Si Kaoru ang nagbabantay sa ospital noong dumating ang dalawang kapatid ni Zeon. Agad na sumugod ang dalawa sa ospital nang malaman ng mga ito ang balita ng pagkaka-aksidente ng kapatid. Nagulat pa ang mga ito ng makita siya doon na nagbabantay at hindi ang best friend nitong si Omi. Niyaya niya si Reiko na bumili ng makakain upang masabi na rin dito kung ano ang nangyari at kung bakit siya ang nagbabantay sa kapatid nito at hindi ang best friend. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito dahil baka sisihin siya nito sa nangyari. Pero sa isang banda ay nagagalit din siya sa dalawang iyon na nagdala ng gulo sa buhay niyang dating tahimik.
"Omi was... and is a sadist inside.” sabi ni Reiko. “He's always been, kahit noong bata pa siya. Nagtataka nga ako sa dalawang yan kung paano nagkakasundo sa kabila nang pagkakaiba. Oo, maraming negative attitude ang kapatid ko pero... hindi niya kayang gawin ang mga magagawa ni Omi. May bad experience kasi yang mga yan noong bata pa. Siya, ang kapatid ko at si Kouji, pero walang nagsalita kung ano ba talaga ang nanyari doon sa pinagkulungan sa kanila. Simula noon nagbago na ang ugali ni Omi. It’s like, something inside him snapped." kwento sa kaniya ng kapatid ni Zeon matapos niyang ipaliwanag dito ang buong nangyari at pag-aaway ng dalawa. Nalaman din niya na noong mga bata pa ang mga ito, madalas na mag-gala ang tatlo at pupunta kung saan-saan hanggang sa mapunta sila sa isang private property. May nakapag sabi lang sa kanila na kinulong sila doon ng may-ari dahil nag trespass sila sa loob. Hiwa-hiwalay sila ng pinag-kulungan at tapos ma-rescue ang mga bata ay napansin nilang unti-unting nagbago si Omi, hanggang hindi na nawala dito ang ugaling iyon.
Nalungkot siya sa nalaman. Naranasan na rin niya na maikulong sa isang private property nang bata pa siya noong kidnapin at dalahin siya doon ng Tito niya na gustong makuha ang kayamanan ng kaniyang Daddy. Pero hindi na niya naaalala pa ang ibang detalye ng nangyari maliban sa pagtatangka nito sa kaniya upang gantihan ang kaniyang ama. Ang huling naalala niya ay nauntog ang ulo niya habang lumalaban dito at ang alam niya ay pinigil ng daddy niya ang mga impormasyon ng buong pangyayari at hindi na rin niya pinilit maalala pa iyon. Ang alam lang niya ay traumatizing experience iyon na ayaw na niyang balikan pa.
Matapos kumain ay nagpa-take-out sila ng pagkain para kay Zeon at sa bunsong kapatid nito. Hindi pa siya agad umalis dahil gusto niyang bantayan ang binata hanggang masiguro niyang ligtas na ito. Hindi na rin gaanong nagtagal ang dalawa sa ospital dahil may pasok pa si Lowell at kailangang bumalik sa opisina si Reiko kaya nagprisinta siya na siya muna ang magbabantay sa binata. Tutal hindi naman niya kailangan pumunta palagi sa opisina dahil nandiyan naman ang mommy at daddy niya pati na si Vaughn at Mark.
Sinabi ng doctor na ayos na ang binata matapos itong muling check-up-in at himalang wala itong tinamong malalang pinsala maliban sa mild concussion at ilang pasa sa katawan sa kabila ng tindi ng pinsalang inabot ng sasakyan nito.
May sa demonyo talaga!
Dahan-dahang umupo siya sa gilid ng kama ni Zeon. Hindi parin nagigising ang binata simula nang mawalan ito ng malay pag-alis ni Omi. Tinititigan niya ito sa mukha at talaga namang napaka gwapo nito at maamo ang mukha... kapag tulog. Kapag gising naman ay daig pa ang anak ni satanas sa kapilyuhan at kamanyakan. Napangiti siya dahil hindi niya akalaing aabot ng ganito ang simpleng aksidente na nangyari noon sa bar. Hinawi niya ang buhok nito sa muka habang inaalala ang mapusok na halik na ibinigay nito sa kaniya. Tinitigan niya ang mga labi nito na nitong nagdaan lang ay halos kainin na siya ng buo. Dahan-dahan niyang inilapit ang muka sa mukha nito at ipinikit ang kaniyang mga mata hanggang sa dumampi ang labi niya dito. Simpleng halik na nagbigay ng kuryente sa buong katawan niya.
"Sabi ko na nga ba at ka at gusto mo na rink ako." Napadilat siya bigla at muntik malaglag sa higaan nang magsalita bigla ang lalaking hinalikan. Dahil doon ay nasagi niya ang tubo na pinagsasabitan ng dextrose nito at bumagsak sa sahig at nahigit ang karayom na nakakabit sa braso nito.
"Aaaaahhhh! It hurts. Please don’t kill me." sigaw nito. Agad niyang itinayo ang sabitan ng dextrose na natumba at natataranta na lumapit dito. Hindi niya malaman kung saan ito hahawakan na hindi ito masasaktan.
"Are you alright? Sorry, so sorry, ikaw kasi ginulat mo ‘ko. Bakit ka kasi nagising? Are you okay? Does it hurt?" hingi niya ng tawad habang hawak ang pisngi nito. Nakapikit naman ang mata nito at labis na iniinda ang sakit.
"Napaka clumsy mo talaga... ouch! papatayin mo ko sa hirap. Buti sana kung mamamatay ako sa- ARAYYY!" sigaw nito muli. Hindi nito naituloy ang binabalak sabihin pa ng pisilin niya ang braso nito na may pasa. Malakas naman na napasigaw ito at nabitawan ang pisngi ng pang-upo niya na nasa mga daliri nito.
"Masakit ba? Gusto mo isa pa?" tanong niya dito sa malambing na tono. Umiling naman ito at umungol na parang asong nasasaktan. Natawa siya dahil sa ginawa nito ngunit bigla naman naging seryoso ang mukha nito.
"How are you? Are you alright? Sinaktan ka ba ni Omi?" tanong nito sa kaniya. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito at dinig sa tono. Really, ito pa ang nag-aalala sa kaniya eh sya nga itong basag ang bungo? Umiling na lamang siya at binigyan ito ng matamis na ngiti.
"Don't worry about me, ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Tingnan mo nga yang sarili mo, muntik nang mabasag yang bungo mo.” sagot niya dito na natatawa. Hinawakan nito ang kamay niya at idinikit sa pisngi nito, dinadama ang init na inilalabas niyon.
"Kahit ilang beses pa na tumama ang ulo ko, kahit ilang beses pang bumaligtad ang kotse ko... kung kinakailangan kong mabasagan ng bungo, I'll gladly do it para masiguro na ligtas ka." sagot nito sa seryosong tono. Namula ang mga pisngi niya sa mga sinabi nito. Hindi malaman kung babawiin ba ang mga kamay dito o dadamahin ang pisngi nito. Bandang huli ay hinayaan na lamang niya ang kamay na hawak nito.
"I- Thank you. Thank you so much, pati yung sa ginawa mo na kahit nasaktan ka... sinundan mo parin ako." sabi naman niya dito. Talagang na touch siya sa ginawa nito na iyon. Halos mawasak na ang sasakyan nito habang nasa loob at gumugulong iyon. Dumudugo ang ulo at halos mamatay na dahil sa aksidenteng iyon, pero sinundan parin sila nito upang masiguro na ligtas siya. Nagiguilty din naman siya para kay Omi pero dahil pinilit din naman nito na mapalapit sa kaniya, lagi lang nabubulilyaso.
"Ayokong masaktan ka,” sabi naman nito. “ayokong umiiyak ka, ang gusto ko nakangiti ka. Ang gusto ko... ang gusto ko... dammit! Gusto ko ligtas ka... itoshii." sagot nito sa sinabi niya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi nitong iyon. Fluent siya sa maraming lengwahe bilang isang tagapagmana ng mayamang pamilya. Isa sa mga Japanese language ang kailangan niyang aralin kaya naintindihan niya ang sinabi nito. Lalapit sana ang mukha ni Zeon sa kaniya nang bigla siyang mapapikit. Pakiramdam niya ay napuwing kaya kinusot niya ang mata ngunit masakit pa rin iyon. Parang may nakabara doon na hindi niya maintindihan kaya tinanggal niya ang bagay na naroon gamit ang kaniyang daliri. Saka niya naalala na hindi pa niya natanggal ang bagay na naroon kahapon pa. Kaya pala sumasakit ang kaniyang mata at nangangati. Natulog pala siya na suot iyon at mabuti na lamang hindi iyon naimpeksyon.
"Wow... your eyes!" wika ng binata na manghang-mangha. Magtataka na sana si Kaoru nang maalala ang dahilan ng pagkamangha ng binata.
"Oo, sa side ng father ko nakuha, may dugong German kasi siya.” sagot ni Kaoru. “Tinatago ko kasi masyadong nag i-stand-out. Saka, si Tito kasi, hindi na niya alam ang itsura ko kaya tinatago ko ang mata ko. Iyan din ang dahilan kung bakit ako nagpink na buhok. Ang alam niya ay wala na yung tunay na anak at ampon na lang ako. Ang alam niya ay namatay ako noong kidnap-in niya ako dati." Sagot niya, ngumiti ito at tumitig sa kaniya.
Tinanggal niya ang isa pa saka tumitig sa mata ni Zeon.
Si Zeon na ngayon ay nahuhulog na ang loob niya.
Si Zeon na tanging nakakaalam ng tungkol sa mga mata niya.
~~
Tahimik na nakakulong lamang si Omi sa kwarto niya. Kanina pa siya kinakatok ni Francoi pero hindi niya ito sinasagot. Tahimik lamang siyang lumuluha. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa niya iyon kay Kaoru. Nakita niya kung paano ito natakot sa kaniya at hindi niya ginustong gawin iyon pero nang malaman niya na sa bahay ng mga Nakajima ito dinala ni Zeon ay matinding galit ang naramdaman niya. Hindi niya maintindihan ngunit may mga pagkakataon talaga na kapag nagagalit siya ay hindi niya mapigilan ang sarili. Nagsimula lamang naman ito noong bata pa sila, noong ikulong sila ng may-ari ng malaking property na pinag-taguan nila sa madilim na kwarto na nasa dulo ng malaking-malaking bakuran. Salbahe ang may-ari niyon at walang pakialam kahit sino ang masaktan nito. Hindi nila akalaing naroon ang matanda nang magtago sila doon. Sa pinaka basement sila dinala ng matanda at pinag hiwa-hiwalay sila ng kwarto.
Hindi niya napansin na may kasama siyang batang lalaki sa basement na pinagdalahan sa kaniya. Mas maliit ito sa kaniya at mukang mas bata sa kaniya ng dalawang taon. May pagkakulot ang itim nitong buhok. Muka itong babae sa totoo lang at nalaman lang niyang lalaki ito dahil sinabi nito.
Naalala rin niyang kinausap niya ito upang pagaanin ang loob nito at huwag nang matakot. Nang tanungin niya kung bakit ito naroon ay sinabi nitong tinangay ito ng Tito nito at dinala doon. Noong bumalik ang may-ari ng property ay lumapit ito sa bata at kukuhanin ito ngunit hindi siya pumayag. Sumisigaw at nagmamakaawa ang bata na pakawalan ito. Umiiyak sa takot at nanginginig sa sobrang kaba at pangamba. Sinubukan niya itong tulungan ngunit mas malakas ang matanda sa kaniya. Pinilit niyang iligtas ang bata ngunit siya naman ang pinagbuntunan ng Tito nito. Noong matapos siya nitong saktan ay lumapit ito sa bata at wala siyang magawa kundi ang umiyak na lamang sa nakikita. Hinuhubaran nito ang batang lalaki at hinahalikan kung saan-saan. Dahil bata pa siya, wala siyang magawa kundi ang umiyak at mag takip ng mata para sa batang iyon na labis na nakararanas ng sakit. At nang mga oras na iyon, alam niyang malaki ang nagbago sa kaniya. Namulat siya sa karahasan ng ibang tao na walang ibang nais gawin kundi ang manakit ng mga inosenteng bata. Kinimkim niya ang matinding galit habang pilit na nagagalit sa sarili dahil sa kaniyang kahinaan.
Nawalan siya ng malay noon dahil sa sobrang galit, pangamba, pagkaawa, pagkamuhi at halo-halong emosyon na kaniyang naranasan. Hindi na niya alam ang mga sumunod pang pangyayari matapos niyang mahimatay habang pinanonood ang batang lalaki na ginagawan ng masama ng isang matandang dapat ay pumoprotekta dito. Hindi niya nalaman ang pangalan ng bata at kung ano ang nangyari dito. Mukhang foreigner ang bata at isa lang ang naaalala niya matapos ang masakit na gabi na iyon.
Ang berde nitong mga mata.
Ngayon lang niya naisip na baka half-german ang batang iyon. Naalala pa niya kung paanong sinubukan niya na hanapin ang batang iyon pero hindi niya nakita ito kahit saan . Pinilit rin niya sa mga pulis na may isa pang bata na kasama siya sa basement na ni-r*pe ng matanda. Naalala niya kung paanong parang namutla ang hepe ng pulis nang sabihin niya iyon at kunwaring walang nadinig na umalis sa harap niya. Pagkatapos noon ay hindi na niya na-trace pa ang bata at wala rin sa mga nagreklamo ang pangalan nito o ano mang nangyari dito. Wala din sa listahan ang tungkol sa isa pang bata kasama niya o anu mang impormasyon tungkol doon. Pero may isa pang separate na reklamo na nasa confidential ang hindi niya napansin agad noong araw na iyon. At dahil bata lamang siya ay hindi siya sineryoso ng mga pulis na sinubukan niyang hingan ng tulong.
Bata pa lamang siya ay matalino na siya kaya napagtanto niya na ang separate na kaso ay reklamo ng batang kasama niya sa basement. Walang tao noon at binuksan niya ng bahagya ang log book at doon nga niya nabasa, tumambad sa kaniya ang bagay na kinatatakutan niyang baka ginawa ng matanda sa batang kasama niya sa basement. Ang nakalagay na reklamo doon.
R*pe case
Child molestation
Child abuse
Kidn*pping
Murder
Ibig sabihin ay may pinatay ang matandang lalaki noong araw na iyon na ikulong sila doon sa lugar na iyon. Dahil hindi na nagpakita pa ang bata o nahanap ay naisip niya na iyon na nga ang kasong murder. Pinatay ang batang lalaki na may berdeng mata.
Naalala pa niya kung paano siya umiyak sa mga nalaman. Sinubukan siyang isali ng Momsie niya sa programa na nag-aalaga at gumagamot sa mga batang may trauma na kagaya niya. Umayos naman ang nagsisimula na sanang masirang batang pag-iisip niya. Pero hindi nito nagamot ang katotohanan na wala siyang nagawa para sa batang iyon na siguradong pinagsamantalahan at pinatay na walang awa. Hindi niyon nagamot ang sakit na naramdaman niya noon at pagkamuhi sa sarili.
Simula noon ay wala na siyang pakialam sa ibang tao, kahit si Zeon pa. Kapag may ginusto siya na nagkataon na gusto rin nito ay lumalaban siya hanggang sa naging competition na nila sa isa't isa ang talunin ang bawat isa. Madalas itong manalo, minsan siya, minsan naman ay nagbibigay ito kapag nawalan ito ng gana sa gusto nila hanggang sa makahanap ito ng bagong gugustuhin na naisip niyang gusto din niya. Kahit sa company nila nang minsan na siya ang paghandle-in ng popsie niya. Nagkataon na ito din ay iisa ang project na kailangan makuha.
Dahil mas may experience siya at si Zeon ay happy go lucky ay nakuha niya ang project.
Pero ngayon na may iisa nanaman silang gusto, hindi siya papayag na manalo ito. At ang Mark na iyon na nagtatrabaho sa background upang protektahan si Kaoru. Hindi niya alam kung sino ito at kung anong gusto nito. Ilang beses na rin siyang pinagbantaan nito at ilang beses na nitong hinarang ang dinner date invitation niya kay Kaoru na wala ni isa manlang ang nakarating.
Nalaman niya dito mismo na lahat din ng invitation ni Zeon ay hindi nakakarating dito at lahat ng pagkikita ng dalawa ay purely accidental. Na-curious siyang bigla sa Mark na iyon, kung sino ito at kung bakit nito ginagawa iyon.
At higit sa lahat.
Bakit mukhang mas galit ito sa kaniya kesa kay Zeon?
But never mind that, mapapasakanya si Kaoru kahit na anong mangyari.
Kinuha niya ang lumang litrato na ibinigay sa kaniya ni Francoi nang magpunta ito sa bahay ng secret friend nito na alam naman niya kung sino. Nahalungkat daw nito iyon sa isang lumang album at naisip na kunin bilang remembrance ng kaibigan nito. Ang nasa litrato ay batang lalaki na curly ang itim na buhok, nakangiti ito at kitang-kita ang bright green eyes.
Ibinaligtad niya ang litrato at binasa ang pangalan na nakalagay doon.
I found you atlast...
I will never let anyone touch you again like that…
No one can hurt you again…
I'll protect you this time…