Nang makarating sa table na nakalaan sa kanila ay nakatayo na roon si Zeon at naghihintay. Napakakisig nito sa suot na tuxedo na tinernuhan ng gray na tie. Nakangiti ito na malapad at may dalang bouquet ng pulang rosas. Nang tuluyang makalapit ay inabot nito iyon sa kaniya at binigyan siya ng isang damping halik sa pisngi na nagdala ng kilig sa kaniyang puso.
"For you." sabi nito sabay abot sa hawak nito.
"Thank you... sana walang butterfly to?" biro niya dito na natatawa. Nawala naman bigla ang ngiti nito at sumeryosong bigla ang mukha. Niyakap siya ng mahigpit at binulungan siya sa tenga.
"Do you trust me?" tanong nito.
"Huh?" tanong niya na may halong pagtataka.
"Do you trust me and believe that I love you and will love you forever?" sabi muli ni Zeon.
"I- yes..." sagot niya na hindi parin nawawala ang pagtataka. Kumalas ito sa kaniya at ngumiti ng makahulugan. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Parang may nais ito na sabihin na hindi nito magawang simulant o bigkasin.
Magtatanong sana siya ngunit nagdatingan ang mga pagkain na ipinahanda niya. Iginiya siya nito sa upuan at binigyan ng halik sa likod ng kaniyang kamay. Nahihiya man ay natutuwa din naman siya sa mga gawi nito. Kinakabahan man ay masayang naupo na sila sa lamesa at kumain nagsimulang kumain. Habang kumakain ay tumugtog ang musika na kinanta nito noong sorpresahin siya nito sa restaurant na ipinahanda rin niya. Tawa ito ng tawa dahil doon at bahagyang namumula ang mukha dahil sa kahihiyan. Kalahatian ng pagkain ay tumayo ito at niyaya siya nitong sumayaw. Pumayag naman siya kahit namumula ang muka niya sa hiya habang napangiti naman ito sa kanya.
"You're cute when blushing, really.” wika nito na nakangiti. Inihilig niya ang ulo sa matipunong dibdib nito at inaamoy-amoy ang pabangong gamit nito, hindi masakit sa ilong, tama lamang at kaakit-akit. How cliché, naisip niya. Ganoon yata talaga ang pag-ibig, kahit cliche ay kikiligin ka parin.
"Well, I believe you have something to tell me? kasi may dapat din akong ipagtapat sayo." wika nito habang patuloy ang pagsayaw nila. Nasa tabi lamang sila ng kanilang table at may mangilan-ngilan din na kumakain na nakatingin sa kanila at nakangiti. Kinabahan siyang bigla, ngunit naisip niyang eto na ang chance niya, it's now or never. Hindi na niya dapat patagalin pa ang nais sabihin. Niyaya niya itong bumalik sila sa lamesa at naupo sa kaninang pwesto nila saka sinimulan ang nais na sabihin dito.
"Zeon…” panimula ni Kaoru, “I- I want to tell you that at first, galit ako sayo. Alam mo naman kung bakit diba? Pero nung tumagal, nahulog na ang loob ko sa’yo. Kahit konti lang ang mabuting ugali mo, kahit na may pagka maniac ka talaga kung minsan. Despite all of that, Zeon, I- I love you... that I've fallen for you, na oo, sinasagot na kita. Tayo na." namumula ang mukha na pag-amin niya. Tahimik lamang ito at nakatitig sa kaniya kaya todo ang nararamdaman na kaba niya na baka hindi pareho ang nararamdaman nito sa kaniya. Ngunit ilang sandali ay kita na rin sa mata nito na masaya ito sa sinabi niya. Saya ngunit may pag-aalinlangan, bagay na ipinagtaka naman siya.
"I- marami akong dapat na ipagtapat sayo bago ang lahat. Sagot naman ni Zeon. “I love you, I really do Kaoru, pero kailangan mong marinig ito, at gusto ko na pakinggan mo akong mabuti... Kaoru... I..." sagot naman ni Zeon. Naputol ang sasabihin pa sana nito nang nagsisigawan na lumapit habang nagchi-cheer kay Zeon ang kambal na kaibigan nito. Nagpapalakpakan habang nagtatapikan sa isa't isa.
"Hah! You did it Zeon! Oh yeah! You won the bet." wika ni Aki na todo ang ngiti. Tinapik nito ang balikat ni Zeon saka umakbay dito. Biglang namutla naman ang mukha ni Zeon at hindi malaman ang gagawin. Natataranta ito at hindi malaman kung sino sa mga kaibigan ang pipigilan na magsalita.
"Wha- what are you doing here? Why are you here?" tanong ni Zeon sa natatarantang tono. Ipinagtaka naman niya ang biglang pamumutla nito sa sinabi ng dalawa. Hindi malaman ni Kaoru kung bakit naroon ang mga kaibigan nito sa espesyal at importanteng araw nila.
"Cheering for you of course!” sagot ni Aki. Tumatawa ito at nakapameywang habang sinasabi na, “dahil nanalo ka against Omi sa panliligaw kay Kaoru."
Naguluhan naman siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Nage-gets niya ang mga sinabi ng kambal ngunit ayaw niyang paniwalaan agad. Hindi tuluyang pumapasok sa isip niya ang lahat dahil baka isa nanaman ito sa sorpresa ni Zeon. Naniniwala siya na mahal siya nito. Na hindi totoong pinag pustahan lang siya ng mga ito at isa ito sa secret surprise ng Zeon.
"A- anong ibig n’yong sabihin? Anong bet?" tanong niya. Natatakot man ay gusto niyang malaman ang totoo. Kung ano ang sinasabi ng mga ito na pagkapanalo ni Zeon against Omi.
"Aki, get away from here! This is not the place to play." sabi ni Zeon at halatang galit na ito. Halata ang guilt sa mukha nito. Ang pagkataranta at pagkainis na hindi malaman.
"Zeon naman, kailangan mo pa kaming iblow out noh!” sagot muli ni Aki na tumatawa pa rin pati ang kakambal nito na nakangisi lang sa kaniya. “Ngayong nakaganti ka na kay Kaoru sa nangyari sa bar at nainlove na s’ya sayo at nanalo ka sa bet. Dapat sabihin mo na sa pagmumukha niyang makapal ang mukha na ‘yan na ang lahat ay pagkukunwari n’yo lang ni Omi para makaganti dito. Na there is no way in hell na magkakagusto ka sa kaniya." sagot ni Aki habang tatawa-tawa. Para siyang sinabugan ng sampung bomba sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Tiningnan niya si Zeon sa mata upang malaman kung totoo ang mga sinasabi nito ngunit sa itsura nito ngayon ay nagpapatunay na iyon na totoo ang sinasabi ng dalawa. napapikit siya ng mariin dahil hindi na niya kayang tingnan pa ito. Ayaw rin niyang malaman na totoo ang mga nangyayari ngayon. Na siya, si Kaoru Montenegro, Heir of them most powerful business magnate and one of the richest man in the world ay pinaglaruan lamang ng magbabarkadang walang magawa sa buhay.
"Kaoru... let me explain, Kao-" pilit na paliwanag nito. Tinabig niya ang kamay nito nang subukan siya nitong hawakan. Nagulat siya lalo sa isa pang dumating na galing sa likuran ni Zeon. Todo ngiti ito at paglapit nito kay Zeon ay humalik ito sa labi ng isa.
"The show is over Kaoru.” wika ni Angela sa tonong nang-aasar. “You can drop your fantasy na mainlove sayo si Zeon, NA BOYFRIEND KO! and totoo ang sinasabi nila. Why not ask Omi? And Kouji... At ang buong Bachelor? Alam nila lahat at si Zeon pa nga mismo ang nagplano ng lahat ng ito. At after this, sasama na s’ya sakin sa America and we will get married kaya go away you fag!"
Parang sampung kutsilyo ang nakatarak ngayon sa puso niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Zeon at Omi sa kaniya. Na ang lahat ay palabas lang upang makaganti sa kaniya ang mga ito. Lahat pala ay palabas lang. Pati ang public announcement nito na liligawan siya ay isang pagkukunwari din. Pagkukunwari. Pagpapanggap.
Lumapit si Zeon sa kaniya ngunit tinabig niya muli ang kamay nito. Alam niya na tumutulo na ang luha niya at ang pinakaayaw niya ay makita ng lahat na umiiyak siya ngunit hindi niya mapigilan ang nararamdaman.
At isa pa...
Kaoru Montenegro never cried...
Ito palang ang una simula noong bata siya matapos ang trauma niya.
"How dare you!” sigaw niya sa mukha nito. “How dare you play with me? HOW DARE YOU ALL! Are you happy now? All this time... paghihiganti lang pala ang habol mo? Ninyo? Why do this? Why like this? Sana naman naging patas kayo, sana masaya ka na ngayon sa mga ginawa mo. Well? You won, you really won because I'm so stupid to really fall for it. But aside from that... i hate you... I HATE YOU! I hate you for it. Good! Very good! Napaglaruan ninyo ang isang Kaoru Montenegro. You all should’ve been so proud of yourselves." Pagkasabi niyon ay agad siyang tumakbo palayo doon. Palayo sa lugar na iyon. Palayo kay Zeon, sa lalaking ngayon ay totoong minahal na niya. His first love.
His first real love.
And his first broken heart.
Hindi na niya nalaman kung humabol ba ito o hindi dahil agad siyang sumakay sa sasakyan niya at inutusan niya ang driver na paandarin na ang sasakyan pauwi sa kanila. Kung saan naghihintay ang kuya Andrei niya ng balita tungkol sa sana ay magandang gabi niya. Hiyang-hiya siya sa sarili. Inis na inis sa kaniyang katangahan at paniniwala na may taong sincere na magmamahal sa kaniya na hindi kayamanan lang niya ang habol. He is stupid for believing that something like that would really happen to him.
Pagdating sa bahay ay nakangiting sinalubong siya ni Andrei ngunit nawala agad nang makita ang itsura niya. Umiiyak na tumakbo siya sa braso nito at doon humagulgol ng iyak.
"God Kaoru what happened? Okay ka lang? Anong nangyari?" tanong nito na may pag-aalala. Yumakap siya dito at dahan-dahang napaupo sila sa sahig.
"He played me. It’s all a lie.” sagot niya dito. “Hindi niya ko mahal... pustahan lang ang lahat Kuya Andrei. Niloko n’ya lang ako. What did I do to deserve this kuya? What!? Why!?" Tuloy parin ang agos ng luha niya. Wala siyang ginawa nang oras na iyon kundi ang umiyak lamang ng umiyak hanggang sa maubos ang lakas at mawalan siya ng malay sa mga bisig nito.
Hindi niya naramdaman ang pagbuhat nito sa kaniya at pagdala nito sa kaniya sa sasakyan.
"Kuya John, sa airport tayo. May naghihintay na sa amin doong private plane na hiniram ni Tito Geronimo para makasunod kami sa kanya sa Greece. Kaoru needs to leave and fast." sabi nito. Tumango lamang ang driver at hindi na naghinala na kung ano pa man. Sanay naman kasi ito na basta-basta umaalis ang mga Montenegro kahit pa ano itsura ng mga ito. At sa nakita niyang lagay ni Kaoru ay mukhang kailangan nga talagang makaalis ang mga ito ng mabilis. Walang paghihinalang dinala nito ang dalawa sa destinasyon na sinabi ni Andrei.
The biggest mistake you've done Zeon... ay nang naduwag ka na sabihin sa kaniya ang totoo ng mas maaga. Now you'll know how much you've lost.
~~
Hindi niya kinaya ang mga luha at sakit na nakikita niya ngayon sa mukha ni Kaoru habang galit itong sumisigaw sa kaniya. Noong tumakbo ito ay sinubukan niya itong pigilin ngunit pinigil siya ni Angela kaya hindi na rin niya naituloy ang balak sana na paghabol dito. Samantala ay galit naman ang nararamdaman niya para sa dalawang kaibigan na sumira ng lahat.
"Let him be Zeon. He's not worth it. You shouldn't waste your time to that fag." sabi naman ni Angela. Nainis siya sa narinig. Hindi niya maatim na marinig ang mga insultong iyon na lumalabas sa bibig ni Angela kaya tinulak niya ito palayo sa kaniya na ikinagulat nito at nang kambal.
"You know what? I have enough!” panimula niya. “I have enough of you, always thinking that the world is centered around you! Nagkakamali ka! Hindi sayo nakasentro ang mundo! Hindi rin sayo nakasentro ang mundo ko! Kay kaoru na! Siya na ang mahal ko kaya accept it! At kayo? Masaya na ba kayo? Congratulations because you ruined someone else’s life! Some friend you are!" sigaw niya sa mga ito sa galit na galit na tono. Kita naman sa mukha ng dalawa ang pamumutla, guilt at pagsisisi. Ngunit huli na ang lahat, nagawa na ng mga ito at wala na si Kaoru. How they wished na kinausap muna nila si Zeon bago gawin ito. He only wished na bigyan siya ng tsansa nito na makapag paliwanag.
Agad siyang tumakbo palabas ngunit nakaalis na ang sasakyan ni Kaoru. Sinubukan niyang habulin ang mga ito ngunit hindi na rin siya umabot pa. Napaupo na lamang siya sa kalsada at doon ay buong lakas na isinigaw ang pangalan ni Kaoru, umaasa na marinig nito ang sigaw ng puso niya na umaasang mapatawad siya at mabigyan ng pagkakataon. Ngayon na hindi na niya kakayaning mabuhay na wala ito.
Kaoru... please come back to me... please... Ilove you! Give me one more, just one more chance... Please...
~~
May isang oras na silang nakasakay sa private plane na hiniram niya nang magising si Kaoru. Nasa mga bisig niya na ito. Si Kaoru at ang buong pangarap niya na maangkin ang lahat-lahat ng kayamanan ng mga Montenegro. Si Kaoru at ang kayamanan na hinahangad niya noon pa.
Pagkalabas niya ng sasakyan bitbit si Kaoru kanina ay sinenyasan niya ang isang lalaki na naghihintay sa kanila sa hagdan ng private plane. Ang utos niya dito ay patayin ang driver na naghatid sa kanila dito sa airport. Sa back gate ng mansyon sila dumaan palabas, isang pribadong daan na ginagamit lamang ng mga Montenegro for emergency purpose. Dahil nasa front lahat ng bodyguards nito ay walang nakakaalam na naialis na niya si Kaoru na walang kahirap-hirap. Malaki ang tiwala sa kaniya ni Kaoru kaya hindi mag-iisip ng ano man ang mga bodyguards nito na wala na sa mansyon ang alaga nila. Makahalata man sila ay siguradong malayo na sila sa mansyon.
Babalik na lamang sila dito kapag sigurado na siyang sa kaniya na si Kaoru at ikinasal na sila dahil alam niyang ang kasunod noon ay ang mga mamanahin nito. Babalik sila kapag sigurado na ang future nilang dalawa. Na mahal na siya nito at hindi na ito makakalayo sa kaniya.
"Kuya Andrei? Nasaan tayo?" tanong nito na nagtataka. Nginitian naman niya ito para makakalma muna ito.
"Nasa private plane." sagot niya. Nanlaki ang mata nito sa gulat at agad na tumayo mula sa pagkakasandal sa kaniya. Alam niyang matalino si Kaoru. Matalas ang isip nito at madaling kumilatis ng motibo ng mga tao dito. Maliban kay Zeon!
"What? Why? Saan tayo pupunta? Anong ginagawa natin dito?" tanong nito na may halong takot. Tumingin ito sa bintana at ganun na lamang ang pagkadismaya nito nang mapansin ang taas ng private plane sa lupa.
