Matapos makaalis sa restaurant si Zeon ay agad na hinanap nito si Kaoru. Alam niyang uuwi ito sa bahay nito kaya doon niya ito pupuntahan at kakausapin. Ipapaliwanag miya dito ang lahat at sasabihin dito ang totoo, pati na rin ang kaniyang tunay na nararamdaman dito. Habang nagmamaneho ay napansin niya ang isang itim na sasakyan na nakasunod sa kaniya kanina pa at hindi lumalayo sa kaniyang sariling sasakyan. Kunot noon a sinubukan niyang magpaikot-ikot kung saan dahil ayaw niyang maghinala agad na siya ang sinusundan ng sasakyan at mapahiya lamang. Ngunit nakasunod parin ang itim na sasakyan na iyon sa kaniya saan man siya tumungo. Ilang ulit na rin siyang tinatawagan ni Dan at Aki ngunit hindi niya sinasagot iyon dahil hindi niya gustong makausap ang dalawa. Ayaw niyang makipag usap habang galit siya at sariwa pa ang lahat. Habang di pa niya nakakausap si Kaoru at naipapaliwanag dito ang mga nangyari.
Matapos ang mga nangyari ay hindi niya alam kung magagawa niyang patawarin ang mga ito. Kung maibabalik pa ang dating pinagsamahan nila matapos ng ginawang pagpapahiya ng mga ito kay Kaoru sa restaurant. Hindi rin niya alam kung tama bang isisi niya ang lahat sa mga ito ang kasalanan gayung siya ang nagsimula ng ideya ng paghihiganti sa batang Montenegro. Kahit pa si Omi ang nakaisip ng paraan ay siya parin ang may gusto na gantihan ang lalaking kaniya nang minamahal. Kung sana ay kinausap niya ang kambal ng mas maaga ay naintindihan sana ng mga ito ang lahat. Ngunit hindi rin maganda ang ginawang pakikialam ng mga ito sa kanila ni Kaoru at hindi pa sinabi sa kaniya ang plano ng mga ito. Hindi rin niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang tungkol sa date nila at at doon pa mismo gumawa ng hindi maganda ang mga ito. Sana lamang ay kausapin siya ni Kaoru kahit hindi siya patawarin agad nito. Basta pakinggan lamang ang paliwanag niya ay sapat na sa kaniya.
Binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Hinahangad na mailigaw ang itim na sasakyan na humahabol sa kaniya kanina pa. Napansin niyang tumatawag si Omi at naisip niyang siguradong tutulungan siya nito kapag sinabi niya ang mga nangyari. Aabutin na sana niya ang cellphone nang banggain ng itim na sasakyan ang hulihan ng minamaneho niyang sasakyan. Nagpagewang-gewang siya sandali ngunit nakabawi rin agad bago pa man siya bumangga sa ibang sasakyan. Binagalan niya kaunti ang patakbo ngunit nang bumagal ay sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran niya naman ang sumunod na naranasan niya. Naflat ang hulihang gulong ng sasakyan at dahil may kabilisan pa ang patakbo ay nawala muli ang kontrol niya doon hanggang sa nagpaikot-ikot sa gitna nang kalsada ang sasakyan. Ang huli na lamang niyang nakita ay isang malaking puno na mabilis na palapit sa kaniya. Alam niya sa sarili na maaring hindi siya makaligtas sa pagkakataong ito kaya ang mukha ng minamahal ang huli niyang naisip bago tuluyang tumama dito ang kaniyang sasakyan.
At bago siya nawalan ng malay ay ang berdeng mata nito na sa kaniya lang ipinakita, ang matatamis na ngiti na nakalaan lamang para sa kaniya ang huling nasa isip bago tuluyang sumalpok ang kaniyang sasakyan.
Kaoru... I'm sorry, I really love you...
~~
Nagising siya sa isang kwarto na may matinding liwanag. Noong ilinga niya ang ulo sa paligid ay napakaputi ng lahat at napangiti siya. Mukang namatay na nga talaga siya at nasa langit na siya. Ngunit ipinagtaka niya kung bakit siya mapupunta sa langit tapos ng mga ginawa niya? Muli niyang sinipat ang paligid at doon napansin ang bintana na may putting kurtian, dextrose at lamesa na may bulaklak sa vase, at saka niya naisip na nasa ospital pala siya. Ibig sabihin ay nakaligtas siya at may pag-asa pa na makausap niya si Kaoru? Inilinga niya muli ang paningin at sakto naman na papasok ang ate Reiko niya kasunod ang kanilang bunsong kapatid na si Lowell. Kasunod rin ng dalawa ang mama at papa niya at mga magulang ni Omi na kausap ng mga ito. Naroon din si Omi at ang Mark na laging nakasunod kay Kaoru at kasunod naman ang mukhang mag-asawa na hindi niya kilala. May mga police din doon at N.B.I na papasok din sa kaniyang kwarto at lalong kumukunot ang noo niya habang napapansin ang mga tao sa paligid. Inilinga niya muli ang paningin at inisa-isa ang mga ito ngunit wala ang isang taong inaasam niya na pupunta kapag nalaman nitong naaksidente siya. Walang Kaoru na dumating at doon lalong bumaba ang pag-asa niya na mapapatawad siya nito. Noong mapansin ng iba na gising na siya ay agad na lumapit sa kanya ang Mama niya kasunod ang Papa at mga kapatid niya.
"Zeon... anak gising ka na sa wakas! May masakit ba sayo?" tanong ng Mama niya na may pag-aalala. Umiling siya at inikot niyang muli ang mata sa paligid at sa mga taong naroon ng isa pang ulit at inaasahang makita doon ang isang taong hinahangad makita. Na baka natakpan lamang ito ng iba.
"Asan... si Kaoru?" tanong niya. Natahimik naman ang lahat at matinding tensyon ang bumalot sa kanila. Lalo niyang ipinagtaka ang reaksyon ng mga ito saka binalot ng matinding kaba.
"Ano... Zeon anak,” wika ng Mama niya. “iyan ang dahilan kung bakit madaming tao dito. Sila ang mga magulang ni Kaoru. May mga N.B.I din at Police dito dahil...
Anak.... nawawala si Kaoru three days na." Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ibig sabihin ay ilang araw na rin siyang tulog? At anong nawawala si Kaoru? Anong ibig sabihin nito na nawawala si Kaoru?
"Anong... ibig nyong sabihin?” tanong niya. “Nasaan si Kaoru? Anong nangyari sa kanya? Baka nagtatago lang dahil galit siya sakin? Ma nasaan si Kaoru? Walang nangyaring masama sa kaniya diba? Diba mama?" Natataranta at nagpapanic na sunod-sunod na wika niya. Gusto niyang tumayo at puntahan si Kaoru at siguruhin na ligtas ito ngunit hindi niya maigalaw ang katawan dahil hawak ito ng mama, ate at papa niya.
"Shhh... Anak please be calm, calm down. Natagpuan ang sasakyan ni Kaoru na puro tama ng baril kinaumagahan ng aksidente mo. Patay na si Manong John, ang driver niya, pero ang sabi ng mga bodyguards ay nakauwi pa sila sa mansyon ng mga Montenegro bago ito nawala. Sa mansyon mismo nawala si Kaoru anak, kasama ang kababata nito na si Andrei. Nakita din ng hardinero nila na bitbit ng isang lalaki si Kaoru pasakay ng sasakyan nito mismo na natagpuang puno ng bala...
Anak ang lalaki na iyon na sinasabi ng hardinero na tumangay kay Kaoru ay si Andrei, kuya ni Angela." sagot ng Ina. Gulat na gulat siya sa mga nalaman. Hindi niya maintindihan kung anong koneksyon ni Andrei sa mga Montenegro? Bakit nito tinangay si Kaoru? Para saan? At bakit pag-iinteresan nito si Kaoru gayung hindi naman nito kilala ang isa? Kakauwi lamang ng mga ito galing ibang bansa, bakit nito tatangayin si Kaoru? Anong kailangan nito kay Kaoru? Bakit parang ang gulo ng lahat? At anong kinalaman ni Angela sa lahat ng nangyayaring ito? Nang maalala niya na kapatid ni Angela si Andrei ay nakaramdam siya bigla ng matinding galit para sa babae. Galit na lalo pang lumalalim kapag naiisip na may kinalaman ito sa ginawang pag-dukot ni Andrei sa kaniyang mahal.
"Nalaman din namin na..... wala na sa bansa si Kaoru anak. Itinakas siya ng bansa ngunit hindi malaman kung paano dahil imposibleng makalabas ng bansa si Kaoru na mag-isa na hindi nalalaman ng mga magulang n’ya. Isa pa, nasiguro namin na may malaking tao na sangkot sa lahat ng ito anak... may kasabwat si Andrei at kung ano ang pakay nila ay hindi pa rin namin alam. Sinusubukan na naming i-trace sila. Kailangan lang nila ang mga maibibigay mong impormasyon kung sakaling may alam ka kaya sila narito."
Hindi siya makapaniwala sa mga nadidinig. Inakala niya na magiging maayos ang lahat, na pagkatapos ay magsasama na silang dalawa at magiging maligaya ni Kaoru kung sakaling mapatawad siya nito.
Pero bigla itong nawala, tangay ng isang taong hindi malaman kung anong motibo.
Pero hindi ako susuko, hindi ako susuko hanggang mahanap kita at masiguro na ligtas ka.
Sisigurihin kong ligtas ka, kahit umabot pa ng mahabang panahon Kaoru,
Mahal na mahal kita, at walang makapaghihiwalay sa ating dalawa...
Pangako..
I'll come and bring you back.