Nahuhulog na ba ang loob niya? No! Hindi pwede. Nang mga oras na iyon ay nakaisip siya ng plano. Patitigasin pa niya ang puso at ang sarili niya. Hindi pwedeng mahulog siya sa mga ito at sa mga simpleng invitation ng mga ito ay friendly invites lang at dahilan lang upang mapalapit sa kaniya, sa pangalan niya, sa kapangyarihang hawak niya. Hindi dapat siya magpalinlang sa mga ito. Napangiti siya nang maalala ang kaisa-isang babae na matagal nang may crush sa kaniya. Tama! Ito ang magiging daan ng pagbalik niya sa daang walang liko! Kinuha niya ang cellphone at agad na nagdial. ~~ Excited na si Zeon na dumating si Kaoru. Nasa club sila noon at inimbitahan niya muli ito para tumambay at gumimick mamaya. Sinabi nitong may kasama ito at nahihiyang iwan kaya pinilit na lang niya na isama na nito kung sino man ang kasama nito. Marahil ay si Mark ulit iyon, ang mayabang na lalaki na parang nanliligaw sa Kaoru niya. Naroon na rin sina Dan, Aki, Kouji at Omi. Hindi siya kinakausap ni Omi sa di malamang dahilan habang wala namang napapansin ang ibang bachelors maliban kay Kouji na sobrang talas ng pakiramdam. Pero hindi ito nagsasalita dahil alam nito kung kailan dapat tumahimik at kailan dapat magsalita. Tingin niya ay may problema ang kaibigang si Omi ngunit naisip rin niya na saka na lang niya ito tatanungin. Nagpuntahan sila sa entrance nang dumating ang anim na van at isang magarang sasakyan. Unang naglabasan ang mga body guards sa van para i-inspect ang paligid. Noong una ay naiinis pa siya ngunit kinalaunan ay nasanay na rin siya sa ganoong gawain ng mga ito tuwing dadating. "Everything's clear!" wika ng isa na lumibot sa kanang bahagi ng building. "Clear!" sigaw ng isa pa na nasa kaliwa." "All's clear." wika ng dalawa na nasa bubong nang building. Nagugulat parin siya sa napakabilis na pag-akyat ng mga ito sa mga bubong. Dahil sa nakaraang pangyayari at dahil madalas doon si Kaoru kaya mas mahigpit ang pagmamatyag sa tuwing pinapupunta nila ito doon. Noon rin lamang niya nalaman na, Kaoru Montenegro never stayed in one place. Palipat-lipat ito ng lugar at hindi tumatagal ng dalawang oras sa isang lugar. Bukod sa madami itong business deals at mga invitations kung kaya hindi ito nababakante. At isa pang dahilan upang hindi ito magpang-abot at kung sino man na mga nais dumukot dito sa iisang lugar. Palipat-lipat ito from their company to their other companies and other places. Kapag may pupuntahan itong malls ay pupunta muna ito sa ibang malls, mag-iikot at babalik sa sasakyan gamit ang iba namang sasakyan. Nalaman niya lahat iyon noong linggo na imbitahan ito ni Omi. Mahigit sa sampung beses pala siyang muntik madukot kada buwan at ang taon na ito lamang ang taon na parang sumuko ang mga kidnappers. Sadyang napaka galing lang ng mga bodyguards nito. Ang isa sa dating bodyguards nito ay namatay sa pagliligtas sa dito kaya simula noon ay mas mahigpit na ang ginagawang pagbabantay at strategy kada araw upang mailigaw ang mga araw-araw na sumusunod dito. Isang sikreto naman ang ibinulong nito sa kaniya noon at sa kaniya lang. Na ang sampung bodyguards ni Kaoru Montenegro ngayon ay miyembro ng Russian Mafia na pinag-training doon at nag undergo ng training sa C.I.A. pati na rin ay Aren Aurelio! So, totoong may kaibigan silang mafia? Matapos ma-clear ang buong lugar ay pinag buksan na ng pinto si Kaoru. Bumaba ito ng sasakyan at para na naman