Zeon's p.o.v
Kasama ni Zeon si Angela buong maghapon. Matapos mamasyal at kumain sa labas ay nagyaya ang dalaga sa bahay ni Zeon dahil gusto nitong makita ang nakatatandang kapatid ng binata. Labag man sa loob ay pumayag na rin siya na puntahan nila ang kapatid. Okay naman ang dalawa ngunit noon pa man ay hindi ginawang itago sa kaniya ng nakatatandang kapatid ang lihim na pagkainis nito sa kay Angela. Hindi niya alam ang magiging reaksyon nito kapag nakita ang ex niya at dinala pa sa kanilang bahay. Hindi man kasi sabihin ng kapatid ay alam niyang mas pipiliin nito si Kaoru kesa sa ex niyang alam niyang sobrang spoiled brat at may hindi magandang ugali. Kahit siguro mahirap si Kaoru at hindi ito anak ng mayaman na bilyonaryo ay mas pipiliin nito si Kaoru kesa kay Angela. Isama pa ang nakababatang kapatid na talaga namang iniidolo si Kaoru noon pa man. Napabuntong hininga na lamang siya dahil doon.
Pagdating sa mansyon at makita ni Reiko si Angela ay lihim na binigyan lamang siya ng masamang tingin ng nakatatandang kapatid saka siya inirapan. Alam niyang hindi nito gusto ang pagdating ng isa sa kanila at kasama pa siya. Noon pa man kasi ay tutol na ito sa dalaga dahil alam nito ang ugali ng ni Angela. Nag Kumustahan ang mga ito at nagkwentuhan ng mga buhay nila habang lihim naman siyang binibigyan ng matalim na tingin ng kapatid na si Reiko. Hindi siya makatingin ng diretso dito dahil alam niya ang gustong mangyari nito at hindi niya kayang sabihin kay Angela na hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya para dito.
"I heard a rumor na nililigawan mo daw si Kaoru Montenegro, is that true Zeon?" tanong bigla nito na sadyang ikinagulat niya. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito agad lalo pa't nasa harapan sila ng mga kapatid. Kakarating lamang ni Lowell at humalik ito sa pisngi niya at kaniyang Ate at tango naman sa kaniyang kasama. Natigilan si Lowell sa akmang pag derecho sana sa sarili nitong kwarto nang marinig ang tanong ni Angela.
"Hah? Ah... o- Hindi! Hindi totoo yon! Bakit ko naman liligawan yon? Ano- samin dalawa lang ni Omi… iyon." sagot niya. Halos hindi niya masabi ang mga huling salita nang makita ang itsura ng dalawang kapatid. Napansin niyang napayuko ang kapatid na si Lowell at ayaw siyang tignan. Tinatago nito ang mukha upang hindi niya mabasa ang nasa muka nito habang blanko naman ang mukha na nakatingin sa kanya si Reiko. Ngunit kahit ganoon ay alam niya na galit ito. Galit na galit ito ngayon sa kaniya.
"Oh! Napanood ko sa youtube ang nangyari sa resto? What is that?" tanong nitong muli. Halos hindi na siya makahinga dahil hindi niya kayang sagutin ito ng hindi totoo sa harap ng mga kapatid. Hindi rin naman niya kayang saktan ito dahil halata niya sa mukha nito na umaasa parin ito sa kaniya. Naging mabuti din itong kaibigan at kasintahan sa kaniya noon at hindi nito ginusto na tumira sa ibang bansa na naging dahilan para maghiwalay sila. Isa pa, pustahan lang naman si Kaoru diba? Nandito na si Angela na noon pa man ay gusto na niya at matagal din na hinintay. Hindi na niya kailangan ang isang Kaoru Montenegro sa buhay niya tama? Mas wise kung si Angela ang pagtutuunan niya ng pansin. At isa pa, noon pa man ay talagang gusto na niya si Angela… tama?
"Ah... iyon ba,” panimula ni Zeon. “ano kasi- may... pustahan lang namin ni Omi iyon, malaki kasi ang taya. Hindi ko naman seseryosohin yung Kaoru na yon… ano, hindi ko yun… papatulan." sagot niya na pautal-utal. Walang alam ang mga kapatid tungkol sa pustahan at ngayon lamang nila nalaman ang tungkol dito kaya kita niya ang galit sa mata ng dalawang kapatid. Kung tutuusin, ang five hundred thousand ay napakaliit lamang na halaga para sa kaniya. Pati na ang sasakyan ni Omi ay mabibili niya kung pagsisikapan niya at saka kaya naman nilang bilihin iyon. Hindi man katulad ni Kaoru na kahit isang buong city ay kayang bilihin. Noong lingunin niya ang mga kapatid ay wala na ang mga ito doon. Nagpaalam si Lowell na may dapat pang tapusin na project at ang ate niya ay may dapat daw pirmahan na papeles. Nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang dahil alam niyang gusto ng mga ito si Kaoru at ramdam niya ang galit ng mga ito na hindi mailabas sa harap ni Angela. Hindi rin niya alam kung bakit pati siya ay parang hindi sigurado sa mga pinagsasabi kanina. Kahit si Omi kanina ay ramdam niya na lalong nagalit sa kaniya at hindi na niya ngayon sigurado kung ano ba talaga ang ikinagagalit nito. Lihim na lamang siyang napabuntong hininga.
