Chapter 45

1295 Words
“Good morning Abi” nagulat naman ako bigla nang makasalubong ko si Winslet na palabas ng kwarto niya. “Morning din” tugon ko. “Tulog pa ba si Kuya?” tumango ako. “Tara tulungan mo ako magluto ng agahan” ngumiti lang ako at nauna na siyang lumakad saka ako sumunod sa kanya. “Good morning po Mam” bati ng isa sa mga kasambahay nila. “Good morning din sa inyo” ngumiti lang ako sa kanila. “Kami po muna ang magluluto ng breakfast, manang” tumango naman si Manang at kinuha na niya ang mga lulutuin. “Ahmm ako na doon sa sinangag” kumuha lang ako ng margarin at nilagay sa kawali. “Nakakapagluto ka ba ng breakfast sa bahay niyo?” umiling ako. “Kapag day off lang at nasa penthouse ako ng kuya mo” sagot ko. “Alam mo kagabi may napanaginipan ako” tumingin ako kanya. “Ano naman yung napanaginipan mo kagabi?” tanong ko. Humigop muna ako ng kape dahil di ako sanay ng walang iniinom na kape bago kumain ng agahan. “May lumalagitgit daw yung papag sa kwarto ni kuya” muntikan ko nang mabuga ang iniinom kong kape sa sagot niya. “Grabe naman pala yung panaginip mo” pero ang totoo ay parang gusto ko nang lumubog sa sahig sa sobrang kahihiyan. “Ay oo pero napalitan na yun bigla nung napanaginipan ko si Lieutenant Damien” kilig niyang sabi. “Hanggang ngayon ba may gusto ka pa rin sa lieutenant na yun?” tanong ko. “Girl, alam mo naman na di ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin pagsagip doon sa mga bad people na yun” kwento niya. Naikwento kasi niya dati tungkol doon sa kamuntikan nang maholdap si Winslet pero buti na lang ay napadaan daw yung isang pulis kaya di natuloy makuha ang mga gamit niya kaya lang na love at first sight ata ang gaga kaya napasapo na lang kami sa aming mga noo noong kinuwento niya yun. Di ko na lang binanggit sa kuya nito dahil baka masermonan na naman siya. May pagka- overprotective kasi si Xieron kulang na lang magmadre na lang si Winslet. “Sus! Malay mo may anak at asawa na yun. Di ko itorelate yan kahit kaibigan o kapatid ka ng boyfriend ko alam mo naman allergy ako sa mga kabit” paalala ko. “Oo di naman ako papatol sa may asawa noh at isa pa crush lang naman bakit napunta agad sa kabit” binigay na ni Winslet ang itlog at hotdog na niluto niya. Hiniwa niya rin ito saka ko ito nilagay sa ibabaw ng kanin para haluin. “Anong oras out mo sa Wednesday?” tanong niya. “Di ko sure kung may operation yung doctor na iassisst ko. Alam mo naman mas maraming pasyente ang gynecologist kaysa sa ibang doctor” saad ko. Pinatay ko na ang kalan saka ko ito isinalin sa isang malaking lalagyan. “Panigurado, marami na naman makakain si Kuya dahil ikaw ang nagluto” natawa naman ako sa sinabi niya. “Halata naman” sabi ko. “Good morning mon chéri” napitlag ako nang yakapin ako ni Xieron sa likod ko. “Patapos na ito umupo ka na sa lamesa” sabi ko. “Pasintabi naman po sa mga single na nandito oh” bigla naman akong natawa. “Edi umilag ka” sabi niya. “Sus! Naging jowa mo lang yung friend ko naging ganyan ka na” sakristong sabi ni Winslet. “Tama na yan sige na umupo ka na dun at isasalin ko pa yung sinangag” sabi ko. Sumunod naman si Xieron sa sinabi ko. “Nagiging masunurin na siya feeling ko siya na ata ang susunod sa yapak ni Kuya Jervy” napailing na lang ako noong naalala ko ang mukha niya kapag sinasaway siya ng asawa niya. “May