itong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. Maya-maya pa ay bumaba na ang kasama nito at nakita niya sa ilalim na nakasuot ito ng.... Stiletto? No, why is... Nang lumabas ng tuluyan ang kasama nito ay lahat sila ay napanganga. Long legged, nakasuot ito ng hapit na hapit na dress at nakalugay ang straight long hair nito na hanggang bewang. Dahan-dahan nitong hinubad ang salamin at ngumiti sa kanila. She's beautiful but... Natatalbugan ni Kaoru ang ganda nito! Goodness! Kaoru’s pink long hair and beautiful face is really hard to beat! Lihim na nagsisisigaw sa tuwa si Zeon dahil talo ni Kaoru in terms of beauty ang babaeng naka pulupot sa braso nito ngayon. Bumuntong hininga ito. "Guys meet Cassey... my girlfriend." nakangangang nanlaki ang mata niya sa narinig. Kaoru has a girlfriend? His Kaoru found a girlfriend!? Nakahawak sa braso nito ang babae nang lumakad palapit sa kanila ang mga ito at tuloy-tuloy na pumasok sa club. Kita niya ng inalalayan pa ni Kaoru na makaupo ang bruhilda na nakasuot ng stiletto. Aba! Sosyal na pala ngayon ang mga witch! Nagngingitngit na naisip niya. Kumuha ng maiinom si Kaoru at ibinigay dito at nakita din niya ng halikan nito sa pisngi si Kaoru. Damn you Kaoru! Ginagawa kang maid ng babaeng yan! Get the hell away from my Kaoru! Kung maaari lamang niyang sabihin iyon ay ibinulyaw pa niya ang mga salitang iyon sa mukha nito. Pumasok siya at kumuha ng maiinom. Sumandal siya sa isa sa mga billiards table na naroon at tinitingnan niya habang sweet na sweet ang dalawa. Maya-maya ay may sasabihin ito at tawa naman si Kaoru. Aba't ang kapal ng mukha ng babaeng walang balakang! Ilang sandali pa ay bumulong dito si Kaoru at tumango naman ito. Hindi rin nagtagal ay lumapit sa kaniya si Kaoru at sumandal patalikod sa table sa tabi niya. "What are you doing!?" galit na tanong niya. Para naman itong nagulat dahil sa inasal niya at hindi malaman ang gagawin. "I- I'm sorry, hindi ko alam na bawal ang girls dito... I'm-" sagot ni Kaoru na nauutal. "No! It's okay, nagulat lang ako. I did not expect na may girlfriend ka pala." sagot niya. Napansin niyang parang naiilang itong katabi siya. Tumingin naman sa kanila ang babaeng pusa at nakangiti tapos ay lilinga sa paligid. Lihim naman siyang napangiti. May the best lover win! Iyon ang ibig sabihin ng tingin na ibinigay niya sa mangkukulam bago biglang hinigit si Kaoru sa balakang nito. Ang isang kamay niya ay agad na dinala niya sa batok nito at mariing pinaglapit ang katawan nila. Nakita niyang nanlaki ang mata ng lahat lalo na nang babaeng hudas bago niya siniil ng halik si Kaoru. Napansin niyang napanganga ang babae sa nakita saka siya pumikit habang naghahalikan silang dalawa ng boyfriend nito. Gaya noong una, inangkin niya ang mga labi nito, tinutulak niya ng dila, humihingi ng permiso na makapasok at maangking muli ang bibig nito. Narinig niyang umungol ito at napangiti siya, siniil niya ito ng mariing halik at hinagod ang dila nito, ang loob ng bibig nito hanggang sa maglaban na ang kanilang mga dila. Napaungol itong muli at ngumiti siya. Maya-maya ay may biglang humigit kay Kaoru sa kamay niya. Iniharap dito at saka siniil ng halik, si Omi pala. Naisip siguro nito na hindi na ito papatalo. Nakita niya kung paanong eksperto nitong ipinasok ang dila sa bibig ni Kaoru habang sinubukan naman na kumawala ng isa. Nakaramdam siya ng galit ngunit hindi rin siya papatalo dito. Ngayon