"Kung ganon, tapusin mo na yang pustahan na yan. Sobrang kahihiyan na yan dinadanas mo just for a game." utos nito sa kaniya. Tumango lamang siya sa sinabi ng dating kasintahan.
"Siya ang tatapos nito... kung sino ang sagutin ni Kaoru. Siya ang magre-reveal ng nangyayaring pustahan… as revenge." sagot niya sa mahinang tono.
Tama ba? Tinatanong niya sa sarili kung nararapat siya para kay Kaoru kung ngayon palang ay hindi na niya maipagtanggol ito laban sa sarili mismo niya. Kung ngayon pa lamang ay di na niya magawang aminin sa dating hinahangaan na iba na ang gusto niya? Kung ngayon pa lamang ay hindi na niya kayang panindigan ang nararamdaman para dito. Did he really deserve Kaoru? O mas deserve ni Omi si Kaoru kaysa sa kaniya? Maybe…
"Kung ganoon pursigihin mo na ang panliligaw sa kan’ya at tutulungan kita para sagutin ka niya. Then after that, we can start all over again, right?" sabi nito na may ngiti sa labi. Napatingin siya dito. Pilit binabasa ang muka nito kung ano ang pinaplano nito para sa kaniya, sa sarili nito at kay Kaoru.
Ngunit wala siyang mabasang anuman na nasa muka nito maliban sa pagmamahal nito sa kaniya.
Pagmamahal na unti-unti niya nang nababasa sa taong gumugulo ngayon sa isip niya.
And his guilt is eating him alive.
Matapos ang pag uusap na iyon ay wala isa man sa mga kapatid niya ang pumapansin sa kaniya. Alam niyang nasaktan niya ang mga ito sa sinabi at isinago kay Angela pero hindi niya kayang saktan ang babae, matagal na panahon din niyang minahal ito at hinintay para lang mabalewala ngayon. Sayang naman ang iginugol niya dito na panahon sa paghihintay kung mauuwi lamang sa wala ang lahat.
Siguro, maibabalik niya iyon dito? Ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito? Maybe… maybe…
Noong umagang iyon ay tinawagan niya si Kaoru upang yayain ito sa isang dinner date. Nalaman niyang tuloy parin sa panliligaw si Omi dito at minsan ay pinauunlakan nito ang matalik na kaibigan. Mukhang pursigido nga si Omi na mapasagot si Kaoru sa kahit na anong paraan. Hindi naman niya alam ang magiging hakbang ngayon na bumalik na ang dating minamahal at alam na nito ang totoong nangyayari. Sa isang banda ay nakakaramdam siya ng inis at galit sa isipin na madalas lumabas ang kaibigan at si Kaoru.
Isang linggo pa ang nagdaan na walang araw na hindi niya niyayaya sa kung saan si Kaoru. Masaya siyang kasama ito at ganun din ito sa kaniya. Tahimik naman si Angela at wala itong sinasabing ano man o reklamo tungkol sa mga dates at paglabas-labas nila ng Montenegro Heir dahil alam naman nito ang nangyayari. Mahaba rin ang pasensya nito sa mga nangyayari, bagay na hinangaan niya dito at sa kabilang banda ay guilt.
Matinding takot at kaba naman ang naramdaman niya nang nagdaang gabi ay muntikan muling madukot si Kaoru ng hindi kilalang mga lalaki na may takip sa mukha. Mabilis naman itong nailigtas ng mga bodyguards nito na hindi hinayaang mailayo ito sa kanila. Hindi niya alam ang gagawin noong oras na sabihin iyon sa kaniya ni Vaughn. Matinding takot ang naramdaman niya dahil doon, matinding kaba at pangamba. At nang mga oras na iyon, nasigurado niya sa sarili na hindi na niya kakayaning mabuhay pa ng wala ito. Ang isipin na muntik muli itong mapahamak at wala siya doon para iligtas ito ay isang malaking tarak ng patalim sa kaniyang puso. Kung nakuha nga ito ng mga nagtatangka dito ay di niya alam ang magagawa niya, pero alam niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para mailigtas ito. Sari-saring negatibo ang pumasok sa utak niya noong oras na iyon. Paano kung natangay ito? Paano kung sinaktan? Sinugatan? Pinagsamantalahan? At worst… paano kung pinatay ito? God knows he cannot live with that. Alam niya, mamamatay siya kapag nangyari iyon.
Nalaman niya kay Omi mismo na pinatitigil na ito ni Kaoru sa panliligaw. Inalam nito kung ano na ba ang intensyon niya kay Kaoru kaya lalo niyang nasiguro na totoong in love na rin ang bestfriend niya kay Kaoru. Samantalang hindi naman niya alam kung bakit siya kinausap nito hanggang sa deretsahin na nito ang pakay sa kaniya.
“What do you wanna do now Zeon?” panimula ni Omi. “Ano ang plano mo kay Kaoru? I want to stop this game. Let’s end this bet. Kaoru… Kaoru didn’t deserve this, any of this. What do you really feel about him, Zeon?” tanong nito sa seryosong tono. Hindi ito tumitingin sa kaniya habang nagtatanong at nakayuko lamang ito. Ayaw nitong ipakita sa kaniya ang pagkatalo at panghihinayang sa mukha nito. Kilala niya ang kaibigan. Alam niya ang ugali nito.
"I- I love him Omi... I'm sorry! But I really do love him. Ayokong may away tayo dahil parang kapatid na kita pero-" sagot niya sa kaibigan.
"It's okay Zeon, I understand tol.” sabat naman nito agad. “Itigil na natin ang pustahan na to because this will only bring him pain kapag nalaman n‘ya and… I love him, you love him, and we both want him to be happy. Do everything to have him Zeon at alagaan mo s’ya, protektahan at wag na wag mo s’yang hayaan na masaktan gaya noong- kapag sinaktan mo siya, ako mismo ang makakalaban mo." dugtong pa nito. Umoo siya dito. Nais sana niyang tanungin kung ano yung hindi nito naituloy pero pinigil niya ang sarili. Sa itsura pa lamang nito ay alam na niyang isa iyong bagay na walang dapat na makaalam na ibang tao. Kilalang-kilala niya si Omi. Hindi ito magsasalita kung ayaw nito. Tumango siya at tinapik ito sa kaliwang balikat gamit ang kaniyang kanang kamay bilang tanda na kailanman ay hindi siya nagalit dito. Mahal parin niya ito bilang matalik na kaibigan at kapatid. Ngunit ang problema, hindi parin niya kayang saktan ang damdamin ni Angela na minamahal siya at umaasa na ibalik niya ang damdamin dito.
At nang umaga ding iyon ay tumawag si Kaoru dahil gusto nitong makipag kita sa kaniya dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kaniya. Alam na niya ang sasabihin nito. Excited na kinakabahan siya sa mangyayari ngunit di niya maitago ang tuwa na nararamdaman. Alam na niya na siya ang pipiliin nito ngunit hindi naman niya alam ang gagawin dito at kay Angela.
Mas gugustuhin nga ba niyang mabuhay at makisama sa taong napipilitan na lamang siya dahil sa tagal ng sakripisyo? Mas mahalaga nga ba ang oras at panahon na ginugol kung nasa harapan mo na ang taong totoong mahal mo? Marahil ito ang dahilan kung kaya marami ang naiiwan at nasasaktan dahil kung minsan, magsasakripisyo ka sa isang tao na hindi pa pala para sa iyo, dahil lamang hindi ka makapag hintay sa tamang tao. Kung minsan ay dahil akala mo siya na talaga, and it turned out isa lamang sila sa mga tao na dumating para turuan ka ng leksyon sa buhay.
Tama, he decided na kakausapin niya si Angela at sasabihin dito ang totoo.
At sa mga oras na iyon, pipiliin na niya ang masayang buhay kasama ang mahal kesa ang buhay na napipilitan lamang.
~~
"Is everything ready kuya? Sinabi mong nagsabi sayo si Kaoru na ngayong gabi na niya sasagutin si Zeon." tanong ni Angela sa kapatid. Ngumiti naman siya dito saka sumagot.
"Yes,” sagot ni Andrei, “okay na ang lahat at ako mismo ang nagbigay ng lugar kung saan niya sasagutin si Zeon. Naroon na rin sina Aki at Dan at dito ako sa bahay nila mag-i-stay dahil ako ang hahanapin n’ya matapos nito. Sigurado ako." sagot niya sa kapatid. Nakangisi naman si Angela. Nakahanda na ang mga maleta at passport ni Kaoru ngunit hindi alam ni Angela ang tungkol doon. Nakahanda na rin ang lugar na tutuluyan nila sa lugar na pupuntahan. Lugar na hindi basta mahahanap nino man.