naalala ka?” Tumango ako. “Parang alam ko na yung ba pumunta tayo sa kanila para bisitahin yung anak nila?” tumango ako. “Ay! Naalala ko yun grabe yung mukha ni Kuya Jervy kulang na lang magtayo sila ng rebulto para sa kanya” natawa ako bigla. “Ilagay mo na doon yan ititimpla ko lang ng kape yung kuya mo” tumulong na rin ang mga kasambahay sa amin para di na daw kami mahirapan sa paghahanda. “You cook this iha?” tumango ako. “Masarap magluto si Abi ‘la kaya tingnan niyo yung apo niyo ang ganang kumain” bigla akong napatingin kay Xieron na sunud-sunod ang pagsubo niya ng pagkain. “Halata nga” natawa kami sa reaksyon ni Lola Fatima. “Kaya alam ko na magiging mabuti sa kanya si Abi dahil sa pagiging maalaga niya sa apo ko” napangiti naman ako sa papuri ni Lola Fatima. Hinawakan naman ni Xieron ang kamay ko at sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang buhok ko. *** “May susuutin ka na ba sa birthday ng lola nung dalawa?” umiling ako. “Kaya nga maaga ako susunduin ni Xieron mamaya para mapuntahan namin yung kakilala niyang may ari ng botique doon sa SM North Edsa” sabi ko. “Sabagay, kung magpapatahi pa kayo ng dress gahol sa oras yun dahil sa sunday na yung birthday party ni Lola Fatima” saad niya. “Ikaw di ka ba pupunta?” umiling siya. “May meeting kami mamaya pag-uusapan kasi yung tungkol sa mga intern na papasok sa lunes. Kinuha nila kasi ako bilang Clinical Instructor ng mga nursing students sa iba’t ibang school. Kukunin ka nga dapat nila pero alam mo naman yung jowa mo isang usap lang sa director susundin agad” napangiwi na lang ako sa sinabi niya. “Pwede naman ako maging Clinical Instructor kaya lang magiging pang-umaga ako” sabi ko. “Marami na kasing pang-umaga kaya yumg choices is yung panggabi na raw” sabi niya. “Kamusta naman kayo ni Nurse Marco?” tanong ko. “Okay lang may time na lumalabas kami pero may time na di natutuloy may epal kasi” kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Wag mo nang alamin kung sino yun” nagpaalam na ito na may ipapainom pa siyang gamot sa pasyente niya. “WALA kang dalang kotse?” tanong ko. “Nasira kaya dinala ko muna sa talyer anyway kuya alam mo naman kung saan kami pupunta ah” “I know she said me earlier wag mo na ipaalala” sabi niya. “Kailangan ko lang ipaalala sayo baka maging praning ka na naman” sinamaan niya ng tingin ang kapatid niya. “Were here” bumaba na kami ng sasakyan at inintay pa namin na maipark ng maayos ang kotse niya saka pa lang kami pumasok sa mall. “Good evening po Mam Winslet this way po” sumunod naman si Winslet sa sinabi ng saleslady at nakita ko ang may-ari ng botique na ito. “Hi! Winslet” humalik sa pisngi si Winslet sa kaibigan. “Hey, Xieron” tumango naman siya. “Oh, your brother’s girlfriend” ngumiti si Winslet at tumango. “By the way she's Abigail my friend and Kuya Xieron’s girlfriend or I should say future wife ni kuya” bigla naman nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. “Oww, Hi I’m Esme nice to meet you Abigail” nilahad niya ang kamay niya sa akin. “Just call me Abi, Esme” tumango naman siya. “So, tara na para makapili na kayo ng damit for Lola Fatima’s birthday” sumunod na kami sa kanya para tingnan ang mga damit na pwede namin pagpilian para sa birthday ni Lola Fatima sa sunday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD