“I think mas maigi na magleave ka muna sa trabaho” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate Xiera. “Okay lang po ako kaya ko pa po ipagpatuloy yung pagtatrabaho ko” tanggi ko. “Kaysa naman mastress ka sa kakaisip kung nasa paligid lang yung mayor na yun. Maris iniisip ko yung kalagayan mo sa kakaisip mo yan maaaring mawala yung anak niyo” bigla naman akong napayuko. “At isa pa papunta na rin dito si Kyron mukhang tinawagan siya ng kaibigan mo rito sa opisina” biglang bumukas ang pintuan ng office ni Ate Xiera. “Babe, are you okay?” bigla ko naman niyakap si Kyron. “Okay lang ako natakot lang kasi ako kanina kaya sorry kung pinag-alala kita” ngumiti naman siya sa akin. “Mas mabuti na sa bahay namin muna kayo para masecure ang kaligtasan niyo” sabi ni Ate. “Baka kasi isang araw ay nagpaki