Kilala niya si Kaoru. Malaki rin ang tiwala nito sa kaniya kaya sasama ito agad sa kaniya, sigurado iyon para makatakas sa mga mangyayari at sa mga sakit na dadanasin dahil parang kapatid na rin ang turing nito sa kaniya noon pa man. Doon nalang siya gagawa ng paraan kung paano paiibigin ito. Hindi na mahirap iyon kapag nasaktan ito ng husto at naramdaman na siya lamang ang nasa tabi nito.
Ngayon, ang hinihintay na lamang ay ang pagkikita nito at Zeon at ang pagkadiskubre nito sa pustahang namagitan kay Zeon at Omi.
~~
Nasa lugar na sina Aki at Dan. Kanina pa sila tinatawagan ni Kouji at Omi ngunit hindi nila sinasagot. Hindi rin nila binanggit sa mga ito ang binigay na venue kung saan sasagutin ni Kaoru ang kaibigang si Zeon. Sila ang magsasabi sa Young Montenegro Heir ng lahat. Nang tungkol sa pustahan at premyo at para saan upang matigil na ang gulo. Upang mawala na rin ang dahilan ng pag-aaway nina Omi at Zeon. Para muling mabuo ang Bachelor na matagal din nilang pinaggugulan ng panahon.
"Do you think we're doing it right Aki?" tanong ni Dan. Nag-aalala siya at nag-aalangan, parang may hindi magandang mangyayari sa gagawin nila. Pakiramdam niya ay mas sisira pa sila ng buhay kesa sa aayusin ito. Hindi niya maitago ang matinding kaba at pag-aalinlangan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa pakiramdam niya ay mali ang kanilang ginagawa.
"Wag mong sabihing uurong ka na? Ginagawa natin ito para kay Zeon at para makawala na sya sa pustahan at kay Kaoru. Para kay Omi na nasaktan dahil mas pinili ng kaibigan niya ang matapobre na yon." sagot nito. Tumango siya ngunit hindi parin siya kumbinsido. Parang gusto niyang iurong ang lahat. Hayaan si Zeon na mismo ang magpaliwanag kay Kaoru o kausapin muna si Zeon kung ano nga ba ang lagay nito at ni Kaoru.
"Pakiramdam ko kasi inlove na talaga sa kan’ya si Zeon." sagot din naman ni Dan sa kakambal.
"Tumahimik ka nga! Tingin mo maiinlove d’yan si Zeon? Over Angela? The heck!? Hey there’s Zeon and look parating na rin si Kaoru!" sabi ni Aki.
Ibinukas na nila ang mini microphone na nakakabit sa ilalim ng lamesa upang malaman ang mga nangyayari.
"It's time." Magkasabay nilang bulong.
~~
Kagabi ay kinausap niya ang kuya-kuyahan na si Andrei. Sinabi niya dito ang kanyang plano na pagsagot kay Zeon. Ngumiti ito at nagsabi na hangad nito ang kaligayahan niya, na ano man ang mangyari ay narito ito palagi upang suportahan siya. Masaya siya dahil may isang katulad nito na laging nariyan para sa kaniya at naiintindihan siya. Kung hindi niya ito itinuturing na kuya ay siguradong dito mahuhulog ang loob niya at miinlove dito.
Ngunit hindi niya maintndihan kung bakit parang kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit parang may mangyayaring hindi niya gusto. Tinawagan niya si Zeon upang makipagkita sa lugar na sinabi sa kanya ni Andrei noong magtanong siya kung may alam itong magandang lugar. Pumayag naman ito at mukhang excited din ito na makita siya. Ilang araw na rin silang hindi nakakalabas at talaga namang namiss niya ang binatang Nakajima.
Oo. Sasagutin na niya si Zeon at tatapusin na ang hirap nito. Pinatigil na rin niya si Omi sa panliligaw sa kaniya. Alam niyang nasaktan ito, pero sinabi nitong may isang tao ngayon na nagbibigay ng atensyon at ayaw tumigil sa kasusunod dito. Natawa siya dahil kilala niya kung sino ang lalaking iyon at nakahinga na rin siya dahil alam niyang magiging maayos ito kung sakali man dahil ang lalaking iyon ay,
Si Mark.
Matagal na pala itong may gusto sa Zaragoza Heir.
Hindi siya mapakali maghapon at gusto na niyang higitin na ang oras para bumilis ito. Nagawa na rin niya ang kung ano-ano at natapos ang lahat ng trabaho para lamang malibang. Hanggang dumating ang oras ng kanilang pagkikita. Sa isang romantikong lugar na magiging memorable para sa kanila.
Pagdating niya doon ay nakatayo na si Zeon sa table na pinareserve niya para sa kanilang dalawa.
At nang mga oras na iyon, ang mga ngiti lamang nito ang nakikita niya. At ito lamang ang tanging nagpapasaya sa kaniya.