Mahimbing sana ang tulog ni Kaoru ngunit hindi niya maintindihan kung bakit parang naalimpungatan siya. Pakiramdam niya ay may humihimas sa ulo niya ngunit nang magmulat naman siya ng mata ay alas-tres na ng madaling araw at wala naman siyang nakitang katabi. Hindi naman niya naisip na tignan ang kabilang side ng kaniyang higaan. Matutulog sana siyang muli nang may bumulong sa tenga niya na isang malambing na boses. Pamilyar sa
"Wake up sweetheart..." bulong nito sa kaniya. Antok na antok pa ang kaniyang diwa at Hindi namalayan ang kaniyang isinagot.
"Lemmesleepeon." sagot niya na maedyo inantok pa. Sandaling natahimik ang kung sino man iyon na parang nag-isip muna bago muling nagtanong.
"What was that?" tanong nito.
Teka, hindi iyon boses ni Zeon? at bakit naman niya hahanapin si Zeon?
Dahan-dahan niyang nilingon ang nagsalita at nang makaharap siya dito ng tuluyan ay...
"Kuya Andrei!" sigaw niya sabay yakap dito ng mahigpit.
"Kailan ka pa dumating? Paano ka nakapasok dito? Wait... kumain ka na ba? Magpahinga ka muna, bakit ka umuwi?" tanong niya dito na sunod-sunod. Natawa naman ito sa kan’ya.
"Wait, wait! isa-isa lang. Kakarating ko lang forty five minutes ago, and no hindi pa ako kumakain, dito na ko magpapahinga." sagot nito sabay higa sa kama niya. Natawa naman siya na umurong sa higaan upang makahiga ito.
"Sige magpahinga ka lang diyan." sagot niya. Lalabas sana siyasa kwarto para ipaghanda ito ng makakain nang higitin nito ang braso niya at napahiga siya pabalik sa kama. Hinawakan nito ang ilong niya at pinisil iyon ng mahigpit.
"Ano ang nababalitaan ko na nagpapaligaw ka na raw?" tanong nito. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may halong galit ang tanong nito. Binalewala naman niya iyon dahil baka dala lang iyon ng pagod nito o dahil talagang hindi nito nagustuhan ang balita. Para na kasi niyang Kuya ito at ito ang lagi niyang kasama noong mga bata pa sila bago ito nag migrate sa ibang bansa kasama ng buong pamilya nito.
"Ah, iyon ba? Wala iyon, wag mo na intindihin ‘yon… teka! Paano mo nalaman? Kuya Andrei pinaiimbestigahan mo nanaman ba ko?" tanong niya dito na may pagkainis. As usual, heto nanaman ang Kuya-kuyahan niya na inaalam ang mga ginagawa niya at mga taong napapalapit sa kaniya.
"Hindi no! Kay Tita! Siya ang nagsasabi sa’kin ng mga nagaganap dito sa Pinas, pati nga kung paano nagkatuluyan yung empleyado nyong parehong lalaki eh naikwento n’ya na." sagot nito na natatawa. Napasimangot na lamang siya at umikot ang mata dahil sa nadinig. Wala talagang ibang magawa ang Mommy niya kundi ang magpaka fangirl. Isa pa, kahit close sila nito hindi rin niya gustong masyadong pinanghihimasukan nito ang buhay niya. Na kahit maka-close lang niya at hindi naman karelasyon ay inaalam nito lahat pati ang buhay ng taong iyon. Kung minsan ay nasu-suffocate siya sa pagiging over protective ng mga tao sa paligid niya.
"Si mommy talaga, nakakainis!" sabi niya sa naiinis na tono. Niyakap siya nito sa bewang at sinabing matulog na lamang sila. Kahit noon pang bata siya ay madalas na itong matulog sa kwarto niya dahil tunay na kapatid ang turingan nila. Dahil wala siyang kapatid kaya sabik siya nang bumalik muli ang Kuya-kuyahan niya na isa sa mga itinuturing niyang tunay na kapatid maliban kina Vaughn at Mark. Natatandaan niyang umiyak siya nang umalis ang mga ito ng bansa upang manirahan sa Canada. Ayaw din nitong umalis at balak na magpaiwan ngunit hindi pumayag ang Mommy nito na maiwan itong mag-isa.
"Mamayang umaga na tayo magkwentuhan, inaantok na ko, may jet lag pa ko.” sabi nito. “Dito ka lang sa tabi ko okay? Saka mamaya na tayo kumain, samahan mo nalang ako dito at baka may multo ditto." wika nito. Ngumiti naman siya saka pumikit na rin. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang pagka matatakutin nito sa multo. Tatabihan siya nito matulog kapag dumadalaw sa kanila ito dahil hindi nito kayang mag-isa sa guest room. Magkayakap silang matutulog dahil kahit kaluskos lamang ng mga body guards na dumadaan sa labas ng kwarto niya o papasok para mag inspeksyon ay takot na ito. Hanggang sa umaga ay napakahigpit ng yakap nito at kinalaunan ay nasanay na rin siya na ganoon ito lagi sa kaniya kapag doon ito natutulog sa bahay nila. Hindi naman komportable dito si Vaughn ngunit hindi nito sinasabi kung bakit. Kahit si Mark ay napapansin niyang ilag dito pero magkasundo naman ang dalawa.
Mas mabait ito kesa sa kapatid nito na spoiled brat. Isang beses lang sila nagkita ng kapatid nito na babae noon at hindi niya nagustuhan ang ugali nito. Inggitera kasi ito at ramdam niya na may inggit ito sa estado ng buhay niya. Sinubukan siyang akitin nito pero deretsahan niyang sinabi dito na hindi niya ito gusto dahil masama ang ugali nito. Simula noon ay galit na sa kanya ito na tinawanan lang ng kuya nito at inilingan noong magsumbong ito dito. Alam kasi ni Andrei na spoiled ang kapatid at siya naman ang laging paboritong kampihan nito. Dahil doon ay lalo pa siyang napalapit sa kuya-kuyahan at hindi na siya maalis sa tabi nito hanggang sa umalis ito ng bansa. Noon lamang siya natutong maging independent ng umalis ito at mawala ang dependency niya dito.
Unti-unti ay nakatulog din siya. Hindi niya napansin na gising pa rin ang katabi niya na may kakaibang kislap ang mata. Nakatitig lamang ito sa kaniyang mukha habang unti-unting himihigpit ang pagkakayakap sa katawan niya. Inilagay nito ang ulo niya sa balikat nito at hinigpitan pa lalo ang yakap saka ito pumwesto para matulog na may ngiti sa labi.
‘Kuya Andrei walang multo.’ Inaantok na bulong niya.
“Shhhh, go back to sleep. Baka marinig ka ng multo.”
~~
Nagsinungaling siya. Hindi niya nakakausap ang Mommy ni Kaoru. May binabayaran siyang tao na magbabantay sa lahat ng mga nangyayari dito at sa mga taong mapapalapit dito. Ito rin ang gumagawa ng paraan para mapigilan at pumalpak ang lahat ng panliligaw ng mga nanliligaw dito. O mga babaeng may balak na akitin ito at mapalapit dito.
Nang malaman niya na nililigawan ito ni Zeon ay nakaramdam siya ng matinding galit. Kailangan na matigil ang kabaliwan ng mga ito! Kailangan na sa kaniya muli mabaling ang pansin ni Kaoru at kailangan sa kaniya mapunta ang mga ari-arian ng mga Montenegro. At ano pa nga bang paraan upang makamit iyon? Syempre sa tagapag mana nito. Noong una ay iyon lamang ang gusto niya kaya sinubukan niyang gamitin ang kapatid ngunit unang pagkikita pa lamang ng dalawa ay nag-away na ang mga ito. Hanggang sa nalaman niya na walang pakialam ang Ina nito kahit pa lalake ang mapang asawa ng anak dahil open ito at hindi mahigpit sa anak. Kung tutuusin ay mas gusto pa nga ng Ina nito na lalaki ang mapapangasawa ng anak nito. Pinilit niyang mapalapit sa nag-iisang anak ng mga Montenegro. Pinilit na pati siya ay magustuhan ng Ama at Ina nito at nagtagumpay naman siya. Nakikita niyang natutuwa ang Ina nito kapag lagi silang magkasama ni Karou at inaalagaan niya ang isa. Hanggang mahulog na rin ang loob niya sa tagapagmana ng mga Montenegro. Ngunit kinailangan nilang umalis papuntang ibang bansa. Noong mga oras na iyon ay nais niyang itakwil ang mga magulang. Nagmakaawa siya na maiwan sa bansa ngunit hindi pumayag ang mga ito. Wala siyang nagawa kundi hintayin ang oras na kayanin na niyang mag-isa at hindi na kailanganin ang mga magulang. At nang mangyari iyon ay agad siyang nagdesisyon.
Niyaya niyang bumalik na sa pilipinas ang kapatid. Pumayag naman ito nang sabihin niyang binata pa si Zeon at hinihintay ito pero hindi niya sinabi dito ang tungkol sa panliligaw nito kay Kaoru. Bahala na itong malaman dahil mukang mas maganda ang mangyayari at kapag nasaktan si Kaoru kapag nalaman nito na habol parin sa kapatid niya si Zeon. Sisiguruhin niyang siya ang naroon upang saluhin ito. Upang pagalingin ito sa sakit na mararamdaman nito at muli itong maging dependent sa kaniya ng husto.
Don't get me wrong my dearest sweetheart, I love you... but I love the power you have in you... and you are a plus. You will give me everything that I ever wished in this life and you will always be mine... always.
Isang mala demonyong ngiti ang pinakawalan niya.
I will have it all. You and everything you have and the winner takes all, and Zeon will die in the process. I’m sorry but I need to break your heart sweetheart.
No my dearest Kaoru, you will never fall for him... Hindi pwede! You are mine, and mine alone.
~~
Pagkatapos ng away ay muling nagkasama-sama ang bachelors sa club. May dalang bulaklak si Zeon para kay Kaoru at excited itong puntahan ang isa. Papunta na siya sana sa mansyon ng mga Montenegro noong ipatawag silang lahat ni Kouji. Minsan lang ito magpatawag ngunit iyon ay kapag may importanteng bagay itong sasabihin sa lahat. Dahil sa mga nangyayaring gulo ngayon sa Bachelors ay siguradong importante nga ang sasabihin nito.
Naroon na ang lahat nang dumating siya. Nakatayo sa mini stage si Kouji at nakapalibot naman sa paligid ang iilang miyembro ng Bachelors na nakarating sa agarang meeting na iyon. Magsasalita na sana si Kouji nang may boses na nagpatigil dito. Boses na kilalang-kilala niya. Boses na kaniyang kinabaliwan at ilang taon din niyang ninais marinig muli noon pa man.
"Hello everybody! I'm baaack!" Masiglang wika ng bagong dating.
Dahan-dahan siyang humarap at nang masilayan niya ang mukha nito ay naisip niyang tama nga ang hinala niya. Ang nasa harap niya ngayon ay ang taong kinababaliwan niya noon pa man. Ang taong unang tinibok ng kaniyang puso. Tumakbo ito palapit sa kaniya nang masilayan ang kaniyang mukha at yumakap sa kaniya ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap ditto, kasing higpit ng yakap nito sa kaniya. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya na maramdaman ngayon ang mga bagay na nararamdaman niya dito noon. Bagay na nararamdaman tuwing malapit siya kay Kaoru. Tulad ng maamoy lang niya ito ay may init na dumadaloy na sa katawan niya, ang paghahangad na makasama ito, ang pagnanais na wag itong mawala sa paningin, ang makasama ito sa lahat ng oras.
Hindi kaya, talagang naka move on na siya ditto at hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya? Hindi kaya tama ang sinabi ni Kouji na lahat ng plano nila ni Omi ay babalik sa kaniya bilang karma? Hindi kaya... si Kaoru na talaga ang mahal niya at hindi na ang babaeng matagal din niyang hinintay na bumalik?
Nagkatinginan sila ng lihim ni Omi.
Wala isa man sa mga naroon ngayon ang nakaka-alam nang tunay na plano.
Pero ngayong nasa kamay niya ang babaeng matagal nang hinahangad ay natakot siya. Dahil sa mga oras na ito,
Si Kaoru ang nasa isip niya.
"Hmmm, are you happy that I'm back now?" tanong nito sa kaniya na may paglalambing. Nagkatinginan naman ang lahat. Lihim niyang sinulyapan si Omi na nakatingin pa rin sa kaniya at nakatitig ng masama.
"Ye- Yes! I am! I mean... I'm happy to see you." parang wala sa sarili na sagot niya. Binigyan naman niya ito ng ngiti na hindi niya magawang paabutin hangang tenga. Ngiti na hindi rin umabot sa puso niya. Muli siyang tumingin kay Omi at kita niyang lalong naningkit ang mga mata nito sag alit.
"Then come on! Labas tayo! Sama kayo guys... namiss ko kayong lahat." paanyaya nito sa kanila. Hinigit siya nito palabas at nagsunuran naman ang ibang miyembro na close din dito noon pa man na nasa bansa pa ito. Hindi niya napansin ang mga lihim na ngiti sa magkapatid na Dan at Aki.
Hindi niya maintindihan, parang gusto niyang umalis doon at puntahan si Kaoru. Yayain itong lumabas at ubusin ang buong maghapon kasama ito.
Ngayong kasama niya ang babaeng kinabaliwan noon at hinihintay noon pa,
Maaamin na niya sa sarili...
Umiibig na siya kay Kaoru Montenegro,
Ito na ang hinahanap hanap ng puso niya,
Ang gustong makasama.
Ang mga plano nila ni Omi ay balewala na dahil ngayon,
Si Kaoru na ang tinitibok ng puso niya.
~~
"Kailangan matigil na ‘tong kabaliwan na ito! Kailangan mailayo na natin ang nagpapagulo satin." wika ni Aki habang umiinom ng kape. Hinihintay nilang magdatingan ang iba pang miyembro ng Bachelors na lihim nilang tinawagan. Nasa isang restaurant sila na hindi gaanong matao at tama para makapag-usap na walang ibang ingay na iintindihin o ibang taong maaring makarinig.
"Ano namang gagawin natin?" tanong ni Dan habang nagbabasa ng dyaryo.
"Simple lang.” sabi ni Aki. “Ngayon na dumating na si Angela, siguradong matutuon na dito ang atensyon ni Zeon. Sasabihin natin kay Angela ang tungkol sa pustahan at hihingin natin ang tulong niya na mailayo si Kaoru kay Zeon. Tsaka para hindi rin mag-isip ng kung ano si Angela na baka niloloko sya ni Zeon. I mean, Zeon loves her right? Saka pustahan lang naman si Kaoru at nag-away lang si Zeon at Omi dahil sa kaniya." dugtong pa ni Aki na may kakaibang ngiti sa labi.
"Paano si Omi? Siya naman ang maiiwan kay Kaoru." tanong ni Dan.
"Of course not! Dahil si Zeon naman talaga ang gusto ni Kaoru, babastedin niya si Omi, Omi will be heartbroken at sa oras na sagutin na niya si Zeon, doon na niya malalaman ang totoo. Syempre kapag nalaman na nya lahat solve na ang problema." sagot naman ni Aki.
"What if magalit si Zeon? Isn't it cruel?" tanong ni Dan na kinakabahan. Tahimik naman si Kouji at hindi nagsasalita.
"Tsk! As if naman may gusto talaga don si Zeon! Naiipit lang yon dahil sa pustahan at si Angela ang gusto noon at alam mo yan." sagot muli ni Aki sa kakambal.
"Sabagay, tama ka, nagsimula lang naman na masira ang grupo nang dahil sa Kaoru na yan." sabi naman ni Dan.
Noong araw din na iyon ay kinausap nila si Angela. Kinausap nila ang babae ng palihim at sinabi dito ang mga nangyayari. Halata sa muka nito ang galit at inis ngunit alam nila na naiintindihan nito ang lahat dahil kilala nito si Zeon pagdating sa pride nito lalo na kung si Omi ang kalaban. Alam din nito na mahilig mag friendly competition ang dalawa at kasiyahan nang mga ito iyon. Hindi lang nila inaasahan na aabot sa away ang bagong paligsahan ng dalawa.
"Tinik talaga sa lalamunan ko ang isang yan! Don’t worry ako ang bahala sa lahat-lahat." sagot ni Angela na may kakaibang ngiti.
At nang muling magkita-kita sila nina Zeon ay wala itong kaalam alam sa mga nangyayaring sabwatan sa pagitan ng mga kaibigan nito.