“So may napili na kayo for Lola Fatima's birthday” tumango kami.
“Di muna namin ipapakita ito kay kuya dahil gusto namin siya maisupresa kapag nakita niya na ito suot ni Abi sa birthday ni Lola” saad ni Winslet.
“Naku kapag nakita yan ng kuya mo baka tumulo ang laway nun” tumawa kami dahil sa sinabi niya.
“At baka magkulong na sila ng kwarto” sumimangot naman ako sa pang-aasar ni Winslet.
“Wait, di ba pupunta si Patricia? Dahil si Megan pupunta siya sa sunday” tanong ni Winslet.
“Nagpapakabusy yun sa trabaho hayaan mo na lang siya muna kapag kasi sumama yun baka masaktan na naman yun di ba nabanggit ng daddy mo na pupunta si Doc Joaquin kasama yung fiancé niya sa mismong araw ng birthday ni Lola Fatima” sagot ko.
“Ay oo nga pala” saad niya.
“Kailan ba kasal nung dalawa?” tanong ni Esme.
“Sa june daw sabi nila pero feeling ko ay parang di detailed yung paghahanda sa wedding nila. Naikwento sa akin ni Kuya Stephen na halos wala daw naitulong sa kasal si Kuya Joaquin. Di pa nga daw pumipili ng mga iimbitahan niya sa kasal pati damit na susuutin di pa raw nakakapili” kwento ni Winslet.
“May balak ba siyang ituloy yung kasal?” kumibit balikat si Winslet sa tanong ni Esme.
“Di na rin ako halos nakikibalita tungkol sa kaniya” sabi niya. Biglang may tumawag sa cellphone ko.
“Si Tita” nagpaalam muna ako sa kanila at lumabas saglit. Sumenyas lang ako kay Xieron na tumatawag si Tita Maris.
“Tita napatawag po kayo?” tanong ko.
“Pauwi ka na?” tanong niya.
“Di pa po nagsusukat pa po kami ng damit na gagamitin sa birthday ni Lola Fatima” sagot ko.
“Ganun ba sige sasabihin ko na lang sayo mamaya sa bahay. Bumili ka na rin ng ice cream nagcrave ako bigla” saad niya.
“Sige po yung paborito niyo po ba?”
“Oo sige diretso uwi ah” bigla naman ako napakamot sa ulo dahil ginawa na naman akong estudyante ni Tita.
“Opo, sige po” binaba ko na ang tawag at pumasok na muli sa boutique.
“Bakit tumawag si Tita Maris?” tanong niya.
“May sasabihin daw at saka nagpapabili ng ice cream kaya bago tayong umuwi daan muna tayo sa supermarket” tumango na lang ito at pinuntahan ko na sina Esme at Winslet na nagchichikahan pa rin.
“ANO po ba ang sasabihin niyo Tita?” tanong ko.
“Magpapaappoinment ako sa inaassisst mong doctor” nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Bakit may nararamdaman po ba kayo na di maganda?” umiling siya.
“Di pa kasi ako dinadatnan” napatakip ako bigla ng bibig.
“Tita baka buntis po ulit kayo?” napaupo siya sa sofa.
“Baka pero alam mo naman nanganak na ako sa triplets di ba sabi ng doctor may suddenly na magkakaproblema kapag nabuntis muli ako” umupo ako sa tabi niya.
“Tita, kung sakali naman po na buntis po kayo ay di ko naman po kayo pababayaan” saad ko.
“Pero Tita alam na po ba ito ni Tito?” umiling siya.
“Di ko muna sinabi sa kanya di pa naman kasi sigurado kung buntis ulit ako” sagot niya. Napabuntong na lang ako ng hininga.
_
“Ate Abi may meeting po kasi sa school namin next week okay lang po ba na si Ate Jona na po yung pupunta sa akin?” ngumiti ako kay Jewel.
“Ako na ang pupunta sa meeting mo” sabi ko.
“Sigurado po ba kayo Ate baka may trabaho po kayo” saad niya.
“Gabi naman yung pasok ko kaya makakapunta ako sa school mo next week” niyakap naman ako ni Jewel.
“Salamat po ate” ngumiti naman ako sa kanya.
“Sige na matulog ka may pasok ka pa bukas” tumango naman siya at nagpaalam na siya sa akin na aakyat na sa kwarto nito.
***
“Ayaw mo ba talaga magpamake-up?” umiling ako.
“Di naman ako sanay na may makapal na make-up, alam mo naman na simple lang ako mag-ayos” sabi ko.
“Hmmm… kaya naman patay na patay si Kuya sayo’” sinisundot-sundot niya ang tagiliran ko.
“Siya nga pala otw pa lang yung mag-asawa nagtagal pa raw kasi sila sa banyo” napailing na lang ako kahit may anak na ay active pa rin sila sa s*x.
“Kailan ba balak nilang magpakasal ulit?” tanong niya.
“Kapag naayos na daw yung alitan nila ng pamilya ni Megan pero imposible naman yun maaayos pa, ang taas kasi ng pride nung parents ni Megan, di naman kasi tatakbuhan ni Jervy yung responsibilidad niya kay Megan” sabi ko.
“Masyadong pranning yun ang sabihin mo at baka raw madungisan yung pangalan nila di ba nila alam yan si Jervy ay nasa hanay ng mga billionaire dito sa PIlipinas kaya nga magbabarkada ang mga yan at maswerte si Megan na natagpuan na niya yung the one niya agad yung isa nga lang talaga ang hindi swerte nung una pero natagpuan rin sa wakas” saad niya.
“Ma’am Winslet hinahanap na po kayo ng mommy niyo po” tawag mula sa kasambahay nila.
“Let’s go” inayos ko na ang damit ko at tumingin sa salamin sa room ni Winslet. Ang suot ko ngayon ay isang elegant blue dress na pinares ko sa isang 4 inch na sapatos. Suot ko ngayon ang gift ni Xieron nung first anniversary namin, isang kwintas na infinity ang pendant.
“Ano kaya ang reaksyon ni Kuya kapag nakita ka?” natawa lang ako.
“Ewan ko” binuksan ko na ang pintuan at bigla akong namangha dahil sa ganda ng mga theme design para sa birthday ni Lola Fatima.
“Nandito na pala sila” bumaba na kami ng hagdan at nakita ko si Xieron na abala sa pag-uusap sa mga investor nila na inimbita nila sa birthday party.
“They are beautiful huh” ngumiti naman si Tita Zyra sa mga bisita nila.
“I want to meet my future daughter-in-law Abi” bumati naman ako sa kanila bilang paggalang.
“Aba, nagkaroon pala ulit ng girlfriend si Xieron”
“Yes, almost one year na sila in a relationship” saad ni Tita.
“Tita, pupuntahan ko lang po sina Megan” tumango naman ang ginang kaya nagpaalam muna ako sa mga bisita.
“Kuya anong masasabi mo sa ganda ng jowa mo?” tanong niya.
“Hmm… parang gusto ko na siyang yayain magpakasal” natawa naman ako sabay hampas sa braso niya.
“Pero kahit simple lang yung ayos niya, siya pa rin ang babaeng mamahalin ko habang buhay” ngumiti naman ako sa kanya at yumakap ako sa bewang niya.
“Parang gusto kong kumain ng cornic sa sobrang kakorinihan ni Kuya” sinamaan lang siya ng tingin ng kuya nito.
“Bro, nakita ko yung fiancé niya pero nagtataka ko na di kasama si Joaquin, ang pagkakaalam ko kasi ay pupunta yun ngayon pero mukhang nagkaroon ng di pagkakaintindihan yung dalawa. Umiiyak daw si Katelyn dahil halos wala nang oras si Joaquin sa kanya pero sabi lang nung girlfriend ni Jonas ay sadyang busy lang dahil doctor siya pero iba yung sinasabi niya dahil di naman nawawalan ng oras yun kay Katetlyn kahit sobrang toxic sa hospital” kwento ni Jervy.
“Di kaya babe may problema lang si Doc Joaquin sa hospital kaya ayaw niya munang sabihin yung problema kay Katelyn” saad ni Megan.
“Sa pagkakaalam ko ay wala naman naging problema ang hospital” sabat ko.
“Kung ganun bakit biglang nanlamig si Kuya Joaquin kay Katelyn?” tanong ni Winslet.
“You’re late bro” dumating na si Mico at kumuha ng wine sa waiter na nagseserve.
“Xieron” napatingin si Xieron kay Mico na ikinatingin ko sa kanya.
“What?”
“Giselle is back and she’s here sa birthday party ni Lola Fatima” Nanlaki ang mga mata nila at ako naman ay kumunot ang noo.
“Oh, hi guys did you miss me?” napalingon kami bigla sa nagsalita na yun.
“Giselle?” ngumiti naman siya kay Xieron.
‘Siya ang ex-girlfriend ng boyfriend ko.’