"Pupunta tayo ng Canada. Doon na tayo maninirahan Kaoru." sagot niya. Umiling-iling naman ito sa pagkagulat. Hindi makapaniwala sa mga nadidinig. Hindi naman niya nagustuhan ang reaksyon nito.
"What? No... no... no Kuya, you're joking right? Uuwi tayo ngayon na at hindi tayo pupunta kung saan. I need to talk to Zeon!" mariing utos nito sa kaniya. Ngumisi lamang siya dito at hinawakan ito sa braso. Pumalag naman ito at lumayo sa kaniya at dahan-dahan naman siyang tumayo at dahan-dahan ding lumapit dito.
"Pagkatapos ng ginawa niya sayo? Si Zeon parin ang nasa isip mo? Well... your Zeon will never be able to save you, dahil mamamatay siya ngayong gabi." sagot niya. Nakita niyang nagulat ito at nanlaki ang mata sa takot. Hindi makapaniwala sa mga nadinig.
"What? Are you serious? Kuya Andrei why? Don’t do this, why are you doing this? Alam ko na may ginawang hindi maganda si Zeon but we don’t need to hurt him… What do you want kuya? Why?" Alam niyang gulong-gulo na ang utak nito dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari. Pero kita niya sa mga mata nito ang unti-unting realization. Ang pagkadiskubre nito sa totoong pakay niya. Nang makalapit siya dito ay inilapit niya ang labi sa tenga nito.
"You, I want you. Be mine at sinisiguro ko sayo, Zeon will stay alive." sagot niya. Hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
"So, you only want s*x from me? That’s just it right!?" tanong nito sa kaniya.
"No, I want all of you, everything about you and everything you have." sagot niya naman dito. Kaoru really is intelligent kahit na inosente ito. That’s why he like him so very much, they really fit together.
"You want all my inheritance then? Lahat ng pera ng Daddy ko?" tanong nito. Ngumiti siya dahil tama ang sagot nito. Alam nito dahil kahit noon pa man ay pera lang naman ang gusto ng ibang tao dito. Ngumisi naman ito sa kaniya na parang sinasabing siya na ang pinaka tangang tao sa mundo. Hindi niya maintindihan ang kahulugan ng mga ngisi nitong iyon.
"Well Kuya, nagkamali ka nang taong tinangay.” sagot nito. “Don’t get me wrong, pero hindi sa pangalan ko inilagay ni Daddy ang lahat-lahat ng kayamanan ng mga Montenegro. Because he said I am too smart already to stand on my own and make my own. Now... you're stuck with me and with nothing to start with. Isa pa, hindi ilalagay ni Daddy ang kayamanan niya sa’kin because… the real Kaoru Montenegro died when his uncle kidn*pped him and forced him when he was eight years old." dugtong pa nito. Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Hindi makapaniwala sa sinasabi nito. Hindi dito ipapamana ang kayamanan ng mga Montenegro? Hindi ito ang tunay na Kaoru? What? Why? How?
"What? You're joking? Hindi mo ko maloloko at sa tingin mo maniniwala ako sayo? Strategy lang yan ni Tito para lituhin ang mga kidnappers at mga taong balak kunin ang pera nyo." sabi naman niya dito. Sigurado siyang iyon ang dahilan.
"You can believe what you want or ipaimbestiga mo.” sagot nito muli. “Hindi ako ang tunay na anak at makikita mo sa hidden files ng aksidente noon na namatay si Kaoru sa blood loss, trauma and head injury. Itinago ni Daddy sa lahat ang totoo at inampon nila ako sa isang sikretong ampunan dahil hindi nakayanan ni Mommy ang pagkamatay ng anak nila. Itinago nila sa lahat ang totoo. Kailangan iyon para maprotektahan ako at ang katotohanan na walang tagapagmana ang mga Montenegro. Nasa pangalan ng ibang tao ang kapangyarihan at kayamanan na hinahangad mo! Ang kapangyarihang hawak ko ay fake because I'm not the real Heir! Nasa charity na ang buong kayamanan ng mga Montenegro at lalabas iyan lahat sa imbestigasyon mo. Daddy is too wise for soemone like you!"
Sa galit niya ay nasampal niya ito ng malakas. Bumagsak ito sa sahig ngunit nakangisi parin ito sa kaniya na may pang-iinsulto. Hindi niya matanggap na ginugol niya ang oras at panahon sa isang pekeng Prinsipe na wala naman palang hawak na ginto dahil ang totoong Prinsepe ay matagal nang nakabaon sa lupa. He wanted to rage! To kill! To burn!
"Pero kahit ganon, I have you. I believe na gagawin ni Tito ang lahat to have you back safe and sound dahil I’m sure anak na rin ang turing nila sayo. You’re their son for a long time right? At hindi ka na makakabalik pa dahil you're stuck with me! Tingin mo pakakawalan pa kita? No you'll marry me at magsasama tayo. Babalik tayo doon na nakatali ka na sa akin, para kahit makaligtas ang Zeon mo... I'll make sure na hindi kayo magiging maligaya. Dahil hindi kayo magsasama, at isa pa nga pala... matagal nang inirong ni Zeon ang pustahan, wanna know why?" mahabang litanya niya. Lumapit siya dito at ipinamukha dito.
"Because Zeon has already fallen in love with you, alam ni Omi iyon dahil nag-usap ang dalawa, and you're one big idiot Kaoru, and you are my idiot. Stupid but still mine and mine alone!" sigaw niya sa mukha nito. Itinulak niya ito ng malakas pagkasabi niyon. Galit siya dahil naisahan siya ng Daddy nito. But he believe na gagawa ng paraan si Geronimo to have his baby Prince back. Kahit pa hindi ito ang tunay na Kaoru ay siguradong minahal na rin ito ng mag-asawa as a real son, right? He cannot believe na siya ang pinaglaruan ni Geronimo! He cannot believe na ang batang minahal niya noon at kasama at laging nakadikit sa kaniya ay matagal nang patay. He cannot believe his beloved Kaoru died a long time ago…
Napahiga ito sa sahig saka umiyak ng umiyak. Hinayaan lamang niya ito, hinayaan na lumuha at magluksa.
"Yeah, mourn fake Kaoru. Mourn his death, let’s mourn our dead beloved together, at kailangan mo nang pag-aralang mahalin ako, dahil akin ka lang. Oo nga pala, kakatext lang ng inutusan ko and Zeon is dead. He succeeded on killing your idiotic boyfriend na inlove sa sister ko."
Humagulgol ito lalo sa mga sinabi niya. Well, hindi na naman nito malalaman na palpak ang trabaho ng inutusan niya. Because he will never touch any phone or anything to communicate with others again. Siya lang ang magiging mundo nito, siya lang at wala nang iba.
Damn you Zeon! Why can't you die!
Habang umiiyak ito ay nakatitig naman siya dito. His training was really good. Kahit ang mga simpleng bagay na tungkol sa totoong Kaoru ay nagagaya nito gaya nang kung paano ito umiyak. Pero simple lamang iyon kumpara sa napakalaking ipinag-kaiba nito at ng totoong Kaoru. Kaya pala mas malaki na ang ipinagbago nito. Akala niya ay dahil nagmature na ito. Iyon pala ay hindi na ito ang Kaoru na minahal at nakasama niya.
Pero may isang bagay siya na ipinagtataka.
God, how did this b*tch knows that I am scared of ghosts? Only the real Kaoru knows.
Lihim niya itong tinitigan. Ngunit ayon sa ilang impormasyon na nakuha niya noon pa man na bago siya umuwi ay totoo ang k********g.
At totoong may batang namatay noong araw na iyon. Dahil bago siya bumalik ng bansa ay nakakalap na siya ng impormasyon na akala niya ay gawa-gawa lamang ni Geronimo. Totoo palang patay na si Kaoru Montenegro, his first love.