at kita niya na pilit lumalaban si Kaoru upang makawala. Niyakap niya ito mula sa likuran at hinalikan sa leeg nito, papunta sa panga. Ang kamay niya ay gumagapang na rin sa katawan nito habang ang kamay nila ni Omi ay mahigpit ang magkabilang mga braso ni Kaoru. They're doing a foreplay, pero wala na siyang pakialam. Kaoru is his and no one can take him away. Patutunayan niyang sa kaniya lamang nagre-respond ang Young Heir. Hinawakan niya ang mukha nito at iniharap sa kaniya at sila naman ang naghahalikan habang ang bibig at dila ni Omi ay gumagapang pababa sa leeg ni Kaoru papunta sa dibdib nito. Ang leeg nito kanina na hinahalikan niya ay puno ng mga pulang marka na kitang kita sa kaputian nito. Sa kabila namang bahagi ng leeg ay kay Omi. Patuloy pa rin ang ginagawa nila at bawat kamay na gumagapang sa katawan nito ay naghahatid ng kakaibang init na dumederetso sa puson niya. He wanna take him and claim him as his, now, right now. Iyon ang nasa isip niya nang biglang may tumulak sa kanila, ang bruha pala. Akala niya ay aalis na ito dahil sa mga nakita ngunit hindi pala. Masama ang tingin na itinulak nito silang dalawa palayo kay Kaoru. “What the f**k!?” sigaw ni Cassey. “Are both of you a r*pist!? Hindi n’yo napapansin na umiiyak na si Kaoru!? Get the hell away you perverts!” Galit na galit ang boses nito at parang nais silang kainin ng buhay. At noon lang din niya napansin na kanina pa nagpupumiglas at pilit kumakawala sa kanila si Kaoru. Hawak nila pareho ang kamay nito ng mahigpit at masyado silang nadala sa init ng sitwasyon at hindi na nila ito inisip. Takot na takot ang itsura nito at nanginginig ang katawan. May luha na rin sa mga mata nito at malikot ang mga mata. Nang makita ang humahangos papasok na head bodyguard ay mabilis na tumakbo palapit dito si Kaoru at mahigpit na yumakap. Agad niyag itinulak ng malakas si Omi palayo at nadamay na rin si Cassey. Napasadlak sa sahig ang babae at si Omi naman ay sa dingding. Agad niyang sinundan si Kaoru at hinigit ito mula sa bodyguard. Niyakap niya ng mahigpit ang umiiyak na si Kaoru ngunit pilit naman itong pumapalag. "I'm sorry, I'm so sorry baby. I'm sorry. I’m so sorry." Paulit-ulit na imik niya dito. Papalag pa sana ito palayo sa kaniya ngunit hindi niya ito hinayaang makawala hanggang sa tumigil ito sa pag pupumiglas. Napakahigpit ng hawak nito sa damit niya at hindi inaalis ang mukha sa pagkakasubsob sa kaniyang leeg. hinila ito palabas ng building habang labis naman siyang nagsisisi sa nangyari. Nakalimutan niyang may trauma ito at ginawa pa niya dito ang ganoong bagay. He is worst than a r****t! "Let's go back." utos niya sa mga bodyguards nito. Pagkasakay nila sa sasakyan ay agad na iyong pinaandar at wala na siyang pakialam kahit naiwan pa nila si Cassey. Kahit magalit si Omi o ang barkada, ang mahalaga ay mailayo niya si Kaoru sa lugar na iyon. Napansin niyang nawalan ng malay sa mga braso niya si Kaoru. At may luha pa ito sa mga mata kasabay ng sunod sunod na paghikbi. Siya ang nagsimula ng lahat at sinisisi niya ang sarili. Hindi niya naisip ang kahihinatnan ng pangyayari. I'm such a d*mn idiot! "I'm sorry Kaoru, it's my fault... I'm so sorry." mahihinang bulong niya sa tenga nito. Senses overload? Sobrang takot dahil sa trauma? Na-overwhelmed ito masyado sa nangyari, nakalimutan niya na siya nga pala ang first kiss nito at first time din nito sa ganoong bagay. Wala pa