CHAPTER 9

3373 Words
Kaoru's p.o.v Dalawang linggo na rin ang dumaan mula nang ma-ospital si Zeon. Walong araw din itong nanatili doon at sa walong araw na iyon ay dumadalaw-dalaw si Kaoru upang siguruhin na maayos na ang lagay nang binatang Nakajima. Ilang ulit ding dumalaw ang miyembro ng bachelors at ilang kakilala maliban sa isa ng mga ito maliban sa isang tao na alam ni Kaoru na hinihintay ng binata. Ang best friend nitong si Omi. Isang beses ay nakasabay niyang dumalaw ang iba pang main members ng Bachelors. Sa elevator pa lamang ay wala nang imikan ang lahat. Si Kouji ay palingon-lingon lamang sa kaniya na parang may gustong sabihin na hindi nito masabi. Hindi man ito magsalita ay alam niyang si Vaughn ang hinahanap nito at nahihiya lamang. Habang sina Dan at Aki ay parang may galit na kinikimkim na hindi niya maintindihan. Nakatingin ang dalawa sa harapan kung saan aninag siya dahil nasasalamin siya ng pintuan niyon at kita niya ang masamang tingin ng mga ito habang nakatingin din naman ng masama dito ang tatlong bodyguard niya na nasa kaniyang likuran. Hanggang sa kwarto ni Zeon at sa makaalis sila nang sabay-sabay ay dama pa rin ang tensyon sa paligid. Nakahinga lamang siya nang makasakay at makaalis na sa lugar na iyon. Sa huling araw nito sa ospital ay hindi siya nakadalaw dahil um-attend siya ng meeting na hindi siya dapat mawala. Tumatawag ito at nagtetext ngunit hinadi naman niya magawang sagutin dahil sa sa dami ng gawain na ilang araw din niyang hindi pinansin. Sa gitna ng meeting ay may labindalawang kalalakihan na naka black suit at may dalang labindalawang basket ng rosas na kulay pula ang dumating at tuloy-tuloy na pumasok sa conference kung saan niya pinakikinggan ang mga report na ginawa ng kaniyang mga tauhan at mga bagay na nangyari sa kumpanya nang mga nagdaang araw. Natahimik at napanganga ang lahat nang isa-isang pumasok sa loob ng conference room ang mga ito. Nais na yata niyang lunukin ng lupa noong oras na iyon dahil sa mga sumunod na nangyari. Humanay ang mga ito sa buong conference room at bawat isa ay may dalang bouquet ng bulaklak. Bawat bulaklak ay may nakatayong card na nakasulat: I'm sorry I miss you I want you I need you You're my world Please forgive me I'll be your knight I'll be your soldier I'll protect you Please be mine I'll be yours My Kaoru Maya maya pa ay may labindalawa na lalaki muli na naka kulay pula na t-shirt naman ang dumating na may dalang labindalawang basket ng red roses din. Bawat isa ay lumapit sa harap niya at bawat t-shirt ay may nakasulat na ipinabasa pa sa kaniya. You're bright You're cheerful You're the sun You're the moon You're the flower You're the water You're my sunshine You're my rain You're my life You're my everything You are Kaoru You are MINE Pagkatapos noon ay isa-isang lumapit sa basket na dala ang mga lalaki at may binuksan sa ilalim, biglang nagliparan ang mga paro paro na may iba-ibang kulay na nagliparan at nagpaikot-ikot sa paligid. Hindi naman nagpatalo ang mga lalaking naka suit dahil nag magic ang mga ito at nagbagsakan ang mga confetti mula sa itaas. Nais man niyang ngumiti ay hindi naman niya magawa dahil una, labis na naantala ang meeting na kailangan nilang tapusin at ikalawa… Nagmukha siyang babaeng nililigawan ng dalawang mayaman na binatilyo mula sa mga mayayaman na pamilya. Sabay na bumukas ang dalawang pintuan sa conference room at iniluwa niyon ang dalawang tao na sa mga oras na ito ay hinding hindi niya gugustuhing makita! Ang isa na malapit sa kaniya na pintuan ay si Zeon ang iniluwa. Nakasuot ito ng pulang tshirt na may nakasulat na “I'm yours.” At sa kabila naman ay si Omi. Naka black suit ito at may hawak na card na may nakasulat na “Be mine.” Nakangiti lamang sa kaniya ang dalawa habang hindi naman niya malaman kung tatakbo ba palayo o hihingi ng tulong hanggat maaga. At matapos ang ilang segundo na paghihintay ng dalawa ng reaksyon niya at pag-iisip niya ng gagawin ay kumamot na siya sa leeg. Kumunot ang noo niya dahil alam na niya ang susunod na senaryo ng pagkamot niya sa leeg. Tapos ng ilang Segundo ay nagkakamot na siya sa pisngi, at sa braso, sa leeg, sa tiyan… He hates confetti!! At alergic siya sa butterfly!! Biglang muling bumukas ang pinto at nagmamadaling agad na pumasok sa loob si Vaughn kasunod ang lahat ng kaniyang bodyguards habang nag-uutos na, “Quick! To the hospital quick! This meeting will continue soon! Sanitize this room now!!!” utos nito sa kung sino. At bitbit na siya palabas ng head bodyguard palabas ng conference room matapos niyon. Kasunod ng mga ito si Mark na nang makita siyang hirap huminga ay agad siyang kinuha sa bodyguard at ito ang nagbitbit sa kaniya para dalahin sa ospital. ~~ YOU FAILED!!! Ang nakasulat sa isang karton na nakasabit sa pintuan ng kwarto ni Kaoru sa ospital in bold letters pa upang mabasa ng dalawang asungot na walang ginawa kundi ang magbulyawan sa labas ng kwarto nito. Nang dahil doon ay biniitbit sila palabas ng mga hospital guards at bodyguards ni Kaoru upang makapagpahinga ang isa na walang naririnig na kung anong ingay mula sa mga ito. Pakiramdam ni Kaoru ay nakahinga siya nang tumahimik ang paligid at mawala ang dalawang lalaking hindi niya malaman kung ano ang pinag-aawayan. Matapos ang isang linggo sa hospital at nang tuluyang gumaling ay nagpahanda siya ng isang lunch meeting na ginanap sa isang five star restaurant para sa mga importanteng tao. Galing New York ang anim na kausap niya upang mapag-usapan at maisara ang deal na gagawin nila sa housing project bukod pa sa project na para sa mga naging biktima ng nagdaang sakuna. Seryoso ang lahat at iniingatan niya ang makagawa ng kahit na konting pagkakamali dahil ayaw niyang mapahiya sa mga kausap. Ang gusto kasi na kausap ng mga ito ay ang Daddy niya na kasalukuyang wala sa bansa at hindi rin mapaunlakan ang hiling ng mga ito. Dumating na magkasunod sina Zeon at Omi, in their most respected corporate attire. Medyo nahihirapan siya sa mga demands ng mga kausap niya noon pero alam niya ang dapat gawin upang paikutin ang mga ito at masunod ang nais niyang gawin na hindi magdadalawang isip ang mga kausap. Because Kaoru Montenegro is a secret puppeteer. Pero nang dumating ang dalawa, tinake-over nila ang meeting na lalong nagpagulo sa usapan at nauwi sa away nang dalawa at bantaan ng p*****n. Nagkataon na nakakaintindi ng tagalog ang isa dito at natakot sa kanila. Nag-urungan ang lahat ng kadeal niya at akmang tatayo na upang umalis at kanselahin na ang deal na malapit na sana niyang isara. To the rescue muli si Mark na agad pinatangay palabas ang dalawang lalaki at tinake-over ang meeting. Salamat na lang at naayos nila agad ang sitwasyon at sinabi ni Mark na manliligaw niya ang dalawa na nagpapasikat kung sino sa dalawang ito ang nararapat para sa kaniya. Nagtawanan nalang ang mga ito at tinanggap ang terms nila dahil cute daw ang sitwasyon niya. Saloob-loob naman niya ay hindi siya natutuwa na maisasara lamang niya ang deal dahil “CUTE!” daw ang sitwasyon niya! "Oh I think that's sweet." Sabi ng isa. "The silver haired one is good for you." sabi ng isa pa na binigyan niya ng pekeng ngiti. "No I think the dark haired one, He's the type to carry you protectively everywhere." sabi naman ng isa pa na kinikilig yata. Ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito. Kunwari ay tatawa at iiling habang nakahawak naman ng mahigpit ang mga daliri niya sa tagiliran ng kaniyang pinsan na tagilid na ang ngiti dahil sa sakit. "I think none of them fit Him. He's born to be a priest." sagot ni Mark na tatawa-tawa. Sabay sila nagpaalam matapos ang ilang minutong kwentuhan. Madami pang gagawin sa opisina kaya nag-alisan na sila lahat habang ang mga ito ay tumatawa pa. Natapos rin naman na tagumpay ang business deal na muntik mauwi sa wala kundi lamang sa biglaang pagdating ng kaniyang pinsan. Iiling-iling si Mark habang napapabuntong hininga na lamang siya matapos utusan ang sekretarya na ilagay ang bill sa kumpanya. Paglabas nila ay higit siya sa braso ni Mark at ang dalawang may kagagawan ng kaguluhan ay naghihintay sa magkabilang side ng gate ng restaurant ngunit hindi makalapit. Nakapalibot kasi lahat ng bodyguards niya na galit sa dalawa dahil sa nakaraang sunod-sunod na aksidente at ilang sitwasyong muntik siyang maaksident ng mga ito. Sa lahat ng iyon ay napapabuntong hininga na lamang siya at hindi malaman kung ano ang gagawin upang matigil na o mabawasan man lang nag problemang dala ng mga ito. Nakayuko siya habang umaandar ang sasakyan dahil ayaw muna niyang makita ang mukha ng dalawang ilang beses nang naging sagabal sa kaniyang trabaho. Ang sumunod naman na nangyari ay nang yayain niya ng isang romantic date si Cassey sa isang mamahaling restaurant. Gusto niyang makausap na ito at makahingi ng tawad hindi lamang sa nangyari sa club kundi pati na rin sa pagbibigay niya dito ng false signal. Habang naroon ay hindi nila alam na may media pala na nagco-cover ng luxury restaurant pati ang may-ari niyon. A not so romantic date. Naisip niya. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa dating eskwelahan at mga kaeskwela. Nirerelax muna niya sana ang kaharap bago sabihin ditto ng pakay nang maputol ang kanilang usapan nang may mga musikero na tumigil sa kanilang lamesa. Tinugtog nito ang kantang I see the light at nagulat siya dahil hindi siya nagpahanda noon dahil hindi naman siya gaanong sanay sa mga romantic settings gaya niyon. Kita ang saya sa mukha ni Cassey sa inaakala na surprise niya at teary eyed pa ito sa effort niya habang naiilang na ngumiti naman siya dito. Magsasalita sana siya upang sabihin dito na hindi  siya ang may pakana ng kanta nang ilang segundo lang ay may kumakanta na kasabay nito. Lahat ay napatingin at pati ang nagco-cover ng interview sa may-ari ng kainan ay sa kanila na naka-focus. Agad naman siyang nakilala ng interviewer at nagfocus pa ng husto sa kanila ang mga ito at pati ang mga cameraman ay sa kanila na rin nakatingin. Natataranta na siya at hindi malaman ang gagawin dahil sa nangyayaring pagkakamali. Marahil ay may ibang nagpahanda nito at nagkamali lamang ang restaurant ang tanging naiisip niyang dahilan. Naitakip na lamang niya ang mga palad sa mukha nang mula kung saan ay iluwal si Zeon Nakajima na may hawak na maliit na mike. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize na ito ang kumakanta at nakatitig ito sa kaniya. Nagkaroon ng bulong bulungan na liligawan din ng Nakajima bachelor ang nililigawan niya kaya ito naroon. Samantalang alam naman na niya ang mga mangyayari at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Ang alam ng lahat ay magkaaway sila at narinig pa niya sa interviewer na Nakajima/Montenegro competition ang nagaganap para sa puso ng isang magandang dilag na kadate niya ngayon. Naiilang na palinga-linga siya sa paligid at hindi mapakali. Nais na niyang umalis sa lugar ngunit hindi naman niya alam kung paano tatakas na hindi magmumukhang tanga at talunan. Nagdadasal na rin siya na dumating muli si Mark upang pigilan ang mangyayari at iligtas siya muli sa kung ano man ito na magaganap na pakana nanaman ng binatang Nakajima. Nakasuot ito ng light blue polo at slacks, fresh na fresh ang itsura nito at napaka gwapo sa paningin niya at ng lahat. Nakagat na lamang niya ang labi nang magsimula itong lumapit habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Kahit nakakaramdam ng pagkainis at kahihiyan ay di naman mawala ang tuwa at kilig na hindi niya maitanggi na bumabalot ngayon sa kaniyang puso. Hindi niya kalian man naisip na sa kaniya gagawin ang lahat ng ito at hindi siya ang gagawa nito. Ang lalong ikinagulat ng lahat ay nang sa harap niya lumuhod si Zeon at iniabot ang roses at chocolates na dala nito sa kaniya kasunod ang mga salitang, "Will you be mine? Always and through my lifetime? Forever and always?" Nganga. Iyon ang reaksyon ng lahat ng naroon ngayon. Napabuntong hininga na lamang siya at muling itinakip ang mga kamay sa mukha upang itago ang pamumula niyon. Ngunit hindi pa man nakakabawi ang lahat ng isang kanta naman ang pumailanlang sa paligid at tinabunan ang kanta ni Zeon. Ang kantang for the first time.  Lumitaw kung saan si Omi na may dalang bouquet ng ibat-ibang bulaklak. Pormal na pormal din ang suot nito na black tuxedo at lumuhod din ito sa harap niya at nagsabing, "Even if your past is dark, even if the world throw us out, I'll be here and I'll stay... to love you always." sabi nito sa mike. Para siyang lalagnatin sa mga nangyayari. Nakita niyang nagtitigan ng masama ang dalawa at bumanat muli si Zeon ng mga salita. "Even if god don't give us our forever or our lifetime... I'll come and find you and take you to be with me. Even if you are in heaven, and I'll be in hell, I’ll climb to where you are just to be with you, my Kaoru.” sabi ni Zeon. Na binirahan naman ni Omi ng... "Even if love is not enough... I'll make sure that there's still a heartbeat left in my heart that shouts your name and tells you how much I need you." Hindi niya magawang alisin ang kamay sa mukha. Hindi niya kayang humarap sa lahat sa pagkakataong ito! Galit naman na umupo nalang si Cassey at inilagay ang baba sa kamay habang tinitinidor ang pagkain sa mesa. Muli ay iniligtas si Kaoru ng kaniyang pinsan kasunod ang lahat ng kaniyang bodyguards at may pahabol pang, "There is no lifetime, there is no forever, there is no dark past or future past, no always and no eternity and no hearts shouting his name because I'm gonna burn you both and incinerate you hanggang kahit kaluluwa ninyo ay maglaho para kapag dumating ang kamatayan niya, wala kayo sa next life n’ya! Dahil walang forever at walang always!" Walang preno na sabi nito sabay higit sa kaniya palabas ng restaurant at iniwan ang lahat. Susunod sana ang dalawa ngunit agad na humarang ang mga bodyguards niyang nakangisi sa mga ito. Habang paalis ay pilit naman ang habol ng media sa kanila upang kuhanan ang mga nagaganap at makuhanan siya ng reaksyon ngunit agad na naharang din ang mga ito ng kaniyang bodyguards. Pinagpiyestahan ng buong bansa ang mga naganap sa restaurant na iyon. Dahil doon ay maraming gay couples ang lumantad at nakisabay sa issue at madami din ang kinilig. Mas dumami din ang mga taong nagsisimulang tanggapin ang same s*x relationship dahil sa mga nangyari at marami ang sumusuporta. May mga bumuo pa ng team Omi o Team Zeon at may kanya-kanyang mga pakulo ang mga ito para sa mga bet nilang makatuluyan ni Kaoru. Marami din ang mga kumakalat ng mga edited pictures at ang iba ay hindi niya malaman kung saan napagkukuha ng mga netizens. Meron pa rin ang kumokondena ngunit parang mga makakapal ang mukha na walang epekto sa dalawang may kagagawan ng lahat ang mga negative comments na natatanggap ng mga ito at ng pamilya nito. Natatakot naman siya na biglang may sumugod sa kaniya na pamilya ng mga ito gaya ng sa mga napapanood niya sa pelikula. Swerte nalang na wala pang ganoon hanggang ngayon! Matapos ang ilang araw ay tinawagan siya ng ina na kinikilig pa sa nangyayari at ang ama na walang ginawa kundi ang paalalahanan siya na wag kalimutan ang apo nito. Hindi na siya makalabas ng bahay mula noon. Isang araw pa ang dumaan nang lumabas naman ang sabay na interview ng dalawa tungkol sa naganap sa restaurant. Humihingi ng permiso through interview ang mga ito sa mga magulang niya na payagan ang mga ito na ligawan siya. Hindi naman inaasahan ng mga ito, pati na siya na tatawag sa network ang kaniyang pinsan at ito mismo ang sasagot sa hiling ng mga ito. "The answer is NO.” sagot ni Mark. “At kung papayag naman ang parents niya ay magaganap ang lahat in my own terms! UNA, sa bahay niya kayo manliligaw at NAROON AKO! PANGALAWA, please no more butterflies allergic s’ya doon, sana nag research kayo! He hates confettis! PANGATLO, please wala ng bagay na nakaka aksidente, at PANG-APAT, please lang wag n’yo na subukan itakeover ang mga meetings niya dahil halatang mga wala kayong alam gawin kundi ang magpakasaya! PANGLIMA, sana naman magkaroon kayo ng silbi sa lipunan at hindi puro bar at kung ano-ano lang pinaggagagawa ninyo dahil ayaw na ayaw ni Kaoru ng mga walang ibang iniisip kundi ang sarili, gaya n’yo, at PANG-ANIM! NO TOUCHING, hindi niyo siya pwedeng hawakan hanggat hindi kayo sinasagot... lalong-lalo ka na Zeon! Restrain yourself!" litanya ni Mark. Pagkatapos noon ay nawala na ito sa linya. Napabuntong hininga na lamang siya at mas lalong hindi malaman kung magagawa pa ba niya na makakalabas ng bahay o makapunta sa opisina matapos ng interview na iyon. At ang mas malala pa sa lahat ay ang pagsagot ng mommy niya sa isang interview na OO, pinapayagan niya ang dalawa na manligaw sa kaniyang... Quote, “UNICA HIJA". "Vaughn please tell me this is the last day of my life. Or if not, kill me now please! Ibigay mo na ko sa mga kidnappers!" sabi niya sa bestfriend sa miserableng tono. Nakataklob siya ng kumot noon at naiiling lang na iniwan na siya ng bestfriend niya sa miserableng sitwasyon niya upang asikasuhin ang mga dapat nitong gawin. Wala naman siyang kaalam-alam na lalong lumalala ang away nina Zeon at Omi at unti-unting nasisira ang grupo ng Bachelors. Hindi na roon pumupunta si Omi at kada punta naman doon ni Zeon ay nauuwi lang sila lahat sa away. Wala siyang kaalam-alam na siya ang sinisisi ng iba pang miyembro ng Bachelor sa unti-unting pagkasira ng pagkakaibigan ni Omi at Zeon. Miserable si Kaoru kaya lahat ng tao sa paligid niya ay miserable. Walang ngumingiti o nagsasaya habang nagkukulong sa kwarto nito si Kaoru. Ilang linggo na rin na pumupunta doon si Francoi na hindi niya nakakausap o hinaharap manlang. Uuwing matamlay ang isa dahil hindi nito nakausap ang paboritong kaibigan. Wala naman siyang magawa kundi ang humiling nalang ng taimtim sa diyos. Please god, kunin nyo na po ako! ~~ Sa ibang bahagi naman ng mundo ay nakasakay na si Angela sa eroplano pabalik ng pilipinas, kasama nito ang kapatid na lalaki na si Andrei, mas matanda dito. "Sa tingin mo kuya maso-sorpresa s’ya kapag nakita n’ya ako?" Tanong nito. "Of course! Alam naman nating lahat kung gaano nababaliw sa iyo yun. Hindi pa nga nakaka-get-over eh." sagot naman ng kuya nito. "Excited na ko na makita s’ya! Pagdating doon ay yayayain ko s’ya na magbalikan na kaming dalawa and I'm sure magkakandarapa pa s’ya na maging kami ulit." sabi naman ng niya. "Matagal na panahon ka rin na nawala, we're not sure yet baby sister." sabi nama ng Kuya niya. "Of Course I'm sure Kuya, Zeon is mine only and he promised me he will wait for me and you'll help me... right?" tanong niya sa kapatid. "Sure, sure! Hindi naman kita matatanggihan." sagot ni Andrei. "Zeon is mine and only mine." ~~ Sidestory Umiinom ng kape ang Daddy ni Kaoru at lihim itong umiiyak at nagdadalamhati. Bakit? Nililigawan ng dalawang lalaking langaw ang UNICO HIJO niya na tanging pag-asa niyang kumalat ang kaniyang apelyido at dugo. Eh kung ipasara kaya niya ang kumpanya ng mga ito? Kayang-kaya naman niyang gawin iyon at kapalit niyon ay lubayan ng dalawa ang matikas? na anak niya. Fine! Girlish! Slight! Kasalanan naman ng asawa niya kung bakit ganoon si Kaoru… no, may iba pang dahilan na ayaw na niyang maalala pa. Still!! Hindi iyon rason para ligawan ng dalawa ang anak niya! At naka media pa! Hayyyy! Ano na kayang ginagawa ni Kaoru? Nang makita niyang palapit ang asawa ay agad niyang pinahiran ang luha at ngumiti na kunwaring tumatanaw sa kakahuyan. Pero walang kakahuyan sa New York!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD