Nang makarating sa mansion ng mga Nakajima ang sasakyan ay agad na diniretso ni Zeon ang wala paring malay na si Kaoru sa kaniyang kwarto. Gabi na noon kaya naroon na ang mga kapatid nito na galing sa trabaho at eskwela na sina Reiko at Lowell. Gulat na gulat ang dalawa nang makitang nagmamadali siya at may bitbit na kung sino. Agad din namang nakilala ni Lowell ang bitbit niya kahit na sinubukan niyang itago ang mukha nito. Sumunod ang dalawa at hindi naman niya mapigilan ang mga ito dahil siguradog mag-iisip ang mga ito ng masama.
"Si... Kaoru ba iyan?" tanong ni Lowell. Tumango lamang siya at inihiga sa napakalaking kama niya si Kaoru. Nagkatinginan ang dalawa at parehong nagtataka na ibinalik sa kaniya ang tingin.
"Anong nangyari?" tanong ng nakatatandang kapatid.
"Hinimatay s’ya kanina sa club kaya dinala ko dito." sagot niya. Nakita niyang parating ang katulong kaya agad niya itong inutusan na kumuha ng towel at maligamgam na tubig na may alcohol. Tumango lamang ang mga katulong na kaniyang inutusan sabay na tumalikod upang sundin ang utos niya. Muli nanamang nagkatinginan ang dalawa niyang kapatid.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Lowell nang akmang tatanggalin niya ang coat ni Kaoru.
"Lilinisan siya, kaya lumabas kayo dito." sagot naman niya. Tinaasan naman siya ng kilay ni Reiko.
"Ikaw ang magbibihis sa kan’ya?" ani Reko. Iritadong humarap naman siya sa mga ito. Ayaw niyang paistorbo sa oras na ito dahil wala siya sa mood at naiinis pa siya sa mga nangyari pati na rin sa sarili.
"Oo, bakit naman parang alangan ka?" sagot niya.
"Kamakailan lang hinalikan mo s’ya." ani Lowell. Nakatitig ito sa mata niya na parang dinedare siya na tumutol pa.
"So what? Anong koneksyon noon?" inis na tanong niya.
"Kaya mong pigilan ang sarili mo? Baka hindi na magising yan! Saka, is it proper na ikaw mismo ang maghubad sa kan’ya at magpunas sa kan’ya at magbihis sa kan’ya?" wika ng ate niya sa sarkastikong tono. Napangisi naman ang dalawa ng matigilan siya.
Shit! Oo nga pala...
Tinitigan niya ang maamong muka ni Kaoru na nakahiga ngayon sa kama niya saka muling napamura.
"s**t! Eh sinong magpapalit?" tanong niya. Tama ang dalawa. Hindi niya mapipigilan ang sarili dahil aminin man niya o hindi, matindi ang atraksyon niya kay Kaoru and he doesn't know why. Katibayan nalang ang nangyari kanina na kung hindi niya nahalata ang takot nito ay baka higit pa ang nangyari o nagawa niya. Baka nga inaway pa niya ang best friend.
Sa harap ng mga kapwa niya Bachelors.
"Si manang Fhe, maglabas ka nalang ng damit na isusuot niya." sagot ni Reiko maya-maya. Parating na noon ang katulong kaya inutusan niya itong kumuha ng mga gagamitin. Nang makabalik ang katulong ay ito na ang pinag-linis niya kay Kaoru. Naglabas siya ng isang komportableng puting t-shirt at inilapag sa kama bago siya lumabas.
Nakaupo lamang siya sa sahig sa labas ng kwarto at matiyagang naghihintay. Pagkatapos ng mga tatlumpung minuto ay lumabas na si manang Fhe at pumasok siya. At gulat na natigilan naman siya sa nakikita.
Si Kaoru, nakahiga ng patagilid at suot ang malaking shirt niya, nakabaluktot ito at kita ang maputing legs hanggang sa kalahati ng pisngi ng pag-upo nito. Para siyang kinuryente at pakiramdan niya ay mapuputulan ng hininga.
"Ma-Manang Fhe." tawag niya na nauuta; sa palabas na sanang matandang katulong.
"Bakit po Seňorito?" tanong nito. Itinuro naman niya ang ibabang bahagi ng katawan ni Kaoru at hindi malaman kung paano sasabihin dito ang nais na hindi siya mapapahiya.
"Wa-wala s’yang... pang ibaba." wika niya. Nauutal habang nagsasalita.
"Eh... wala naman po kayong ibinigay.” sagot ni Manang Fhe. “Tsaka... okay lang po ba sa isang Montenegro na maki gamit ng personal na gamit ng iba?" sagot nito. Oo nga naman, okay ba dito na ipasuot niya ang mga briefs niya na ginagamit niya? Napangiti siya paglaon dahil sa tanong na iyon. Hindi naman masama siguro na makita niyang suot nito ang brief niya? Pero isipin pa lang iyon ay iniisip na niya ang magiging reaksyon ni Kaoru. Parang kinikilig siya sa isipin na malalaman nitong brief niya ang suot nito.
God why are you testing me?
Nasambit na lamang niya sa sarili bago kinumutan ang ibabang bahagi, ang kaakit akit na bahagi ng nilalang na nakahain sa kaniyang harapan ngayon na hindi rin naman niya mahawakan. Nagpakawala siya ng isang napakahabang hininga.
Fuck, I'm turning gay... Or I'm really gay and just doesn't know it yet? And god it’s okay if I’m gay with this man on my bed… just oh god help me today and don’t let me lose myself!
Tumakbo siya sa banyo upang solusyonan ang problema na kaniyang kinakaharap hanggang masiguradong wala nang magre-react sa pagtulog niyang katabi ito mamaya. Hanggang sa malanta at mapagod ang alaga at umangal ito na wala na itong idudura pa.
At paghiga niya, masyado na siyang pagod at masakit ang kamay upang makaisip pa ng kung ano kaya agad siyang nakatulog.
~~
Nang magising si Kaoru kinaumagahan ay pakiramdam nito ay napaka komportable ng kaniyang pwesto. Nakayakap siya sa mahabang unan at ang ulo niya ay nakaunan din dito. Hindi naman malambot ang unan ngunit komportable iyon at mainit ang singaw habang nakahawak sa bewang niya ang karugtong na bahagi ng inuunanan niya. Idiniin pa niya ang mukha at talaga namang gustong-gusto niya ang amoy ng unan na ito. Pero…
Wala siyang naaalala na ganitong korte ng unan kahit saan?
Maya-maya pa ay naramdaman niya na yumakap sa kaniya ng mahigpit ang unan at hinimas ang hita niya paakyat sa puwitan niya. Mainit na unan na humihimas at pumipisil-pisil. Nakangiting yumakap siya sa unan niya dahil doon. First time na yakapin siya ng unan at gawing talagang napaka komportable. Hindi niya maintindihan pero nararamdaman niyang kinakapos siya ng hininga at parang umiinit ang kaniyang katawan. Hindi pa siya makadilat dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman at hindi pa nag-a-adjust ang utak mula sa pagtulog kung kaya naman hindi pa niya naisip na ang unan mismo ang humihimas sa katawan niya.
Wait... yakap siya ng unan...
Hinihimas ng unan ang puwitan niya na halatang walang saplot sa pakiramdam niya paakyat sa balakang at tiyan… pataas pa sa kaniyang…
Tumataas-baba ang bahagi ng hinihigaan ng ulo niya...
At may matigas na tubo na kumikiskis sa hita niya na nakapatong naman sa ibabaw nito.
"Iwantyoubaby." sabi ng unan niya. May pagkagaralgal at halatang bagong gising. Hindi naman nagsasalita ang unan diba?
Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at tumambad sa kaniya ang matipunong dibdib ng kung sino. Malakas na kumabog ang kaniyang dibdib at parang tatalon ang puso niya. Paano kung r****t ang katabi? O isa sa bodyguards niya na nalasing? Tumingala siya upang mapagsino ang mapangahas na pumasok sa kwarto niya at gawan siya ng hindi maganda habang natutulog. Maamo at gwapong muka ni Zeon ang bumungad sa kaniyang mga mata.
Nanlalaki ang mata na napasigaw siya ng malakas.
"GET AWAY FROM ME! GET AWAY FROM ME!!" sigaw niya na may kalakasan.Tumayo siya upang umalis sa kama ngunit nakapulupot pala sa paa niya ang kumot kaya imbes na tatalon siya ay sumabit doon ang kaniyang paa saka siya bumagsak sa sahig. Paluhod siyang nalaglag at muntikan pa na tumama ang muka sa kanto ng upuan na di kalayuan sa malaking kama.
Sa madaling salita? Nakatuwad siyang nalaglag sa kama.
Hahabulin sana siya ni Zeon upang hindi mahulog ngunit dahil bagong gising din lamang ay hindi nito nagawang pigilan ang katabi sa pagkalaglag. Malalaglag din sana siya kundi lamang maagap na naituon niya ang kamay sa sahig habang ang kabila ay sa gilig ng kama. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay siguradong nalaglag na siya sa parte ni Kaoru na kagabi pa niya nais makita ng malapitan. Ngayon na nasa harapan mismo niya ito ay lalong lumakas ang panalangin niya at pagtawag sa mga diyos na bigyan pa siya ng lakas, kahit konti pa, upang makapag-pigil na gawin ang hindi pa dapat mangyari ng ganito kaaga!
Makinis at maputi habang ang gitna ay kulay pink. Bagay na siya pa lamang ang nakakita dahil kahit may-ari nito ay siguradong hindi iyon nakikita. Alam kaya nito kung gaano kaganda ang part ng katawan niyang ito?
Fuuuuck!!!
LORD BAKIT MO KO SINUSUBOK NG GANITO? I WANNA LIVE!!
Agad namang umupo si Kaoru at itinakip ang kumot sa katawan niya hanggang sa leeg habang nakaupo sa sahig nang maramdaman na nasa likuran niya si Zeon. Namumula ang mukha na hindi siya makatingin sa binatang ngayon ay nakita na ang lahat sa kaniya at harap-harapan pa mismo!
"Uhm- dito ka sa- sa kama, baka masugatan yang..." sabi ni Zeon na nauutal. Hindi nito maituloy ang sasabihin ngunit alam niya ang ibig sabihin nito. Hiyang-hiya at namumula ang mukha na dahan-dahan siyang tumayo at lumipat sa malaking kama. Nasa kabilang dulo naman si Zeon at nakatingin sa kisame habang siya ay nakayuko. Parehong naiilang at hindi malaman ang gagawin. "Awkward." impit na sambit ni Zeon. Pinakiramdamn niya ang sarili, mukang wala namang ginawa ito sa kaniya na hindi nararapat dahil wala namang masakit sa katawan niya.
"I'm sorry about this... morning. You know... morning boner." hingi nito ng tawad habang natataranta. Napangiti naman si Kaoru ng palihim nang maalala ang aksidente sa gate ng Bachelor noon at sabihin nitong buhay ang dugo nito tuwing umaga. At totoo ngang buhay na buhay ito sa umaga!
"I- its okay... tulog ka naman noon," sagot niya. Umaasa talaga ngang tulog ito.
"And I'm sorry about yesterday... it's my fault." hingi nito ng tawad. Napapahiya na napayuko siya. Hiyang-hiya siya dahil napaiyak siya dahil doon, at ang worst pa ay hinimatay siya. Dinaig pa niya ang isang babaeng makaluma na first time nahalikan. Well, iyon naman talaga ang first time niya, naalala rin niya ang ginawa sa kanya ng Tito niya na ngayon ay nakakulong na. Ang dahilan kung bakit nag-panic siya at hinimatay.
"Hey! Hey! Stop it right there... alam ko ang iniisip mo, hindi mo kailangang mahiya dahil wala kang experience! You're still pure dahil doon at mas tumaas ang respeto ko sayo." sabi nito bigla nang mapansin na lumilipad na ang isip niya. Mangha na napatingin siya sa mga mata nito dahil sa mga sinabi nitong iyon. Akala kasi niya ay huhusgahan siya nito. Ngumiti siya at nagpasalamat.
"Thank you.” sagot ni Kaoru. “Simula kasi nang bata pa ako masyado na akong busy hanggang college dahil gusto kong magkaroon ng honor at makatulong kay daddy. Subsob ako sa pag-aaral kaya wala akong experience sa ganyan. Ni hindi ko na nga namalayan na dumaan na pala ang puberty ko. Pagka Graduate ko naman ay mas nasubsob pa ako sa dami ng trabaho sa opisina ni dad, pagdalaw sa mga charity homes, pag-aasikaso sa iba pang bagay." paliwanag niya. Nakatitig ito sa kaniya at siya din dito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngunit parang nahuhulog na ang loob niya dito. Kahit na hindi niya maintindihan ang ugali nito.
Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang galit na si Omi. Sinugod nito si Zeon at binigyan ng malakas na suntok sa mukha. Napatayo naman siya agad dahil sa pagkabigla at parang natulala si Omi ng makita ang itsura niya.
Kinwelyohan nito si Zeon at galit na minura ito.
"You piece of s**t! What did you do to him huh!? What!?" galit na binigyan pa nito ng isang sapak si Zeon at nakita niyang dumugo ang ilong nito. Sinubukan naman niyang pigilan si Omi upang masabi dito na walang masamang nangyari.
"Stop it! Omi stop it!" pigil niyang pilit sa dalawa. Sinubukan niyang pigilan ang mga ito ngunit wala siyang magawa hanggang nagbabalikan na ng suntok ang dalawa. Nalilito rin siya kung ano ba ang ikinagagalit ng dalawa sa isa’t-isa.
"I didn't do anything! Ano bang problema mo!?" tanong din ni Zeon na may halong galit.. Nalilito rin ito at nagtataka sa galit ni Omi.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Dahil wala kang kwenta!" sagot ng kaibigan. Lumapit ito sa kaniya at hinigit siya sa braso palabas ng kwarto at ng bahay. Galit naman na sumunod agad si Zeon nang makatayo ito. Ipinasok siya ni Omi sa loob ng sasakyan nito at nakita niyang humabol si Zeon.
"Omi! Stop! Stop right now!" sigaw nito. Agad na sumakay sa kabilang side si Omi at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan habang natakot naman siya sa ginagawa nito.
"What are you doing? Ibaba mo ko ngayon na!" galit na utos niya ngunit hindi ito nakinig.
"I said stop the car!" sigaw niya muli. Natatakot na siya dahil sa bilis ng patakbo nito at dahil sa nakikitang galit sa mukha nito. Napilitan siyang magseat belt nang lalong bumilis pa ang sasakyan habang humahabol naman si Zeon.
"Ano bang problema mo? Sinabing itigil mo to eh!" Lumingon ito sa kaniya at nagulat siya dahil umiiyak na ito. Hindi niya alam kung anong nagawa at umiiyak ito ngayon.
"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!!” sigaw nito sa kaniya. “WHAT WERE YOU DOING WITH THAT GUY!? SASAKTAN KA LANG NIYA! PLAYBOY S’YA AT GINAGAMIT KA LANG! AKO! AKO MAHAL KITA! MAHAL NA KITA SA NAPAKABILIS NA PANAHON! PERO NOON PA MAN AY CRUSH NA KITA! PERO KAY ZEON KA LAGING NAKATINGIN! GET IT?" Natahimik siya sa mga sinabi nito. Sasagot sana siya nang mapansin nila pareho ang sasakyan na humahabol sa kanila. Mabilis itong magpatakbo kaya binilisan pa ni Omi na lalong nagbigay ng takot sa kaniya. Napahawak siya ng mahigpit sa gilid ng sasakyan at pilit na nagdadasal na huwag silang maaksidente.
"Please Omi natatakot na 'ko." pakiusap niya pero parang wala itong narinig. Tuloy lang ito sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan. Maya-maya ay kasabay na ng sasakyan nila ang sasakyan ni Zeon na pilit humahabol sa kanila.
"STOP THE CAR OMI! IPAPAHAMAK MO LANG SI KAORU!" sigaw ni Zeon. Gusto sana niyang isigaw ang pangalan nito at humingi ng tulong dito ngunit natatakot naman siyang lalong magalit si Omi.
"AT IKAW HINDE? I CONFESS MY LOVE TO HIM! TINANANGGAP NIYA NA AKO KAYA LUMAYO KA NA!" sigaw naman ni Omi.
Nanlaki ang mata niya sa narinig na sinabi ni Omi. Natigilan naman si Zeon panandalian, dahilan upang hindi nito mapansin ang maliit na kariton na nasa harapan nito. Gumewang ang sasakyan nito at sumadsad sa gilid. Sa bilis ng patakbo nito ay tumalsik ang sasakyan ng binata at nakita niyang nagpagulong-gulong iyon sa kalsada.
"NOOO! ZEON!" sigaw niya. Napaiyak siya sa takot ngunit hindi itinigil ni Omi ang sasakyan. Tuloy-tuloy parin ito s mabilis na pagpapatakbo. Ang isang van ng mga body guards niya ay tumigil upang puntahan si Zeon at ang dalawa naman ay tuloy sa paghabol sa kanila.
"Stop the car Omi please! Naaksidente si Zeon. He’s your best friend. Omi please!" pagmamakaawa niya ngunit parang wala itong pakelam. Natataranta na siya at hindi malaman ang gagawin. Hindi niya akalain na ganito kalalim ang nararamdaman ni Omi at hindi niya makuha kung alin sa mga nangyari ang ikinagagalit nito. Kung tutuusin ay ang dalawa ang may kasalanan sa kaniya at siya ang dapat na magalit sa mga ito.
"Let him die then." sagot nit na pabalewala. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, na parang wala lang dito ang kaibigan nito.
"He's your bestfriend for f**k's sake! Please Omi... please." pagmamakaawa niya, ngunit hindi ito tumigil. Hanggang sa nawala na sa pagsunod sa kanila ang mga bodyguards niya ay hindi pa rin ito tumigil. Nailigaw na nila ang mga ito at hindi na rin niya alam kung nasaan na sila. Wala siyang magawa kundi ang umiyak na lamang.
"Stop thinking about him... he probably died in that accident anyway." mahinang sabi nito.
Matinding takot ang naramdaman niya. Hindi niya maipaliwanag ang tindi ng kaba at takot na bumabalot ngayon sa puso niya. Ang isipin na wala na si Zeon ay talagang hindi pala niya kaya. Iniisip niya na talaga nga sigurong may nararamdaman siya para kay Zeon dahil sa takot na nararamdaman niya na wala na ito? Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang. Naramdaman niyang tumigil ang sasakyan at niyakap siya ni Omi. Hinayaan lamang niya ito dahil natatakot siyang baka magalit ito at saktan siya
Please Zeon... be safe! Be safe!
Taimtim niyang dasal.
"I'll take care of you, bukas babalik na rin tayo. Gusto ko lang na makasama ka." sabi nito makaraan ang ilang minuto na katahimikan.
"You said you love me." sabi niya sa flat na tono.
"I did." sagot naman nito.
"Pero bakit ginagawa mo ito?" tanong niya.
"Gusto ko lang makasama ka." sagot nito muli.
"Sa ganitong paraan? How nice." wika naman niya na pasarkastiko.
"Sarcasm doesn't suit you." wika nito.
"I wanna go home... please." pagmamakaawa niya.
"Uuwi tayo... after you surrender and give yourself to me completely."
Natahimik siya sa sinabi nito, hindi siya makapag salita. Ibig sabihin, upang makauwi siya at makabalik sa kanila... kailangan niyang...
"What do you mean?" Ngumisi ito sa kanya.
"Uuwi tayo. After you admit that you love me and after we made love, we have s*x, after we f**k, after I take you completely and after you become mine." Isa-isang tumulo ang luha niya sa mga narinig. Hindi niya magagawa ang gusto nito. Never.
"Isusumbong kita kay Aren." bulong niya.
"Aren cannot touch me." nakangising sagot nito.
“You wish.” sagot naman niya.
Zeon didn't even try to touch him intentionally buong gabi na katabi niya ito. Wala siyang malay at pwede nitong gawin ang gusto nito. Wala itong ginawang hindi maganda maliban doon sa umagang wala ito sa sarili.
But Omi was forcing him now, forcing his love, forcing him to give himself ng ganoon na lamang.
"Don't do this to me Omi... please." pakiusap niya.
"I will do what I want. Mahal mo ko alam ko yon at natatakot ka lang kay Zeon. I know you love me, please tell me you do, I can't lose you." sagot naman nito na parang wala nang pakialam.
"I can't force myself! I don't love him either, we're just good friends, and I don't love you Zaragosa." sagot naman niya dito. Totoo naman. Goodfriends na sila ngayon ni Zeon. Hindi naman sila, hindi rin naman siya nililigawan nito, hindi rin ito nagtapat sa kaniya at hindi rin niya mahal si Omi.
"Then may chance pa ako. Let me show you how much I love you." wika ni Omi. Ipinarada pala nito sa isang liblib na lugar ang sasakyan at nakaramdam siya ng takot ng humarap ito sa kaniya.
"Omi anong gagawin mo?" tanong niya habang pilit binubuksan ang sasakyan.
"Please Kaoru. Give me a chance." wika nitong muli sabay yakap sa kaniya nito ng mahigpit. Wala naman itong ibang ginagawa maliban sa pagyakap nito. Matapos ang ilang sandali pa ay bumitaw na ito at nagpakawala ng buntong hininga.
"Omi..." bulong niya habang napapabuntong hininga.
"We're going back. I can't bear to see you cry. Gods why am I doing this?" wika nito habang nakatungo sa manibela. Handa na silang umalis nang malakas na bumangga ang isang sasakyan sa likuran nila. Paglingon nila sa likod ay si Zeon iyon gamit ang sasakyan niya. May dugo ito sa mukha na nanggagaling sa ulo nito. Bumaba ito sa sasakyan at sinipa ang pinto sa side ni Omi ng makalapit ito sa kanila. Bumaba naman si Omi ngunit hindi pa ito nakakababa ng husto ay inundayan na ito ng suntok ni Zeon. Bumagsak ito pabalik sa loob ngunit agad na tumayo at sinugod ng suntok si Zeon. Bumaba siya para pigilan ang dalawa ngunit agad siyang hinarang ng mga body guards.
"Zeon! Omi! Tama na yan! Don’t be stupid!" galit na sigaw niya. Inutusan niya ang mga bodyguards na pigilan ang dalawa na ginawa naman ng mga ito. Bumagsak paupo si Zeon kaya agad niya itong nilapitan.
"Are you alright? Zeon? Dadalhin kita sa ospital." tanong niya dito na may halong pag-aalala. Pilit niya itong inalalayan ngunit hirap itong tumayo kaya ang mga bodyguards na ang tumulong dito. Hinigit naman ni Omi ang braso niya mula sa bodyguard niya na naka hawak doon. Hihilahin sana siya palayo nito ngunit tumigil din ng humakbang nang isa ang mga bodyguards niya habang nakalabas ang mga baril. Nakatutok kay Omi at handang pumatay.
"I'm gonna court you properly Kaoru, at patutunayan ko sayo na mas nararapat ako sayo kesa sa walang kwenta na ‘yan!" wika ni Omi na nakaduro kay Zeon bago ito tumalikod. Ngunit bago pa ito nakaalis ay may idinugtong pa ito na patungkol sa kaibigan nito.
"I hate you Zeon, I despise you, and we’re not friends anymore... We’re enemy... mortal enemy." dugtong nito bago tuluyang sumakay sa kotse nito at umalis.
Damn, sumali nalang kaya ako sa selection? Ano kayang iisipin ng mga tao?
Ang tanging nasa isip ni Kaoru noong mga oras na iyon.
~~
Side story:
Nasa kainan ng club sina Kouji, Aki at Danielle at nagmemeryenda. Pare-parehong naluging intsik ang itsura ng mga ito at halos hindi makakain. Paano ba naman? dalawang malaking bagyo ang dumating sa kanila. Ang una ay malakas na ulan ngunit ang ikalawa ay bagyo at lindol na may kasamang kulog at kidlat.
Ang una? Si Reiko na ate ni Zeon habang galit na pinagbubulyawan silang lahat. Binantaan silang isasabotahe ang buong Bachelors dahil nakatanggap pala ito ng balita na nag-aalangan si Aurelio na tanggapin ang proposition ng mga Nakajima. Bakit?
Dahil kaibigan ni Aurelio si Kaoru.
At damay silang lahat dahil lahat sila ay may part sa malaking kalokohan na ito.
Ang ikalawa?
Si Aurelio mismo. Bagyong dumating na hinarap silang lahat na nag-iisa at walang kasama. Alam nilang lahat ang umiikot na balita sa pagkatao nito. Na pumapatay ito pati ang kambal na nakababatang kapatid. Pati mga pamangkin nito at mismong katulong sa bahay ay ganoon din.
Sa madaling salita? Pamilya ng mga killers ang mayamang angkan. Kakabasa lamang nila sa isang sikretong blog. Talagang hinanap nila upang malaman kung anong klaseng tao ba ang makakabangga nila, sakali man na harapin nila si Aurelio. Plano nila ay biglain nila ito kasama si Zeon ngunit kasalukuyang wala si Zeon at Omi. Kaya sila na lamang ang kumilos at naghanap ng balita tungkol dito. Hindi nila inaasahan ang matutuklasan. Networth pa lang ni Aurelio ay super taas na at kagaya ng mga Montenegro ay kaya silang tirisin gamit ang yaman.
"Sabi ng Mama ko ay naka-meet na niya yung batang kapatid n’yan sa Japan. Mabait daw at matulungin, hindi nahihindian ni Aren. Kapag siya ang kinausap natin na labanan ang plano ng kuya nito ay hindi makakahindi si Aren." kagat labi na sabi ni Kouji. Parang asong umiiyak naman si Aki.
"Ang tanong, makakalapit ba tayo sa babae na ‘yan? Mukhang mas mahigpit pa sa guards ni Kaoru ang bantay n’yan eh.'' sagot naman ni Dan na nakasabunot sa buhok. Nasa harapan nila ang nakalap na litrato ng buong pamilya ni Aurelio, at ayon sa blog ay hindi sila magkakadugo.
Nasa gitna si Aurelio at nakaupo, habang nakatayo sa magkabilang gilid nito ang dalawang magandang kambal. Sunod ay magkakasunod na ang lahat ayon sa estado ng bawat isa sa pamilya.
"s**t Dan! Ang ganda nila, bakit hindi natin pormahan? Sa gayon kapag napa-in -love natin, walang magagawa si Aren dahil siguradong pakakasalan tayo ng mga yan! Isipin pa lang na Aurelio ang pakakasalan natin." wika ni Aki. Excited at todo ang ngiti. Sumesenyas pa ang kamay na exaggerated ang lahat ng sinasabi. Ngumisi naman ng makahulugan si Kouji.
"Do it... Ligawan n’yo yung dalawa. Believe me, lalakas ang impluwensya n’yo." sabad ni Kouji, ngunit sa isip isip nito ay malademonyo ang tawa.
Tingnan natin kung pumayag si Aurelio na kahit anino n’yo dumikit sa dalawa. Mwahahaha!
Samantala, tuloy ang pagpaplano ng kambal kung paano aksidenteng makakabungo ang kambal ng mga Aurelio.
Poor Dan and Aki, hindi n’yo alam na mas magaling pumatay ang dalawa kesa sa mga bodyguards ng mga ito. And besides, lalake sila pareho.