itong karanasan sa s*x lalo na sa mga overwhelming sensations na dala nito. Isama pa ang trauma na nabaggit nito noong bata pa ito. No wonder na natakot ito at nabigla ang katawan at isipan nito sa biglaang dating ng mga sensasyong hindi ito sanay na maranasan ng sabay-sabay. Isa pa at baka biglang naalala nito ang s*xual harassment na dinanas noong bata pa ito. Inaamin niya na nagselos talaga siya. Pero hindi niya alam kung bakit. Gusto lamang niyang ipakita kung kanino nararapat si Kaoru, na siya lang ang nagmamay ari dito ngunit hindi niya sinasadyang aabot sa ganito ang lahat. "Saan po tayo sir?" Tanong ng driver sa kaniya. "Sa bahay namin... sa Nakajima mansion." Tumango ito at medyo binilisan ang pagpapaandar sa sasakyan. I'm not bringing you back until you're fine! I'm sorry... Love. Napangiti siya. Yes.. Kaoru is his new found love now. Sigurado na siya ngayon. Kaninang umiyak ito ay talagang nagsisi siya, natakot naman siya nang umiyak ito at tumakbo palapit sa bodyguard nito na parang bata na naghahanap ng kakampi. Ngayong nasa mga kamay niya ito ay parang tama lang ang lahat, parang doon talaga ito nabibilang.  Sa mga kamay niya. Yakap niya. Tama... ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng anak. At inaamin na niya ngayon... Aishiteru... Kaoru... Aishiteru... koi! ~~ Sidefic: Zeon meet Aren Nasa cafeteria si Zeon at hinihintay ang napakailap na si Aurelio. Ang mga magulang niya ang humiling kay Kaoru na ma-meet ng mga ito si Aurelio. Ngunit nang pumayag ang isa at magbigay ng date ay sakto naman na nasa ibang bansa ang mga magulang. Kinakabahan siya at nangangamba na baka ma-dissapoint niya si Aren at mag-walk out ito. Ilang sandali pa ay nakita na niya itong pumapasok sa pintuan ng magarang restaurant at palapit na sa kaniyang table. Agad siyang tumayo at nilapitan ito saka yumukod sa harapan nito. Isang paggalang na tradisyon na sa kanilang mga Hapon. Napansin niyang may kasama itong isang lalake na matangkad at nakahawak sa kamay nito. "Zeon Nakajima? I heard your parents are on business trip?" panimula nito nang sila ay makaupo na. "Yes, sumakto sa pagtanggap mo ng invitation nila."sagot niya na pilit na pinakalma kahit pa kinakabahan. Bigla naman itong sumeryoso at tumitig sa kaniyang mga mata. Parang lalamunin siya ng mga matang iyon. Kaya pala maraming takot dito, dahil tingin palang ay nakaka-intimidate na. "This is my husband... I heard you're courting Kaoru?" tanong nito bigla. Kumabog ang dibdib niya sa biglang tanong na iyon na hindi inaasahan. Paano nito nalaman eh wala namang nakaka-alam maliban sa mga kaibigan niya? "Yes... Maybe, that depends on me." sagot niya na pasarkastiko at may pagka maangas pa. Ipinaparating dito na ‘he can do what he wants and he can play all he wants.’ Biglang naningkit ang mga mata nito at parang bumigat bigla ang hangin sa paligid. Nakaka-suffocate at nakakatakot. Hindi naman natinag ang tingin nito sa kaniya. "Kaoru... Is my most favorite person, one of my favorite... If you hurt him, you'll die Nakajima. So stop playing with him." pagbabanta nito. Tumayo ito at walang paalam na umalis habang naiwan siyang nanginginig sa takot. Tsaka niya naalala na magkaibigan ito at si Kaoru. And he remembered, nakalimutan niya ang business deals na inaalok ng mga magulang niya dito! He's so dead. Fuck! Well, he's lucky to still be alive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD